TSOB:20
MEDYO nakakatakot dito sa pinuntahan naming bundok, pero bagay naman sa magaganap na scene ni Xaitan.
"Tulungan kita," sabi ko kay Xaitan.
Nagtatayo kasi ang mga kalalakihan ng tent para may matulugan kami. Baka raw kasi abutin kami ng tatlong araw dito sa pag-shu-shoot.
"No," umiling ito. "Stay there. You're wearing dress, Sciryn."
"Bakit kasi ito ang hinanda mong damit?" nakangusong tanong ko at muling naupo sa kinauupuan ko kanina.
Ngumisi lang ito at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Nakatitig lamang ako sa guwapo niyang mukha. Bakit kaya may ganitong nilalang sa mundo?
"Hindi na ako magugulat kung babalakin kang akitin ni Kylene," sabi ko sa kaniya.
"Even she drug me, I won't let her touch me." sagot nito.
Natawa ako. "Ang lawak naman ng imagination mo, Mr. Kingford."
"Some women always do that to me," sagot niya. "But they can't never take me, unless it's you."
Napailing na lamang ako at hindi na pinatulan ang pambobola niya. . . Halos kalahating minuto yatang ginagawa nito ang tent bago siya matapos.
"Our tent is done," sabi nito at naupo sa tabi niya. "You can rest if you want. Mamayang hapon pa naman ang shoot natin."
"Sciryn!" Sumulpot bigla si Delaney. "May nakita akong falls dito, tara picture tayo."
Tumayo ako. "Sige, gusto ko ring gumala sa bundok na 'to."
"Samahan–"
Inilingan ko si Xaitan. "Kaya na namin, baka may itanong pa yung mga kasamahan natin sa'yo. Babalik din kami kaagad."
Tumango ito. "Susundan ko kayo, mamaya."
Nginitian ko lang si Xaitan bago kami lumakad paalis ni Delaney.
"Mukha kang badtrip," pansin ko sa kaniya.
"Wala lang 'to," sagot niya. "Ayun na yung falls, excited na ako!"
Halos magkanda-subsob ito sa pagmamadali. Napailing na lang ako at sinundan siya. Sigurado akong may malaki siyang problema, ganito siya lagi umasta kapag may problema.
"Picturan mo ako," Inabot nito sa'kin ang cellphone niya.
Bumalik siya sa dulo at nagsimulang mag-pose. Kinuhanan ko lang siya ng litrato. Nang ma-satisfied siya ay lumapit ito sa'kin at ako naman ang pinilit na kuhanan ng litrato.
"Anong problema?" tanong ko sa kaniya.
Napahinga ito nang malalim. "Nahahanap na nila ako. Ayoko nang bumalik sa kanila, siguradong magiging bilanggo na naman ako."
"Delaney, mas maganda sigurong harapin mo sila at sabihin ang tunay mong nararamdaman. Magulang mo pa rin sila, sigurado namang maiintindihan ka nila." Hinawakan ko ang kamay niya. "Ipaliwanag mong mabuti na gustong gusto mong makalaya."
Natawa ito at umiling. "You don't know them, Sciryn. Hindi sila makikinig sa'kin dahil anak lang nila ako. Ang pangalan ng pamilya lang namin ang iniingatan nila."
Imbis na sagutin ay niyakap ko siya. Sobrang hirap na hirap ako sa sitwasyong mayroon ang aking kaibigan.
"Nandito lang ako para sa'yo," sambit ko sa kaniya.
"Thank you," tugon nito.
Dahil wala na kaming magawa ay napili na naming maligo. Malapit lang naman yung location namin dito kaya maglalakad na lang kami ng basa.
"May tao," sabi ni Sciryn at hinila ako patago sa isang bato. "Umalis na tayo, mukhang hindi sila mapagkakatiwalaan."
Sinilip ko yung mga taong sinasabi niya. Natigilan ako nang makita yung lalaking brown ang buhok na nakita ko sa hotel. Ito yung nakatabi ko sa upuan at kinausap ako.
"May baril sila," bulong ko kay Delaney. "Wag na lang tayong magpahalata."
Tumango lang ito.
Umahon kami sa tubig ni Delaney na ikinagulat ng mga ito. Kunwaring gulat din naman kami ni Delaney habang nakatingin sa kanila.
"Uyy," bati ko sa lalaki nakilala ko sa hotel. "Ikaw yung nasa hotel diba?"
Ngumiti ito. "Yes... Anong ginagawa niyo dito?"
"Nag-shu-shoot kami ng movie," sagot ko. "Naisipan muna naming gumala tapos napunta kami rito sa falls."
Sumeryoso ang mukha nito. "Bumalik na kayo."
Tumango naman ako at mabilis na hinila si Delaney. Ang lakas nang kabog ng dibdib, pakiramdam ko ay may mangyayaring masama.
"Mali yatang dito pa tayo nag shoot," sabi ni Delaney. "Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda."
Hindi kona lang siya kinibo dahil parehas kami nang nararamdaman. Halos lahat ng mga kasamahan namin ay nakatingin sa'ming dalawa ni Delaney nang bigla na lang kaming sumulpot.
"What happened?" kunot noong tanong ni Xaitan.
"Naligo kami," sagot ko. "Sige na, magbibihis lang kami."
Pumasok si Delaney sa kaniyang tent. Dumiretso naman ako sa tent namin ni Xaitan at doon nagbihis.
"Are you done?" Narinig ko ang boses ni Xaitan, mula sa labas.
"Oo," sagot ko.
Bumukas naman ang tent at pumasok si Xaitan. Seryosong seryoso ang mukha nito na parang sinusuri kung may nangyari bang hindi niya alam.
"Xaitan, anong tingin yan?" natatawang tanong ko sa kaniya.
"May nangyari," seryosong sabi niya. "Tell me, what it is?"
"May nakita lang kaming mga tao ni Delaney," sagot ko. "Pero umalis na rin. Naliligaw lang pala."
"You're not lying?" Nakangiting tumango ako. "Make sure of that, Sciryn. You will receive a punishment once I find out that you're lying."
"Ano namang punishment?" tanong ko sa kaniya.
Tumaas ang isang sulok ng labi. "Sapat lang para iungol mo ang pangalan mo."
Bago ko pa siya mahampas ay agad na nitong hinawakan ang kamay ko at siniil ako ng halik.
"I'm not joking here, Sciryn." seryosong sabi niya. "Hindi mo talaga magugustuhan ang mangyayari sa'yo. Hindi kita titigilan."
Napalunok naman ako dahil kitang kita ko sa mga mata niyang seryoso talaga siya sa sinasabi niya.
"Ang totoo, may tao kanina.." mahinang sabi ko. "Lalaking mahaba rin ang buhok kagaya ng sa'yo, brown ang buhok. Nakilala ko rin siya sa hotel noong lumabas ako at tulog ka."
"Ano pa?" Nag igting panga nito.
"Nag usap lang kami, pero parang kilala ka niya." sagot ko. "Nasa falls siya ngayon, may kasamang maraming lalaki.."
Napatango ito at maliit na ngumiti. "You will receive a reward later. I just need to fix something."
"Kilala mo yung lalaking tinutukoy ko?" tanong ko.
"I'm not sure about that," tugon niya. "Dahil ang inilalarawan mo ay matagal nang patay."
"Saan ka pupunta?" tarantang tanong ko nang makitang tumayo siya.
"Titingnan ko kung ang tinutukoy mo ay yung taong kilala ko," sagot niya. "I'll be back. Wag kang aalis dito."
"Teka–"
"–Just wait for me here." Muli ako nitong siniil ng halik. "até logo, linda."
Linda? Hindi naman ako si linda.
Napasimangot na lang ako at tinanaw siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Aaralin kona nga rin ang salita niya para hindi na dagdag pa sa iisipin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro