TSOB:2
PALAISIPAN pa rin sa'kin ang sinabi ni Direk, siguro nalasing lang siya sa wine kaya niya nasabi ang bagay na yun.
Napailing na lang ako at isinukbit ang bag ko. Hinila ko ang maleta ko at naglakad palabas ng condo ko.
I have one week vacation and I want to spend it with my family, with my mom. Last month pa ang huling kita namin at masyado kona silang namimiss. Taga-palawan sila, kaya minsan ay hindi na talaga ako nakakauwi.
"Airport," sabi ko sa driver ng taxi.
Tahimik lang ako buong biyahe at nag-ce-cellphone lang. Ngayong araw ipapalabas ang movie namin kaya naman kalat ito sa newsfeed ko.
Nagbasa ako ng mga comments, may mga taong masaya para sa'kin at may mga tao namang bina-bash ako. Well, sanay na ako kaya hindi na ako nasasaktan.
Nang makarating sa airport ay bumaba na ako ng taxi, tinulungan pa ako ni manong driver na ibaba ang maleta ko.
"Kayo ho ba si Miss Sciryn? Yung artista?" nahihiyang tanong nito. "Pwede po bang magpa-picture? Idol ka ho kasi nung anak kong may cancer."
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya. "Opo, pwedeng pwede po."
Itinapat niya sa'min ang camera at kaagad naman akong ngumiti. Nag-video greeting din ako sa anak niya.
"Thank you po," maluha luhang sabi nito. "Ingat po."
"Thank you too, manong."
Hinila kona ang maleta ko at naglakad papasok ng airport. May mangilan ngilang lumapit sa'kin at nagpa-picture na agad ko namang pinagbigyan.
Dahil saktong flight kona, dumiretso na ako sa loob ng eroplano. Naupo ako sa seat at inilagay ang baon kong pillow neck sa batok ko.
"Good day, everyone. This is Xaitan Kingford your pilot for today. Kindly fasten your seat belt because we will leave now."
Xaitan Kingford...
Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng upo. Napakurap kurap ako habang nakatingin sa speaker. He's a pilot too. Grabe, ang dami niyang trabaho. Pinagpala ata talaga ang lalaking yun.
Buong biyahe ay manghang mangha lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang piloto ay ang Direktor namin.
Ilang oras lang ay lumapag na ang eroplano. Agad kong kinuha ang maleta ko at naglakad pababa ng eroplano. Natigilan lang ako nang makitang nakaabang sa baba si Direk. Xaitan. Ang lakas ng dating niya sa suot niyang pilot uniform.
Lord, bakit naman may ginawa kang ganito ka-perfect.
"Direk," bati ko sa kaniya. "I didn't know that you're a pilot too."
"Now you know," kinuha nito ang maleta ko na ikinagulat ko. "Ako na ang magdadala hanggang exit."
Hindi na ako nakatanggi at tumango na lang. "Thank you."
Sabay kaming naglakad papasok ng airport. Nag-kwentuhan lang kami about sa trabaho at ibang bagay.
"So, your family lives here?" tumango ako. "They have a great taste when it comes to place."
"Dito kasi nakatira yung napangasawa ni mama," sagot ko. "Kaya dito na tumira sila mama."
Napatango ito na tila interesadong interesado sa mga sinasabi ko. Ngayon lang ata may nakinig sa'kin ng ganito.
Nang makarating sa labas ng airport ay kinuha kona ang maleta ko. "Thank you, Direk. Ingat ka po."
"You too."
Ngumiti muna ako bago siya talikuran. Agad akong pumara ng taxi at sakay. Muli kong nilingon si Direk bago kami tuluyang makaalis.
Saglit lang ang binyahe ko bago ako makarating sa bahay nila mama. Agad akong bumaba ng taxi at excited na pumasok sa loob.
"Ate!" sigaw ni Jonathan nang makita ako. Siya ang panganay na anak ni mama sa pangalawang asawa. He's 15 years old now. "Mama! Nandito po si ate!"
"Kumusta?" ginulo ko ang buhok niya. "Nasaan si Cyrin?" tukoy ko sa bunso naming kapatid.
"Nasa galaan po," sagot niya. "Sandali po, tatawagin ko lang."
Tumakbo ito palabas ng bahay para hanapin ang bunso naming kapatid na masyadong gala.
Dumiretso ako sa loob at nadatnan ko si mama at tito na mukhang palabas na para salubungin ako.
"Ang anak kong maganda!" patalon akong niyakap ni mama. "Miss na miss kita, baby ko. Ang tagal mong hindi nakauwi."
"Ma, miss din po kita." Humiwalay ako sa yakap. "Ang laki ng ipinayat mo, hindi kana naman kumakain?"
"Nag-da-diet ako," sumimangot ito. "Yung isa kasi diyan, nakikipag usap sa mga sexy na babae!"
"Mahal naman," napalingon ako kay tito. "Nagtanong lang naman yung babae, at saka ikaw ang pinakamahal ko sa buong mundo."
Napangiti na lang ako at napailing. "Mama, ngayon kapa nagduda kay tito. Ang tagal niyo na po eh."
Naglambingan na ang dalawa kaya nagpaalam muna akong pupunta sa kuwarto ko. Hindi kona nilipat sa closet ang mga damit ko dahil one week lang naman ako sa bahay. Maayos kong inilagay sa gilid ang maleta ko bago sumampa sa kama ko.
Gusto ko sanang matulog kaya lang bumukas ang pinto at iniluwal si Cyrin. Patalon itong tumalon sa kama at yumakap sa'kin.
"Ate!" masayang sabi nito. "Ate, may pasalubong ako po?"
Tumango ako. "May pasalubong ka po, mamaya kona ibibigay kasi matutulog si ate."
Tumango ito at bumaba sa kama. Nilapitan nito ang electric fan at binuksan saka itinutok sa akin.
"Mamaya na lang po," sabi nito. "Tulog ka muna po."
Humalik muna ito sa pisngi ko bago lumabas ng kuwarto. Napangiti na lang ako at humiga sa kama. Pumikit ako at agad naman akong nakatulog.
Hapon na nang magising ako, masyado ata akong napagod sa biyahe at napahaba ang tulog ko. Bumangon ako at nilapitan yung totebag ko na puno ng pasalubong. Lumabas ako ng kuwarto at nadatnan ko sila mama na naghaharutan sa sala.
Ang saya nilang panoorin, siguro kung hindi ako iniwan ng tatay ko at pinanagutan niya si mama ay ganiyan din kami.
"Nandito na pala ang panganay natin," sabi ni mama nang mapansin ako. "Halika rito, maya maya ay kakain na tayo."
Nakangiting lumapit naman ako sa kanila. Naupo ako sa tabi ni mama at inilapag yung bag sa sahig.
"May pangalan na po yung para sa inyo," sabi ko. "May mga chocolates at mga pagkain din pong para sa inyong lahat."
Sinimulan na nilang kalkalin yung bag. Hindi ko maiwasang mangiti habang nakatingin sa masaya nilang mukha, lalo na sa mga kapatid ko.
"Ate, thank you sa shoes!" masayang sabi ni Jonathan. "Ang mahal nito, salamat po!"
"Ate, thank you po sa dress and shoes!" masayang sabi ni Cyrin. "Isusuot ko po ito bukas kapag pumunta tayong beach."
"Beach?" takang tanong ko.
"Uhm, nagplano kasi kaming mag beach." Napalingon ako kay Tito. "Gusto namin ng mama mo na magkaroon tayo ng family bonding, tulog ka kasi kaya ngayon lang namin nasabi sa'yo."
Napatango ako. "Maganda nga po iyan, para naman may bonding tayo bago ako umalis."
"Salamat, anak." parang hinaplos ang puso ko nang tawagin niya akong anak. Tito Jonas loves me so much. "Salamat din sa polo na regalo mo, ang dami ko ng polo na susuotin para sa date namin ng mama mo."
At ayun nagsimula na naman silang mag asaran ni mama. Natawa na lamang ako habang pinagmamasdan sila.
"Ate, malapit na bakasyon namin. Pwede bang sa'yo ako magbakasyon?" tanong ni Jonathan. "Gusto ko sa manila."
"Oo naman," sagot ko. "Kayong lahat sana ang magbakasyon sa lugar ko."
"Aayusin natin yan," sabi ni mama. "Pagpaplanuhan namin yan ng tito mo."
Nang mag alas sais ng gabi ay dumiretso na kami sa hapag. Si mama ang naghain, katulong si tito. Gusto ko sanang tumulong kaya lang ay hindi nila ako hinayaan.
"Ano pa lang gusto mong iluto namin ni mama mo?" tanong ni tito Jonas.
"Kahit ano po," sagot ko. "Wag niyo lang pong kalimutan ang favorite kong leche flan."
Tumango si tito. "Kahit ano, basta may leche flan."
I know hindi pa rin kami gaanong close ni tito, at natutuwa ako dahil gumagawa talaga siya ng paraan para magkaroon kami ng conversation. Ramdam na ramdam ko yung work hard niya para lang mapanatag ang loob ko sa kaniya.
Panatag na naman ang loob ko sa kaniya, nahihiya lang talaga ako at hindi pa gaanong sanay dahil wala akong kinalakihang papa. Pero gagawin ko ang best ko para maging okay kami at wala ng ilangan sa pagitan naming dalawa..
****************
HI KWINNIES. IF YOU WANT TULOY TULOY NA UD MO, MAG AVAIL NA PO KAYO SA VIP GROUP KO.
NANDOON NA RIN PO ANG SERIES 4 (STORY NI DEATH AND RIFFLE)
ENTRANCE FEE: 50 PER MONTH, 300 OF LIFETIME.
IF YOU'RE INTERESTED KINDLY DM ME TO MY SOCIAL MEDIA ACCS.
FB: KwinDimown WP/ Dim Ferrer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro