V:11
ALAS dos na nang madaling araw at ngayon lang natapos ang pa-party ni Oscar. Antok na antok na ako pero hindi pa ako pwedeng umuwi dahil tutulungan ko pang maglinis sila Secret.
Pakiramdam ko bubuwal na ako habang hinuhugasan yung mga pinagkainan. Sobrang antok na ako at pagod, gusto ko nang umuwi para makatulog.
Nang matapos ako sa paghuhugas, naupo muna ako sa upuan at dumukmo sa lamesa. Pipikit muna ako saglit habang hinihintay si Secret dahil may ipapagawa pa siya sa'kin.
Ang simple sanang pagpikit lang ay nauwi sa tuluyang pagkatulog ko. Ngunit bago ako makatulog narinig ko pa ang boses ni Oscar, may sinabi ito na hindi kona narinig dahil tuluyan na akong nakatulog.
Masakit ng katawan ko nang magising ako, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at gusto na lamang mahiga sa malambot na kama–Teka, malambot na kama? Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang may ma-realize ako. Wala ako sa bahay. Nakatulog ako kagabi.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kuwarto. Malaki ito at may maayos na disenyo. Sa kusina ako nakatulog, paano ako napunta rito? Binuhat ba ako ni Secret?
Napailing na lang ako bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Ngunit natigilan ako nang bumukas din ang pinto ng kuwartong nasa gilid ko. Iniluwal non si Oscar na walang suot na kahit ano. Nanlaki na lang ang mga mata ko habang nakatingin sa bagay na nasa pagitan ng hita niya. Mahaba ito na malaki at parang pulis na nakasaludo.
"Fvck!" agad itong tumalikod, kaya yung pang upo naman niya ang nasilayan ko. "Fvcking leave!"
Bigla naman ako natauhan, mabilis ko siyang tinalikuran at nagtatatakbo pababa ng hagdan. Pakiramdam ko ay sobrang pula ng mukha ko.
Natapilok ako sa pangalawang baitang ng hagdan nang pumasok sa aking isipan ang imahe nung bagay na nasa pagitan ng hita niya. Lumagapak ako sa sahig na halos ikaiyak ko dahil sa sobrang sakit.
"Tanga mo naman, hindi naman yan yung swimming pool." Biglang sumulpot sa harapan ko si Secret at tinulungan akong makatayo. "Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang hinabol ng sampung etits."
Mas lalo ata akong namula nang marinig ang salitang 'etits'. Pakiramdam ko hindi na mabubura sa sistema ko ang imaheng iyon.
"Tumama ba yung mukha mo sa sahig?" tanong nito. "Namumula ka."
"A-ayos lang ako," sinubukan kong tumayo nang maayos pero muli lang akong napahawak sa kaniya nang sumakit ang paa ko.
"Nak ng tokwa ka kasi eh," inalalayan ako nito at pinaupo sa sofa. Pumwesto ito sa harapan ko at sinimulang masahiin ang paa ko. "Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay? Binuhat ka lang ni sir Oscar kagabi naging ganiyan kana."
Natigilan ako sa sinabi nito. "B-binuhat ako ni Oscar? A-akala ko ikaw."
"Mukha ba akong barako?" nagsalubong ang kilay nito. "Sa tingin mo kaya kitang buhatin?"
"B-baka nagkakamali ka lang, baka may inutusan siyang buhatin ak–"
"–Hindi ako bulag, alam ko ang nakita ko." umirap ito at ipinagpatuloy ang pagmamasahe sa paa ko.
Binuhat ako ni Oscar? Bakit naman niya gagawin yun? Naawa ba siya sa'kin kagabi? Siguro nga ay naawa siya sa kalagayan ko kaya binuhat niya ako.
"Secret, I won't eat. I have an important meeting." Pakiramdam ko ay kinapos ako ng hininga nang marinig ko ang boses ni Oscar sa gilid ko.
Hindi ko siya nilingon dahil maaalala ko lang ang nakita ko at baka makita niya ang pamumula ng mukha ko.
"By the way, after my meeting I will go to Switzerland for some transaction. Go home while I'm not here," ramdam kong dumako ang tingin sa'kin nito. "And you, don't come here unless I told you. You don't want to be kidnapped again, right?"
Tango lang ang naisagot ko.
Hindi na ito kumibo at dire diretsong umalis. Napahinga naman ako nang malalim at napasandal sa sofa.
"Secret, wala siya. Baka pwede akong kumain," sabi ko rito.
"Sure na sure."
Nakaalalay ito sa'kin habang papunta kami sa kusina. Kumain kaming dalawa ni Secret. Nang matapos kami ay pinagbalot niya ako ng pagkain para sa tanghalian ko at pinauwi na ako.
Nagpasalamat naman ako sa kaniya bago iika ikang maglakad palabas ng bahay ni Oscar. Masakit pa ang paa ko gawa ng pagkakatapilok ko, pero maaagapan naman siguro ito ng yelo.
Si Oscar kasi eh. Bakit siya malayang lumalabas nang nakahubad? Hindi niya ba naisip na may mga kasama siyang babae sa bahay niya? At saka ganoon pala ang itsura ng ari ng lalaki? Unang beses kong makakita non at hindi ko akalaing malaki–
"OMG!" Sinapok ko ang sarili ko. "This is not you, Zavi. Ang manyak mo!"
Nang makarating sa ilalim ng tulay, agad akong dumiretso sa bahay ni Nanay Pasing pero wala siya roon na ipinagtaka ko.
"Hanap mo si Nanay Pasing?" Tinanguan ko yung kapitbahay ko. "Wala na siya. May sumundo sa kaniyang babae at lalaki, yun yata ang pamilya niya."
Tumango na lang ako bago pumasok sa bahay ko. Wala na si Nanay Pasing, umalis na rin siya. Wala na akong kasama rito, wala na akong ka-close sa lugar na 'to. Hayst, wala nga atang nagtatagal sa tabi ko.
Tinabi ko yung pagkain ko at kumuha ng mga damit ko. Binigyan ako ng pera ni Secret kaya makakaligo ako at makakabili ng yelo para magamot ang paa ko.
Dumiretso agad ako sa banyo namin dito at nagbayad sa masungit na bantay. Saglit lang akong naligo at nagbihis. Dumiretso muna ako sa tindahan para bumili ng yelo bago ako bumalik sa bahay ko.
Hinati ko sa dalawa yung yelo. Yung kalahati ay nilagay ko sa pitsel ko at yung kalahati naman ay binalot ko sa bimpo at dinampi sa paa kong medyo namamaga na.
Ilang araw matatahimik ang buhay ko dahil wala si Oscar. Mabuti na rin yun para makapagpahinga ako at makahinga nang maluwag. Ilang araw na walang magsusungit sa'kin at walang parang hari na ko-kontrol sa buhay ko.
Sa mga lumipas na araw ay malaya akong nakakakilos dahil nga wala si Oscar. Pero may parte sa kalooban ko na hinahanap ang presensiya niya at ang pagsusungit niya. Iniisip kona lang na nababaliw ako at wala na sa katinuan.
Nang sumapit ang linggo ay napagpasyahan kong magsimba, gusto kong ipagdasal ang biyaya sa'kin at gusto kong makausap si Lord para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Medyo nagtagal ako sa simbahan dahil ang dami kong ipinagdasal at sinabi kay Lord. Magaan ang pakiramdam ko nang makalabas ako ng simbahan, may malawak akong ngiti sa aking labi na agad namang napawi nang bumungad sa'kin ang isang pamilyang hindi ko inaasahan.
"Dito ka lang pala namin matatagpuan," hinawakan ni tito ang braso ko. "Sumama ka sa'min."
"Hindi ako sasama," tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa'kin at lumayo sa kaniya. "Ano pa bang kailangan niyo? Kinuha niyo na sa'kin lahat! Ninakaw niyo ang kayamanan ng mga magulang ko!"
"Kapatid ako ng mommy mo, kaya dapat lang na sa akin mapunta ang mga yun!" sinamaan ako ng tingin ni tito. "Pero hindi ko makuha kuha lahat dahil walang pirma mo! Pesteng nanay mona yan, sinigurado talaga niyang hindi ko makukuha lahat."
Nginisihan ko siya. "Kung ganoon ay may karapatan din pala ako sa pinaghirapan nila. Maghintay kayo dahil babawiin ko lahat yun at sisiguraduhin kong kayo naman ang maghihirap!"
"Hanggang ngayon pala ay masama pa rin yang ugali mo at mayabang ka pa rin!" singhal sa'kin ni tita–asawa ng tiyuhin kong swapang. "Sa tingin mo ba ay may pera kang pambayad ng attorney? Pulubi ka lang, Zavia!"
"Tama si mommy, pulubi ka lang. At deserved mo lahat ng mga nangyayari sa'yo. Deserved mong mamatayan."
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Hinila ko ang buhok niya at madiin siyang sinabunutan. "Bawiin mo ang sinabi mong babaita ka!"
Sorry po, Lord. Kakasimba ko lang pero ganito kaagad.
"Bitawan mo ang anak ko!" may puwersang tumulak sa'kin kaya napaupo ako. "Isa ka pa rin talagang walang kwenta at basura ang ugali!" napapikit ako nang sipain ako nito. "Mamatay kana rin! Mamatay kana!"
Pagkatapos nila akong pahiyain ay iniwan nila akong namamalipit sa sa'kin. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at iika ikang tumayo habang sapo ang braso kong kumikirot dahil sa sipa ni tito.
Maghintay kayo, dahil babawiin ko ang lahat. Kukunin ko ang dapat na sa akin. Babawiin ko ang pinaghirapan ng mga magulang ko.
************
This will be completed tomorrow to my VIP GROUP. Hindi ko alam kung kailan ko siya i-complete here.
My VIP GROUP is not free po😊 If you're willing to join kindly dm me to my social media accs.
KwinDimown (FB page)
KwinDimown WP
Dim Ferrer
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro