Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

MAFEL

HINDI si Isaiah ang bumungad sa'kin nang magising ako, kundi isang babaeng maikli ang buhok at may maangas na suot.

"Hi? Sino ka?" tanong ko rito.

"I'm, Pink." Naglahad ito ng kamay. "Makakasama mo ako ngayong mamili ng mga gagamitin mo, para sa kasal niyo ni Master Isaiah."

"Nasaan ba siya?" tanong ko rito.

"Malay ko rin." Nagkibit balikat ito. "Kilos na, tatlong oras niya lang nirentahan yung mall na pupuntahan natin."

Marami pa sana akong gustong itanong, kaso mukha siyang manununtok kaya wag na lang.

Tumayo ako at kumuha ng damit na susuotin sa closet. Pumasok ako sa banyo at naglinis ng katawa. Gusto kong maligo, kaso nagmamadali yata yung babae kaya mamaya na lang.

"Tara na?" aya ko rito.

Tiningnan naman ko nito at pinasadahan ang suot ko. Isang short na hanggang tuhod at isang malaking puting t-shirt na kay Isaiah na damit.

"Ganiyan ka lang?" Tumango ako. "Hindi na ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ni Master... Anyway, let's go na."

Mas nakakapagtaka kaya siya, pink ang name niya pero nakasuot siya ng all blue.

Nauna itong lumabas, sumunod na lamang ako sa kaniya. Nadatnan ko itong kausap si fifth sa labas.

"Kasama natin si fifth," sabi ni Pink. "He will be our driver and bodyguard."

Tumango lang ako.

"Let's go, mi lady."

Naglakad kaming tatlo patungo sa isang asul na sasakyan. Pinagbuksan ako ni fifth ng pinto sa backseat, sumakay na lang ako. Si Pink ay nasa front seat, samantalang si fifth ang driver namin.

"Fifth, alam mo ba kung nasaan si Isaiah?" tanong ko rito.

"He's in underground, mi lady. May inaayos lang po siya saglit doon, mamaya ay uuwi na rin siya." Napatango na lang ako sa isinagot nito.

Tahimik lang kami buong biyahe, hanggang sa huminto kami sa isang malaking mall.

Nag park si Fifth. Bumaba sila ni Pink, kaya bumaba na rin ako. Ayokong pagbuksan pa ako ng pinto, para kasing donya ang datingan.

"Don't worry, mi lady, bukod sa mga nagbebenta, tayong tatlo lang ni Pink ang laman ng mall." Posible ba yun? "Nirentahan ni King ang mall ng tatlong oras, para raw makapag-enjoy ka ng walang iniisip na takot."

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. "T-totoo?"

"Yes!" si Pink ang sumagot. "Noong nag-mall daw kasi kayo, hindi ka nakapag enjoy. So sweet naman ni Master, sana all."

"Should we go now?" Tinanguan ko lang si fifth.

Pumasok kaming tatlo sa mall. Wala ngang ibang tao, maliban sa'ming tatlo at sa mga nagtitinda.

"May bonus pa pala. Sabi ni Master, lahat ng gusto mo ay kuhanin mo." Napalingon ako kay Pink. "Bayad na lahat ng kukunin mo rito."

Masayang tumango lang ako.

Una akong dinala ni Pink sa bilihan ng mga sapatos, pinasukat niya sa'kin ang iba't ibang klase ng sapatos doon.

"Ito ang susuotin mo sa kasal niyo." Itinaas nito ang isang kulay silver na sandals na may 2 inches na takong. "At lahat ng mga sinukat mo ay bibilhin pa rin natin-"

"-Hindi, wag na." Inilingan ko siya. "Okay na ako sa tatlo lang, hindi ko naman sila masusuot, sayang lang."

"Ano kaba? bayad na yun!" Napahinga ito nang malalim. "Grabe, totoo ngang para kang si Maria Clara."

"Baka kasi masayang lang sila," sabi ko. "Ganito na lang, kumuha kana lang ng mga gusto mo rin. Bigyan mona lang din yung mga staff na umasikaso sa'tin."

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa'kin. "Grabe ang kabaitan mo, wala man lang akong 10% niyan eh."

Kiming ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya.

Napahinga ito ng malalim bago sundi ang utos ko. . . . Sunod kaming nagtungo nito sa bilihan ng mga damit. Pumili ako ng mga damit kong pambahay at mangilan ngilang pang alis. Si Pink pa rin ang pumili ng susuotin ko sa kasal, isang white dress off shoulder.

Isa't kalahating oras yata kaming namili sa mall, hanggang sa ako na mismo ang sumuko. Dahil sa sobrang pagod ay naupo ako sa floor ng mall.

"Time out." Humiga na ako, malamig kasi yung lapag. "Ayoko nang mamili, gutom na ako.."

"Mi lady, get up."

Hindi ako nakinig kay fifth at nanatili lang nakahiga roon. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa'kin ang mukha ni Isaiah, nakatayo ito habang nakatingin sa'kin.

Mabilis akong tumayo at hinarap ito. Hindi ako nananaginip! Nandito nga siya.

"Isaiah!" patalon akong yumakap sa kaniya. "Nandito ka!"

"I'm already done with my work, so I decided to come here." Humiwalay ito sa yakap at tinitigan ako. "How are you?"

"Pagod na ako," nakangusong sabi ko. "Isaiah, kain tayo, gutom na ako."

"You're always hungry, Maf." Natatawang umakbay ito sa'kin. "Where do you want to eat?"

"Sa jollibee," sagot ko.

Tumango lang ito at hinila na ako palakad. Hindi kona nilingon sila Pink at fifth dahil ramdam ko namang nakasunod silang dalawa sa'kin.

Nang makarating kami sa jollibee ay may nakahanda na agad na pagkain sa lamesa.

"Alam kong pipiliin mo ito, kaya nagpahanda na ako." Ipinaghila ako ng upuan ni Isaiah. "Sit down now, Maf."

Nakangiting umupo naman ako.

Umupo ito sa tabi ko. Si Pink at fifth naman ay naupo sa upuang nasa harapan namin.

Nagsimula na akong kumain, ramdam ko ang tingin nila sa'kin pero hindi ko na lamang pinansin.

"Kain na kayo," sabi ko sa kanila.

"Grabe.." napailing si pink. "Yung katakawan mo, hindi ko ma-reach."

"She love food," sabi sa kaniya ni Isaiah. "Let's don't mind her, baka mawalan siya ng gana."

Wala na ulit kumibo at nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nang matapos kami ay napasandal na lamang ako sa kinauupuan ko at napahawak sa tiyan ko.

"Busog!" masayang sabi ko.

"Let's go back to our cabin," aya ni Isaiah. "Doon kana magpahinga, ilang minuto na lang ay matatapos na ang tatlong oras, baka mag-panic ka kapag maraming ng tao."

Tumango lang ako at ikinawit ang kamay ko sa braso niya.

Sila Pink at Fifth ang may dala ng mga pinamili namin. May dala rin si Isaiah at ako lang ang wala.

Malapit na kami sa kotse nang biglang may nagpaputok ng baril sa gawi namin. Mabilis naman akong hinila ni Isaiah sa isang gilid.

"Isaiah!" mangiyak ngiyak ko siyang tiningnan. "Anong nangyayari?"

"Don't be afraid.." Hinubad nito ang jacket niya at isinuot sa ulo ko. "Wag mong tanggalin yan, okay?"

May binunot itong baril sa tagiliran niya at nakipagpalitan ng putok sa mga bumabaril sa'min.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Pink na nasa gilid kona.

"We will cover you.." Nagpalit ng bala si Isaiah. "Sumakay kayo sa kotse, iuwi mo sa cabin si Mafel."

"Teka, paano kayo?" alalang tanong ko.

"Susunod kami," sagot nito at hinalikan ako sa labi. "Sumama ka kay Pink."

Sumenyas si Isaiah. Tumayo sila ni Fifth at ekspertong binaril yung mga taong bumabaril sa'min. Hinila naman ako ni Pink, patungo sa kotse.

Agad niya itong pinaandar nang makasakay kami. Alalang nilingon ko naman sila Isaiah.

Nakangiti sa'kin si Isaiah and he mouthed, 'I love you'

"Wag kang mag alala, magiging ayos sila." Ngumiti si Pink habang diretso ang tingin sa kalsada.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at nakutkot ang kuko ko, habang iniisip ang kalagayan nila Isaiah.

'Lord, please guide him po.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro