V:28
WALA NA si Oscar sa aking tabi nang magising ako. Madilim na rin sa labas, mukhang matagal tagal akong nakatulog.
Umalis ako sa kama at pumasok sa C.R. Naligo ako saglit, bago ako magbihis at bumaba. Wala sa sala ang apat kaya dumiretso ako sa kusina. Nadatnan ko sila doon na kumakain.
"Mami, ayos kana po?" Nabaling sa'kin ang atensiyon nila nang magsalita si Zaiden. "Kain kana po."
Lumapit naman ako sa kanila at naupo sa kaharap na upuan ni Oscar. Hindi ako nito nilingon pero siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko.
"Mami, masarap luto ni Dadi." Itinaas ni Zaar ang lumpiang toge. "Mas masarap po lumpiang toge niya."
"So, hindi masarap luto ni Mami?" kunwaring nagtatampong tanong ko.
"Masarap din po," sagot nito. "Masarap luto mo po."
Nginitian ko lang siya at nagsimula ng kumain. Mahilig kaming dalawa ni Oscar sa lumpiang toge, at hindi ko akalaing mahihilig din ang tatlong bata sa lumpiang toge. Hindi pwedeng walang lumpiang toge kapag kakain kami, siguradong magtatampo sila.
"Mami, tumawag po kanina si Ninong Cleo. Pupunta raw po siya dit-"
"-I'm here." Lahat kami ay napalingon sa nagsalita. "Miss me?"
"NINONG!"
Tumayo ang mga bata at agad itong nilapitan. Maligalig naman silang sinalubong ni Cleo.
"How's my boys?" Binigyan nito ng tig-isa-isang halik ang mga bata.
"Maayos lang po," sagot ni Zaar. "Miss ka namin po."
Ngumiti si Cleo at ginulo ang mga buhok nito. Inabot nito ang bitbit niyang plastic sa mga bata bago lumapit sa'kin.
"How are you?" Hinalikan ako nito sa pisngi. "Nabalitaan ko yung nangyari, pasensiya na at hindi ako nakapunta."
"Ayos lang," sagot ko. "Kumain kana ba? Maupo ka, ipaghahain kita."
"No, dumaan lang ako saglit. Susunduin ko pa sila Hanna at yung mga bata." Binalingan nito si Oscar na madilim ang awra. "What's up, bro?"
"Don't fvcking what's up me!" masungit na sabi nito.
Natawa si Cleo at napailing. "I'll go now, Zavia. See you next week."
Muli itong humalik sa pisngi ko. Nilapitan nito ang mga bata at hinalikan din sa pisngi bago tuluyang umalis.
"Boys, hindi pa kayo tapos kumain." Sabi ko sa kanila.
Agad namang bumalik ang mga ito sa lamesa, bitbit yung mga laruan at pagkain na dinala ni Cleo.
Pasimple kong nililingon si Oscar. Pakiramdam ko mababali na ang kutsarang hawak nito dahil sa diin nang pagkakahawak niya dito. Panay rin ang igting ng panga nito.
"Oscar, ayos ka lang?" hindi mapigilang tanong ko.
"Yeah, I'm okay." Binitawan nito ang kutsara. "I'm okay. Cleo, just kissed you and our children. I'm fvcking okay, Zavia Leneghan."
Tumayo ito at dire diretsong lumabas ng kusina. Nagkatinginan kami ng mga bata at ngumisi ang mga ito sa'kin.
"Lagot," sabi ni Zakamir. "Seselos si Dadi."
"Ikaw kasi, nagpa-kiss ka kay Ninong Cleo." Sabi naman ni Zaar.
"Kailangan mo rin i-kiss si Dadi," sabi naman ni Zaiden.
"Tumigil kayo!" Sinamaan ko sila ng tingin.
Naghagikhikan lang ang mga ito at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami ay yung mga bata na ang nagpresintang maghugas ng plato at magpunas sa lamesa.
"Mami, suyuin mona lang po si Dadi." Tinulak tulak ako ni Zakamir palabas ng kusina. "Bilis na po."
"Bakit ba susuyuin ko ang Dadi niyo?" Nagpameywang ako at hinarap sila. "Ano bang ginawa ko?"
"Nagpa-kiss ka kay Ninong," sagot ni Zaiden na pinupunasan ang lamesa.
"Oh? Ano naman? Talaga namang hinahalikan ako ni Ninong niyo," kunot noong sabi ko. "At saka, hindi naman kami mag asawa ng Dadi niyo. Diba nga may asawa na siya?"
"Mami, hindi niya asawa po yung pangit na babae. Sinabi sa'min ni Dadi yun," sabi naman ni Zaar. "Girlfriend niya lang daw po yung babae."
Ay wow.
"Ede doon siya magpasuyo," masungit kong sabi. "Sige na, magtatrabaho pa ako."
Tuluyan kona silang tinalikuran at nilayasan. Narinig ko pa ang tawag ng mga ito na hindi kona lamang pinansin.
Umakyat ako sa kuwarto ko at kinuha yung laptop ko. Lumabas muli ako at nagtungo sa veranda. Inilapag ko ang laptop sa lamesang nandoon at naupo sa upuan.
"Relaxing sight." Inunat unat ko ang mga braso ko bago magsimulang mag-trabaho.
Chineck ko ang mga emails na hindi ko pa natatapos. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatutok sa laptop ko. Napatigil lang ako nang dumating ang mga bata, kasunod ang Daddy nila.
"Mami, busy ka po?" Kumandong sa'kin si Zaar. "Tingin tayo ng stars. May mahabang telescope po si Dadi."
Sinarado ko yung laptop ko. Tumayo kami ni Zaar at lumapit sa tatlo na nasa tabi ng mahabang telescope.
"May nakita po akong shooting star!" masayang sabi ni Zakamir. "Wait, mag wish po ako."
"Ako naman." Sumilip din si Zaar.
Sumunod naman sa kaniya si Zaiden. Salit-salitan ang mga itong sumisilip sa telescop, at hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanila.
"What's your relationship with Cleo?" Napalingon ako kay Oscar nang magsalita ito. "Is he your lover?"
"Hindi," mabilis kong sagot. "Magkaibigan lang kami, at naging katulong sa pagpapalaki sa mga bata."
"Tayo ang gumawa ng mga bata pero sa iba mo pinaako ang responsibilidad," mapait na sabi nito. "Ako dapat yun, kaso itinago mo sila."
"Sorry," mahinang sabi ko.
"Wala kana bang masabing iba kung hindi puro sorry?" sarkastikong tanong nito.
Ano paba? Mianhe? Gomenasai? Patawad?
"Do you think your sorry will lessen my anger?" tanong muli nito. "Why don't you try to work hard for my forgiveness? Bakit hindi mo samahan ng gawa?"
"Gagawin ko ang lahat," sincere na sabi ko. "Paghihirapan ko ang kapatawaran mo. Alang alang na rin sa mga anak natin."
"That's good to hear," panatag na sabi ko. "Akala ko, ako na naman ang maghahabol."
"So? Hindi kana galit sa nangyari kanina?"
Bumalik ang pagiging masungit nito. "I'm still fvcking mad. Galit lang ako, pero wala kang karapatang magpahalik sa iba." Nilapitan ako nito at hinawakan ang pisngi ko. Pinahiran niya iyon gamit ang palad niya. "Walang labing ibang pwedeng dumampi sa kahit anong parte ng katawan mo. Mas lalo akong magagalit sa'yo. At sa sobrang galit ko, baka sundan kona ang tatlo."
Wala sa sariling napalunok ako dahil sa sinabi niya. Tumaas ang isang sulok ng labi nito bago lumayo sa'kin.
Napatulala na lamang ako at napasampal sa sarili ko. "Nilalandi na naman niya ako..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro