V:7
HINDI ko alam kung anong gagawin kong pambawi kay Oscar. May kapatawaran nga ba ang nagawa ko? Kung hindi siguro ako immature noon, siguro hindi nangyari ang bagay na yun. Siguro buhay pa ang ama ni Oscar at hindi ganito ang buhay ko.
Dati tuwang tuwa ako sa ugali kong iyon, pero ngayon sukang suka ako. I can't believe that I'm like that. Sa sobrang immature at sama ng ugali ko, ang dami kong nasirang buhay. And because of that mindset, I'm suffering from this karma. Todo lait pa ako sa mga schoolmates ko na wala silang mararating, but now they are successful while I'm just a piece of shit.
"Lalim naman ng iniisip mo," kahit hindi ko lingunin ang nagsalita sigurado akong si Cleo yun. "May nangyari ba? Care to share?"
"I'm just thinking of my younger self." Napahinga ako nang malalim. "Ang dami ko pa lang nasirang buhay, ang dami kong nasaktan. Isa na si Oscar sa mga taong iyon. He suffered a lot because of me. He lost his father because of me."
"You can't escape from that if you always bringing back your pass," he said. "Zavia, kung ano man ang nagawa mo kay Oscar siguradong mapapatawad ka rin niya. At kung ano man ang nagawa mo noon, ang mahalaga ay napagsisihan mona. Don't imprisoned yourself from your past. Try to move forward."
"Madaling sabihin, Cleo." Napailing iling na lang ako. "Himala yata nandito ka? Wala kang lakad?"
"You always like that, you always changing the serious topic." Napahinga ito nang malalim. "Kumain kana? Gusto mong kumain? My treat."
"You always spoil me, baka masanay ako niya." biro ko sa kaniya.
"That's my plan," kumindat ito bago ako akbayan. "Saan mo gusto? Sa fishball-an ni mang isko o sa karinderya ni mareng Analyn?"
"Karinderya ni mareng Analyn mo, nag-crave ako bigla sa lechong kawali at lumpiang toge."
"Then we'll go to mareng Analyn's karinderya."
Akbay akbay ako nito habang naglalakad kami patungo sa karinderya ni mareng Analyn. Nang makarating doon maraming customer agad ang bumungad sa'min. Aligagang aligaga si mareng Analyn sa pag asikaso sa mga customer niya.
Pumwesto kami ni Cleo sa bandang dulo, doon na lang kasi ang bakante. Si Cleo ang umorder ng kakainin namin habang ako ay tahimik lang na naghihintay sa kaniya.
Malapit na namang gumabi, magkikita na naman kami bukas ni Oscar. Paano ko magagawa ang move forward na sinasabi ni Cleo kung araw araw kong nakikita ang taong nagpapaalala sa'kin non? Sana ay mapatawad na ako ni Oscar, alam kong matatagalan pero gagawin ko ang lahat. Makakapag-move forward lang siguro ako kapag napatawad na niya ako.
"You're spacing again."
Tumayo ako para tulungan si Cleo. Kukuhanin kona sana yung isang tray na hawak niya pero nilayo niya ito.
"Maupo kana," sabi nito.
Tumango na lang ako at naupo. Pinanood ko lang itong ilapag ang mga inorder niya. Itinabi niya sa gilid ang tray bago maupo.
"Let's eat." Pinanood ko itong kuhanin ang kutsara at tinidor. Banayad ang galaw nito at galaw mayaman siya. "Why?"
Umiling lang ako at nagsimula na ring kumain. Hanggang ngayon talaga ay curious ako sa buhay at pagkatao nitong si Cleo. Siguradong sigurado akong mayaman siya.
"Rich kid ka 'no?" hindi mapigilang tanong ko sa kaniya. "Bakit kasi ayaw mo pang ibunyag ang pagkatao mo?"
"Ikaw ang gusto kong makatuklas ng bagay na yun," tugon nito. "Sa ngayon susulitin ko muna ang araw na hindi ka galit sa'kin."
"Para namang may malaki kang kasalanan sa'kin." Natawa ako.
Kiming ngumiti lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Enjoy lang ako sa pagkain habang inililibot ang paningin ko. Muntik ko nang malunok ng buo ang lumpiang toge na nasa bibig ko nang mahigip ng paningin ko si Oscar na parang modelong naglalakad palapit sa'min kasama ang isang babaeg maputi–panibagong babae.
"Oscar, you're here." bahagya akong namangha dahil sa reaksiyon ni Cleo. Hindi niya pa nalilingon pero alam niya agad na nandito si Oscar. "You're with another dog again."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ngisi lang ang isinagot nito sa'kin.
"You fvcking dumbass!" gigil na sabi dito ni Oscar. "Iniwan mona naman ang trabaho mo sa underground! I have a fvcking business trip but I need to postponed it because of you!"
"I feel so special," sagot dito ni Cleo. "Thank you for loving me, Xamirez."
Nag igting ang panga ni Oscar. Imbis na matakot, namangha lang ako. Ang hot niya–
"Stop fvcking staring me!" iritang binalingan ako nito ng tingin. "Agahan mo bukas dahil uulitin mo ang mga nilabhan mo!"
"Ano!?" Napatayo ako na ikinaagaw ng atensiyon ng mga tao. "Ang dami non!"
"Mas marami ang kasalanan mo sa'kin! At wag kang magreklamo dahil pinapasahod din kita!" singhal nito sa'kin. "Enjoy this fvcking moment of yours, dahil sisiguraduhin kong kalbaryo ang kahaharapin mo bukas!"
Bago pa ako makapagsalita ay agad na ako nitong tinalikuran. Dire diretso itong umalis kasama yung maputing babae.
"You're working for him?" Napalingon ako kay Cleo na malamig ang titig sa'kin. "Since when?"
"Last week," sagot ko at naupo. "Hindi lang naman ako nagtatrabaho sa kaniya, bumabawi rin ako. Gusto kong mapatawad na niya ako."
"He's playing with you," nag igting ang panga nito. "Stop going with his house."
"Cleo, I know you're just concern but I need to do this." Nginitian ko siya. "Promise, I will be okay."
"Mabalitaan ko lang na may kagaguhan siya sa'yo, hindi ako magdadalawang isip na ibitin siya sa edsa."
"Kalmahan mo," pabiro kong sambit sa kaniya. "Kumain kana lang, kung ano anong naiisip mo."
Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nang matapos kami ay nagpaalam sa'kin si Cleo, may aasikasuhin daw siyang importante kaya ako na lang mag isa ang naglalakad pabalik sa ilalim ng tulay.
Nakalimutan ko pa lang itanong kay Cleo yung underground. May idea na ako sa underground na yun dahil sa mga napapanood ko, pero gusto ko pa ring makasigurado. Usually kasi sa mga underground ay mga illegal doings. Nangako si Cleo na hindi na siya gagawa ng bagay na yun kaya gusto kong makasigurado.
Nagkandatalon-talon ako sa sidewalk nang may biglang bumusina mula sa likuran ko. Inis kong nilingon yun ngunit agad din akong natuptop nang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon.
Pumantay sa'kin ang kotseng iyon at bumaba ang bintana.
"Get in," malamig na sabi ni Oscar.
Napahinga naman ako nang malalim bago sumakay. Akala ko ay mag uusap lang kami pero mabilis nitong pinaandar ang kotse niya. Mabilis kong inabot ang seatbelt ko at sinuot.
"OSCAR, DAHAN DAHAN NAMAN!" takot kong sigaw. "MAY TRUCK!"
Hindi ito nakinig sa'kin at parang nasisiyahan pa sa reaksiyon ko. Habol hininga ako nang huminto ang sasakyan sa isang gilid. Shit! Akala ko ay last day kona ito.
"Exciting right?" Nilingon ko ito at may ngisi sa labi niya. "I'll have an offer for you, Zav."
"O-offer?"
"Yes," parang dinaga ang dibdib ko nang ilapit nito ang mukha niya sa'kin. "A very beautiful offer."
"A-anong offer?" utal kong tanong habang pilit iniiwas ang tingin ko sa kaniya.
Hindi ko kinakaya ang mga titig niya. Para akong malulusaw sa paraan ng pagtitig niya sa'kin.
"Be my sex buddy." Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya. "Just let me fvck you three times and I will forgive you."
Wala sa sariling inangat ko ang kamay ko at sa isang iglap ay lumagapak ang pisngi niya dahil sa sampal ko.
"B-bastos ka!"
"Why?" nakangising lumingon ito sa'kin. "Magandang offer na yun, Zav. Hindi kana lugi. I will make sure that you will enjoy every thrust of mine. Ayaw mo nun? Mas madali kitang mapapatawad..." mapanuri ako nitong tiningnan. "And I'm sure that you have experience when it comes to sex."
Galit. Yan ang nararamdaman ko ngayon para kay Oscar. Gusto ko siyang sakalin at iumpog ang ulo niya sa bintana ng kotse niya para matauhan siya sa mga pinagsasasabi niya.
"Mas gugustuhin ko pang maging kuba bilang katulong mo kaysa ang pumatol sa kagaguhan mo," seryosong sabi ko. "You're too much, Oscar. For your information, I'm not that kind of woman. I have dignity even I'm experiencing this kind of life."
Sarkastiko itong tumawa. "Yeah, you have dignity. May dignidad ka nga pa lang iniingatan. And that dignity of yours is the reason why my father died and why I'm fvcking suffered."
"Yan, diyan ka magaling. Ibalik ang nakaraan para mapapayag mo ako sa mga gusto mo at para pagmukhaing sobrang sama kong tao." pinalakpakan ko siya. "Oscar, hindi lang ikaw ang naghirap. Namatayan din ako ng mga magulang, kinuha lahat sa'kin. Lahat ng mga pinaghirapan ng magulang ko ay kinuha sa'kin. I suffered a lot because of my karma. Alam kong hindi sapat iyon para sa mga nagawa ko sa'yo, pero wag mo naman akong ubusin. Wag mo naman akong sirain lalo. At lalong wag na wag mong ibaba ang pagkatao ko."
Nag igting ang panga nito. "Yan lang ba ang nagyari sa'yo? It's just a piece of shit compared to me. Hindi magiging ganito ang galit ko sa'yo, kung hindi talaga ako naghirap at nasaktan."
"I know that Oscar, that's why I'm here begging for your forgiveness. Nandito ako at pinaghihirapan ang kapatawaran mo–"
"–Baba!" galit na sabi nito. "Baba o kakaladkarin pa kita."
"Ang gulo mo!" Tinanggal ko ang seatbelt ko at padabog na bumaba.
Pinaharurot nito ang kotse niya palayo. Napakamot na lang ako sa ulo ko at tinanaw ang daan na kailangan kong tahakin pauwi.
Great. Ang layo nang lalakarin ko. Thanks to Oscar.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro