TSOB:17
"AT bakit kayo nanghingi ng panabong na manok kay Xaitan?" seryosong tanong ko sa mga kapatid ko.
Talagang hinintay ko silang makauwi galing school para mapagsabihan. Mababaliw yata ako sa nalaman ko.
"Tinutulungan namin yung lolo na nakatira malapit sa school namin," sagot ni Jonathan. "Namatay kasi yung manok niyang panabong at nalulungkot siya, kaya nanghingi kami ng panabong na manok kay Kuya Xaitan."
"Okay, gets ko yun." Napahinga ako nang malalim. "Pero bakit naman kayo nag-ca-cutting para lang makapagsabong?"
"Pilay kasi si lolo, hindi siya makapunta sa sabong." sagot ni Cyrin. "Sorry na po, ate, hindi na namin po uulitin."
Napahimas ako sa sintido ko, sumobra naman ata sa bait ang dalawang ito.
"Wag niyo nang uulitin ah?" Tumango sila. "Masamang gawain yun, lalo pa at mga bata pa kayo. Jonathan, malaki kana, dapat alam mona ang tama at mali."
"Gulo mo, ate." Nagkamot ito ng ulo bago ako lapitan at yakapin. "Hindi na mauulit, promise."
Sumali din sa yakap si Cyrin. Nakakamiss ang dalawang makulit na bata na ito.
"How about me?" sabad ni Xaitan. "Are you still mad at me?"
"Mamaya tayo mag uusap," sagot ko lang.
Umusli naman ang nguso nito at nanahimik. Parang batang pinagsabihan ng nanay niya.
Nasa ganoon kaming posisyon nang dumating si tito. Agad akong humiwalay sa dalawa at ito naman ang nilapitan. Niyakap ko siya saglit.
"Kumusta po?" tanong ko sa kaniya. "Hindi na po ba malala ang sugat niyo?"
Umiling ito. "Maayos na maayos na ako, anak. Ikaw? Medyo pumayata ka."
"Kabaliktaran po ata," nakangusong sabi ko. "Tumaba po ako."
"Nagkalaman ka lang," sagot niya. "Nasabi na ba ng mama mo ang ginawang kalokohan ng manliligaw mo?"
Tumango ako. "Napagsabihan kona po yung dalawa kong kapatid."
"Sa iyo lang naman takot ang dalawang 'yan," natatawang sabi nito. "Pahirapan mo ang manliligaw mo, ah? Aprubado na naman siya sa'min ng mama mo, pero na sa'yo pa rin naman ang desisyon."
Pabulong lang ang pagkakasabi nito sa huling sinabi niya kaya kaming dalawa lamang ang nakarinig.
"Opo," tanging naisagot ko. "Aalis na po kami, baka po kasi hinahanap na kami ng mga kasama namin."
"Mag iingat kayo," binalingan nito ang kasama ko. "Xaitan, ingatan mo itong anak ko."
Tumayo si Xaitan at lumapit sa'min. "Yes, sir."
Nagpaalam na rin ako sa mga kapatid ko at kay mama, bago kami umalis ni Xaitan. Sa biyahe ay tahimik lang kami, hindi ito nagsasalita at hindi ako nito kinukulit. Mukhang pinakikiramdaman niya muna ako.
"Hindi na ako galit," sabi ko. Agad naman itong napalingon sa'kin. "Pero kung may hihilingin ang mga kapatid ko o ang mga magulang ko, sabihin mo muna sa'kin ah?"
Tumango ito. "I will."
Maaliwalas na ang mukha nito, hindi mukhang inapi ng kung sino. Nang makarating kami sa resort ay agad kaming bumaba ng sasakyan. Ito ang may dala ng mga gamit naming dalawa.
"Anong room ko?" tanong ko.
"Magkasama tayo sa iisang kuwarto," sabi nito, na ikinatango ko lang.
Hindi na naman bago sa'kin yun, wag nga lang sanang maulit yung nangyari noong nakaraan. Okay lang yung kiss, kasi para din naman sa role namin yun. Yun ang sabi ni Xaitan.
Nang makuha niya ang key card, dumiretso na kami sa elevator. Nasa eleventh floor ang kuwarto naming dalawa. Agad kaming lumabas ng elevator nang bumukas ito. Huminto si Xaitan sa pinto na may numerong 070.
Bahagya akong namangha nang makapasok sa loob ng hotel, malaki ito at pangdalawang tao nga. Lumapit ako sa may veranda at binuksan ang kurtina nito. Napamangha na lamang ako nang makita ang magandang tanawin sa labas.
Ganitong tanawin ang gusto kong laging makikita kapag nagkaroon na ako ng pamilya. Bata pa lang ako ay pinangarap ko ng tumira malapit sa dagat. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag dagat ang unang bubungad sa'yo tuwing umaga. Dagat na rin kasi ang naging tahanan ko tuwing malungkot ako at nangungulila sa aking ama.
I love how the way ocean calmed me. I always remember my life when I'm seeing the ocean. Just like ocean, my life is full of waves too, and I know someday that my life will be peaceful just like the ocean.
"What are you thinking, beautiful?" Napangiti na lamang ako nang yakapin ako ni Xaitan mula sa aking likuran. "Do we have problem?"
"We?" takang tanong ko.
He place his chin in my shoulder. "Yes, you're problem is my problem. And my problem, is just my problem."
"Hindi ba unfair yun?" natatawang tanong ko.
"No," he pinched my stomach. "Akin lang ang problema ko. My life is full of obstacles and problems, I don't want you to worry."
"Well, sa ngayon wala pa akong karapatan." Umikot ako paharap sa kaniya. "Pero kapag nakapagdesisyon na ako sa panliligaw mo baka sakaling mayroon na."
"Can't wait." He giggled like a child.
Napagdesisyunan naming magbihis muna. Magkahiwalay ang kuwarto namin ni Xaitan, pinasadya niya raw dahil nanliligaw pa lang siya. Nahiya pa, hinahalikan na nga ako at niyayakap.
Lumabas kami ng hotel room dahil nag text sa kaniya si manager Irene na kakain na raw kami. Nang makarating sa restaurant sa hotel ay natanaw namin yung mga kasama namin. Nandoon na rin si Delaney, pero wala si Third.
"Magkasama kayo sa room?" tanong ni Kylene nang makaupo kami ni Xaitan.
Nagtinginan naman sa'min ang lahat na parang may ginawa kaming kasalanan, maliban kay manager Irene at Delaney na parang wala lang.
"Ano namang masama doon?" tanong sa kaniya ni Delaney. "Wag mong bigyang malisya ang lahat ng bagay, kayo nga ni Jaime magkasama, nangielam ba kami?"
"Jaime and I, are dating–"
"–walang may pake, sis." pambabara sa kaniya ni Delaney.
Natawa naman si manager Irene dahil sa sinabi nito.
"Let's eat," seryosong sabi ni Xaitan.
Nagsimula naman kaming kumain. Masarap ang pagkain nilang inihain.
"Dahan dahan ka naman, Sciryn, baka hindi na magkasya sa'yo ang mga damit na inihanda." sabi ni Olga.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Xaitan, alam ko ang plano niya kaya bago niya pa iyon matuloy ay agad kona siyang tinapik sa hita. Napalingon naman ito sa'kin kaya inilingan ko siya.
"Dahan dahan lang din sa pagkain, manager Olga. Alam mo naman ang matatanda? madaling ma-high blood." Sabi ni Delaney.
"Sciryn, don't mind Olga. You can eat freely," sabi ni manager Irene. "Ibibili na lang kita ng extra clothes."
Napangiti ako. Sa mundong ma-pang api, may mga tao talagang nandiyan para sa'yo at handa kang ipagtanggol.
"Manager Olga is just concern," sabad ni Jaime. "Nag aalala lang siya sa kalalabasan ng movie. Si Sciryn pa naman ang bida, and baka ma-off ang leading man niya."
"Why would I be off?" salubong ang kilay na tanong ni Xaitan, sa kaniya. "I don't care if Sciryn gain weight, she's still beautiful. Tumahimik kana lang kung ayaw mong mamatay..." Tinapik ko sa hita si Xaitan. "....sa unang episode pa lang."
"Are you threatening me, Direk?" maangas na tanong ni Jaime.
"It's not a threat, Jaime." malamig na sabi sa kaniya ni Xaitan. "Don't fvcking try my patience."
"Tama na," awat ko. "Manager Olga, hindi porket ala-kambing na 'yang alaga mo, igagaya mona ako sa kaniya. I can maintain the shape of my body even I eat a lot. Stop being bitter, nakamamatay nang maaga yan.."
He glared at me, and I'm just smirked at him.
"Your hot as fvck, beautiful." bulong ni Xaitan at pinisil ang hita ko.
Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkain habang inaasar pa ng tingin si Olga at ang alaga niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro