Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


MAFEL

   TATAY ng mga Anak ko?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang katagang binanggit niya sa'kin.

"Mia.." Napalingon si Mia sa'kin na naglilinis ng kuwarto ko.

"Po?"

"May sinabi sa'kin si Isaiah kagabi," tila naging interesado ito sa sasabihin ko. "Sabi ko, gusto ko siyang maging friend kaso ayaw niya. Tapos tinanong ko kung Tatay na lang, tapos sabi niya, 'Tatay ng mga Anak mo, pwede pa. Anong connect nun?"

Natawa ito. "Miss, ang ibig sabihin ni Sir Isaiah. Gusto ka niyang maging asawa, para siya ang magiging Tatay ng mga Anak mo."

Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Gusto niya akong maging asawa?

Ibig sabihin, kaya ayaw niya akong maging kaibigan kasi gusto niya akong maging asawa.

"Kung ganoon ay gusto niya ako?" Tumango ito.

"Opo, halata naman sa mga tingin sa'yo ni Sir Isaiah," sagot nito. "At isa pa, kung hindi ka po niya gusto, hindi niya pagpapalitin ang kuwarto niyo."

"Anong ibig mo sabihin?"

"Kuwarto niya po itong tinutuluyan niyo...Kuwarto ito ipinagawa ng mga magulang niya para sa kaniya, sobrang importante po ng kuwarto na ito at ako lang ang nakakapasok para maglinis. Nagulat nga po ako na rito ka niya pina-kuwarto." Ngumiti ito. "Siguradong sobrang importante mo po kay Sir Isaiah."

Napatango ako.

"Sandali lang po, Miss, magluluto pa po pala ako." Dinampot nito ang mga panlinis niya. "Mamaya na lang po."

"Salamat, Mia.."

Tumango lang ito at lumabas ng kuwarto. Inilibot ko naman ang paningin ko sa kuwarto ni Isaiah.

Importante sa kaniya ang silid na ito. Sasabihin kong magpalit na lang kami, baka kasi nalulungkot siya tuwing nasa ibang kuwarto siya.

Napagpasiyahan kong tumayo, gusto kong pumunta sa garden at magdilig ng halaman. Iyon nag paborito kong gawain–paborito naming gawain ni Mama noong nabubuhay pa ito.

Nang makalabas ako ay agad kong kinuha yung hose. Pinihit ko yung gripo at bumulwak yung tubig sa'kin. Natawa ako at nahilamos ang mukha ko.

Sinimulan ko nang diligan ang mga halaman, basang basa na ang ibang parte ng damit ko pero isinawalang bahala kona lang.

"What are you doing?" Gulat akong napalingon sa likuran ko nang may magsalita. "You're wet.."

"Nabasa ko nung binuksan ko yung gripo," sagot ko. "Akala ko hindi ka makakauwi ngayon?"

"I'm done with my work," tugon nito.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maalala ang usapan namin ni Mia. Gusto niya ako, yun ang sabi ni Mia.

"Why are you blushing?" tanong nito. "Kinikilig kaba?"

"Hindi ah! Assuming mo!" mabilis kong tanggi.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito at dahan dahang lumapit sa'kin. Bago pa siya tuluyang makalapit sa'kin ay agad kong tinapat ang hose sa kaniya, dahilan para mabasa siya at mapaatras.

"Hala, sorry!" Binaba ko yung hose.

Napahilamos naman ito ng mukha niya. Napaawang ang aking bibig nang hubarin nito ang itim na suit niya. Bakat na bakat ang matikas niyang katawan sa basang basang white polo na suot niya.

"I think you want to play with me, little pony." Itinaas nito ang manggas niya at binuksan ang dalawang butones ng polo niya.

"Ang gwapo mo," wala sa sariling bulalas ko.

"Really?" He smirked. "Am I handsome little pony?"

Unti unti itong lumapit sa'kin kaya napaatras ako. Tinapat ko muli sa kaniya yung hose habang tumatakbo.

"You can't escape with me, Maf."

Natatawang tumakbo ako at ramdam ko naman ang paghabol niya sa'kin.

"Wait lang, time out!" Huminto ako dahil sa pagod.

"No time out." Bigla nitong hinapit ang beywang ko. "There you are, my little pony."

Napahawak ako sa dibdib nito at napatitig sa mukha niyang wala pa ring emosyon, pero bakas ang lambing doon.

"You're beautiful.." umakyat ang isang kamay nito sa pisngi ko. "You're really beautiful, Maf."

"Isaiah..."

Unti unti itong lumapit sa'kin, halos gahibla na lang ay magtatagpo na ang labi namin pero naudlot iyon nang may tumawag sa pangalan ko.

"MISS MAFEL!?"

Naitulak ko si Isaiah dahil sa sobrang gulat.

"She's wrong timing.." Natatawang dinampot nito ang hose na naibagsak ko. "Go inside now, Maf, change your clothes."

Tumango naman ako at nagmamadaling tumakbo papasok sa loob. Nasalubong ko naman si Mia na mukhang palabas.

"Bakit basang basa ka?" tanong nito. "Saan ka galing? Nahulog kaba sa swimming pool–"

Napatigil ito sa pagsasalita at napalingon sa likuran ko. Lumingon din ako roon at nakita ko ang basang basang si Isaiah na kapapasok lang.

"Let her change her clothes, first." Sabi nito.

Tumango si Mia at nakangising lumingon sa'kin. Nag init naman ang pisngi ko kaya agad akong umakyat ng hagdan patungi sa kuwarto ko.

Dumiretso ako sa C.R at naligo, kaliligo ko lang pero dahil basa na ako, maliligo ulit ako. Nang matapos ako ay agad akong lumabas at nagbihis.

"Miss Mafel?" May kumatok sa pinto. "Si Mia ito, pagkatapos mo raw po diyan ay bumaba kana. Sabay daw po kayong kakain ni Sir Isaiah."

"Sige, magsusuklay lang ako."

Narinig ko ang yabag nito paalis. Kinuha ko naman yung suklay at sinuklay ang may kahabaan kong buhok.

Lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Dumiretso ako sa dining at nadatnan ko roon si Isaiah na nakaupo at hinihintay ako.

"Sit down," sabi nito.

Umupo naman ako. Hindi na sa kabilang bahagi ng dulo ako naupo, kundi roon sa malapit sa kaniya. Kumportable na naman ako pagdating sa kaniya.

Tahimik kaming nagsimulang kumain. Ang pino niyang kumain, ang sosyal ng datingan, tapos ako parang isang buwan na hind kumain.

Napanguso ako nang tumawa ito. "I know what you're thinking."

"Ang susyal mo kumain," sabi ko rito.

"Nasanay lang ako," tugon nito. "Don't worry, you're still beautiful even you eat like that."

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. "Lagi akong maganda?"

Tumango ito.

"Thank you.."

"By the way, I have a business trip to palawan. Isang buwan akong mawawala," sambit nito. "Don't worry, I will still always call you."

"Pwede ba akong sumama sa'yo?" Natigilan naman ito sa tanong ko. "Pero kung hindi, ayos lang, hihintayin na lang kita."

"You can come.." maliit itong ngumiti. "But, I want to remind you that's dangerous there, you may encounter some dangerous people. I already told you that I'm Mafia King, right?"

Tumango ako. "Nandoon ka naman kaya hindi ako natatakot, kapag nasa tabi kita feeling ko lagi akong safe."

"You're feeling safe with me?" Tumango ako. "That's good to hear that... I'm happy that you're not afraid of me anymore."

"Mukha ka lang namang nakakatakot, pero mabait ka naman."

"You're not sure about that, Maf. Everyone knows me as a ruthless and heartless Mafia. I can kill without hesitation, you're still not afraid of me?"

"Hindi, hindi mo naman ako sinasaktan eh." Nginitian ko siya. "You treat me like a queen, Isaiah."

"Because you're my queen, Maf. You're the queen of Mafia King." Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "You're chained with me now, Maf."

"Kailan tayo aalis?" pag iiba ko ng usapan. "Bukas?"

"Before evening," tugon nito.

"Mag ii–"

"–No need, I will buy you clothes once we arrive there."

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Makakapunta akong palawan, excited ako! Sasakay din ako ng airplane, sana makapag-swimming din kami sa dagat. Sabi nila Tita ay sobrang ganda sa palawan.

"You're excited," sabi nito.

"Medyo," nahihiyang sagot ko. "First time ko sa palawan. Maganda raw doon eh."

"Yeah, it's beautiful." Tumitig ito sa mukha ko. "Pero wala pa ring papantay sa ganda mo, Maf."

"Parang tanga 'to!" Pigil ang ngiting sabi ko rito.

Wala na, crush kona siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro