V:36
MAAGANG umalis si Oscar kanina, nagmamadali ito at hindi na nasabi sa'kin kung anong dahilan.
"Mami, nasaan po si Dadi?" kaagad na tanong sa'kin ni Zakamir nang magising siya.
"May inasikaso," sagot ko. "Kumain na kayo ng mga kapatid mo. Aalis pala ako, makikipagkita ako sa isang client ko na nandito ngayon sa Palawan."
"Sama po kami," sabi ni Zaiden. "Kailangan mo po ng bodyguard."
"Anong bodyguard? Kaya kona." Inilapag ko ang gatas na itinimpla ko para sa kanila. "At isa pa, may mga activity pa kayong ipapasa mamaya."
"Mami, may mga bad goons po na humahabol sa'tin, baka po mapahamak kayo kapag wala kang bodyguard." nakangusong sabi ni Zaar.
"Anak, mag iingat naman ako." natatawang sabi ko. "Iwan kona kayo ah? Hugasan niyo yung pinagkainan niyo, pagkatapos pumasok na kayo sa kuwarto. Huwag kayong mag-gala sa HQ ng Daddi niyo, baka mapagalitan kayo."
"Opo!" sabay sabay nilang sagot.
Hinalikan ko sila isa isa sa ulo bago magtungo sa kuwarto. Dumiretso ako sa C.R at agad naligo. Pinili kong magsuot ng isang plain back t-shirt at brown trouser. Simple, but elegent.
I put some light make up to my face. Nang masigurado kong presentable na akong tingnan, kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko ang mga anak ko sa sala na kausap si Xaitan–isa sa mga kaibigan nila Oscar.
"Aalis na ako," paalam ko sa mga anak ko. "Wag pasaway ah?"
"Opo," sagot nila. "Ingat ka po!"
Hinalikan ko sila sa pisngi. Tinanguan ko naman ang kaibigan ni Oscar bago lumabas sa Underground Headquarters nila.
"Hatid kita," bahagya akong nagulat nang makita si Fifth sa labas na mukhang hinihintay ako. "Pinakiusapan ako ni Oscar na bantayan kayo."
"Wag na, baka makaabala pa ak–"
"–Get in." Binuksan nito ang pinto ng front seat.
Hindi na ako nakapagsalita pa at sumakay na lang. Umikot naman ito patungong driver seat at sumakay. Tahimik lang kami sa biyahe ni Fifth, hindi ko siya kinikibo dahil hindi naman kami close.
"Diyan na lang," sabi ko nang matanaw ko ang cafe na pinag usapan namin ng client ko. "Salamat, Fifth, pwede mona akong iwan dito. Kaya kona mag isa."
Tumitig muna ito sa'kin bago tumango. Ngumiti naman ako sa kaniya bago bumaba ng sasakyan niya. Tinanaw ko munang mawala ang sasakyan nito sa paningin ko bago ako pumasok sa loob ng cafe.
Inilibot ko ang paningin ko at huminto iyon sa isang lalaking naka-eyeglasses na kumakaway sa'kin. Naglakad naman ako palapit sa taong iyon.
"Mr. Johan Samaniego?" tanong ko.
"Yes," nakangiting sagot nito. "Have a seat, nag order na ako ng food natin."
Kiming ngumiti naman ako at naupo. Isa siya sa mga nag-email sa'kin, maganda ang background ng company niya at maganda ang offer niya kaya tinanggap ko. Malaki rin kasi ang company niya at sikat sa iba't ibang lugar.
"I'm glad you approved my email," nakangiting sabi nito.
"Maganda po kasi ang offer niyo," tugon ko. "Siguradong magiging maganda po ang partnership natin."
Nakangiting tumango naman ito. He started to discuss about his plan for our partnership. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang pinakikinggan siya. Pulidong pulido ang galaw niya, halatang hasang hasa siya sa business.
He's jolly type of person, pero hindi maitatago ang pagkakahawig ng awra at dating niya kay Oscar. Yung tingin mo sa kaniya ay mabait siya, pero kapag nalapitan at kinausap mo siya ay malalagay ka sa kapahamakan.
"I like your idea, Mr. Samaniego." I said, smiling.
Ngumiti lang ito sa'kin.
Dumating ang order namin kaya huminto si Mr. Samaniego. He drink his coffee and eat his chocolat cupcake. I was about to drink my coffee too, but I stopped when my phone range.
Tiningnan ko ang caller, at nang makita si Oscar ay agad ko itong sinagot.
"O–"
"–Don't say my name," malamig na sabi nito na ikinataka ko. "I'm outside, but you can't see me."
May mali sa mga nangyayari.
"Act like a normal," he added. "Your client is not just a normal client. He's Johan Samaniego, he's my mortal enemy. He's the one killed my parents and sister. He's also the one who took our child."
Napalunok naman ako at nilingon ko si Johan na inosenteng nakangiti. "Uhm, yeah. . . Nasa meeting ako. We can talk later."
"He's planning something," Oscar said. "This is a trap. Umalis kana diyan."
"Okay, see you." Binaba ko ang tawag at inosenteng tiningnan si Johan. "Sorry, Mr. Samaniego, but I have to go. My secretary called me, and she needs me right now."
"But she's in pampanga right?" he playfully smirked. "You're talking to Xamirez, right?"
Natigilan naman ako sa sinabi nito. "A-anong sinasabi mo?"
"You're not a good liar, darling.." sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa mga labi nito at kainosentehan sa mukha niya. Napalitan ito ng isang nakakakilabot na awra.
Nakaramdam ako ng kakaibang takot pero hindi ko ipinakita sa kaniya yun. Alam ko namang hindi niya ako sasaktan dahil nasa public place kami, at nasa paligid lang si Oscar.
"I can kill you here," he said. "But, I want to play more.."
"Kinuha mo ang anak ko," matapang kong sambit. "Nasaan siya? Ibalik mo sa'kin ang anak ko! Halimaw ka!"
"Am I really the monster here?" hinawakan nito ang ibabang labi niya at nilaro laro. "Your daughter is alive, Leneghan. And one more thing, I'm not the monster here. It's Xamirez."
"Hindi mo ako mabibilog!"
He chuckled. "Hindi pa rin siya umaamin sa'yo? Your lover, fooling you."
"Diretsahin mo ako!" malakas kong hinampas ang lamesa. Siguradong naagaw ko ang atensiyon ng ibang tao pero hindi kona iyon pinansin. "Nasaan ang anak ko!?"
"Be patient," he said. "Ayaw mo naman atang ibigay ko siya sa iyo ng pira piraso diba?"
Nag igting ang panga ko. Huminga ako nang malalim at umayos ng upo. Kailangan kong kumalma kahit gustong gusto kona siyang saksakin ng tinidor.
"Kagaya nga ng sabi ko, si Oscar ang mas halimaw." pagtutuloy nito sa sinasabi. "Oscar, killed your parents."
Natigilan ako sa sinabi nito. "S-sinungaling!"
Sumipol ito. "I will just send the video to you. Kailangan ko ng umalis, masyadong nag iinit si Xamirez."
Mabilis itong tumayo at pumasok sa isang pinto. Akmang tatayo na rin ako, kaya lang natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko.
Kahit ayaw kong tingnan, kusang kumilos ang mga kamay ko at binuksan iyon. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanonood ang isang video.
"Remember me?" It was Oscar. May hawak itong baril habang nakaupo sa backseat ng kotse ng mga magulang ko. "Ako yung pinakulong niyo nang walang dahilan!"
"Don't kill us," pagmamakaawa ni Mommy. "Pwede mo rin kaming ipakulong, wag mo lang kaming patayin."
"Wag kayong patayin? C'mmon! My father because of your family!" nagpaputok si Oscar malapit sa tainga ni Daddy. "Buhay ang kinuha niyo, kaya dapat buhay rin ang kapalit!"
Biglang nagulo ang video at naging black. Naririnig kona lang ang pagmamakaawa ng mga magulang ko at ang sunod sunod na mga kalabog at putukan.
Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko habang madiin ang hawak sa aking cellphone.
"Zav–"
"–YOU KILLED THEM!" umiiyak kong hiyaw kay Oscar. "You killed them! Nagsinungaling ka! Mamamatay tao ka!"
"Let me explain my side–"
"–Fvck your side!"
Tumayo ako at hinampas siya. Hindi naman ito umilag at sinalo lang ang mga atake ko.
"You killed them!" nanghihinang sabi ko. "N-nagmakaawa sila, Oscar, but you still killed them!"
"Let's talk later."
Bago pa ako makakilos at makapagsalita ay may kung anong ginawa ito sa batok ko. Unti unti akong nanghina at bumigat ang talukap ng mga mata ko.
The last thing I remember, he carry me outside from that coffee shop.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro