Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

    "YUKI!" galit na sigaw ni Xaitan habang nakatingin sa mga sapatos niyang puro painting. "YUKI!"

Natawa na lamang ako at nilingon si Yuki na nagtatago sa ilalim ng kama namin ni Xaitan.

"Xaitan," tawag ko sa asawa ko. "Wag mo nang pagalitan."

"I'm not mad," he calmed his self. "Yuki, show yourself. Ayaw ko naman sigurong paluhurin na naman kita sa asin diba?"

Lumabas naman sa ilalim ng kama si Yuki na nakanguso at parang maiiyak na.

"Bad ang ginawa mo!" sita dito ni Xaitan. "Why did you do that to my shoes?"

"You said, follow my dreams po diba? Ang dream ko po ay gawan ka ng shoes artwork." Tumulo ang mga luha ni Yuki at lumapit sa'kin. "Mommy, bad ba ang ginawa ko? Sinunod ko lang naman po si Daddy eh."

Nilingon ko si Xaitan at tinaasan ng isang kilay. Napahinga naman ito nang malalim bago lapitan si Yuki at buhatin.

"Ako ang bad," sabi ni Xaitan. "Sorry for shouting baby. . . Promise, Daddy won't shout you anymore. Lilinawin kona rin ang sasabihin ko, next time."

Nagpunas ng luha si Yuki at ngumiti. "Nagustuhan mo po ba ang artwork ko?"

Napatingin si Xaitan sa mga sapatos niyang color rainbow na. Nagpilit ito ng ngiti sa anak na ikinatawa ko.

"Y-yeah, daddy loves it so much." tugon nito. "Go, clean yourself before we eat."

"Love you, daddy!" Humalik si Yuki sa ama bago bumaba at tumakbo patungong kuwarto niya.

"Mga napapala nang hindi nililinaw ang sinasabi sa anak." Yumuko ako at pinulot ang mga sapatos ni Xaitan. "Masusuot mo naman ito sa work mo."

"Don't tease me!" masungit na sabi nito. "I won't wear that shoes!"

"Sige, si Yuki lang naman ang paiiyakin mo." Ngumisi ako na ikinaungol nito dahil sa inis.

Natawa ako bago siya lapitan at patakan ng halik sa labi. "Wag ka nang magmukmok diyan at i-appreciate na lang ang ginawa ng anak mo. Mag-bi-birthday na naman si Yuki kaya pagbigyan mona.." sabi ko sa kaniya.

"I remember my brother because of our son. . ." Inupo ako nito sa kandungan niya. "I remember when Yuki put jobus on mommy's underwear."

Natawa naman ako. "Alam kong hindi lang si Yuki yun, siguradong kasabwat ka rin."

"Yeah, pero inako lahat ni Yuki ang parusa.." Ngumiti ito. "Let's go to dining. I can feel that Yuki is already there."

Lumabas kami ng kuwarto at nagtungo sa dining. Hindi nga nagkamali si Xaitan dahil nandoon na si Yuki. Bagong paligo ang bata at baliktad pa ang damit at short.

"Mommy, Daddy, let's eat na po." Tumingin ito sa'min at ibinaba ang hawak na Ipad.

Naupo naman kami ni Xaitan at nagsimula na kaming kumain.

"Daddy, I want to go Tito Yuki's grave." Nagkatinginan kami ni Xaitan dahil sa sinabi nito. "I want to pay with him again.."

"Okay, after we ate, we will go to your Tito's grave." sagot ni Xaitan.

Pagkatapos naming kumain ay agad nga kaming umalis at nagtungo sa libingan ni Yuki. Gustong gusto ng anak namin na laging dinadalaw ang Tito niya at nakikipaglaro siya sa lapida nito.

Hindi man nasilayan ng anak namin ang tito niya pero grabe naman ang pagmamahal niya dito.

"TITO!" sigaw ni Yuki nang makarating kami. "Tito, I painted daddy's shoes and he got mad po. But he say sorry because it's his fault."

"Sigurado na akong ang anak natin ang susunod sa yakap ni Yuki," bulong ni Xaitan at inakbayan ako. "I'm still hoping that he's alive, sana kasama natin siya ngayon at iniinggit ko siya."

"Sigurado namang naiinggit siya ngayon habang binabantayan tayo," sagot ko.

"Mommy!" Lumapit sa'min si Yuki na may dalang papel. "Nakita ko po sa lapida ni tito itong picture, may bagong flowers din po sa kaniya."

Kinuha namin ni Xaitan ang picture. Nagkatinginan na lang kami nang makita ang isang picture ng batang babae.

"Hindi kaya may anak si Yuki?" alanganing sabi ko at inilibot ang paningin ko.

"I will find his daughter," sabi nito. "I will find his daughter and woman. I will take care my brother's family."

"Mommy, may anak po si Tito?" tanong ni Yuki. "Paano po siya nagkaanak kung nasa heaven na siya?"

"Aalamin namin ng daddy mo," sagot ko. "Siguradong magkakasundo kayo ng pinsan mo."

"I will protect Tito Yuki's daughter po," matapang na sabi nito. "Sana makita na natin sila."

Binuhat ni Xaitan ang kaniyang anak. "Para kang tito mo, he always protect someone kahit pa buhay niya ang kapalit."

"Masayang masaya na siguro si Tito sa heaven." Tumingala si Yuki sa kalangitan. "Hello, tito!"

"Medyo baliw ang tito mo, baka sumagot yun." biro ni Xaitan sa anak. "Sa kaniya mo rin siguro nakuha ang pagiging painter mo."

"Idol ko nga po si Tito eh. . . " Bumaba ito mula sa pagkakakarga. "Kapag laki ko po, mambababae rin ako kasi sabi niyo po babaero si Tito."

"Magtigil ka," saway sa kaniya ni Xaitan. "Ako ang gayahin mo pagdating sa babae, pumili ka lang mg isang tunay mong mamahalin.." Inakbayan ako nito. "Look at me, ang mommy mo lang ang minamahal."

"Edi wow po," nakangusong tumalikod si Yuki at lumapit sa lapida ng tito niya.

"Mukhang pagdating sa pagiging attitude nalamangan ka ng anak mo," natatawang sabi ko.

Ngumiti lang ito at gigil akong hinalikan. "You know what? Yuki is now grown, he deserve a little sister."

"Hmm? Ipasundo ko ba siya sa Tito Jonathan niya?" nakangising tanong ko sa binata.

"Yes," sagot nito. "Masyado tayong mag iingay mamaya kaya kailangang wala si Yuki. You know him, iku-kwento niyan kila mom ang mga narinig."

Natawa naman ako at sumandal sa balikat niya bago lingunin ang anak namin.

Find a man who can value your feelings and can accept you from who you are. Always remember that you're a gem, not just a rusty one..

I'm Sciryn Jamberry Marquez–Kingford and I'm proud to say that I'm married to the best man in the world...

END...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro