Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V:2


MUKHA akong tanga habang naglalakad. Sobrang lawak ng aking ngiti at iniisip kona agad kung anong gagawin ko sa unang sahod ko. Binabalak kong magtayo ng negosyo. Perfume business.

Wala talaga akong alam sa pag-me-maid dahil nga sa kinalakihan kong buhay, pero noong napunta ako sa lansangan marami akong natutuhan. Marunong na akong maglinis ng bahay, marunong na rin akong maglaba, marunong na ako sa lahat.

"Wow," manghang tiningala ko ang isang mataas na itim na gate. "Ang ganda..."

Tiningnan ko yung flyers at ito na nga ang address. Pinindot ko yung doorbell nang tatlong beses at ilang minuto lang ay bumukas ito at iniluwal ang isang babaeng nakasuot ng pang-maid.

"Applicants?" Tumango ako. "Follow me.."

Nauna itong maglakad. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Hindi ko maiwasang mamangha sa malawak na hardin na may iba't ibang magagandang bulaklak. May malaking fountain din sa daan at yung bahay, sobrang laki. Mas malaki ito, kumpara sa bahay namin.

Mas lalo akong namangha nang makapasok kami sa loob ng bahay. Para akong nasa palasyo dahil sa sobrang laki at sobrang ganda.

Huminto ang isang babae sa isang pintong itim. Kumatok ito ng tatlong beses bago pumasok. Wala pang isang minuto ay lumabas na ito at sinenyasan akong pumasok.

Kinakabahang pumasok naman ako sa loob. Nadatnan ko ang isang lalaking may makisig na katawan, nakatalikod ito sa'kin pero ang pamilyar niya. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko nang kumalabog ang puso ko ng mabilis.

"H-hi po," bati ko rito. "Mag-a-apply po sana akong maid. Marunong naman po ako sa mga gawaing bahay, medyo sablay nga lang po sa pagluluto-" Natigilan ako nang humarap ito. "Oscar..."

"You, again." Nag-cross arm ito at umupo sa table niya. "Continue talking."

"Ah, ano po..." biglang namawis ang kamay ko. "H-hindi na po ako mag-a-apply. S-salamat na lang.."

"Why?" kita ko ang pag igting ng panga nito. "Dahil ako ang amo mo? Hindi mo masikmurang makita ang taong pinahirapan mo sa mahabang panahon?"

"Oscar, pinagsisihan kona ang mga ba-"

"-Fvck that alibi of yours, Zav!" Napaigtad ako nang umiba ang tono ng boses nito. "Pinagsisihan!? Marunong ka bang magsisisi huh!?"

"Oscar, maniwala ka man o hindi, pero pinagsisihan kona talaga yun. Ang tagal kong binangungot dahil dooon, ang tagal kong nakulong sa pangyayaring iyon." Napahinga ako nang malalim. "Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko. I'm sorry because you suffered because of me. I'm sorry, Oscar."

"Sa tingin mo mabubura ang lahat dahil sa sorry mo?" tumalim ang tingin nito sa'kin. "Do you think I will believe in you? You're good in manipulating human, Zav."

"Nagbago na ako, nasa sa'yo na yun kung hindi ka maniniwala. . . Sorry ulit, Oscar. Aalis na lang ako para hindi kana mahirapa-"

"-Prove that you're really regret everything." Napahinto sa sinambit nito.

"Paano?" matapang kong tanong.

"Work from me, as my maid."

Hindi ako nakasagot. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi.

Napahinga ako nang malalim at tumango. Siguro ay kailangan ko itong gawin para patunayan sa kaniyang sobra ko nang pinagsisisihan ang mga nagawa ko. Papatunayan ko sa kaniyang sincere ako.

"Tatanggapin ko," sambit ko. "Papatunayan ko sa'yong sobra na talaga akong nagsisis-"

"-Good, umpisahan mona." Umalis ito sa pagkakaupo sa lamesa niya at lumapit sa'kin. Bahagya naman akong napaatras dahil pakiramdam ko ay nanlambot ako. "Clean my house, buong bahay ko, Zav. Wala dapat akong makikita miski isang alikabok. After that, you can go home."

Napalunok ako at sunod sunod na tumango.

"You may go now," sambit nito at lumayo sa'kin.

"S-sige." nagmamadali akong lumabas.

Pakiramdam ko ay nakahinga na ako nang maluwag, gayong wala na si Oscar sa aking harapan.

Inilibot ko ang paningin sa bahay niya, pakiramdam ko ay gusto ko na lang umatras. Ang laki ng bahay niya, siguradong aabutin ako ng gabi sa paglilinis.

Napakamot na lang ako ng ulo at hinananap yung babae kanina. Nakita ko ito sa tapat ng hagdan, akmang magsasalita ako pero natigilan ako nang iabot niya sa'kin ang isang walis at basahan. Walang sabi sabi itong umalis pagkatapos, na ikinasimangot ko.

I guess, I don't have a choice.

Sinimula ko nang linisan ang bahay ni Oscar. Sinimulan ko sa taas. Balak ko sanang linisan ang mga kuwarto doon, ang kaso ay naka-lock kaya yung hallway na lamang ang nilinisan ko.

Hanggang dalawang floor lang ang bahay ni Oscar, pero sobrang laki naman. Palasyo ata 'to eh. . . Tanghalian na pero nasa second floor pa lang ako. Umupo ako sa isang gilid at inilabas yung tupperware na may kanin at ulam. Buti na lang ay naitabi ko ito, mukhang wala silang balak na pakainin ako eh.

Nagsimula na akong kumain nang tahimik. Wala namang makakakita sa'kin kaya wala ng hiya hiya. . . Nang matapos ako sa pagkain ay itinapon ko ang tupperware sa trash bag. Sinimulan kona ulit maglinis. Gusto kong matapos agad para makainom, feeling ko kasi ay nakabara pa rin sa lalamunan ko yung kinain ko.

Alas tres nang hapon na ako natapos maglinis sa second floor.

"Ate!" tawag ko doon sa babae. "Puwede pong makainom?"

"No," kahit hindi ko lingunin. Siguradong si Oscar ang nagsalita.

Tumango na lamang ako at ipinagpatuloy ang paglilinis ko. . . Tama nga ako, gabi na ako natapos. Alas nuebe na ng gabi. Gutom ako at pagod. Hindi man lang ako pinakain ni Oscar.

"Tapos na ako," sabi ko, kay Oscar nang makita ko ito sa salas. "Malinis na ang bahay mo."

"You can go home now," malamig na sambit nito. "Bumalik ka bukas para sa labahin."

"Uhm, pwede ba akong bumale? Kahit one hundred lang. Nagugutom na kasi ako."

Nasa akin pa naman yung one hundred na kita ko kanina, kaso gusto kong may extra akong pera.

Tumayo ito. May kinuha ito sa bulsa niya. Isang plastic na barya. Akala ko ay iaabot niya sa'kin, pero winasak niya ang plastic kaya kumalat ang barya sa sahig.

"Mahigit isang daan ang mga 'yan, pulutin mo kung gusto mong may makain."

Napakagat naman ako sa ibabang labi ako at isa isang pinulot ang mga barya. Ramdam ko ang tingin nito sa'kin na hindi kona lamang pinansin.

Inipon ko ang barya sa damit ko dahil wala naman akong bulsa. Nang matapos kong pulutin iyon ay mangiyak ngiyak kong nilingon si Oscar na walang emosyong nakatingin sa'kin.

"S-salamat ho, sir.."

Tumalikod na ako at dire diretsong umalis doon. Mas lalo yata akong napagod dahil sa ginawa niya. Sa bagay, deserved ko naman yun.

Mag isa akong naglalakad pauwi, dahil nga gabi na. Medyo tago at malayo layo rin ang bahay ni Oscar kaya walang gaanong nagdadaan na mga tao at sasakyan.

Siguradong sarado na ang karinderya sa'min, wala na ring tindahang bukas niyan kaya hindi rin ako makakabili ng sardinas at bigas.

Natigilan ako nang may nakita akong ihawan. Agad akong lumapit doon at nagpaihaw ng barbecue at isaw.

Habang naghihintay ay may mga kalalakihang lasing na lumapit sa gawin ko. Bahagya akong napaatras dahil sa takot at panic.

"Hoy, Berting! Tigilan mo ang kalokohan mo!" saway sa kaniya nung tindera. "Umuwi kana sa asawa mo bago pa kita maisumbong."

Umalis naman yung mga lasing habang iiling iling. Nang matapos ihawin ang pagkain ko ay pinalagay ko iyon sa cup. Kinakain ko yun habang naglalakad ako pauwi.

"MISS!"

Natigilan ako at nilingon ang mga tumawag sa'kin. Bigla akong dinumog ng kaba nang makita yung mga kalalakihang lasing.

Mabilis akong naglakad hanggang sa nauwi sa pagtakbo. Dahil sa sobrang taranta ay natapon ko ang pagkain ko. Hindi kona inisip yun, ang mahalaga ay makauwi ako.

Nang makarating ako sa ilalim ng tulay, agad akong dumiretso ako sa bahay ko. Mas lalo akong natakot nang makita ko yung lalaking nakatayo malapit sa bahay ni nanay Pasing. Mabuti na lamang ay hindi ako nakita nito.

Hingal na hingal na naupo ako sa lapag, habang yakap ang tuhod ko. Nasa ganoon akong posisyon nang bigla na lamang tumunog ang tiyan ko. Bakit ba kasi ibinalibag ko yung pagkain ko? Pati yung mga barya ko nagkandalaglag din. Ito tuloy ako ngayon, nganga.

Pero sa lahat nang nangyari ngayong araw, wala na yatang mas sasakit pa sa ginawa ni Oscar. Pero ayos lang, kasalanan ko naman. I think I deserve all the way he treats me..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro