UC19
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong may tao sa kwarto ko. Hindi ako gumalaw dahil naghihintay ako ng tyempo para atakihin ito. Nakakainis, hirap na hirap nga akong matulog tapos mang iistorbo pa.
"I know you're awake," si Riffle. "Nagkalat na naman sila sa labas. I already informed Isaiah's men. Aalis na tayo rito."
Napabangon naman ako. Inayos ko pa ang paningin ko dahil sobrang dilim sa loob ng bahay.
"Dumaan ka sa back door. Naghihintay si Azuke sa'yo sa kotse," pabulong nitong sabi bago ilagay sa kamay ko ang isang baril. "Use this to protect yourself. Sasalubungin ko sila."
Tumango lang ako bago maingat na lumabas ng kwarto. Dumaan ako sa backdoor at nakita ko agad si Azuke na nakasakay sa isang kotse. Nang makasakay ako ay agad nitong pinaandar ang kotse.
"Hindi natin hihintayin si Riffle?" takang tanong ko.
"Mauna na raw tayo," sagot nito. "Magiging safe ang asawa mo kaya wag kang mag alala."
"Anong asawa?" Tinutok ko sa kaniya ang baril. "Gusto mong pasabugin ko 'yang bungo mo?"
"Joke lang naman," mabilis na bawi nito. "Ibaba mo yan at baka pumutok pa."
Inirapan ko si Azuke bago ibaba ang baril. Ibinaba ko nang kaunti ang upuan ko at pumikit. Inaantok talaga ako kaya bahala na sila sa buhay nila.
"Hoy, may mga kalaban pa kaya mamaya kana matulog," sabi ni Azuke.
Hindi ko siya pinansin at tuluyan na lamang natulog.
Nang magising ako ay nasa isang kama na ako. Napaunat unat ako bago bumangon. Gutom na ako. Gusto ko nang kumain
Nakangusong lumabas ako ng kwarto kinalalagyan ko. Hinanap ko sila Riffle at Azuke pero wala sila sa loob ng bahay. Lumabas ako ng bahay at natigilan ako dahil sa nakita kong tanawin.
Malawak na farm ang bumungad sa'kin. May nakikita akong tatlong kabayo sa isang gilid. May mga parang kubo rin na pa-triangle ang disenyo.
May mga puno sa bandang dulo na may iba't ibang bungang prutas. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Parang biglang ang sarap maging normal na tao. Parang nawala ang angas ko bilang Mafia Boss.
"Death!" Napalingon ako sa sumigaw. "Dito!"
Nakita ko si Azure na nakaupo sa parang cottage, kasama nito si Riffle. May pagkain sa lamesa kaya alam kong kumakain sila.
"Hindi man lang ako hinintay," nakasimangot kong sabi bago maglakad palapit doon.
"Sarap ng tulog mo, ah?" nakangising sabi ni Azure. "Sa bagay, ang presko ng farm ng asawa mo."
"Wala akong asawa!" nakasimangot kong sabi bago maupo. "Akin 'tong pagkain?"
"Hmm," sagot ni Riffle bago tumutok ulit sa binabasa niyang magazine. "Eat, then drink your milk."
Hindi na ako sumagot at nagsimula na lang kumain. Wala akong pakielam sa kanilang dalawa. Ang gusto ko lang muna ngayon ay kumain.
"Babalik akong Manila mamaya," sabi ni Azuke. "Sulitin mona ang pagtitig mo sa'kin dahil matagal tagal mo akong hindi makikita."
"Pakielam ko sa'yo?" nakasimangot kong sabi. "Kahit ibaon mo pa ang sarili mo sa lupa, wala akong pakielam sa'yo!"
"Ang harsh naman," madramang sabi nito. "Binuhat na nga kita kanina, ganiyan ka pa?"
Hindi ko pinansin ang kadramahan niya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nang matapos ako sa pagkain ay tumayo na si Azuke.
"Alis na ako," paalam nito. "Igagala ko lang ang sports car ko sakay ang mga chika babes ko. Enjoy kayong magbahay bahayan dito." Lumapit ito sa'kin at hinawakan ang tiyan ko. "Aalis muna si Ninong, ah? Ingat ka sa tiyan ni Mommy mo."
Ngumiti sa'kin si Azuke bago maglakad palayo. Pinapaikot pa nito ang susi sa kaniyang daliri habang mayabang na naglalakad.
Mabangga ka sana!
"You look grumpy, again." Nabaling ang atensiyon ko kay Riffle.
"Pasensiya na kung grumpy ako, ah?" sarkastikang sabi ko bago siya irapan. "Riffle, gusto kong mangga. Ipitas mo ako."
"Okay." Walang reklamong tumayo ito at naglakad patungo sa isang puno ng mangga.
Nakatanaw lang ako rito. Dahil matangkad si Riffle, walang kahirap hirap lang nitong inabot ang isang sangang may mangga at pumitas.
Nang makapitas ito ay naglakad ito palapit sa'kin at inilapag sa lamesa yung tatlong mangga.
"Kakainin ko yan nang ganiyan?" Nagsalubong ang kilay ko. "Igawa mo akong sawsawan na may sili at balatan mo yung mangga."
Tumayo naman ito at pumasok sa loob ng bahay niya. Walang second floor ang bahay ni Riffle pero malaki. Kasya na ang isang pamilya.
Nang makalabas ito ay may dala na itong plato, mangkok at kutsilyo. Naupo ito at inilapag yung plato at mangkok na may asin at sili bago niya balatan yung mangga.
Hiniwan niya yung mangga nang medyo maliit at inilagay sa plato. Agad naman akong kumuha at isinawsaw iyon bago kainin.
"Sarap," natatakam na sabi ko at pumikit pikit pa. "Grabe, craving satisfied."
Nang dumilat ako ay nahuli kong nakatingin sa'kin si Riffle. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"I wish I am mango," sabi nito. "I want you to eat me with that reaction."
"Gusto mong tadtarin kita?" banta ko sa kaniya. "Hinding hindi ako tatablan ng kalandian mong lalaki ka. Never na akong papayag na gapangin mo!"
Nagkibit balikat lang ito bago tapusin ang paghiwa sa mangga. Nang matapos ito ay tahimik lang itong nagbasa ng magazine.
Nainis naman ako sa inasta nito. Ewan ko, pero gusto kong nagsasalita ito at nakatingin lang sa'kin.
"Bakit hindi mo ako pinapansin!?" inis kong tanong sa kaniya.
"What?" Ibinaba nito ang magazine at tumingin sa'kin. "I don't want to disturb your meal."
"Bahala ka sa buhay mo!" Kinuha ko yung mangga platong may mangga at yung sawsawan. Lumipat ako sa ibang cottage.
Mas mahala pa yung magazine kaysa sa'kin. Ede sana yung magazine na lang ang binuntis niya. Teka, ano bang pakielam ko? Ganito ba epekto nang pagbubuntis? Parang ayaw ko nang mabuntis.
"Hey..." Hindi ko siya pinansin. "Come on, don't be mad."
Kausapin mo yung magazine mo!
"Josefina," malambing na sabi nito. "What do you want? Tell me." Naupo ito sa kaharap kong upuan bago hawakan ang baba ko. "What do you want, Mamour?"
"Anong mamour?" salubong ang kilay na tanong ko. "Talaga bang ginagago mo ako?"
"It's for you to find out," nakangiting sabi nito. "You want to ride a horse–No, no, no, you're pregnant. You can't ride a horse, but I think you can ride me."
"Isa pang ganiyan mo, sasaksakin kita," banta ko sa kaniya. "By the way, anong nangyari doon sa umaaligid sa village ni Isaiah? Nahuli mo ba sila? Mga tauhan mo sila, 'di ba?"
"Hmm." Tumango ito. "I knocked them out. Siguro nasa Underground na sila ni Isaiah."
"Pinahuli mo lang sila nang gano'n gano'n?" hindi makapaniwalang tanong ko. "You should protect them. They are your men, right?"
"No, they don't deserve to be protected," malamig na sabi nito. "They deserve to fvcking die because they are trying to hurt you! How dare them!"
"Riffle, kaaway mo ako. Natural lang na gustuhin nila akong patayin –"
"–No," malamig na putol nito sa sasabihin ko. "You can do whatever you want at me. You can hurt me or kill me. You're very important at me, Josefina, that's why I'm willing to give up everything just for you."
Before I could find my word, he left. He left me, speechless.
________________
IF YOU WANT TO READ THE ADVANCE UPDATE. YOU CAN AVAIL MY VIP GROUP.
PM THIS ACCOUNTS FOR MORE INFO:
FB: KwinDimown WP/Kwindaymown WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro