TSOB:35
"SHIT!" mura ni Yuri nang may magpaputok sa gawi namin.
Agad ako nitong hinila patago sa isang gilid.
"Marunong kang gumamit ng baril?" seryosong tanong nito sa'kin.
Umiling ako. "Hindi.."
"Matututo ka ngayon," sabi nito at inilagay sa kamay ko ang isang baril. "Medyo tumatalino ang ama ko kaya mahihirapan akong ialis ka dito."
Napatitig naman ako sa baril na hawak ko at wala sa sariling pinindot ang gatilyo.
"Puta!" gulat na sambit ni Yuki. "Ikaw pa lang papatay sa'kin eh!"
"Sorry." Nag peace sign ako sa kaniya. "Ano nang gagawin natin?"
"Sumunod ka lang sa'kin," sabi nito at tumayo. "Tara na."
Kagaya nang sabi niya ay nasa likod niya lang ako. Sa tuwing may makakasalubong kaming kalaban ay nagtatago ako sa likod ni Yuki, ito naman ay pinapatay ang mga ito.
"Wag kang matakot, handa akong iharang ang katawan ko maprotektahan lang kita," seryosong sabi nito. "Malapit na tayo sa kotse, sumakay ka agad."
"Sige," mahinang sagot ko.
Malapit na kami sa kotse nang may humila sa'kin. Natuod na lang ako at nakasigaw nang itutok nang humila sa'kin ang kaniyang baril sa aking tiyan.
Ang baby ko.
"Sinong gusto mong unahin ko?" kahit hindi ko makita ang kaniyang mukha, alam kong ito ang matandang dumukot sa'min. Ang ama ni Yuki. "Akala siguro ni Kingford ay maiisahan niya ako sa plano niya. So, sinong gusto mong mauna? Ang nasa tiyan mong walang muwang? Ikaw? O ang lalaking mahal mo?"
"Hindi mo ako magagalaw dahil siguradong papatayin ka ni Xaitan," matapang kong sabi kahit pa dinadagundong na ako ng kaba. "Papatayin ka niya."
Tumawa ito. "Tingnan natin kung sino ang mauuna sa aming dalawa–"
"–Dad!" Napalingon kami kay Yuki. "Let go of her!"
Madiin ang hawak nito sa kaniyang baril habang nakatutok ito sa kaniyang ama.
"I'm your father, Yuki! Ako dapat ang tinutulungan mo! Ako ang nagligtas sa'yo pero tinraydor mo pa rin ako!" galit na sabi ng ama ni Yuki.
"Ofcourse, you saved me because you're the one who did that incident!" Naglakad palapit sa'min si Yuki. "Talagang inilagay mo ako sa kamatayan kapalit ng kasakiman mo!"
"Kapag humarang ka sa mga plano ko, kalilimutan kong anak kita at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" Tinutok sa kaniya ng kaniyang ama ang baril.
"Yuki, umalis kana.." mahinang sabi ko. "Hindi ka pwedeng mamatay."
"Hindi ko hahayaang mamatay ka," madiing sambit nito.
"Let go of her motherfvcker shit or I will blow your head?" Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Xaitan mula sa likuran namin. "I already told you that once you touch her you need to say goodbye to this world."
"Kingford.." Tumawa ang ama ni Yuki at binitawan ako.
Takot na lumapit naman ako kay Xaitan at yumakap sa beywang nito.
"You're done," malamig na sabi ni Xaitan sa matanda. "Any last word?"
"Don't kill him," pigil ni Yuki at lumapit sa'min. "He's still my father. Ikulong niyo na lang siya. Just don't kill him."
Napahigpit ang hawak ni Xaitan sa kaniyang baril bago ito ibaba. "Just be thankful because your son is here."
"You're so soft." Humalakhak ang matanda. "At dahil diyan, kayang kaya kitang patayin.."
Naglabas ng granda ang ama ni Yumi kaya pare pareho kaming natigilan habang nakatingin sa kaniya.
Natatakot ako. Natatakot ako para sa anak ko, natatakot ako para kay Xaitan, natatakot ako para kay Yuki, natatakot ako para sa'kin.
"Umalis kana," bulong sa'kin ni Xaitan. "Ilayo mo ang anak natin dito."
"P-paano ka?" Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. "Xaitan, hindi pwedeng mamatay ka."
"I won't die." He kissed my forehead. "Go now. Tatapusin ko lang ang kabaliwan ng matandang 'to."
Lumuluhang tumango ako bago maglakad paatras. Lumingon naman sa'kin ang ama ni Yuki at ngumisi nang malawak.
"Bad move.." nakangising sabi nito.
Mabilis nitong tinanggal ang singsing ng granada at hinagis sa akin. Parang kinapos ako ng hininga at natuod na lang sa kinatatayuan.
"SCIRYN!" sigaw ni Xaitan at mabilis na lumapit sa'kin.
Sinalo nito ang granada at hinagis pero kasabay no'n ang paghugot ng baril ng ama ni Yuki. Hindi kona alam ang mga nangyayari dahil masyado akong nabingaw sa malakas na pagsabog malapit sa'min.
Tulalang napaupo na lamang ako habang nakatingin sa tatlong lalaking nakahandusay sa harapan ko at duguan.
"X-Xaitan...Y-Yuki..."
Nanginginig na inabot ko sila at para akong nabaliw nang mahawakan ko ang maraming dugong nakabalot sa kanilang katawan.
"H-hindi.." Iniling ko ang ulo ko. "XAITAN! YUKI!"
"A-ako ang mabubuhay.." Napalingon ako sa ama ni Yuki na nakangisi. "Sa wakas.."
Kinuha ko ang baril na nasa gilid ko at tumayo. Nilapitan ko ang ama ni Yuki at itinutok dito ang baril. Nanginginig na kinalabit ko ang gatilyo habang nakapikit.
Nang maubos ang bala ay muli na lamang ako napaupo at napahagulgol.
"Xaitan, uuwi na tayo.." bulong ko. "Bumangon na kayo ni Yuki.... Ilayo niyo na ako sa lugar na 'to."
Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa'kin pero ang atensiyon ko ay nasa dalawang binatang naliligo sa sarili nilang dugo.
"Sciryn," hindi ko nilingon ang nagsalita. "We need to bring you to hospital."
"Si Xaitan at Yuki." Niyakap ko ang taong lumapit sa'kin. "Buhay sila diba? Hindi pwedeng mawalan ng ama ang baby ko. Buhayin niyo silang dalawa, please..."
"We will do our best," bulong nito at binuhat ako. "You need to calm down. Dinudugo ka."
Mas lumala ang takot ko nang mapatingin sa likidong umaagos pababa sa binti ko.
Hindi kona alam pa ang mga sumunod na nangyari dahil nilamon na ako ng dilim at kinapos na ako ng hininga..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro