Chapter 17
MAFEL
MASAMA ang pakiramdam ko nang magising ako. Masakit ang puson ko, nahihilo rin ako at parang nagsusuka. First time kong maranasan ito habang may period ako.
Hindi kona makayanan ang sakit kaya kinalabit kona si Isaiah na tulog. Agad naman itong nagmulat ng mata at alalang tumingin sa'kin.
"What happened?" alalang tanong nito.
"Masakit ang puson ko," kagat labing sagot ko. "Isaiah, ang sama ng pakiramdam ko. Hindi kona kaya."
Taranta naman itong tumayo at isinuot ang damit niya. Nilapitan ako nito at agad binuhat.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
"We'll go to hospital," sagot nito. "Baka may mangyari pa sa'yo."
Tumango na lamang ako at kumapit sa leeg niya. Lumabas ito ng room namin habamg buhat niya ako. Nang makarating sa labas ng hotel ay agad sumalubong sa'min yung Quintuplets.
"Fifth, drive us." seryosong sabi nito. "We'll go to hospital."
Tumango lamang ito at agad tumakbo palapit sa isang asul na kotse. Binuksan nito ang pinto ng backseat. Isinakay muna ako ni Isaiah bago siya sumakay.
Tahimik lamang kami sa biyahe. Nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Isaiah habang hinihilot naman nito ang aking puson.
"Nahihilo ako," pabulong kong sambit dito. "Isaiah, hindi kona kaya.."
"Shhh." Hinaplos nito ang buhok ko. "Malapit na tayo."
Tumango lang ako at hindi na kumibo. Nang huminto ang sasakyan ay nagmamadaling lumabas si Isaiah. Muli ako nitong binuhat, bago naglakad papasok sa loob.
Agad naman kaming nilapitan ng isang nurse at inasikaso. Ilang sandali lang nilagay na ako sa stretcher at dinala sa emergency room. Inasikaso ako ng isang Doctor nang makarating doon. May kung anong ginawa sila sa'kin na hindi ko gaanong napagtuonan ng pansin dahil mas lalo akong nahilo at mas lalong sumakit ang puson ko.
Halos isang oras ata akong nasa ganoong sitwasyon bago medyo umayos ang aking pakiramdam.
"Are you okay now?" Napalingon ako, kay Isaiah na nasa gilid ko.
Tumango ako. "Medyo ayos na. Kaunting hilo na lang naman, hindi na rin gaanong masakit ang puson ko."
"I'm relieved." Huminga ito nang malalim. "Hintayin lang natin ang result ng kalagayan mo."
Tumango lang ako at inabot ang kamay niya. Magkahawak kamay lamang kami habang hinahaplos niya ang buhok ko. Ilang sandali lamang ay bumukas na ang pinto at iniluwal non ang isang babaeng Doktor.
"Doc, how's my wife?" seryosong tanong dito ni Isaiah.
Huminga ito nang malalim at ngumiti. "She's pregnant."
Napatingin ako, kay Isaiah, pareho kaming napaawang ng bibig.
"W-what?" Kumurap kurap si Isaiah. "H-how?"
"Do I need to answer that question?" sarkastikang tanong nito.
"That's not what I meant," masungit na sabi ni Isaiah. "How come she's pregnant? She's having her period."
"That's not a period, Mr. Gallego." May inabot itong folder, kay Isaiah. "Nakaranas ng bleeding ang asawa mo, kaya sumakit ang puson niya. Ang akala niya ay period iyon. Mabuti na lang ay nadala mo siya agad dito dahil kung hindi, may posibilidad na makunan siya." Napahinga ito nang malalim. "Sa tingin ko ay sobrang selan ng pagbubuntis niya. Iiwas mo sana siya sa stress at anumang bagay na magiging dahilan nang pagkawala ng Anak niyo."
Pagkatapos magsalita ng Doctor ay agad itong lumabas. Feeling ko magkakilala sila ni Isaiah.
Napalingon ako, kay Isaiah na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa folder na binigay sa kaniya nung Doctor.
"Isaiah?" agaw ko sa pansin nito. Napatingin naman ito sa'kin. "Ayos ka lang?"
"I'm not." Napahinga ito nang malalim. "I don't know what I need to do. I'm happy and excited because I'm going to be a father, but I'm afraid at the same time. The Doctor's wants me to keep you away from stress, but how can I do that? I'm Mafia for pete sake."
"Isaiah, hindi naman ako na-i-stress sayo–"
"–I know, Maf. But I have a lot of enemies. I'm sure they already knew about our wedding. What if they attack you? I'm sure, they will use you against me." Umigting ang panga nito. "I don't know what to do, Maf. I don't know if I will be a good father. I don't know, Maf."
"Hindi kapa ready?" sumikip ang dibdib ko nang banggitin ko ang mga katagang yun. "A-ayaw mo pang magkaanak?"
"No! That's not what I meant." Umamo ang mukha nito. "I always wished for your pregnancy, Maf. I'm just shocked and afraid."
"Wag kang mag alala, Isaiah. Aalagaan ko naman nang mabuti si baby." Napahawak ako sa tiyan ko. "Siguradong magiging kamukha mo siya."
Napangiti ito, bago halikan ang kamay ko. "I will forget this afraid feeling. Hindi ko kayo pababayaan, Maf. Gagawin ko ang lahat para ma-protektahan kayo."
"Salamat.."
"It's my duty, Mrs. Gallego."
Saglit pa kaming nagtagal sa Hospital bago ako ma-discharged. Binigyan ako nang vitamins ng Doctor at binigyan niya rin ako ng listahan na may nakasulat ma mga dapat kong gawin para makaiwas sa stress.
"Magkakilala kayo nung Doctor?" tanong ko habang pauwi kami. "Para kasing close kayo."
"She's Xaitan, ex girlfriend." Ngumisi ito.
"Sino si Xaitan?" takang tanong ko. "I mean, sino sa mga kaibigan mo?"
Natawa ito. "Hindi mo pa rin sila kilala?"
"Si Oscar lang," sagot ko.
Nailing ito. "The one who have long hair is Xaitan Kingford. The one who have gray eyes is Cleopard Moscov."
Tumango ako. "Noted."
Nang makarating sa Hotel ay maayos na ipinarada ni Isaiah ang sasakyan. Bumaba ito at agad patungo sa gawi ko. Pinagbuksan ako ng pinto at inalalayang makababa.
"Careful," sabi nito at isinara ang pinto ng kotse. "Want me to carry you?"
"Isaiah, kaya kona." natatawang sabi ko.
Nasa gilid ko ito habang naglalakad kami. Ramdam ko ang titig nito sa'kin. Bahagya pang nakaangat ang kaniyang magkabilang kamay na para bang handa akong saluhin kapag bumagsak ako.
"Isaiah, hindi ako sanggol." Napasimangot ako. "Ayos lang ako. Wag ka ngang OA diyan."
"I'm just worried!" Napahinga ito nang malalim. "Sorry, Maf."
"What happened to her? Nahospital daw siya?" Biglang lumitaw sila Pink. Kasunod nito ang mga kaibigan ni Isaiah na may nakakatakot na namang awra.
"She's pregnant," diretsang sagot ni Isaiah na ikinaseryoso ng mga mukha nila. "She's carrying my child."
"Isai–"
"–Let's talk later, Oscar." malamig na sambit nito sa kaibigan. "Hindi siya pwedeng ma-stress. Delikado ang baby namin."
"Maglilihim kana naman sa'kin?" Napalingon sila, sa'kin nang magsalita ako.
"Yes," sagot nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "I know I promised that I will never keep any secrets from you. But, it's for your own good, Maf. I dont want you to be stress out. You're carrying our baby. "
Ngitinian ko siya. "Naiintindihan ko, Isaiah. Pero sana magsabi ka rin sa'kin ng ibang bagay, okay?"
Tumango ito bago hapitin ang beywang ko. Inakbayan ako nito at hinalikan sa gilid ng ulo ko.
"I will send some of my assasins to assist your wife," seryosong sabi ni Cleopard.
"I will send some of my men too. We need to make sure that your child is okay, also your wife." sabi naman ni Xaitan.
Base sa mga reaksiyon nila ay may kinahaharap na malaking panganib si Isaiah at mukhang kaming pamilya niya ang target.
Hindi ko hahayaang puro si Isaiah lamang ang mag-protekta sa Anak namin. Duwag ako, oo. Pero susubukan ko ang makakaya ko para maging ligtas ang magiging Anak namin, ni Isaiah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro