Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TSOB:16

     HINDI ko alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung paano haharapin si Xaitan at patutunguhan kaya ilang araw kona siyang iniiwasan at hindi pinapansin. Lagi akong gumagawa ng dahilan para hindi magtagpo ang landas namin.

Hindi ko siya kayang maharap dahil sa nangyari. He pleasured me using his tongue! Shit!

"Magkaaway kayo?" tanong ni Delaney habang inaayos ang seatbelt niya.

Ngayong araw ang punta namin sa resort kung saan kami tutuloy at kukuhanan ang unang scene ng movie. Bukas na ang shoot kaya ngayon na ang alis namin.

"May nangyari kasi," nag iinit ang pisnging sabi ko. "Alam mo? Hindi na yata ako virgin."

Nanlaki ang mga mata nito. "Don't tell me may nangyari na sa inyo ni Direk!?"

"Wag kang maingay!" inis ko siyang hinampas. "Kasi, may ginawa siya sa'kin... He licked me down there."

"Tapos?" excited na tanong nito.

"M-masarap," siguro kung makikita ko ang mukha ko sa salamin, sobrang pula na nito. "T-tapos yun lang.."

Natahimik ito saglit at maya maya lang ay humagalpak ng tawa. Napatingin tuloy sa'min yung mga kasama namin, ganun na rin si Xaitan at ang katabi niyang si Third.

"Y-yun lang!?" malakas ulit itong tumawa kaya tinakpan ko ang bibig niya. "Habwdhxbsslfp."

"Wag kang magulo!" hiyang hiyang sabi ko. "Nakakainis ka!"

Tinanggal nito ang kamay ko sa bibig niya at huminga nang malalim. "Bobita, virgin kapa rin! Hangga't hindi niya napapasok yung ano niya sa'yo, ibig sabihin ay virgin kapa rin."

"Ganon ba yun?" tanong ko. "Akala ko kasi..."

"Ibang klase naman kasi 'yang bebe mo, hindi kapa nga pinopormahan, pinaliligaya kana." Napailing ito. "Alam mo? Label muna kamo para sure na."

Napanguso na lang ako at sumandal sa balikat niya. Ipinikit kona lamang ang mga mata ko at piniling magpahinga na lang.

Nagising na lamang ako nang may tumatapik sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay mukha agad ni Delaney ang bumungad sa'kin.

"Bababa na?" Nagkukusot ang matang tanong ko.

"Sige, tumalon ka pababa." Sumimangot ito. "Naiihi na ako, hindi ako makatayo kasi nakasandal ka sa'kin."

"Sorry.."

Hindi na ako nito pinansin at tumayo na lang. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-scroll na lang sa mga social media accounts ko.

"Why are you avoiding me?" Halos atakihin ako sa puso nang marinig ko ang boses ni Xaitan.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Xaitan, na nakaupo na sa pwesto ni Delaney.

"A-anong ginagawa mo diyan?" utal kong tanong.

"You're avoiding me," salubong ang kilay na saad nito. "Why? Did I hurt you? Aren't you satisfied with my tongue? Hindi ba masarap?–"

Bago pa niya maituloy ang iba pa niyang sasabihin ay agad ko nang tinakpan ang bunganga niya gamit ang kamay ko.

"Hindi yun!" tumingin pa ako sa paligid para masiguradong walang nakarinig sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag nang masiguradong walang nakarinig sa kaniya.

"Tell me, why are you avoiding me." Tinanggal niya ang pagkakatakip ko sa bibig niya at hinawakan ang kamay ko. "Let's fix this, please.."

"N-nahihiya ako," umiwas ako ng tingin sa kaniya. "H-hindi natin dapat ginawa yun, masama yun."

"Is that all?" Tumango ako. "I'm sorry, susubukan kong hindi na maulit. I just can't get enough by your beauty, Sciryn."

Tumango lang ako. "M-masarap naman, kaso masamang gawin yun lalo na at hindi naman tayo mag asawa, wala ring relasyon."

Napatango din ito. "Maybe, I need to start courting you."

Nagulantang naman ako sa sinabi nito. "H-Ha!?"

"Ang tagal ko nang pinaplanong ligawan ka, nauunahan lang ako ng hiya." Hinalikan nito ang kamay ko. "Even I'm sure that you're mine, I still need to court you. Kailangan ko ng maraming patunay na akin ka. Mas mabuti ng karapatan ang ilatag ko sa mga kaagaw ko, kaysa bala ng baril."

"Paano mo naman nasabing may kaagaw ka sa'kin?" tanong ko. "Wala namang ibang nagkagusto sa'kin, maliban sa'yo."

"I know someone likes you," nag igting ang panga nito. "But, you're mine. Akin ka. Sa'kin lang."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Napangiti naman ito at muling hinalikan ang kamay ko.

"Bumalik kana sa upuan mo," mahinang sabi ko. "Baka makita pa tayo ng iba at may isipin pa silang masama."

Napaungot ito. "I want to sit beside you."

"Hindi pwede," natatawang sabi ko. "Bumalik kana."

Siniil ako nito saglit ng halik bago nakangiting tumayo at maglakad pabalik sa upuan niya. Napailing naman ako at nakangiting sumandal na lang sa upuan ko.

Kahit papaano ay lumuwag na ang paghinga ko. Hindi ko rin pala siya kayang tiisin. Nahahawa na ata ako sa karupukan ni Delaney.

Ilang oras pa ang lumipas ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Agad sa'king lumapit si Xaitan at kinuha ang maleta ko. Napunta sa'min ang tingin ng mga kasama namin dahil sa ginawa nito.

"Nakilagay naman ako ng damit, ako na ang magdadala." Seryosong sabi nito.

Totoo naman ang sinabi niya, ang ibang damit niya ay dala ko. Gusto ko kasing suot yung damit niya tuwing matutulog ako.

"Thank you, Xai–Direk." Nginitian ko siya.

Halatang gusto kong alalayan ni Xaitan habang naglalakad pero iniilingan ko lang siya kaya wala siyang magawa kundi ang mapanguso.

"Dumiretso na kayo sa resort," seryosong sabi ni Xaitan sa mga kasama namin. "Susunod kami ni Sciryn."

"Susunod na lang din ako," sabi ni Delaney. "Sasamahan ko lang itong kumpare kong mambabae."

"Sige, Direk." Nakangiting sabi ni manager Irene.

Sumakay na kami ni Xaitan sa sasakyan niya. Hindi muna kami didiretso sa hotel dahil nasabi ko kay Xaitan na gusto ko munang dumaan sa bahay namin. Gusto kong makita sila mama.

"I bought pasalubong for them," sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya. "I know you're worried about that."

"The best ka talaga." Nag-thumbs up ako sa kaniya.

Nang huminto ang sasakyan ay agad akong bumaba at tumakbo papasok ng bahay.

"Mama!" masayang sabi ko nang makapasok ako.

Nanlaki naman ang mga mata nito. "Baby ko!"

Tumayo ito at sinalubong ako ng yakap. Masayang ginantihan ko naman ang kaniyang yakap.

"Nasaan po si tito?" tanong ko.

Humiwalay ito sa yakap. "Aba, tito mona ngayon ang hinahanap mo, ah? Wala yung tito mo, nandoon sa kabilang bayan at nagbebenta ng panabong na manok."

"Panabong na manok?" Nagsalubong ang kilay ko.

"Paano ba naman, nalaman namin ng tito mo na madalas pa lang mag cutting ang mga kapatid mo!" Dumako ang tingin nito sa kasama ko at sinamaan ito ng tingin. "Palihim pa lang binigyan ng panabong na manok ng kasama mo, kaya ayun araw araw na nasa sabungan ang mga lintik! Kung hindi pa nahuli ng tito mo, hindi pa titigil."

Napaarko naman ang isang kilay ko at nilingon ito. "Xaitan?"

"I can explain," seryoso man ang mukha niya pero mababakas ang kaba doon. "Don't be mad, Sciryn. I will explain, everything.."

"Bakit ko binigyan ng panabong na manok ang mga kapatid ko?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Because they want," pormal na sagot nito. "They said, they are helping someone. Kailangan daw nila ng panabong na manok para matulungan yung matandang nakatira malapit sa school nila."

"Hindi mo dapat ginawa yun!" Inis ko siyang tinalikuran at naglakad patungo sa kusina.

"Wait! Sciryn, let me explain!"

"Manuyo ka ngayon, sige." dinig kong sabi ni mama.

Feeling ko bigla akong na-stress kay Xaitan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro