V:32
NANDITO kami ngayon sa isang mamahaling restaurant. Halos lahat ng kumakain dito ay magaganda ang kasuotan at halatang mayayaman.
"Oscar Xamirez," sabi ni Oscar sa isang babaeng waitress. "I have reservation here."
Tumango ito. "Good day, Mr. Xamirez. Please, follow me."
Nauna itong maglakad, agad naman kaming sumunod sa kaniya. Huminto ang isang babae sa isang table na may limang upuan.
"Your orders will be serve," nakangiting sabi ng babae at umalis.
Kami naman ay naupo. Manghang mangha yung mga bata sa ganda ng paligid. Sa bagay, kahit naman afford ko ang ganitong restaurant hindi pa rin kami kumakain sa mga ganito.
"Planado mo 'to," sambit ko kay Oscar. "May reservation na, may special request order pa."
Ngisi lang ang isinagot nito.
Ilang sandali lamang ay dumating na ang mga pagkain namin. Bahagya akong napatawa nang makita ang lumpiang toge.
"They don't have lumpiang toge, here. I just requested it," Oscar said. "Let's eat."
Nagsimula na kaming kumain. At infairness, sobrang sarap ng mga pagkain nila. Lalo na yung lumpiang toge.
"Mas masarap luto niyo po sa lumpiang toge," sabi ni Zakamir.
"Nang uto pa, ubos na nga 'yang nasa plato mo eh." Mahina kong kinurot ang pisngi niya.
Nasa gitna kami ng pagkain nang may dumating na isang babae. Isang babae na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng gana sa pagkain.
"Oscar," humalik ito sa pisngi ni Oscar. "Tinatawagan kita, hindi mo sinasagot."
"Leave, Maxine, we're having family date." Malamig na sabi sa kaniya ni Oscar.
"Oscar, we have a dat–"
"–Leave," mahinahong sabi ni Oscar pero may diin. "You're ruining our family date."
"So? Ganoon na lang yun!?" Naagaw namin ang atensiyon ng ibang tao nang tumaas ang boses ni Maxine. "Pagkatapos kitang samahan sa lahat, pagkatapos kang iwan ng babaeng yan! Ako pa rin ang itsapwera? Kahit na ako yung taong palaging nasa tabi mo!"
"Maxine–"
"–Hindi ako papayag!"
Dinampot ni Maxine ang isang basong tubig at sinaboy sa mukha ni Oscar. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa ginawa nito. Mabilis kong dinampot ang tubig ni Oscar at isinaboy rin sa mukha ni Maxine.
"Don't you ever embarrassed my man in front of many people," walang emosyong sabi ko sa kaniya.
"Malandi ka!" She was about to grab my hair, but Oscar pushed her.
"Leave, Maxine." madiing sabi ni Oscar.
"Hindi pa tayo tapos!" galit na sabi nito at umalis.
Nilingon ko si Oscar. Pinunasan ko ang mukha nito gamit ang manggas ng damit ko.
"Mag sorry ka sa kaniya," seryosong sabi ko dito. "You hurt her."
"Now you're with her side," natatawang sabi nito. "She's lying. Yes, she's with me when I'm breaking down, pero hindi para damayan. She's trying to flirt with me and she's even tried to get my signature to took all my money."
"Pero ang sweet niyo sa bahay mo,"
"That's part of my plan." Hinawakan nito ang kamay ko. "I need her to trace my enemy. I have a secret mission to end."
"You're using her, Oscar. Hindi magandang tingnan ang bag–"
"–Kasabwat siya sa pumatay sa mga magulang ko at kapatid ko." Natigilan ako sa isinawalat nito. "May alam din siya sa pagkamatay ng mga magulang mo."
"What do you mean?" kunot noong tanong ko. "Anong kasabwat? Aksidente ang pagkamatay nila, iyon ang sabi ng mga pulis."
"Pinatay sila," seryosong aniya. "May nag utos sa kanila at isa iyon sa mga kamag anak mo."
"A-are you sure about that?" Ibig sabihin nagsinungaling sa'kin sila Tito, ganoon din ang mga pulis na nakausap ko.
"I'm still figuring that, just give me a little more time, Zav." He smiled. "Kaunti na lang. I promise that."
"Pasali pu!" Napatingin kami sa mga bata.
"Mami, nakakabaliw kayo!" reklamo ni Zaar.
"Dadi, tama po narinig ko? Mafia?" nagningning ang mga mata ni Zakamir. "Dadi, gusto ko po sumali sa inyo."
"No," umiling si Oscar. "Walang ma-i-involve sa inyo sa trabahong mayroon ako. Hindi kayo papasok sa trabaho ko."
"Dadi, we want to be a Mafia," pursigidong sabi ni Zaiden. "Gusto po namin maging kagaya mo."
"No," walang emosyong sagot ni Oscar. "Let's continue our eating."
Hindi na nagsalita ang mga bata pero bakas sa mukha nila ang pagtatampo. Susuportahan ko ang mga anak ko sa lahat pero kagaya ni Oscar, hinding hindi ko rin sila hahayaang pumasok sa mundo ng Mafia.
Nang matapos kami sa pagkain ay bumalik na kami sa sasakyan. Buong biyahe ay hindi rin nangulit ang mga bata. Mukhang sobrang nagtampo dahil sa sinabi ni Oscar.
"Ayos lang kayo?" tanong ko sa mga bata.
Seryosong tumango lamang ang mga ito. Sinulyapan ko si Oscar, bakas sa mukha nito na hindi siya mapakali dahil sa inaasta ng mga bata.
Nang makarating sa bahay ay hindi na kami hinintay ng mga bata. Nauna ang mga itong pumasok sa bahay.
"They are mad," malungkot na saad ni Oscar. "Am I bad father? Masama ba ako dahil hindi ko sila sinuportahan sa gusto nila?"
"Hindi ka masama," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Kakausapin ko ang mga bata, wag ka nang mag isip ng kung ano."
Napahinga ito nang malalim at tumango. "I got to go. I just need to fix something, I'll be back later."
"Mag iingat ka."
Niyakap ako nito at hinalikan sa noo. "Don't go outside. May mga nakabantay sa inyo ng mga bata mula sa malayo. I love you."
After that he said those words, he kissed my forehead again, then left. Napatitig pa ako saglit sa pintong nilabasan niya bago ko mapagpasyahang umakyat sa kuwarto ng mga bata para kausapin sila.
I saw them lying on their bed, mangilid ngilid ang luha. Mukhang sobrang pagtatampo ang naramdaman nila.
"Kids," agaw ko sa pansin nila. "Nagtatampo kayo dahil ayaw namin kayong suportahan ng Daddy niyo sa gusto niyo?"
"Hindi ba po ang parents support dapat sa dream ng anak nila?" nakangusong tanong ni Zakamir. "Bakit kayo po ayaw niyo?"
"Tama ka, dapat support ang mga parents sa dream ng mga anak nila." Naupo ako sa gilid nila. "Pero mas uunahin ng mga parents ang kaligtasan ng mga anak nila."
Hindi sila sumagot.
"Nakikita niyo si Tita Secret sa baba diba?" They nodded. "Mafia siya, and she died because of her work."
"Hindi naman po kami mamamat–"
"–Madaling sabihin, Anak." Napahinga ako nang malalim. "Alam niyong mag isa na lang ang Daddy niyo diba? Tayo na lang ang meron siya. Natatakot ang Daddy niyo na baka pati tayo ay mawala, sana maintindihan niyo ang Daddy niyo."
"Sorry po.."
Lumapit ang mga ito sa'kin at niyakap ako. Maliit naman akong napangiti at niyakap din sila.
"Mas maiintindihan niyo kapag lumaki na kayo," sambit ko pa. "Mahal ko kayo mga anak–"
Pare pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng putok ng baril. Nagkatinginan kami ng mga anak ko.
"Mami, ano pong nangyayari?" tanong ni Zaar.
Sinenyasan ko sila na wag maingay at pinahiga sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Oscar.
"Oscar, may mga tao." Sumilip ako sa bintana at maraming armado. "May baril sila."
"Damn!. . . Don't panick, okay? I have a lot of guns under kid's bed." Sumilip ako sa ilalim ng kama at may mga baril nga. "Try to fight, baby. Pabalik na ako."
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Nanginginig na kumuha ako ng baril at kinasa ito.
"N-natatakot ako," kinakabahang sabi ko sa kaniya. "Oscar, bilisan mo."
"Yes, baby. I'm on my way."
Nakarinig ako ng yabag mula sa labas ng kuwarto. Kasabay nang pag bukas ng pinto ay ang pagkalabit ko ng gatilyo. Bumagsak sa sahig ang armadong lalaki at duguan ito.
"Oscar, n-nakapatay ako. M-makukulong ako!" Nagsimulang manggilid ang luha ko. "Oscar, anong gagawin ko!?"
"Hindi ka makukulong," sagot nito. "Just stay calm."
Muling may lumitaw na lalaki na agad kong binaril. Hinila ko ang mga anak ko, palapit sa'kin at inilagay sila sa likuran ko.
"Mami, we can protect you too."
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may hawak ng baril ang mga anak ko.
Patuloy lang kami sa pakikipag-barilan ng mga anak ko. Hindi ko alam kung may mga natitira pang armado sa labas, hindi ko alam kung ligtas pa kami.
May narinig ulit kaming yabag. Kasabay nang pagpasok nito ay ang sabay sabay naming pagkalabit sa gatilyo.
"STOP!" sigaw ni Oscar na sapo ang balikat. "Damn! Hindi kona kayo pahahawakin ng baril!"
"Oscar, may lalaki sa likod mo! Dapa!" tarantang sabi ko.
"There's no enemy," sabi nito. "Put that gun down!"
Binaba ko ang baril ko, ganoon din ang ginawa ng mga bata. Dali dali naming nilapitan si Oscar at niyakap ako.
"Akala ko mamatay na kami," naiiyak na sabi ko.
"Hindi kayo mamamatay," sabi nito. "Pero kanina muntik niyo na akong mapatay..."
Natawa lang ako at napapikit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro