V:13
HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin ang mga sinabi ni Oscar. Hindi ko maintindihan masyado ang mga sinabi niya. At hindi ko rin maintindihan ang sarili dahil parang ayaw kong patawarin ako ni Oscar. Pakiramdam ko habang tumatagal, binabaliw na ako ni Oscar.
"Sinong iniisip mo? Si sir Oscar?" tanong ni Secret na pumukaw sa iniisip ko. "Hindi pa magpapakita sa'yo yun, pinarusahan ba naman ang sarili eh. Ayun palakda sa Underground."
"Ha?" takang tanong ko dahil wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.
"Wala," sagot lang nito at umiling.
Pagkatapos akong alagaan ni Oscar ng tatlong araw dahil sa sakit ko, hindi kona ito nakita. Ang sabi ni Secret nasa Palawan daw si Oscar at nakapalakda sa Underground nila.
Ang tagal niyang hindi nagpapakita sa'kin, mag-i-isang linggo na rin. Kung kailan sahod kona bukas at saka pa siya wala. Kailangan ko kasi yung sahod ko dahil kukuha ako ng attorney para labanan ang mga kamag anak kong magnanakaw ng yaman.
Alam kong hindi pa sapat yung sahod ko pero baka may makuha akong sasapat sa halaga na mayroon ako. Gustong gusto ko nang mabawi ang pinaghirapan ng mga magulang ko. Gusto ko agad bawiin yun bago pa mahuli ang lahat. Timawa pa naman ang mga kamag anak namin.
"Natatawagan mo ba si Oscar?" tumango si Secret. "Follow up mo naman yung sahod ko. Kailangan ko ng pera."
"Akala ko naman siya namimiss mo, yung sahod lang pala." Sumimangot ito. "Sige, sasabihin ko mamaya sa kaniya."
Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagpupunas ng lamesa. Nang matapos ako sa pagpupunas ng lamesa, sinunod ko naman ang sala.
Hindi na akong gaanong nahihirapan sa paglilinis ng bahay ni Oscar dahil may dalawa ng tumutulong sa'kin. Si Secret, at si Nelly na bagong kasambahay ni Oscar. Ngayon wala rin si Oscar dito, nagagawa kong maglibot sa buong bahay niya. Nakakakain din ako at nakakainom.
"Zavia! Gusto ka raw kausapin ni sir Oscar!" Napahinto ako sa pagpupunas nang makita si Secret na tumatakbo palapit sa'kin. "Hanap ka ni sir Oscar, miss ka raw!"
Kusang kumabog ng malakas ang dibdib ko at bigla akong kinabahan na na-excite. Pinunas ko yung basang kamay ko sa damit ko bago nanginginig ang kamay na kuhanin ang cellphone ni Secret.
"H-hello?" gusto kong sapukin ang ulo ko dahil sa panginginig ng boses ko. "Uhmm, b-bakit?"
Kalma, Zavia. Si Oscar masungit lang yan.
"How's your day?" tanong nito. "Kumain kana ba?"
"H-hindi pa," sagot ko. "Naglilinis pa kasi ako ng b–"
"Kyahh!" sinamaan ko ng tingin si Secret na biglang tumili. "Sorry, hehe."
"Chismosa ka!" inirapan ko siya at nilayuan. "Sorry, si Secret kasi nababaliw na naman."
"She's always crazy," tugon nito. "By the way, bakit hindi kapa kumakain? Anong oras na."
"Naglilinis pa kami ni Secret, patapos na rin naman kami at kakain na rin." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil lalo pang kumabog ng malakas ang dibdib ko. "I-ikaw? Kumain kana?"
"Yeah," may narinig akong hagikhikan sa kabilang linya. "Get out in my room!"
"In love si gago!"
"Xamirez, tuli kana ba?"
"Kunwari pang galit. Ito oh, galit."
Nakarinig ako ng mga kalabog at maya maya lang ay tumahimik na ang kabilang linya.
"Still there?" parang tumalon ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Oscar. "I will end the line. Kumain kana."
"Ano pala. . . yung sahod ko?" buti na lang ay wala siya sa harapan ko, kung hindi ay siguradong makikita niya ang pamumula ko. "May paggagamitan kasi ako ng pera."
"And what is that?" kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakakunot ang noo niya. "Are you planning to leave? Tatakasan mo ako?"
"Ha? Hindi ah!" natawa ako. "May paggagamitan lang ako. Wala sa isip ko ang takasan ka. Hindi mo pa ako napapatawad eh."
"That's good to hear," dinig kong bumuntong hininga ito. "I'll send your salary to Secret, later."
"Sige, salamat."
Namatay ang tawag. Napatingin naman ako sa cellphone na hawak ko at wala sa sariling napangiti. Hindi ko alam, pero kahit sinaktan ako ni Oscar, panatag pa rin ang loob ko sa kaniya. At hinahanap-hanap ko pa rin ang presensiya niya.
"Huling huli ang kilig," mabilis kong inalis ang ngiti sa labi ko nang biglang sumulpot si Secret na may ngisi sa mukha. "Ikaw, ah."
"Issue mo," inabot ko sa kaniya ang cellphone niya. "Ayan na cellphone mo, tatapusin kona yung ginagawa ko."
Tinukso pa ako nito na hindi kona lang pinansin. Muli na naman akong napangiti nang maalala ang pag uusap namin ni Oscar. Wala namang kasaya saya sa pag uusap na yun pero hindi ko mapigilang ngumiti. Mukha akong tangang nakangiti habang nagpupunas ng hagdan.
Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa kusina. Sakto namang nakahain na si Secret kaya naupo na lang ako.
"Nasaan si Nelly?" tanong ko sa kaniya habang kumukurot ng isda.
"Ayan na oh," sabi nito at nginuso ang pinto ng kusina.
Papasok doon si Nelly na pawis na pawis. Mukhang pagod na pagod siyang linisin ang kuwarto ni Oscar.
"Kain na tayo," nakangiting sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lang din ito bago naupo. Tahimik lang kaming tatlo na kumakain hanggang sa magsalita si Secret.
"Last day of work niyo pala ngayon, wala munang pupunta dito sa bahay ni sir Oscar." Lumingon ito sa'kin. "Pupunta akong Palawan para pumuntang underground dahil may misyon ako."
Napatango ako. "Kailangan ka babalik? Kailangan kayo babalik ni Oscar?"
Ngumisi ito. "Kapag sobrang na-miss ka ni sir Oscar, babalik agad yun kahit hindi pa magaling."
"Ayan kana naman sa pagiging malisyosa mo," napasimangot ako. "Tinatanong ko lang kasi baka mabawasan ang sahod ko."
"Oo na lang," humagalpak ito ng tawa. "Gusto mo sumama ka sa'kin. Mukhang ikaw ang kailangan ni sir Oscar para mapabilis ang paggaling niya."
"Ano ba kasing sakit niya?" tanong ko. "Puro ka gagaling siya, hindi mo naman sinasabi kung anong sakit niya."
"Katangahan," sagot nito at parang baliw na tumawa.
Napangiwi na lang ako at hindi siya pinansin. Nababaliw na naman siya.
Nang matapos kaming kumain, ako na ang nagpresintang maghugas. Si Nelly naman ay nagpaalam nang uuwi dahil may sakit daw yung nanay niya.
"Sasama ka sa'kin sa palawan," seryosong sabi ni Secret. "Hindi ka puwede rito, lalo na at may spy."
"Spy? Sinong spy?" luminga linga ako sa paligid.
"Si Nelly," ngumisi ito. "Binabantayan niya ang bawat galaw ni Oscar. At mukhang nasabi na niya sa hunghang niyang boss na malapit ka kay Oscar."
"Anong ibig sabihin non?" kinakabahang tanong ko. "Mapapahamak ba ako? Mamamatay ba ako?"
"As if Oscar would let that happen," nakangising sabi nito. "Be ready, dahil may flight tayo mamaya papuntang palawan."
"Hindi kaba nagbibiro? Isasama mo talaga ako?" tumango ito. "Bakit biglaan naman? Hindi ako nakaaayos. Mukha akong pulubi–pulubi nga pala ako."
"Ito naman na-conscious agad sa itsura niya, parang dati kahit mukhang bruha siya walang pakielam." sinunggo ako nito gamit ang pang upo niya. "Ano? Papaganda para kay Oscar Xamirez?"
"Hindi 'no! Dami mong sinasabing ka-malisyosohan, hindi na ako mag aayos!"
Tumawa ito nang malakas bago ako hampasin sa puwitan. Sinamaan ko siya ng tingin na lalo niya lang ikinatawa.
Nang matapos akong maghugas ay agad ako nitong hinila palabas at pasakay sa kotse niya. Kinabit kona lamang ang seatbelt ko dahil mukha siyang kaskasera sa pagmamaneho.
"We're safe," sabi nito. "Kapit ka ah? Mag-ra-rides tayo."
Parang hihimatayin ako nang bigla nitong paandarin ng mabilis ang kotse niya na para bang nakikipagkarera. Singit ito nang singit kahit pa maliit na lang ang space. Ang dami tuloy bumubusina sa'min at maraming nagagalit.
"Kalmahan mo!" takot kong sabi sa kaniya. "Mas malala ka pang mag-drive kaysa kay Oscar!"
Humalakhak lang ito at lalong binilisan ang pag-da-drive. Nang makahinto ang sasakyan sa airport ay nagmamadali akong bumaba. Habol hininga rin ako at sinuri ang sarili ko dahil feeling ko nawala ang kaluluwa ko.
"Namumutla ka," tawa nito. "Dapat pala lalo kong binilisan."
Hinila ko naman ang buhok nito. "Nakakainis ka!"
Ngisi lang ang isinagot nito bago ako hilahin papasok sa airport. Dire diretso lang ito at hindi kami hinaharang ng mga guard. Parang pagmamay-ari ni Secret ang buong airport.
Sumakay kami sa isang malaking eroplano at namangha ako dahil kaming dalawa lang ang sakay nito.
"Private plane ni sir Oscar," sabi nito. "Easy access, diba?"
Tumango lang ako at naupo. Hindi ito ang unang beses na nakasakay ako ng eroplano kaya alam kona ang gagawin ko. Noong matapobre kasi ako, madalas akong lumabas ng bansa para lang mag-shopping o kaya mamasyal. Ngayon, puro eskinita na lang ang natatambayan at napapasyalan ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal bumyahe ni Secret. Nang makarating kami sa palawan ay gabi na at gutom na ako.
"Gutom na ako," sabi ko kay Secret. "Kain muna tayo."
"Sa underground na. Naghanda si sir Oscar para sa'yo," nakangiting sabi nito.
Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin ang panunukso niya tungkol kay Oscar.
Sumakay kami sa isang kotse na may driver na guwapo. Palagi akong napapaligiran ng guwapo, pero mapanganib. Halos isang oras kaming bumyahe bago kami huminto sa parang isang abandonadong bahay.
Bumaba si Secret at yung lalaki kaya bumaba na rin ako. Pumasok kami sa loob at napaatras na lamang ako nang bumukas yung sahig.
"Pupunta ba tayong impyerno?" tanong ko.
"Tanga, nasa ibaba niyan yung underground." Tinulak tulak ako ni Secret pababa. "Bilisan mona para makita mona ang guwapong satanas na gumigimbal sa pempem mo."
"Bunganga mo!" inis ko siyang sinabunutan na ikinatawa niya lang.
Ang hilig niyang tumawa, siguro ay problemado siyang tao. Okay, iintindihin kona ang pagiging baliw niya.
Bahagya akong kinabahan nang makarating kami sa ibaba. May mahabang hallway na lalakaran at bawat gilid ay may mga naka-men in black na seryosong nakatayo na parang estatwa.
Mas lalo akong kinabahan nang makarating na kami sa dulo. Binuksan nung lalaki yung pinto at pumasok. Sumunod naman sa kaniya si Secret. Medyo kinalma ko muna ang sarili ko bago sumunod sa dalawa.
Pakiramdam ko ay hihiwalay ang puso ko sa'kin nang makita si Oscar na nakaupo at matamang nakatingin sa'kin, na parang inaasahan ang pagpasok ko.
"Laplapin mona!" tinulak ako ni Secret dahilan para muntikan na akong masubsob.
"Manahimik ka nga!" inis kong singhal sa kaniya. "May makarinig sa'yo."
Ngumisi lang ito bago lapitan si Oscar. Napanganga at napakunot noo ako nang halikan niya ito sa pisngi.
Bakit may kiss!?
"Ayaw mong i-kiss, ako na lang." Nakangising sabi ni Secret.
"Gagawin ko?" Inirapan ko siya.
"Ito naman, wag kang magselos!" Umupo ito sa arm chair na inuupuan ni Oscar. "Ako nga pala si Porsche Cayman, nakababatang kapatid ni Oscar."
Kulang na lang ay lumuwa ang mata ko dahil sa sinabi nito. Nakababatang kapatid!? Magkapatid sila!?
"At ako naman si Josefina Cayman," lumitaw bigla ang isang babae. Ito yung babaeng nasa bahay noon ni Oscar. Yung kalandian niya. "Kapatid din ni Oscar. Just call me Death because I hate Josefina."
Hala, akala ko ka-fling siya ni Oscar! Sorry naman, hindi ko naman kasi alam. Hindi kasi sila magkamukha.
Dumako ang tingin ko kay Oscar. Nakatitig lamang ito sa'kin at hindi kumikibo.
"Welcome to my kingdom, Zav." parang may kumilit sa puso ko nang banggitin nito ang pangalan ko. "Come here, baby. I miss you."
B-baby!?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro