Kabanata 6 -Hawakan ng payong
Alleny's POV
Luminga ako at nagulat nang makita ang isang tarpaulin na nakalaylay. Advertisement ito ng isang brand na shampoo. Nakalugay ang mahabang buhok ng babae habang nakatitig ito sa akin, na nakangiti.
"Hays! Akala ko kung ano na!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa pagkagulat.
Napabuntong-hininga pa ako, at umikot ang mata ko sa pagkairita.
"Kaya naman pala tumutulo, kasi natanggal 'yung linagay na tarpaulin ni Cyril," malamig na sambit ko.
Dali-dali kong isinara ang jelouise, at tinabunan ito ng malamlam na kulay rosas na kurtina.
Lumabas na ako ng kuwarto upang kumuha ng timba, nang natanaw ko sa sala si lolo na nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Oh, lo aalis ka na? Ang lakas kaya ng ulan! Maya ka na lang umalis," sabi ko habang lumalakad papunta sa gawi niya.
Napatigil naman si lolo sa may veranda. Kinuha nito ang raincoat na nakasabit sa pader.
"Nakarincoat naman ako Buday," aniya, at sinuot nito ang transparent na raincoat.
"Sige Buday, alis na ako," dugtong niya, at naglakad na patungong gate
Sinundan ko siya hanggang sa veranda namin.
Napakamot na lang ako ng ulo.
Babalik na ako sa loob nang napadapo ang mata ko sa nakatumbang payong na nakatiwangwang lang sa sahig.
"Itong si Cyril talaga burara kahit kailan. Di man lang linagay sa lagayan!" inis kong ani
Nang pinulot ko ang payong, napansin kong kumislap ang hawakan nito, nang tamaan ito ng liwanag.
"Aba parang imported pa ata itong payong na 'to. Hindi ko 'to napansin kagabi."
Dala ng kuryusidad ay tiningnan ko ang kabuuan ng payong. Kulay pula ang tela nito, itim ang katawan, at kulay ginto ang mga walong alambring nakapaligid dito.
Ang pindutan naman ay kulay pula, na parang gawa sa mamahaling bato, nasa gitna nito ang pattern na floral na kulay ginto. Sa hawakan ng payong, ay pina-ikutan ng linyang kulay abo, na kumikislap na parang kaliskis ng isda.
Tiningnan ko pa sa liwanag ang tela at parang may naburang pangalan dito.
Itim na tinta na letrang K ang simula, at malabo na ang mga sumunod na letra.
"Kay sino kaya ito. For sure mayaman ang may-ari nito."
Pakiwari ko anim na letra ang mga ito. Hindi ko na lamang ito pinansin, at linagay ko ulit ito sa lagayan ng payong.
"Papasok na sana ako sa bahay nang may umagaw ng atensiyon ko.
Isang uwak ang sumilong sa bahay. Napansin kong galing ito sa puno ng manga na nasa gilid lamang ng harden namin. Dumapo ito sa sementong bakod ng veranda. Basang-basa ito ng ulan.
Napatingin ako dito. Hindi ito gumagalaw kahit na linapitan ko. Nang titigan ko pa ito, para bang tintingnan niya din ako ng itim niyang mga mata.
Sa paggalaw ng ulo ko, ay ang paggalaw din ng ulo niya.
Palapit nang palapit ang sumunod na eksina.
Lalong nagiging malapit ang mukha niya sa akin. Na para bang nagiging anyo ng tao ang kanyang mga mata.
Matalim ang titig nito, na pwede na akong higupin anomang oras.
Hindi ako mapakali, parang may mali sa ibong ito.
Natakot ako sa aking naramdaman.
Napatili ako sa sobrang gulat nang isang tsinelas ang tumama sa sementong bakod ng veranda. Nakita ko na biglang lumipad ang uwak at tumago sa manga ng puno.
Napalingon ako kung sino ang bumato.
Nakita ko si Cyril na nakangisi na napatitig sa akin na tila nang-aasar.
"P*ta ka nagulat mo naman ako!" Napahawak naman ako sa dibdbib sabay irap ko sa kanya.
"Sayang muntikan ko na sana matamaan." masiglang aniya
"Ah ganon, ito tatama sayo!" Kinuha ko ang pulang payong at itinaas ko to para panakot kay Cyril.
Tawa-tawa pa ang loko, na itinaas ang dalawang kamay na palatandaan na suko na ito.
"Ate naman ang OA. Sorry na." Lumapit naman ito sa akin at dumungaw sa pintuan.
"P'wede pahingi ng 100, pamapaload ko lang sa wifi," malambing na sambit niya
"Che! Nauubos pera ko sayo sa wifi na 'yan. Alam ko naman na sa girlfriend mo yan eh"
"Sige na teh, Alam mo naman ikaw lang mahingian ko dito. Pag si kuya Renzo, naman dami pa 'yung sermon." Hinawakan niya pa ako sa balikat at hinihimas ito.
Agad ko namang ginalaw ang balikat ko upang matanggal ang pagkakahawak niya.
I have no choice naman, kawawa naman si bunso.
"Tssk, Oo na. Kunin mo 'yung pera sa kuwarto. Palitan mo din 'yung timba ko sa kuwarto ha"
"Salamat ate. Sige gawin ko na." Parang hindi mapagsidlan sa tuwa ang loko sa narinig.
Huminga ako nang malalim at papasok na ako ng sala nang biglang nakarinig ako ng huni ng ibon. Tumingala ako upang hanapin ito. Lumaki ang mata ko sa gulat nang makita ang uwak na na nakadapo sa dinding ng kisame.
Huni lang ito nang huni na nagpapakaba sa dibdib ko.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro