Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V:20

       HINDI KO alam kung paano ako napunta sa magarang kuwarto na ito. Mukhang inuwi ako ni Cleo sa bahay niya.

Alam kong namamaga ang mga mata ko dahil masakit ito at mahapdi. Feeling ko rin ang singkit ko.

"Gising na ang iyakin," bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwal si Cleo na may bitbit na pagkain. "Kumain kana, nagpabili akong pagkain."

Agad kong kinuha ang inaabot niyang plato at nagsimulang kumain. Tahimik lang akong kumakain habang iniisip pa rin ang mga nangyari kahapon.

Nang matapos akong kumain ay uminom ako ng tubig at umalis sa kama. "Papasok na ako sa trabaho."

"Papasok ka pa rin sa gagong yun?" bakas ang inis sa boses nito. "Zav, if you need work, you can work here. Wag ka ng bumalik doon."

"Don't worry, last day kona mamaya sa kaniya." Nginitian ko siya. "Una na ako, salamat."

Tuluyan kona siyang tinalikuran at umalis sa bahay niya. May natira pa akong pera at ginamit ko yun pamasahe papunta sa bahay ni Oscar.

Nang makarating ako sa bahay niya ay pinakaswal ko ang mukha ko bago tuluyang pumasok sa loob. Nadatnan ko si Oscar sa sala na nakaupo at mukhang hinihintay ang pagdating ko.

"Zav.." agad itong tumayo nang makita ako. "Let me explain, please."

"Titiklupin kona yung mga sinampay ko," kaswal kong sabi. "Lilinisin ko pa ba ang kuwarto mo?"

"Zav,"

Hindi kona siya sinagot at tinalikuran na. Lumabas ako sa likod at kinuha yung mga sinampay ko. Nilagay ko iyon sa basket bago bumalik sa sala at sinimulang tiklupin iyon.

"Zav..."

"Hindi kita maintindihan, Oscar. Lahat naman ginawa kona," natahimik ito nang magsalita ako. "A-alam mo kung gaano kahalaga sa'kin ang pinaghirapan ng mga magulang ko. K-kahit yun na lang sana, pinalampas mo."

"I bought that company and house, for you." Napatingin ako sa kaniya. "Binili ko yun para sa'yo, ayaw na kitang mahirapan kaya kumilos na ako.."

"Oscar–"

"–Do you think I can hurt you? When I told you that I'm willing to forget my revenge, I mean it, Zav." May hinanakit sa boses nito. "All I want is your trust, Zav."

"Bakit mo ginawa yun? Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"I have, Zav. May tiwala ako sa'yo, kasi kung wala, susugal ba ako ulit? Mali ako sa parte na pinangunahan kita, pero ginawa ko lang yun dahil ayaw na kitang mahirapan."

"This is my last day here, Oscar." Nginitian ko siya. "Alagaan mo sana ang company ng mga magulang ko."

"No!" Tumayo ito at lumuhod sa harapan ko. "You can't leave me like that, Zav. Hindi pa kita napapatawad."

"We're not good for each other," mahinang sabi ko. "Please, let me go."

"Ayoko, tang ina! Barilin mona lang ako, Zav, kung ganito lang din ang mangyayari!" yumakap ito sa beywang ko. "Kung gusto mong lumayo, patayin mo muna ako."

"Oscar–"

"You can't just fvcking leave me, Zav! You just can't throw me again. Ginawa mona sa'kin 'to, wag mo namang ulitin." sumubsob ito sa tiyan ko. "Why you always want me to suffer?"

Sa halip na sagutin. Hinawakan ko ang mukha niya at pinagdikit ang mga labi namin. Napapikit naman ito at gumanti sa halik ko.

"Please, say that word, Oscar."

"I will never say that word, Zavia–"

I kissed him again.

I don't know what happened next, I just found myself moaning his name and beg for him.

"You really want to leave me?" sabi nito habang nakayakap sa'kin at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. "Why? Am I hurting you so much?"

"Sobra, Oscar.." mahinang sagot ko habang hinahaplos ang buhok niya. "We're not compatible for each other. We can't be together."

Umalog ang balikat nito, and I know he's crying.

"Y-you're always hurting me, Zav. You're so cruel, you're so bad." Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko. "I tried to forget you and I tried to be mad at you. But look, I'm here again, begging for you to stay with me."

Gusto ko rin naman, kaso masakit na...

"Just say that word, please.."

"You really want to leave?" Tumango ako. Humiwalay ito sa'kin at umupo patalikod sa'kin. "You can leave now, Zav."

Bumangon naman ako at isa isang sinuot ang mga damit ko. "Oscar, wag mo akong pahirapan. Just say that word, please."

"Ikaw ang nagpapahirap sa'kin, Zavia." mahinang sabi nito. "I hate you. I hate you so much, Zavia."

"Osca–"

"–I'm forgiving you, Zav."  Tumulo ang mga luha ko. "Umalis kana."

"Thank you, Oscar..."

Tumalikod na ako at bawat hakbang ko ay mabigat sa aking dibdib. Gusto kong lumayo pero ayaw naman ng puso ko.

"Zavia," napahinto ako sa paglalakad nang magsalita ito. "Just make sure that you won't show your face again. Dahil sa oras na magtagpo ulit ang landas natin, hindi na kita pagbibigyan na umalis."

Hindi na ako sumagot at tuluyan na lang umalis sa lugar na yun. Bawat hakbang ko para akong dinudurog, bawat hakbang ko ay parang unti unti akong pinapatay. Hindi ko akalaing sa maikling panahon na yun, ay mamahalin ko si Oscar.

Napahinto ako sa paglalakad nang nay humintong sasakyan sa harapan ko. Agad kong nakilala kung kanino ito kaya walang pagdadalawang isip akong sumakay doon.

"If you love him, why you chose to let go?" tanong nito habang nagmamaneho.

"Hindi naman kasi porket nagmamahalan kayo, kailangan mag stay. Kagaya ngayon, I can't stay with Oscar. Masyado kaming nagkakasakitan and we both still can't move forward from our past." Tumingin ako sa bintana. "I want to be with him, but I can't. At isa pang dahilan ay ang organisasyon ninyo."

"Wala ka bang tiwala sa kaniya?"

"Malaki ang tiwala ko sa kaniya, Cleo, pero hindi natin masasabi ang mga mangyayari." Pinahiran ko ang mga luha ko. "Ilayo mo nga ako, Cleo. Gusto kong magsimula. Gusto kong maging si Zavia Leneghan ulit."

"Yung masama ang ugali?"

"Oo," sagot ko. "Pero sa piling tao. Gusto kong maging successful at magamit ang mga napag-aralan ko. Gusto kong gumanti sa mga kamag anak ko."

Pumito ito. "Buti na lang naisip ko nang gagawin mo ang bagay na ito. Nakahanda na ang lahat, Zavia."

Kiming ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya bago muling tumingin sa bintana ng kotse niya.

I will start my new life and I will slowly forget my dark past...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro