Prologue
EXPECT TYPOGRAPHICAL ERRORS AND GRAMMATICAL ERRORS
******************************
"AND CUT!"
Mabilis akong tumayo sa buhanginan nang sumigaw ang direktor namin. We're in Boracay, nag-fi-film kami ng isang upcoming movie na ipapalabas next month. I'm part of the movie and I'm very glad na nasama ako kahit hindi bigatin ang role ko.
"Nice acting, Sciryn." Nakangiting puro sa'kin ng aming direktor. "I'm looking forward for your success."
"Thank you po," nakangiting sagot ko.
Just a simple compliment pero para sa'kin, nakakaiyak na ang bagay na yun. Minsan lang akong makatanggap ng compliment at sobra kong tine-treasure ang mga salitang iyon tuwing nakakatanggap ako.
Mas lamang kasi ang pangungutya na ibinabato sa'kin kaysa papuri. My father is a black american at nakuha ko ang skin color nito. I'm always bullied because of my skin color, but who cares? As long I'm not doing bad, I will never affect from them.
My mother taught me a good moral, even she's the only one who raised me. Iniwan kasi siya ng tatay ko nang mabuntis niya ito kaya mag isa si mama na itinaguyod ako. Ngayon, may asawa na si mama at may dalawa akong kapatid. Hindi ko masyadong kasundo ang amain ko, because I don't know how can I interact with him. Halos dekada na silang mag asawa ni mama pero hindi pa rin kami ganoon ka-close. But, even we're not close, he's still care for me.
"Ang galing mo kanina, bff!" Mas lalo akong napangiti nang salubungin ako ng kaibigan ko. Si Delaney, isa rin siyang artista at mas sikat siya kumpara sa'kin. "Pero kung ako sa'yo, gumanti ka sana ng sampal kay Jona kahit wala sa script. Kagigil eh."
"Marinig ka nung tao," saway ko sa kaniya. "Pabayaan mona."
Umirap lang ito bago ako abutan ng damit. Kinuha ko naman iyon at agad pumasok sa dressing room ko. Nagpalit ako ng damit at pinusod ang mahaba kong buhok bago lumabas.
"Mamaya pa naman ang shoot niyo, lunch muna tayo sa isang seafood restaurant na malapit dito." Umangkla ito sa braso ko. "Let's go, my babe."
Napatawa na lang ako sa inasta nito. Pinuntahan namin ang sinasabi nitong seafood restaurant. Medyo maraming tao sa restaurant nang makarating kami. Naupo kami ni Delaney malapit sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang magandang dagat.
"Anong order mo?" tanong nito. "Same na lang ulit tayo?"
Tumango na lang ako.
Sinabi nito sa waiter ang order namin na agad namang umalis. Habang naghihintay ng order, yung potato chips muna ang kinain namin na binigay ng waiter kanina.
Tumingin ako sa bintana at inilibot ang paningin ko sa tanawin. Huminto ang paningin ko sa isang lalaking tanging short ang suot. Nakasandal ito sa isang sasakyan at umiinom ng alak sa bote.
He's so damn hot!
Maya maya lang ay ibinaba nito ang bote at naglakad patungong dagat. Wala sa sariling napatayo ako dahil sa taranta.
"Bakit?" takang tanong ni Delaney.
"Magpapakamatay yung lalaki!" Tinuro ko yung lalaking nakalusong na sa dagat. "Lasing siya, Delaney!"
Bago pa ito makapagsalita ay agad na akong tumakbo palabas ng restaurant at tumakbo sa lalaking ulo na lang ang nakikita. Bago pa ito tuluyang lumubog ay agad kona itong hinila.
"Sir, wag ka pong magpapakamatay! Kasalanan po iyang gagawin niyo–"
Napatigil ako sa pagsasalita nang humarap ito sa'kin. Ang gwapo niya. Dark brown ang kulay ng mga mata nito, ang tangos ng ilong at ang pula ng mga labi. Sobrang kinis din ng mukha nito. Mas lalong nakadagdag sa itsura nito ang kaniyang top knot hair.
Napasinghap ako nang hapitin nito ang beywang ko. Kumabog ang dibdib ko at parang niliyaban ang katawan ko nang madikit ako sa matigas niyang katawan.
"What are you saying?" malalim ang boses na tanong nito.
"A-ano.." napalunok ako. "W-wag kang magpakamatay."
He chuckled. Lord, bakit naman po may ganito kagwapo kang nilikha?
"I'm not going to kill myself," sabi nito. "I just want to swim."
Nag init ang pisngi ko at nakaramdam nang pagkapahiya. Bakit ba inisip kong magpapakamatay siya? Nakakahiya tuloy.
"Sorry po." Lumayo ako sa kaniya at mabilis na umahon sa dagat.
Hiyang hiya ako sa ginawa ko. Isang bote lang din naman ang nakita kong iniinom niya, tapos naisip ko agad na magpapakamatay siya.
"Miss!" Napahinto ako at nilingon ito. "Thank you."
"Po?" Bakit siya nagpapasalamat?
"May mag aalala pa pala kapag nawala ako." Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Thank your saving me, miss..."
"Okay lang po," mahinang sagot ko at tuluyan nang umalis doon.
Naglakad ako pabalik sa restaurant. Nadatnan ko si Delaney sa labas na bitbit ang isang plastic. Mukhang pinabalot na lang niya ang order namin.
"Hindi pala siya magpapakamatay," sabi ko. "Nakakahiya tuloy.."
"Wag kang mahiya," sabi nito. "At least, you saved him. Paano nga kung ganoon talaga ang balak niya tapos hindi mo pinuntahan? Mas nakakahiya iyon."
"Nilalamig na ako," pag iiba ko nang usapan. "Sa tent kona lang natin yan kainin."
Naglakad kami pabalik ng tent. Nagpalit muna ako ng damit bago kami magsimulang kumain.
Muntik na akong mabulunan nang sumagi bigla sa aking isipan ang imahe nung lalaking tinulungan ko. Nag init ang pisngi ko kaya napailing ako.
"Ayos ka lang?" tanong ni Delaney. "Namumula ka."
Inilingan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Miss Sciryn." Napalingon kami sa pumasok. "Nasa labas po ang magiging director niyo mamayang hapon. Pinalalabas po ang lahat ni Director Lambao."
Tumango naman ako at agad tumayo. Lumabas ako ng tent at nilapitan ang mga kasamahan ko na nagkukumpulan.
"Ang pogi talaga ni Direk Xaitan!"
"Ang hot!"
Natigilan ako nang makita ko sa harapan ang taong iniligtas ko kanina. Nakapagpalit na ito at nakaayos na rin ang buhok niya.
"Everyone, siya ang partner kong direktor para sa movie na ito." sabi ni Direk Lambao. "Siya si Direk Xaitan Kingford."
Ngumiti ito at isa isang tiningnan ang nga tao. Huminto ang tingin nito sa'kin kaya wala sa sariling napalunok ako.
"Nice to meet you everyone. Maging maayos sana ang trabaho natin," nakangiting sabi nito. "What's your name, miss?"
"A-ako po?" Tinuro ko ang sarili ko at tumango naman ito. "Sciryn po."
Napatango tango ito at humawak sa labi niya. "linda, assim como você."
Anu raw?
**********************
HELLO, THIS IS OUR SERIES 3.
AYAW NIYO PO BA NANG NABIBITIN SA UD? KINDLY JOIN TO MY VIP GROUP NOW, DAILY UPDATE SIYA DOON.
ENTRANCE FEE: 50 PESOS PER MONTH, PERO IF WANT NIYO PONG LIFETIME, 300 PESOS ONLY.
MARARANASAN NIYO RIN PONG MABASA ANG MGA PAID STORIES KO SA ORAS NA SUMALI KAYO. THANK YOU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro