Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V:21

FIVE YEARS LATER.....

      THEY are right, you will just be free from your hurtful past when you move forward. Kagaya ngayon, na-i-apply ko ang salitang move forward sa sarili ko kaya pakiramdam ko sobrang laya kana. Although, parang may kulang at hinahanap hanap ko pa rin siya.

Nakalimutan ko ang mga masasakit na nangyari sa'kin, maliban sa kaniya. Ibinalik ko ang dating Zavia Leneghan na minahal niya, ang pagkakaiba lamang ay wala na siya sa aking tabi. Nakakapanghinayang pero masaya pa rin ako dahil natupad ko ang mga pangarap ko at nakalaya ako sa nakaraan ko.

"Ma'am, tumatawag na naman ho yung tita niyo." Inabot sa'kin ng secretary ko yung cellphone ko. "Ayaw hong tumigil."

"Thank you," nakangiting kinuha ko yung cellphone. "You may now back to your work."

Bahagya itong yumuko at lumabas ng office. Napairap naman ako bago sagutin yung tawag.

"What do you need again?" I asked her, seriously. "Money? Ubos na ba yung perang binayad sa inyo ni Oscar Xamirez."

"Hindi naman ako manghihingi sa'yo, kung tinanggap mo ang pinsan mo sa trabaho!" singhal nito sa'kin.

"Why would I accept her?" Sumandal ako sa swivel chair ko. "Hindi niyo deserve ang karamyaan, my dear tita. You deserved that karma."

"Hanggang ngayon talaga ay ma–"

"–need to end this call, tita. Bye bye."

Napahalakhak ako matapos kong ibaba ang tawag. Ang bilis ng panahon. Dati ako ang naghahabol sa yaman ng mga magulang ko, ngayon ay sila na ang naghahabol sa'kin.

Pagkatapos nilang ibenta ang mga yaman ng magulang ko ay nagpakasaya sila sa perang pinagbilhan. Samantalang ako, nagsimulang magtayo ng tindahan ng mga perfume. After a years, ang simpleng tindahan ko ay nagising isang malaking company. And now, may iba't ibang branch na ako ng perfume business ko.

Umabot na rin sa ibang bansa ang business ko na lubos kong ikinatuwa. I'm proud to say that I'm successful business woman now. Kahit ang dami kong pinagdaanang pagsubok noon, hindi ko akalaing makakarating ako sa ganitong sitwasyon ng buhay ko.

Nang maging successful at nakilala ako, biglang nagsilitawan ang mga kamag anak kong nagpakasarap sa yaman ng mga magulang ko. They are asking for my help now, because they have mo money. Walang wala na silang lahat. Dahil nga bumalik si Zavia Leneghan, instead of helping them. I just laughed while mocking them.

Hindi nila deserve ng tulong ko, hindi muna. Kailangang maranasan nila ang mga naranasan ko, kailangan nilang matikman ang mga karma nila. Hindi pwedeng basta basta na lang sila raramya kaagad. Gantihan 'to.

Nilibang ko lamang ang sarili ko sa pagpirma ng mga dokumento. Ilang saglit lang ay tinawag na ako ng aking secretary para sa isang meeting ko sa isang company.

Sumakay agad kaming dalawa sa kotse ko at agad akong nag-drive patungo sa chinese restaurant na napag usapan namin.

Agad kaming in-assist ng staff doon nang makarating kami. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang mga asawa Yuan.

"Good afternoon, lovers." Nakangiting umupo ako. "I'm so thankful that you accepted my proposal."

"Well, it's our pleasure to be your business partner." Mr. Yuan said. "Let's eat while we're discussing about our plans."

Kagaya ng sabi niya, kumain kami habang dini-discuss namin ang mangyayari sa partnership namin. Napagplanuhan namin magtayo ng panibagong branch sa parañaque at silang mag asawa ang mamamahala.

"Thank you for trusting us, Ms. Leneghan."

Nakipagkamay ako sa kanila. "Thank you for trusting too, lovers."

Sandali pa kaming nag-kwentuhan bago kami magpaalam ni Nanette–Secretary ko.

"Nette, wala na akong schedule diba?" Tumango ito. "Uuwi na ako, ikaw nang bahala sa company, okay?"

"Noted, ma'am."

Inihatid ko muna si Nanetter sa company bago ako dumiretso sa bahay. . . Sa kuwarto agad ako dumiretso nang makauwi ako, nagpalit ako ng damit bago ako dumiretso sa kusina para magluto ng hapunan.

I chose to cook lumpiang toge and chicken fillet for dinner. Favorite nila ang lumpiang toge kaya hindi dapat iyon mawawala sa hapagkainan.

Pagkatapos kong magluto ay tinakpan ko muna ang mga iyon bago magtungo sa sala at nanood ng T.V.

"Today, makakasama natin ang isa sa pinakasikat sa business industry na si Mr. Oscar Xamirez." Mabilis akong napaayos ng upo nang biglang lumitaw sa T.V si Oscar. Napahawak ako sa dibdib ko nang kumabog ito ng mabilis. Mas lalo siyang gumwapo at mas lalong lumaki ang katawan niya. Sa tabloid kona lang nakikita ang itsura niya, hindi ko akalaing makikita ko siya ngayon sa T.V. He looks more dangerous. "Mr. Xamirez, what can you say about the issue of Mr. Amiko's company?"

"I don't fvcking care about him, anymore." Damn! I miss his voice so much. "I gotta go, I have an important meeting."

Mas lalo siyang lumamig, mas lalo siyang naging masungit. At sigurado ako na kapag nalaman niya ang sikreto ko, mas lalo siyang magagalit sa'kin.

"Ikaw ah? Pinanonood mo si Dadi." Gulat akong napalingon sa likuran ko nang may magsalita.

Nakita ko ang tatlong batang nakangising sa'kin habang pare parehong nakapamulsa.

"Mami, wag kang nahihiya sa'min po. Para ka namang others."

"Boto naman kami kay Dadi, kaya walang masama kung ma-miss mo siya."

Sinamaan ko sila ng tingin bago lapitan. Pinanggigilan ko ang pisngi nila, bago kuhanin ang mga bag nila at isabit sa sabitan.

"Nasaan yung naghatid sa inyo?" tanong ko.

"Umalis na po," sagot ni Zaar. "Mami, nagmamadali kanina si Ninong Cleo."

"Paanong hindi magmamadali? May lumapit sa kaniyang kambal na babae kanina, tapos tinawag siyang Daddy." Napalingon ako kay Zakamir. "Mami, may anak si Ninong Cleo."

"Opo, mami." sang ayon ni Zaiden.

"Chismoso talaga kayo," sabi ko. "Tapos? Ano pang nangyari?"

"Yan po tayo eh, manlalait na chismoso kami. Pero gustong gusto naman niya ang chismis," iiling iling na sabi ni Zaar. "Hayst, Mami. Tanggap ka po namin kahit ganiyan ka."

"Kayo kaya ang hindi ko tanggapin?" Sinamaan ko sila ng tingin. "Pinagtutulungan niyo na naman ako, ah?"

"Ito na nga sis mars. Si Ninong Cleo, biglang nawala sa sarili, tapos po mura nang mura." kwento ni Zaiden na animo'y barkada ko lang siya. "Ano pa pong gusto mong malaman?"

"Kulit niyo!" muli kong pinanggigilan ang pisngi nila. "Magpalit na kayo sa kuwarto niyo, ihahanda kona ang pagkain."

Agad namang tumayo ang mga ito at nagtungo sa kuwarto nila. Dumiretso naman ako sa kusina at inihanda ang pagkain namin.

Ginabi sila ng uwi dahil ipinasyal sila ni Cleo. Ayos na rin yun para malibang ang mga batang makukulit.

Sobra ang pasasalamat ko kay Lord dahil hindi niya kinuha yung mga anak ko. Nang isilang ko kasi sila ay agaw buhay sila at sinukuan na sila ng mga Doctor. Pero dahil malakas ang paninindigan ko, hindi ko silang sinukuan. At tama nga ang desisyon kong iyon. Ang lalaki na nila ngayon at ang kukulit.

Maya maya lang ay dumating na ang mga bata. Nagdasal muna kami bago kami magsimulang kumain.

"Mami, si Dadi, kanina ang pinanonood mo?" tanong ni Zaar. "Sagutin mo po, pleasee."

"Oo," pormal kong sagot.

Nagkatinginan naman yung tatlo at sabay sabay na humagikhik. Napataas naman ako ng isang kilay dahil sa inasta ng mga ito.

"Anong pinaplano niyo?" pinaningkitan ko sila ng mga mata. "Wag niyo akong simulan sa kalokohan niyo."

"Mami, love you." sa halip ay sambit nila.

Confim! May kalokohan ngang gagawin ang mga batang ito. At sigurado akong hindi maganda ang bagay na iyon.

Mukhang kailangan kong bantayan ang mga ito nang mabuti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro