TSOB:5
"MAGKAKULAY na tayo," natatawang sabi ko kay Cyrin. "Masyado kang nagbabad sa dagat eh."
"Yun nga gusto ko po eh, gusto ko pareho tayo color." sagot nito. "Gusto ko po ng color mo."
Napangiti naman ako at ginulo ang basa niyang buhok.
"Aba, hindi ako magpapahuli." sabad ni Jonathan. "Diba? Para na tayong triplets. Sa wakas, na-achieve rin namin ni Cyrin ang kulay mo, ate."
"Laging nagbababad sa araw ang mga yan, gustong gusto raw kasi nilang maging kakulay mo." sabi ni mama. "At ayan, kaunti na lang sobrang achieve na nila."
"Bakit naman gusto niyo ng kulay ko?" tanong ko sa mga kapatid ko.
"Kasi maganda po!" sabay na sagot nila.
Natawa na lang ako at napailing. Buti na lamang talaga at may mga taong nakaka-appreciate kung ano talaga ako.
Nang makarating kami sa room namin sa hotel ay agad dumiretso ang mga kapatid ko sa isang kuwarto sa dulo. Tatlo ang kuwarto nitong room, yung isa para sa dalawang kapatid ko, yung isa ay sa mga parents ko at yung isa ay sa'kin.
"Magbihis kana at magpahinga," sabi ni mama. "Tatawagin na lang kita kapag hapunan na."
"Salamat po."
Dumiretso ako sa kuwarto ko at agad nangalkal ng damit. Saglit akong naligo sa C.R para mawala ang kati sa aking katawan. Hindi ako gaanong naligo sa dagat dahil sumasakit ang balat ko sa araw.
Naupo ako sa kama ko habang sinusuklay ang lagpas balikat kong kulot na buhok.
Nasa ganoon akong posisyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang dinampot iyon at tiningnan kung sino ang nag-text.
From: 09*********
Hey, it's me.
Napangiti na lang ako bigla at napakagat sa ibabang labi ko. OMG! On my 27 years existence, ngayon lang ako kinilig ng ganito.
Huminga ako nang malalim at sinave ang number niya sa contact ko, bago siya replyan.
To: Xaitan
Hi, kumusta yung work mo?
________
From: Xaitan
Tiring, but I'm good now. What are you doing?
_______
To: Xaitan
Nasa kuwarto lang. Nakaupo.
______
Halos mapasigaw ako nang tumunog yung cellphone ko. Nataranta ako nang makitang si Xaitan ang tumatawag. Ikinalma ko muna ang sarili ko ng ilang segundo bago sagutin ang tawag.
"H-hello?"
"Hey," napalunok ako dahil sa lalim ng boses niya. "You're voice is shaking. Are you okay?"
Tumikhim ako. "Oo, sa ginaw lang siguro kaya ganon."
"Okay." Nagkaroon ng katahimikan. Ang awkward naman, hindi ko alam kung paano makikipag usap sa kaniya. "Hey, Xaitan! Come on, join us!"
Natigilan ako nang may marinig akong boses ng babae. May narinig din akong medyo malakas na music.
"May gagawin ka ata," sabi ko. "Sige na, baka maistorbo pa kita."
"I'll call you later," malambing na sabi nito. "Bye."
Napanguso na lamang ako nang mamatay ang tawag. Handa kona sanang ibaba ang cellphone ko pero muli itong tumunog. Tiningnan ko ang caller at si Delaney ang tumatawag.
"Nasa palawan ka?" bungad agad sa'kin nito. "Gaga! Help me!"
"Bakit? Anong nangyari?" tarantang tanong ko. "Hinahabol kapa rin ba nung mga taong yun? Natagpuan kaba nila?"
"Mas malaki ang problema ko," bakas sa boses nito ang sobrang pag aalala at stress. "Tang ina, may asawa na ako."
"ASAWA!?" napasigaw ako dahil sa gulat. "Teka! Wala ka ngang boyfriend diba?"
Kinwento nito sa'kin ang mga nangyari at halos gusto ko siyang sapukin dahil sa katangahan at kagagahan niya.
"Anong gagawin mo niyan?" nakangiwing tanong ko.
"I don't know!" inis niyang sagot. "Send mo sa'kin ang location mo, pupunta ako diyan."
Bago pa ako makasagot ay agad na ako nitong pinatayan ng tawag. Napahinga na lang ako nang malalim at tinext sa kaniya ang lugar kung nasaan ako. Mukhang mamomroblema din yata ako sa problema ni Delaney.
Ginugol ko lang ang oras ko sa paglalaro ng online games. Ayokong tumambay sa social media dahil alam ko namang may mababasa na naman akong masama tungkol sa'kin.
"Anak?" napatingin ako sa saradong pintuan nang may kumatok. "Kakain na tayo."
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at alas sais na pala ng gabi. Ang tagal ko rin pa lang nakatutok sa cellphone.
"Ayan na po!" Inilapag ko yung cellphone ko at bumaba ng kama. Lumabas ako ng kuwarto at nadatnan ko ang sunog kong nanay.
"Ma, magkakakulay na ata tayong lahat." natatawang sabi ko.
"Family goals," sagot niya lang.
Nagtungo kami sa kusina at hindi ko mapigilang matawa nang makita ang kulay nila. Confirmed. Iisa na talaga ang kulay namin.
"Ang ganda ng kulay natin," natatawang sabi ko. "Siguradong ma-i-issue na naman kayo ng mga kapitbahay niyo."
"Wala lang silang pang-beach," sabi ni tito.
Nagsimula na kaming kumain, tahimik lamang ako habang sila mama at Cyrin ay apura ang daldal.
"Ate, boyfriend mo po yung poging lalaki kahapon?" tanong ni Cyrin na ikinasamid ko.
Mabilis kong dinampot ang isang basong tubig at nilagok ito. "Grabeng tanong naman yan, ang bata mo pa pero alam mona ang mga ganiyang bagay."
Ngumisi ito. "Naririnig ko po kasi sila mama at papa, ang sabi nila boyfriend mo raw yung kasama mo."
Nilingon ko si tito at mama na painosenteng nakatingin sa'kin. "Katrabaho ko lang yun at kaibigan...ata?"
"Bakit hindi sure?" nakangising tanong ni Jonathan. "Gusto mo bang higit pa sa kaibigan."
"Jonathan!" hinila ko ang tainga at mahina siyang piningot. "Hindi ko sure kasi kakakilala lang namin, ang assuming ko naman kung iisipin kong magkaibigan na agad kami."
"Ayaw kasing friends ni ate, crush niya kasi." hagikhik ni Cyrin.
"Gusto mo makurot ang singit?" muli lang itong humagikhik bago tumayo at lumabas ng kusina.
"Ma, ako na pong bahala dito." sabi ko. "Doon na lang kayo dahil alam kong aasarin niyo lang ulit ako."
Nagtawanan sila at lumabas ng kusina. Napailing na lang ako at sinimulang ilagay sa lababo ang mga maruming pinggan. Pinunasan ko muna at nilinisan yung lamesa bago ko simulang hugasan ang mga pinggang marumi.
Nang matapos ako ay maayos ko itong itinaob bago magtungo sa kusina.
"Gusto niyong ice cream?" tanong ko sa kanila. "May malapit na convenient store dito, bibili ako."
"Gabi na, masyadong delikado." sabi ni tito.
"Okay lang po, maliwanag naman sa labas at puno ng guard." nakangiting sabi ko. "Saglit lang po ako, promise."
"Sasamahan kita," sabi ni tito kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.
Kinuha ko ang wallet ko sa kuwarto at saka kami lumabas ni tito. Nagbilin pa nga ang dalawang kapatid ko ng mga junk foods na paborito nila.
"Ayaw mo pang magpasama, ang daming umiinom sa gilid." sabi ni tito.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at hindi kumibo.
Nang makarating sa convenient store ay agad akong namili. Gusto po sana ni tito ang magbayad pero tumanggi ako.
"Ang dami nito," sabi niya habang tinitingnan ang mga bitbit niya. "Baka wala ka ng pera."
"Tito, mayroon pa po." natatawang sabi ko. "Minsan lang naman din po ito."
Nasa gitna kami ng paglalakad nang bigla na lamang may pumutok ng malakas. Napatakip na lang ako sa tainga ko at napapikit dahil sa sobrang gulat.
"Ano ba yun?" takang tanong ko at nilingon si tito. "Tit–"
Natigilan ako nang biglang bumagsak si tito habang sapo ang tagiliran niyang puro dugo.
"TITO!" agad ko siyang dinaluhan. "Tito, ano pong nangyari? Tito!"
Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko kasabay nang panginginig ng aking kamay.
"Tito, wag kang pipikit." umiiyak kong sabi. "Nandito lang po ako, tito."
"What happened!?" Napalingon ako sa nagsalita. "Shit! Let's take him to hospital."
Tumango na lang ako at hindi na siya tinanong kung bakit nandito siya. Binuhat namin si tito at ipinasok sa isang kotse.
"Okay lang ako," sabi ni tito.
"Hindi ka po okay," umiiyak kong sabi. "Wag kang pipikit ah? Ayokong mawalan ulit ng papa, wag mo po kaming iwan nila mama."
Tumango lang ito at hinawakan ang kamay ko.
Lord, gabayan niyo po sana si tito. Ayoko pong mawala siya. Wag niyo po muna sanang kunin ang papa ko.
*****************
WANT TO READ THE ADVANCE UPDATE? JOIN NA PO KAYO SA VIP GROUP KO PARA HINDI BITIN.
KINDLY PM ME IF YOU'RE INTERESTED.
FB: KwinDimown WP/Dim Ferrer
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro