TSOB:19
FOUR AM pa lang ay nasa ground floor na kaagad kaming lahat para magsimulang mag-shoot. Ang una kasing eksena ay papasok si Xaitan sa hotel room ng duguan at may bitbit na baril. Tapos ako ay maglalakad dapat palabas, babagsak si Xaitan kaya sasaluhin ko siya.
"ONE, TWO, THREE, ACTION!" sigaw ng assistant ni Xaitan.
Nagsimula na kaming dalawa. Naglakad na ako papalabas, samantalang si Xaitan ay sinalubong ako.
"Sir? Ayos ka lang?" pagsabi ko sa linya ko. "Sir?"
"I-I'm not," pagbikas niya sa kaniyang linya.
Napayakap ito sa'kin at bumagsak. Nataranta naman ako at tumawag ng tulong.
"CUT!" sigaw ng assistant ni Xaitan.
Pinalakpakan kami ng mga ito, maliban na lang kay bitter na Kylene at Olga, isama na rin si Jaime.
Lumipat na kami ng place at yun na ay sa hotel room namin. Nakahiga si Xaitan sa kama at katatapos lamang gamutin ng Doctor.
Hindi naging mahirap sa'min ni Xaitan ang mga eksena dahil nga kumportable na kami sa isa't isa. Naging maganda ang mga naging kuha namin kaya naman todo puri sa'min ang mga kasama namin.
"Ibang klase ang chemistry niyo," sabi ni manager Irene habang kumakain kami ng tanghalian. "Parang true to life ang acting-an."
"I'm courting her," lahat kami ay naibagsak ang hawak naming tinidor dahil sa sinabi ni Xaitan. "I'm not shock of that."
"Courting?" Ngumisi si Olga. "Aba, direk, may oras kapa para umatras."
Natawa si Olga, ganun din ang alaga niya. Nag igting naman ang panga ni Xaitan at bago ko pa siya maawat, hawak na niya ang kwelyo ni Olga.
"You fvcking insult my woman many times, this time I won't let it pass." Tinaas nito ang kamao na parang susuntukin na si Olga. "I'm curious, what will happen if I punch your fake nose."
"Xaitan," mahinahong saway ko sa kaniya. "Please, stop.."
"One more insult to her and I will not hesitate to ruin your life," malamig na sabi nito at pabalibag na binitawan si Olga. "Let's continue eating."
Napasipol si Delaney. "Sayang, hindi natuloy yung suntok."
"Delaney!" Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ito.
Nang matapos kaming kumain ay agad ko munang hinila palabas ng hotel si Xaitan, dahil mukhang mainit pa rin ang ulo nito.
"Xaitan, kumalma kana." Hinawakan ko ang kamay niya. "You should not do that, baka kung anong isipin nila sa'yo."
"I don't care," malamig na sagot nito. "They have no right to insult you!"
"Oo na, kumalma kana."
Huminga naman ito nang malalim bago ako hapitin sa beywang. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko.
"I will not let you to socialize with them again, we will just finish this shoot." sabi nito.
Tumango na lang ako para hindi na siya magalit pa.
Ilang sandali lang ay bumalik na kami sa loob ng hotel at pinagpatuloy ang pag-shu-shoot namin. Natapos na ang scene sa loob ng hotel kaya lumipat na kamo ng location. Malapit sa dagat.
Ang eksena ay aawayin ako ni Kylene at pagbabantaan na dumistansiya kay Xaitan.
"ACTION!"
"Stay away from him!" galit na bigkas nito sa kaniyang linya. "Hindi ka nababagay sa kaniya, you're just a piece of shit. Mabuti pa, maghanap kana lang ng kapwa mo hampas lupa."
"Wag kang magmalinis!" I pushed her, even it's not part of the script. "Isa ka lang ding hampas lupa noon kagaya ko."
I slapped her, and everyone shocked because of what I did. It's not part of the script too. I just want to do it.
"That's not part of the script!" She glared at me.
"It is part of the script," sabad ni Xaitan. "Mas pinakaganda nga ang kinalabasan eh." Xaitan, grabbed my waist. "Nice work, beautiful."
Kinindatan ko lang siya na ikinatawa nito.
Nagpatuloy kami sa pagkuha ng mga scenes hanggang sa maggabi na. Bukas ay lilipat kami ng location. Magpupunta kami sa isang bundok para kuhanan ang action scene ni Xaitan.
"Ang ganda ng blush on, ah?" pang aasar ni Delaney, kay Kylene na namumula ang pisngi dahil sa sampal ko. "At least, nakatipid ka sa make up."
"Delaney!" Kinuha ko ang isang sushi at pinasak sa bunganga niya.
Sinamaan ako nito ng tingin bago nguyain yung sushi na nasa bibig niya. Ang lakas talagang mang asar.
Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain at nang matapos kami ay agad kaming bumalik sa kaniya kaniyang room para maghanda ng gamit namin.
"Are you okay?" Nalingon ko si Xaitan habang nag aayos ako ng gamit. "You're not in the mood?"
Napanguso ako. "Wala, naiinis ako na ewan."
Napatango ito. "Wait me here, I will just buy something for you."
Nilapitan ako nito at hinalikan sa noo bago lumabas. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit ko. Nang matapos ako sa oag aayos ng mga gamit ko, gamit naman ni Xaitan ang inayos ko.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang bumukas ang pinto at iniluwal si Xaitan na may bitbit na ice cream.
"Here." Inabot niya sa'kin yun. "Eat this to enlighten your mood."
Napangiti naman ako at agad kinuha yung ice cream. "Thank you, Xaitan."
"Anything for my beautiful baby," tugon niya at naupo sa tabi ko. "Just tell me if you need something, okay?"
Ngumiti lang ako at nagsimulang kainin yung ice cream na ibinigay niya. Tumayo naman ito kaya sinundan ko siya ng tingin. Lumapit ito sa maleta ko at nanguha ng isang black dress doon.
"Here's your clothes for tomorrow," nakangiting sabi nito. "I want you to wear dress."
Napanguso ako at tumango kahit pa nagtataka. Bundok ang pupuntahan namin tapos gusto niya akong pagsuotin ng dress, ang weird naman.
Inayos nito yung dress ko bago ulit siya maupo sa aking tabi.
"Sciryn, next time Olga embarassed you again. I won't hesitate to shoot him," walang emosyong sabi nito. "Maybe, it's better to torture him."
Natawa ako. "Xaitan, pabayaan mona lang sila. Kapag may ginawa kang hindi maganda sa kanila, magagalit talaga ako sa'yo."
Napaungot naman ito bago isubsob ang mukha sa aking leeg. "I badly want to torture him, beautiful. But if you don't want, I think I have no choice but to kill him on my mind."
Tawa lang ang isinagot ko sa kaniya. Napakaikli talaga ng pasensiya pagdating sa ibang tao. Paano kaya kung maubos ko ang pasensiya niya? Sasakalin niya kaya ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro