TSOB:37
SCIRYN
"CONDOLENCE.." Niyakap ako ni Delaney. "Nandito lang ako palagi sa'yo, Sciryn.."
"Salamat," halos walang boses kong sabi.
Napatitig ako sa kabaong na nasa harapan ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang kumirot ito. Hindi ko akalaing hahantong pa siya sa kamatayan.
Parang kailan lang ang saya saya naming tapos biglang ganito. I can't imagine, this disaster will happened to us.
"Sciryn, umakyat ka muna." Ngumiti sa'kin si Mommy Celine. "Sige na, kailangan mong magpahinga."
Dahan dahan kong itinango ang ulo ko bago tumayo. Nilingon ko muna ang kabaong na nasa harapan ko bago umakyat patungo sa kuwarto ni Xaitan.
"Ayaw mo man lang bang silipin siya?" tanong ko sa taong nadatnan ko sa loob. "Siguradong matutuwa siya kapag sinilip mo siya."
"Pero hindi ako matutuwa.." Humarap ito sa'kin at yumakap. "For the second time, he saved me. . . But this time, he won't awake anymore. . . He died, because of me.."
"Xaitan. . ." Hinaplos ko ang likod niya. "Wag mong sisihin ang sarili mo, masaya si Yuki na iniligtas ka niya. Mahal na mahal ka ni Yuki.."
"Hindi ko man lang siya nagawang protektahan," bulong nito. "Mula pagkabata, puro ako ang pinoprotektahan niya. Hindi ko man lang nasabi na sobrang proud ako dahil kapatid ko siya."
Sunod sunod ang hikbi nito at alog ng balikat nito. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya.
"Xaitan..."
"I-I can't with this pain, Sciryn. I-I think I'm gonna die. . . P-please save me from this pain." Unti unti itong napaluhod kaya agad ko siyang pinantayan.
"Tama na, Xaitan. . ." Hinawakan ko ang pisngi niya at pinaharap siya sa'kin. "N-nandito ako lagi sa tabi, nandito kami ni baby yuki natin. Yes, wala na sa mundo ang kapatid mo pero palagi ka niyang binabantayan.." Inilapat ko ang aking kamay sa dibdib niya. "Palagi siyang nasa puso mo at hinding hindi siya mawawala diyan."
Tumango lang ito at parang batang yumakap sa'kin. Dahil hindi ko kinaya ang bigat niya nahiga na kami sa lapag. Nakabaluktot ito habang nakayakap sa'kin.
"Tahan na ang baby kona yan," alo ko dito na tila ba isa siyang sanggol. "Siguradong tinatawanan ka ngayon ni Yuki, mafia na iyakin."
"Don't leave me.." Humigpit ang yakap nito sa'kin. "Kapag ayos na ako, babawi ako sa inyo ni baby. I love you."
"I love you too, Xaitan." Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap din nang mahigpit.
Matapos kaming isugod sa hospital ay naging kritikal ang lagay ni Xaitan at Yuki, mas malala nga lang si Yuki kaya agad siyang binawian ng buhay. Kinailangan ng blood donor ni Xaitan at ang ibinigay nila ay ang dugo ni Yuki.
Si Yuki ang sumalo ng mga balang para kay Xaitan kaya grabe ang naging lagay niya. Hindi rin inaasahan na doon na matatapos ang buhay ng binata.
Halos magwala si Xaitan nang mabalitaan ang nangyari sa kaniyang kapatid. Ilang beses din akong dinugo dahil sa mga emosyong nararamdaman ko. Buti na lang at makapit ang baby namin, pero binalaan ako ng doctor na kailangan ko nang mag ingat.
"Hindi kita iiwan," bulong ko kay Xaitan. "Nandito lang kami ni baby para sa'yo."
Sa ganoong posisyon kami nakatulog ni Xaitan. Nang magising ako kinabukasan ay nasa ibabaw na ako ng kama at wala na si Xaitan sa aking tabi.
Umalis ako sa kama at dumiretso sa C.R para maghilamos. Bumaba ako pagkatapos at nadatnan ko si Xaitan na nakatayo sa harapan ng kabaong ni Yuki. Malungkot ang mga mata nitong hinahaplos ang salamin ng kabaong.
"Xaitan. . ." Nilapitan ko siya.
"He's smiling," sabi nito. "He's happy.."
"He's happy because he saved his little brother," bulong ko. "I told you, he loves you so much."
Ngumiti si Xaitan at umakbay sa'kin. Mahina nitong sinuntok ang kabaong ng kapatid na parang nakikipag-fist bomb bago ako akayin paalis doon.
Nagtungo kami sa kusina at nadatnan namin doon ang mga kaibigan niya na may kaniya kaniyang ginagawa.
"Gumagawa kami ng pagkain niyo," sabi ni Isaiah.
Kilala kona sila at masasabi kong kahit mukha silang papatay ay mababait sila.
Naupo kami at nagsimulang kumain. Sumabay naman ang mga ito sa'kin.
"Nasaan si Delaney?" tanong ko kay Third.
Hindi ito sumagot at umiwas lang ng tingin. Magtatanong pa sana ako pero hinawakan ni Xaitan ang kamay ko at umiling. Mukhang may problema si Delaney at Third.
"Thanks for coming," sabi ni Xaitan habang kumakain kami. "Busy kayo pero dumaan pa rin kayo."
"Yuki is our friends too," sabi ni Oscar. "Even he's loudy and crazy."
Maliit lang na ngumiti si Xaitan. Hinaplos ko naman ang kamay nito kaya napalingon siya sa'kin.
"Kingford, is not your fault." Isaiah spoked. "Before that incident, Yuki talked to me. He said, whatever happens to him, it's his choice. Don't blame yourself, Kingford. Kung ako rin ang nasa sitwasyon ni Yuki ay ganoon din ang gagawin ko."
"I just can't stop blaming myself." Napahinga nang malalim si Xaitan. "Hindi man lang dumating sa pagkakataon na naipagtanggol ko siya. Sa akin umikot ang buong buhay ni Yuki.."
"You need to be strong, Kingford." Fifth, tapped his shoulder. "Remember that you have a woman that you need to marry and you have a child. Cheer up yourself, Xaitan."
"Thanks." Ngumiti si Xaitan at binalingan ako ng tingin. "Let me feel this sadness for a while, babawi ako sa inyo ng anak natin. I love you."
"Naiintindihan ko, Xaitan. Kahit gaano pa katagal yan, iintindihan kita." Hinalikan ko siya. "Nandito lang kami ni baby Yuki para sa'yo."
Yumakap lang ito sa beywang ko at isinubsob ang mukha sa aking leeg.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro