Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TSOB:29

    
    "HOW'S your work?" tanong ni Xaitan na kausap ko mula sa kabilang linya.

Wala na siya sa Pilipinas, akala ko nga next week pa ang flight niya pero nagising na lang ako kaninang umaga na nasa Rusia na siya.

"Okay lang," pagod na sagot ko. "Ilang araw na kaming puyat dahil sa paghahanda. Ang sabi ni Manager Irene, we still have two weeks to shoot bago ang ending."

"After that work of yours, stop taking project. Rest yourself first, Sciryn." seryosong sabi niya. "Your health is more important than your career."

"Sayang naman kasi ang opportunity," sagot ko. "Siguro magpapahinga ako saglit pero tatanggap pa rin ako ng projects."

Napahikab ako. "Matutulog muna ako, mamaya na lang ulit ako tatawag."

"Okay, go to sleep now." Ngumiti ito. "I will call you later. I love you."

"I love you." Pinatay ko ang tawag bago ilapag ang cellphone sa gilid ko.

Ginawa kong kumot ang towel na nakapatong sa hita ko bago pumikit at tuluyang matulog.

Nagising na lang ako nang maramdaman kong may humihila sa buhok ko. Mukha kaagad ni Yuki ang bumungad sa'kin na ikinasimangot ko.

"Bakit ba?" inaantok kong tanong.

"Tinatawagan ka ni Xaitan, nasaan ba yung cellphone mo?" Lumingon ako sa gilid ko at nagtaka ako dahil wala na ang cellphone ko doon. "Alalang alala sa'yo."

"Nilapag ko lang dito ang phone ko." Tinuro ko ang lamesa sa gilid ko. "Bakit nawala?"

"Anong malay ko sa'yo," masungit na sabi nito. "Tumayo kana at kumain, ako nang hahanap ng cellphone mo."

Tumango lang ako at bumangon. Lumabas ako ng tent ko at nakita ko sila Manager Irene na kumakain na.

"Kumain kana," sabi nito nang makita ako.

Tumango lang ako at naupo bago magsimulang kumain. Iniisip ko kung saan napunta yung cellphone ko, hindi ko ba doon nilagay?

"Manager, nakita niyo po ba yung cellphone ko?" tanong ko. "Nawawala."

"Nung pumasok ako sa tent nasa gilid mo pa," sagot nito. "Baka kinuha ni Yuki?"

"Nakita ko rin kanina doon," sabi naman ni Delaney.

"Nakita kona." Napalingon kami sa kadarating lang na si Yuki. "Nalaglag sa ilalim ng lamesa, hindi ka marunong maghanap."

Kaagad ko namang kinuha iyon at binuksan ang mga messages ni Xaitan. Ilang oras din pala akong nakatulog kaya ganoon na lang siya mag alala sa'kin.

May isang unknown message pa akong tiningnan at halos manlamig ang katawan ko nang makita ko ang sarili ko sa isang video. Video ko yun na natutulog.

From: Unknown number

Now, I know.

"Ayos ka lang?" takang tanong ni Manager Irene.

Tumango lang ako at binura yung text. I also blocked the number because it's creeping me out. Sino naman ang magpapadala ng video na yun? Sinong kumuha ng video na yun?

Napailing na lang ako. Baka pina-prank lang ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. Imposibleng may makapasok na ibang tao sa tent ko.

After we ate, we continue shooting our last scene for today. Sa gitna nang paglalakad sa park ay bigla na lang may nagpaputok ng baril. Nataranta ang lahat kaya pati ako ay nataranta.

"Shit!" May humila sa'kin. "Are you okay? Hindi kaba tinamaan?"

Inilingan ko si Yuki. "H-hindi naman. A-ano bang meron? Bakit may putukan?"

"Dalawa lang yan.." Naglabas ito ng baril. "It's either, si Third ang target...o ikaw."

"Bakit ako?" takang tanong ko. "Wala naman akong kaaway."

"Pero may kaaway ang boyfriend mo," seryosong sagot niya. "You know how yo drive, right? Dumiretso ka sa kotse ko, nandoon din ang susi ko."

"Paano ka?" alanganing tanong ko.

"I can handle myself," nakangising sagot niya. "Go now, I'll cover you."

Tumango lang ako at mabilis na tumakbo. May nagpaputok sa gawi ko na mabilis namang ginantihan ni Yuki.

Nagtungo ako sa kotse niya at kaagad sumakay, mabilis ko iyong pinaandar paalis sa lugar na yun. Tinawagan ko si Xaitan habang nag-da-drive at nakahinga ako nang maluwag dahil sumagot kaagad ito.

"Xaitan, may nangyari sa shoot–kyahh!" Napayuko ako nang may nagpaputok mula sa likuran.

Tumingin ako sa side mirror at may humahabol sa'kin na dalawang kotse.

"Where's Yuki!?" tarantang tanong ni Xaitan. "Sinabi kong wag ka niyang iwanan!"

"May kalaban din siyang hinaharap," sagot ko. "Xaitan, anong gagawin ko!?"

"I'll call my other friends, just continue driving." sabi nito na ginawa ko naman.

Tumingin ako sa likuran ko at nakahinga ako nang maluwag dahil wala ng sumusunod sa'kin. Nakakita ako ng police station at hihinto sana doon pero ganoon na lang ang pamumutla ko dahil ayaw kumagat ng preno.

"Xaitan, hindi gumagana ang break!" tarantang sabi ko. "Xaitan, bumibilis din yung kotse. Anong gagawin ko!?"

Sunod sunod namang napamura si Xaitan. "Calm down, okay? Parating na ang mga kaibigan ko."

Naiiyak na tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita. Sinundan ko lang ang ritmo ng kotse na pabilis nang pabilis.

"Xaitan, dead end na ang napupuntahan ko!" Tumulo ang mga luha ko. "Malalaglag ako sa bangin! Anong gagawin ko!?"

"DAMN! WHERE THE HELL ARE YOU, KING!?" dinig kong sigaw ni Xaitan mula sa kabilang linya.

"Xaitan, mamamatay na ba ako?" umiiyak kong tanong.

"Hindi ka mamamatay," mahinahong sabi nito. "There's a car beside you." Lumingon ako sa gilid ko at may kotse nga. "Open your door, Sciryn. Ililipat ka nila."

Binuksan ko yung pinto ng kotse ko. Nataranta ako nang gumewang bigla ang kotseng sinasakyan ko.

"Don't be afraid.." sabi ng lalaking nasa kabilang kotse. "Come on, give me your hand."

Nagdalawang isip pa ko pero kaagad kong inabot ang kamay ko sa kaniya. Mabilis naman akong hinila kaya napapikit na lang ako. Nakarinig ako nang sunod sunod na pagsabog at pakiramdam ko ay huminto ang paghinga ko dahil doon.

"Miss, you're safe." Napamulat ako nang may magsalita. "You can stop hugging me now. I'm sure, Kingford will kill me."

Humiwalay naman ako sa kaniya pero agad rin ako nitong hinapit dahil muntik na akong bumagsak.

"Ayos ka lang?" tanong nito. "Namumutla ka."

"I can't breath," tugon ko.

Unti unting nandilim ang paningin ko at ang huli kona lamang narinig ay ang taranta sa kanilang boses.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro