TSOB:30
NANG magising ako ay nasa isang hindi pamilyar na kwarto na ako. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang isang lalaki na hindi pamilyar sa'kin.
"Don't worry, you're safe here." Naupo ito sa sofa na nasa paanan ko. "Kingford, can't go home because his flight is cancelled."
Tumango lang ako at naupo sa kama.
"Are you hungry?" Umiling ako. "I know you're still afraid because of what happened."
"Si Yuki? Ayos lang ba siya?" mahinang tanong ko.
"He's fine," sagot niya. "Hindi nga lang siya pwedeng tumapak dito sa lugar namin dahil may record siya sa list ng king namin."
"Yung cellphone ko? Kailangan kong tawagan si Xaitan–" Hindi kona naituloy ang sasabihin ko nang ibato nito ang isang cellphone sa higaan.
"Your cellphone is gone," sambit niya. "May nakita kaming hindi maganda sa cellphone mo kaya tinapon na namin, yan na ang bago mong phone. Don't worry, lahat nang laman ng cellphone mo ay nandiyan na."
Tumango lang ako at kinuha ang cellphone ko.
May nakita akong text nila mama na kaagad ko namang ni-reply-an, may mga text din ni Xaitan. Pinindot ko ang number ng binata para tawagan pero hindi naman ito sumasagot.
"Gusto ko nang umuwi," sabi ko doon sa lalaki. "Uuwi muna ako sa pamilya ko."
Tumango ito at tumayo. "Yuki is outside, siya ang maghahatid sa'yo sa palawan."
Lumabas ito ng kuwarto at kaagad naman akong tumayo para sundan siya. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko pero pinilit kopa rin na makapaglakad.
Nang makalabas kami sa kuwartong iyon ay bumungad sa'min ang maraming kalalakihan na kaawra nitong kasama ko.
"Nasaan ba ako?" mahinang tanong ko.
"Nasa lugar ni Kingford," sagot nitong lalaki at may itinurong hagdan. "Umakyat ka sa hagdan na yan at makikita mo ang labas."
"Salamat." Tipid akong ngumiti bago siya talikuran.
Inakyat ko ang hagdan na sinasabi niya at kaagad na bumungad sa'kin sa dulo si Yuki.
"Tara na?" Hinawakan nito ang kamay ko. "Nagkausap na kayo ni Xaitan?"
"Hindi siya sumasagot," sagot ko. "May naging problema ba siya sa Russia?"
"Hindi ko rin alam," sagot nito. "Tara na, baka mamaya pag initan na naman tayo ng mga kalaban ni Xaitan."
Lumabas kami sa parang bodega na yun at sumakay sa kaniyang sasakyan. Tahimik lang ako sa byahe habang nakatingin sa labas, hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari, masyadong sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyari.
Nang makarating sa airport ay dire diretso lang kami. Hindi kona alam ang mga nangyayari basta natagpuan kona lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng eroplano.
"I know you're not okay," seryosong sabi ni Yuki. "Ako na ang makikipag usap sa management natin, magpahinga ka muna sa piling ng pamilya mo."
"Hindi ba sila madadamay?" nangangambang tanong ko. "Hindi naman sila mapapahamak, diba?"
"May mga nagkalat na tauhan ko at tauhan no Xaitan sa paligid niyo, don't worry, kapag natapos ko ang pag aayos ng gulo sa manila babalik kaagad ako sa palawan." sabi nito.
Kimi naman akong ngumiti at tumango sa kaniya.
Buong biyahe namin ay tahimik lang ako, gustuhin ko mang matulog ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay may babaril sa'kin anumang oras.
Nang makalapag ang eroplano ay kaagad kaming bumaba ni Yuki at lumabas ng airport. Sumakay kami sa isang kotse ni Yuki.
"Hindi pa rin sumasagot si Xaitan," sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko. "Baka may nangyari na sa kaniya."
"Ayos lang si Xaitan," sabi nito. "Magpahinga ka muna, Sciryn, kailangan iyon ng katawan at isip mo."
Tumango lang ako at napahinga nang malalim. Nang makarating kami sa bahay ay kaagad akong bumaba.
"Hanggang dito na lang ako," sabi ni Yuki. "Tumawag ka kaagad sa'kin kapag may problema."
"Salamat. Mag iingat ka, Yuki." Tumango lang ito bago umalis.
Tinanaw ko munang mawala ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob ng bahay.
"Sciryn!" Mabilis akong sinalubong ni mama. "Napanood ko yung balita, anak. Ayos ka lang ba? Hindi kaba nasaktan?"
"Ayos lang po ako," sagot ko. "Kayo po? Wala po bang nangyaring masama sa inyo?"
"Ayos lang kami," sagot nito. "Grabe naman ang mga terorista na yun, kung nagkataong may nangyari sa'yo baka nakipagbarilan din ako sa kanila."
Natawa lang ako at niyakap si mama. Pakiramdam ko ay naibsan ang pagod ko nang mayakap ko ang mama ko.
"Maupo muna kayo," sambit ni tito. "Siguradong pagod sa biyahe ang anak natin."
Naupo kami sa sofa katabi ng mga kapatid ko at ni tito.
"Ate, wala si Kuya Xaitan?" tanong ni Jonathan.
"Nasa russia siya," sagot ko. "May trabaho siyang tinatapos. Uuwi dapat siya pero hindi natuloy dahil may aberyang nangyari."
Nakipag-kwentuhan muna ako sa kanila saglit bago ako magtungo sa aking kuwarto para magpahinga. Nagpalit muna ako ng damit bago mahiga sa kama ko at tawagan ulit si Xaitan.
"Xaitan!" masayang sabi ko nang sumagot siya. "Xaitan, ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatawagan–"
"–This is Illana." Natigilan ako nang marinig ang boses ng isang babae. "Sciryn, right?"
Tumikhim ako. "Y-yes... Bakit na sa'yo ang cellphone ni Xaitan?"
"He didn't told you? I'm with him, magkasama kaming dalawa ngayon sa Russia." Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sinabi niya. "We're facing some businesses here, ang alam kasi nila ay ako pa rin ang couple ni Xaitan kaya pumapabor sila ngayon sa binata. We're partners in underground businesses too."
"Gano'n ba? Nasaan siya?" mahinang tanong ko.
"He's not here, binalikan niya yung gamit namin sa hotel naming dalawa." Magkasama sila sa hotel? "Pauwi na kasi kami ng Philippines ngayon."
"S-sige, pakisabi na lang tumawag ako.." Binaba ko ang tawag at napatingin na lang sa cellphone ko.
Ipapatong kona sana ang cellphone ko sa bedside table pero natigilan ako nang tumunog ito. Binuksan ko ang message na ipinadala ni Xaitan at gano'n na lang ang kirot sa puso ko nang makita ang litrato ni Xaitan at Illana. They are both lying in bed while kissing each other.
Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko at napahawak na lang sa dibdib ko. Habang ako muntik mamatay, nandoon siya sa russia at nagsasaya kasama ang ex niya. Bakit naman ganito? Am I not enough for him? Dahil ba mas maganda si Illana? Dahil ba mas nauna si Illana?
Mahal niya ba talaga ako? O nakikita niya lang si Illana sa katauhan ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro