Kabanata 8 - Hawakan ng payong
Renzo's POV
Bumalik na ako sa loob ng bahay nang umalis na sina Ate Buday. Papasok na ako ng kuwarto nang mapansin ko ang timba na nasa kuwarto ni Ate.
Naalala ko bigla ang butas na bubong ni Ate Buday.
"Naku muntik ko pang makalimutan." Tenext ko ang kakilala ko na nag-aayos ng bubong.
Sabi ng kakilala ko abangan ko raw siya sa gate namin. Kaya dali-dali akong lumabas ulit ng bahay. Dahil umaambon luminga ako upang humanap ng payong. Swerte ko naman at may payong sa veranda.
Nang lumabas na ako ng gate. Nagulat ako nang makita ang nakatalikod na chicks, nakabestida ito ng puti, na mahaba ang pantay na buhok. Maputi ito at makinis ang balat. Naglalakad ito na walang panyapak. Tinataas niya ang dalawang kamay habang sinasalo ng kanyang mukha ang mga patak ng ulan, tila nasisiyahan ito dahil sa paggalaw niya ng kanyang mga kamay.
"Anong trip nun?" Gusto kong lapitan ang babae para makita ang kanyang mukha, ngunit isang pamilyar na boses ang tumawag sa aking pangalan.
"Renz!"
Lumingon ako sa kaliwa nang tawagin ako ni Kuya Bentong, paglingon ko sa kanan. Nawala agad ang babae. Dahil doon medyo kinilabutan ako. Wala namang kanto o lusutan sa amin, kasi matataas na bakod ang nando'n.
"Oh Renz, bakit nagkabutas na naman ba sa kuwarto mo?" aniya.
Nakasombrero ito, at may bag na nakasabit sa tiyan. Doon nakalagay ang mga gamit niya sa pagkukumpuni.
"Hindi na sa kuwarto ko, kay ate na naman." Binuksan ko ang gate at pinatuloy si Kuya Bentong
"Sabi ko naman sayo palitan mo na ang bubong niyo. makalawang na kasi," giit niya
"Next time pag magkaluwag-luwag na. Wala pa kasi kaming pera kuya Bens"
Kinuha niya ang ladder na nasa likod ng kusina namin. at pinatong sa bubong.
Alleny's POV
Pumunta kami sa hospital malapit lang din sa barangay namin. Nasa loob kami habang nakaupo kausap ang doctor na nagchek-up sa akin kanina. Hmmm. Kinakabahan ako sa test result. I hope wala akong sakit please.
"Dok ano pong findings sa akin?" kinakabahan kong tanong sa lalaking doctor
"According sa test result wala naman kayong sakit." Binigay nito sa amin ang documents ng test result.
"Sure ka ba talaga na hindi ka binugbog?" aniya
"Hindi po?" maikling tugon ko sa kanya
Bakit naman ako magsisinungaling? Parang nagdududa pa ata sa amin itong doctor na ito.
"Okay, I wil give you a medicine para pampawala ng pasa niyo. Take the medicine 2 times a day," sabi nito habang sinusulat ang gamot na bibilhin namin.
"Thank you Dok,"
Umalis kami sa hospital. Paglabas namin saktong bumuhos ang malakas na ulan. Buti may dala akong payong.
Renzo's POV
"P'wede pahawak Renz, baka kasi gumalaw," pakiusap ni Kuya Bentong habang umaakyat sa hagdan.
Pumunta ako sa kanya. Dahil medyo nahihirapan ako sa payong na nakalagay sa balikat. Inalis ko na lang ito. Hinawakan ko nang dalawang kamay ang hagdan habang umaakyat siya. Nang makarating na siya sa bubong. Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan, dahilan upang mabasa ako ng tuluyan.
"Renz, tingnan mo nga kong tumutulo pa sa kuwarto ng ate mo."
"Sige kuya Bentong." Lumakad na ako at pumasok sa kusina. Tumungo agad ako sa kuwarto ni Ate Buday. Tumingala ako upang tingnan ang kisame.
"Ano may tumutulo pa ba?" sigaw ni Kuya Bentong
"Wala na Kuya!" sigaw ko.
"Sige patulong na lang ako ulit."
Nagmamadali na naman akong lumabas ng kusina. Hinawakan ko ulit ang hagdan.
Tumingala pa ako para makita siyang makababa.
Habang dahan-dahang bumababa si Kuya Bentong, nagulat ako na tila bumagal ang pagpatak ng ulan. Lalo akong kinilabutan nang pinalitan ang walang kulay na tubig, ng kulay pula, na parang mga dugong nahuhulog sa kalangitan.
Takot na takot ako dahil parang naliligo ako sa dugo. Mabilis kong nabitawan ang hagdan dahil sa matinding takot at kaba.
Kaya aksidenting nahulog si kuya Bentong.
Bumalik ako sa realidad nang mapansin ko na naging normal ulit ang pagpatak ng ulan. Napabaling agad ang atensiyon ko kay Kuya Bentong.
Nakita kong namalipit ang balikat nito habang nakahandusay. Kaya agad ko siyang linapitan.
"Sorry Kuya Bentong," tarantang sambit ko, at tinulungan ko siyang makatayo.
"Naku Renz, bakit mo naman binitawan buti nakababa na ako kahit papa'no, kung hindi patay ako!" galit na tugon niya
"Sorry kuya doblehin ko na lang ang bayad. Tapos bigyan na lang kita ng pampacheck-up."
"Dapat lang! Sakit kaya nang pagkabagsak ko!" Habang ginaglaw nito ang balikat at beywang.
Binayaran ko nga si Kuya Bentong ng doble at pampacheck-up nito.
Napabuntong-hininga naman ako nang maisip ulit ang nangyari kanina. Pumasok ako sa loob ng kusina na nawindang sa mga nangyari.
"Lalo tuloy sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Para tuloy akong lalagnatin." Kumuha ako ng pitsel sa ref.
Lumaki ang mata ko sa pagkagulat at takot, nang pagsara ko ng ref may babaeng nakabistada na basang-basa. Tabon nito ang mukha ng mahabang buhok habang hawak nito ang payong na pula.
Kaya nabitawan ko ang pitsel. Napaatras ako habang napasandal sa pader.
Inilahad niya ang kanyang maputlang kamay at binuksan niya ang dalang payong
"Huwag!" nanginginig kong sigaw habang nagmamadali akong tumungo sa kuwarto ko.
Agad kong sinara ang pinto.
Nanginginig na ang buong katawan ko sa nasaksikan.
Humihingal na ako sa tindi ng kaba.
"T@ng!na ano 'yun!" Napahawak ako sa ulo na hindi maintindihan ang nakita.
"Multo ba 'yun!" Tumaas na ang balahibo ko sa buong katawan.
Bigla na lamang malakas na kalabog sa pintuan ang narinig ko.
Sinundan pa ito ng tatlong malalakas na kalabog.
"Tama na!" Napapaatras na ako at napasandal sa pader ng kuwarto ko.
Nakita kong may dumaloy na tubig sa ilalim ng pintuan. Parang putungo ang tubig sa gawi ko.
Kaya tarantang napalukso ako sa higaan. Kinuha ko agad ang gitarang nasa paaanan ko.
Napanganga ako sa pagkagulat nang tumambad sa harapan ko ang babaeng babasang basa ang buong katawan.
sa pangalawang pagkakataon, inilahad niya na naman ang kanyang kanang kamay sa akin.
Pilit kong linakasan ang loob sa takot na nadarama. Kinuha ko ang gitara at binalibag ko ito sa kanya. Ngunit bigo ako dahil lumusot lamang ang gitara sa katawan niya.
"Maawa ka!" naiiyak na ako at napapaihi sa labis na takot
Gumapang ito sa higaan ko habang tabon pa rin ang mukha niya ng basang buhok.
Napaupo na ako dahil sa takot habang sinisiksik ko sa sulok ng higaan ang sarili ko. Ginagamit kong pananggalang ang dalawang kamay sa palapit na babae.
"Maawa ka please!" nanginginig na sambit ko.
Tumayo ito sa harapan ko at binuksan ang payong na dala. Habang patuloy na lumalaglag ang mga tubig sa bestidang suot niya.
"Sinusundo na kita Renzo," narinig ko ang maladiablong boses ng isang babae.
'Huwag! Huwag!!" sabi ko habang palapit nang palapit ito sa akin.
Nakita kong hinawi niya ang kanyang mahabang buhok. Kitang-kita ko ang sobrang nakakakilabot nitong mukha. Agad niya akong sinukob ng payong.
Bakit ang dilim? Saan ako? Nang mawala ang dilim nakita ko ang sarili ko sa slope ng bubong ng bahay namin. Sa ilalim nito ay ang mga patusok na bakal ng bakod.
"Ah? Bakit nandito ako!"naginginig na sambit ko
Nang tangkang hahakbang ako, mabilis akong nadapa dahil sa malakas na ulan.
Bumilis na ang pintig ng puso ko sa tindi ng kaba.
Mabilis akong napausdus.
Pilit akong kumakapit sa kalawanging yero ng bubong. Dama ko ang magagaspang na mga kalawang na nagpapasugat sa mga palad ko.
"AY MAHUHULOG!!!" dinig ko ang sigawan ng mga taong dumadaan.
Napatigil ako at buong lakas na kumapit sa gutter ng bubong. Nanlalamig na ang mga kamay ko at paa dahil sa takot.
"JUSKO PO!!" Tilian ang mga tao sa baba
"TULUNGAN NIYO KAWAWA!!"
Kinakapos na ako sa hininga. Nangangalay na rin ang mga braso ko. Hindi ko na kaya!!
"Kaya ko 'to! Ayaw ko pang mamatay!" Sumasabay na sa ulan ang iyak ko. Pilit akong umaakyat.
Napatingala ako dahil napansin kong may aninong tumabon ng liwanag.
Nanlaki ang mata ko at napanganga nang matanaw ang babaeng nakapayong na nakatayo sa harapan ko.
Nakita kong sinara niya ang payong at dahan-dahang umakbay sa likod ko.
"Huwag, huwag!!" iyak na sambit ko
Naramdaman ko na domoble ang pasan ko. Namumula na ang dalawang kamay ko dahil sa tindi ng bigat.Hindi ko na kaya! Unti-unting nanlalambot ang mga kamay ko.Wala ng lakas ang mga daliri ko.
"AYYYY!" Dinig ko ang mga taong nagtitilian
Hanggang tuluyan akong nahulog.
"Ah," impit na lamang na ungol ang nagawa ko, habang dama ko ang sakit sa pagtagos ng apat na mahahabang patusok sa aking dibdib.
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro