Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TSOB:3

   

   .  ALAS SINGKO pa lang ng madaling araw ay rinig na rinig kona ang boses nila mama, na nanggagaling sa labas.

Dahil hindi na rin naman ako makatulog ay lumabas na ako para makigulo rin sa kanila.

Natahimik sila nang pumasok ako sa kusina, nagtataka ko naman silang tiningnan at naupo.

"Masyado ba kaming maingay?" tanong ni mama.

Umiling ako. "Maaga rin po akong natulog kagabi kaya maaga akong nagising."

"Sandali, ipagtitimpla kita ng gatas." sabi ni mama.

Tumango lang ako at nilingon si tito na busy sa paghalo sa kawali. Kumekendeng kendeng pa ito na parang enjoy na enjoy sa ginagawa.

Isang chef si tito, yun ang naging trabaho niya sa mahabang panahon. Gustong gusto ko ang luto niya dahil ang sarap.

"Nagluluto ako ng buttered crab," sabi ni tito at nilingon ako saglit. "Favorite mo iyon diba?"

"Opo," tumango ako.

"Kaso hindi ko muna nilagyan ng spicy sauce, kakain din kasi ang mga kapatid mo. Nagluto na lang ako ng chili paste para sa'yo," hininaan nito ang apoy ng kalan. "Okay lang ba sa'yo yun?"

"Ayos lang po, tito."

Maya maya lang ay inilapag na ni mama yung gatas ko na may kasamang pandesal. Nagpasalamat naman ako sa kaniya bago simulang kainin yung pandesal.

"Mama, hahanda lang namin ni Cyrin yung damit namin." excited na sabi ni Jonathan.

Bago pa makasagot sila mama ay agad nang tumakbo ang mga ito palabas ng kusina. . . Tinapos ko naman ang pag-aalmusal ko at tinulungan na sila mama.

"Mama, tutulong na po ako." pamimilit ko kay mama. "Wala naman po akong ginagawa."

Napanguso na lang si mama at tumango. Ayaw niya kasi akong patulungin, buti na lang at napakiusapan siya ni tito.

6:30 na mahigit nang matapos kami sa pagluluto, dalawang araw pala kami sa beach kaya marami silang niluto. Karamihan sa niluto nila ay hindi kaagad napapanis at pwede pa kinabukasan.

"Hindi kana maliligo?" tanong ni mama. "Sa bagay, maliligo rin naman kapag dumating doon."

"Opo," sagot ko. "Sayang damit."

Pareho kaming natawa ni mama.

Hinintay lang namin ang mga kapatid ko na pang-isang linggo yata ang dinalang damit. Nang makuha na namin lahat ng gamit ay isinakay namin ito sa van na inarkila ni tito sa ninong ni Jonathan.

Tahimik lang ako sa biyahe habang yung dalawa kong kapatid ay siya lamang maingay.

"Ate, picture tayo mamaya ah?" tinanguan ko si Cyrin. "Iinggitin ko yung mga classmates kong idol ka."

Natawa lang ako at kinurot ang pisngi niya.

Halos dalawang oras yata ang binyahe namin bago kami makarating sa beach na sinasabi nila mama. Pinark nito ang van bago kami bumaba.

Naglakad kami papasok sa loob ng resort. Kinausap nila tito ang receptionist saglit.

"Dumiretso na kayo, kami na ang bahala sa gamit." sabi ni tito. "Sige na."

"Ate, doon po tayo!" Hinila na ako ni Cyrin at Jonathan kaya wala na akong nagawa.

Balak ko sanang magpalit dahil ang dungis ko at nakapantulog lang ako. Hindi ko naman sila pwedeng iwanan, lalo na si Cyrin.

Huminto ang mga ito sa dagat. Tuwang tuwa si Cyrin habang sinasabuyan ng tubig si Jonathan.

Bahagya akong lumayo at kinuhanan silang dalawa ng video at litrato. Natawa na lang ako nang isubsob ni Cyrin si Jonathan sa tubig bago ito tumakbo palapit sa'kin.

"Tutumba tayo," natatawang sabi ko kay Cyrin.

Tumawa lang ito at lalo pa akong hinala, doon na ako nawalan ng balance. Hinintay ko ang pagbagsak ko sa buhangin pero sa halip ay may mga brasong lumapat sa aking likuran para saluhin ako.

Napakurap kurap na lang ako nang bumungad sa'king harapan ang mukha ng lalaking laging nagpapakabog ng dibdib ko.

"D-direk..."

Ngumiti ito. "Buti napadaan ako, sa bato dapat ang bagsak mo."

Umayos naman ako tumayo at lumingon sa likuran ko. May malaking bato doon na hindi ko napansin kanina.

"Salamat po," nahihiyang sabi ko. "Nandito rin po pala kayo. Nagbabakasyon ka po?"

Tumango ito. "I miss surfing and I need to relax before going back to work."

"Tama po yan," tanging naisagot ko..

Hindi ko alam kung anong pang pag uusapan namin. Hindi naman kami ganoon ka-close na dalawa.

"Ate, sorry po." Napalingon ako kay Cyrin. "Sorry po."

"Okay lang," nginitian ko siya. "Sige na, makipaglaro kana ulit sa kuya mo."

Tumango ito. Kumaway muna ito kay Direk Xaitan bago ito naglakad patungo kay Jonathan.

"You're with your family?" tanong nito.

"Opo, dire–"

"Cut the direk," putol nito sa sasabihin ko. "Wala naman tayo sa trabaho, okay lang kahit hindi masyadong formal. Just call me, Xaitan."

Napatango ako. "Xaitan.."

"Good to hear," Hinawi nito ang may kahabaang buhok niya. "Want me to tour you?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nilingon ang mga kapatid ko. "Gusto ko sana, kaso walang bantay ang mga kapatid ko. Wala pa kasi sila mama."

"Let's wait them." Naupo ito sa buhangin. "Kapag dumating na sila, at saka tayo gagala."

Napangiti naman ako at naupo sa tabi niya. Nakatingin lang kami sa dagat, gusto ko sana siyang tingnan kaso baka matulala na naman ako.

"You're wearing pajama here in beach," nag init ang pisngi ko at napatingin sa suot ko. Bahagya ko ring inamoy ang sarili ko dahil baka mabaho ako.

"Hindi na ako nakapagbihis kasi hinila na ako ng mga kapatid ko," mahinang sabi ko. "At saka wala namang masama sa suot ko ah?"

"I didn't say anything," natatawang sabi nito na ikinanguso ko. "It suits you."

"Ano bang gusto?" Nilingon ko siya. "Yung mga babaeng naka-swimsuit? Ganoon ba yung tipo mo?"

"Hmm," inilibot nito ang paningin sa kabuuan ko. "Depende kung anong suot mo."

"Ha?"

Umiling lang ito at natawa.

Natigil lang kami nang matanaw kona sila mama na dala ang mga pagkain namin. Agad naman akong tumayo at tinulungan sila.

"Saan po ito?" tanong ko.

Inilatag ni mama ang picnic blanket. "Dito, anak."

Inilapag ko naman yung kaserola sa picnic blanket. Kinuha ko pa yung ibang bitbit ni tito dahil nahihirapan siya sa pagbaba ng mga iyon.

"Itatayo ko itong malaking payong," sabi ni tito. "Para hindi tayo mainitan mamaya. Kapag kasi kukuha tayo ng cottage ay malayo."

Napatango ako.

"May lakad kaba?" Nakatingin si mama sa likuran ko kaya lumingon ako. Nakita ko si Xaitan na nakatayo at mukhang hinihintay ako. "Sige na, kami ng bahala dito."

"Siya po director nung pelikula namin," sabi ko. "Inaya po akong mamasyal."

"Sumama kana," sabi ni tito. "Bumalik kana lang maya maya."

"Salamat po," nakangiting sabi ko. "Mag text na lang po kayo kapag may kailangan kayo ah?"

Ngumiti lang si mama at ipinagtulakan pa ako palapit kay Xaitan.

"Ingatan mo ang anak ko ah?" sabi ni mama kay Xaitan. "Mahalaga sa'min yan, baka matãga ka ng asawa ko kapag ibinalik mong may galos yan."

Natawa si Xaitan. "Don't worry, ma'am. I will never let any men to touch her."

Tumango si mama. "Mabuting nagkakaintindihan tayong dalawa."

"Mama, wag ka pong manakot." sita ko sa kaniya. "Sige na po, aalis na po kami."

"Ingat, anak." ngumisi si mama na may parang nais ipahiwatig. "Enjoy."

Nginiwian ko lang si mama na ikinatawa niya. Anong nangyayari sa mama ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro