Kabanata 9 - Hawakan ng payong
Lolo Lero's POV
Naglalakad na ako pauwi nang mapansin ko sa malayo ang maraming nagkukulay na ibat-ibang payong na nasa paligid ng aming bahay.
"Susmaryusep bakit ang daming tao sa bahay namin," takang tanong ko.
"Lolo Lero si Renzo nahulog doon sa bakod," nag-aalalang sambit ng mga kapitbahay ko nang malapit na ako sa bahay.
"Anong pinagsasabi niyo!" galit na sambit ko sa kanila
Hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi nila.
"Ayon po!" sabi niya. Napalingon ako sa maraming tao na nakikiusyuso sa bandang kaliwang parte ng bahay namin. Parang may shooting dahil sa kapal ng tao sa gawing iyon.
Nagbuntong-hininga ako na kinakabahan na lumapit sa kumpulang mga tao.
Agad nila akong binigyan ng daan nang makita ang mukha ko.
Nabigla ako sa aking nasilayan. Jusko po! Kulang na lang lumuwa ang mata ko sa pagkagulantang.
Naawa ako sa kalagayan ni Renzo, na nakakatihaya, na may tusok sa dibdib ng patusok na bakod namin. Nakita kong namumula na ang mata nito at ang mukha habang sumusuka ng dugo. Humahalo naman ang tagas ng dugo nito sa mga nakatusok na bakal, na mabilis namang umaagos at nagpapapinta ng kulay pula sa pader ng bakod dahil sa malakas na ulan.
"APO!!!!" sigaw ko at mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya.
Nakita kong bumubuka ang bibig nito na hirap na sa paghinga, at kumukurap-kurap pa ang mga mata.
Naiiyak ako sa kalagayan ng apo ko. Hindi ako makapaniwala sa sinapit niya.
"A-Apo ko, A-Anong n-nangyari!" Humagulgol na ako. Hindi ko kaya ang nakikita ko ngayon sa kalagayan ng apo kong si Renzo. Napahawak ako sa ulo habang umiiling.
Nang tumingala ako sa bubong. Nakaramdam ako ng matinding takot nang makita ang babaeng nakaupo sa gutter. Tabon ang mahabang buhok nito ng mukha habang nakasuot ng bestidang puti, habang ginagalaw niya ang kulay na espasol na dalawang paa, na parang komportabling-komportable ito sa puwesto.
Nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib.
Hindi ako makahinga. Napahawak na ako sa aking dibdib
Tumaas baba ang aking balikat. Humina na ang tuhod ko. Nahihilo ako. Napahiga na lamang ako sa mga taong nasa likuran ko nakapuwesto.
"Si lolo Lero inaataki sa puso!!" sigaw ng isang kapitbahay namin
"Ah, Ah," hingal na sambit ko habang kinakapos na ako ng hininga habang nakatingin lang sa babaeng nasa bubong. Lalo akong kinilabutan ng pinakita niya ang kanyang mukha.
"Lolo, kalma. Hinga ng malalim. Saan na sina kapitan!" tarantang sambit ng babae habang inalalayan ako ng mga tao.
Nagsasalita ako ngunit walang boses na namumutawi sa bibig ko. Nabasa na ako ng ulan dahil sa pagkahiga. Tinuro ko pa ang bubong sa mga tao. Umiikot na ang paningin ko. Nangingitim na ang mga labi ko.
Alleny's POV
Nang lumiko ang tricycle papuntang street namin hindi kami makadaan sapagkat sa kapal ng tao. WTH?
"Anong nangyayari?" dumungaw ako sa bintana?
Napansin ko na maraming tao sa labas ng bahay namin.
Parang kinabahan ako bigla. Sapagkat parang may nangyaring hindi maganda sa mga expression at galaw ng mga tao.
Kaya nagpara na lang kami sa tabi at mabilis akong nagbayad.
"Ate anong nangyayari?" kahit si Cyril ay nakukutuban na.
Lumapit kami doon at nakita kong pinagtitinginan kami ng mga tao.
"Excuse me po kami ang nakatira diyan padaan," malakas kong sigaw sa mga taong nakatayo
Mabilis naman na pinadaan kami ng mga tao. Nakita ko si Bentong, na agad na lumapit sa amin.
"N-Naku Buday si Renzo at lolo mo." Problemado ang mukha nito.
"Anong nangyari sa kanila?" mariin na sabi ko sa kanya
"Si Renzo, nahulog sa bakod sinugod siya sa hospital kasama ng lolo mo." Tinuro nito ang bakod namin. Napansin ko na linigari ito upang tanggalin ang mga bakal doon.
"Ano!! Jusko!" napasapo ako sa bibig habang tumulo ang luha ko sa narinig.
Bakit? Paano?
"Saang hospital!" sambit ni Cyril na niiyak na rin
Nagmadali kaming kumuha ng taxi upang puntahan sina Renzo sa hospital na tinuro ni Bentong.
Anong nangyayari? Hindi na ako mapakali. Kasing lakas ng ulan ang luhang dumadaloy sa mata ko ngayon.
"Ate buhay pa kaya sina kuya," hikbing sabi ni Cyril
"Buhay sila syempre! Ano kaba!" mariin kong tugon kay Cyril.
Please Lord please!
Nang nasa hospital na kami. Madali kaming bumaba ng taxi. Wala kaming inaksayang segundo at mabilis kaming tumakbo sa loob ng hospital. Sa corridor nakita ko sina kapitan at limang tanod.
"Kap! Nasaan ang kapatid ko at lolo ko," nangingnig kong sambit
Nakita kong tumingin ito sa amin ni Cyril. Yumuko ito at pinunasan ang namumuong luha sa mata.
"Wala na sila," malungkot niyang tugon sa amin
Parang binuhusan ako ng yelo sa mga binitiwang salita niya. Tila gumanaw ang mundo ko.
"Hindi-hindi 'yan totoo!" hagulgul kong ani. Napahawak ako sa ulo na hindi makapaniwala sa narinig. Pasmado na ang labi ko. Napayakap ako kay Cyril na sumabay na sa hagulgol ko.
"Binalita ko rin sa papa mo ang nangyari, at papunta na rin sila dito sa hospital. I'm sorry Buday," sabi ni Kapitan sabay tapik sa balikat ko.
Alingawngaw lamang ng hagulgol naming dalawa ni Cyril ang narinig ko sa loob ng hopital.
"Lolo! Renz!" paulit-ulit naming sambit ni Cyril habang magkayakap na dalawa.
to be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro