Kabanata 5- Hawakan ng payong
Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi ko na lamang inisip ang nangyari.
Pinagpatuloy ko na lamang ang gawain sa bahay. Marahil dala lang ito nang puyat, dahil sa sunod-sunod kong geg.
"Mga brother, lolo kain na!" sigaw ko para marinig nilang lahat ang pagtawag ko.
Agad namang nagsilabasan sila sa kanilang mga lungga.
"Ano ulam?" sambit ni Cyril, na umupo sa upuang metal sa mesa
"Itlog with love and fried rice. Kain na," masiglang bati ko
"Walang halong cornbeef man lang," reklamo ni Cyril, na kumuha ng kanin sa bandihado.
Tumaas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya.
Magsasalita na sana ako nang inunahan ako ni Renzo.
"Kumain ka na lang nga diyan Cy! Dami mo pang hinahanap na wala naman!" inis na giit niya.
"Nagtatanong lang naman ah!" may tonong tugon ni Cyril
Jusko! Itong dalawa talaga parang aso at pusa. Alam ko na kung saan tutungo ito, kaya bago pa man magka-initan, uunahan ko na.
"Hep, mga bro baka makalimutan niyo nasa hapag-kainan kayo."
Tumingin pa ako sa kanila na nakakunot ang parehong noo, habang abala ako sa paglagay ng kanin, at itlog sa pinggan ni lolo.
"Nasa harap din kayo ni Lolo magbigay galang naman kayo." Hinagod ko pa ang likod ni lolo na nakikinig lamang sa amin.
"Lo oh." Inabot ko sa kanya ang gatas na tinimpla ko para sa kanya.
Nang umupo ako napabaling ako kay Cyril, na tumingin ng masama kay Renzo.
"Oh Cy, Ikaw maglead ng prayer" dugtong ko.
Nagbuntong hininga na lamang si Cyril at nagsimulang magdasal.
"Amen" sabay na sambit naming lahat
Nagsimula na kaming kumain. Abala sila sa pagnguya nang biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari noong madaling araw.
"Ahm, no'ng madaling araw pala may kumatok diyan sa pintuan." panimula ko.
Nanginginig pa rin ako sa takot kapag binabalikan ko ang nangyari.
"Ano!" gulat na tanong ni Cyril na napatigil sa pagnguya.
"M-May magnanakaw a-ata, kasi nakita ko mismo kinukulikot niya 'yung doorknob" nabubulol pa ako dahil sa takot.
"Need pala natin bumili ng isa pang lock. Kailangan din e-report natin ito sa baranggay. Mahirap na at balikan tayo!" seryosong giit ni Renzo, na binitiwan ang tinidor na may itlog.
Napadapo ang mga mata namin nang magsalita si lolo.
"Kaya nga pupunta ako mamaya sa barangay para magsumbong," seryosong sabi niya
"Samahan na kita lo," sambit ni Renzo
"Ako na, at pupunta din naman ako sa Senior Building may meeting daw kami," aniya sabay inom ng gatas.
Hindi na namin pinilit pa si lolo at mas matigas pa sa bakal ang sintido nito.
Nang matapos na ako at tumayo, napahinto ako nang biglang hinawakan ni Renzo ang braso ko. Naramdamn ko ang kirot, kaya agad kong hinawakan ang aking mga pasa.
"Aray," mahinang sabi ko.
"Ate bakit may pasa ka?" takang tanong niya
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya, at ilang segundo rin akong natameme.
"Ahm, wala ito. Nadulas kasi ako kanina pauwi," giit ko, na napalunok pa ako sa kaba.
"Talaga ba?" Parang hindi siya kombinsido, kaya tumayo pa ito upang suriin ako.
Agad naman akong napaatras sa ginawa niya.
Nakita ko na nasa akin na ang atensiyon nilang tatlo.
"Don't worry! Ano kaba. Huwag nga kayo ganyan makatingin." Tinapik ko si Renzo.
Mabilis akong tumungo sa lababo at nilapag ang pinggan.
Hinarap ko si Renzo, na lalapitan pa ako.
"I'm fine. Nadulas nga ako kanina sa bar. May basa kasi sa floor do'n kaya ito may pasa," mahabang saad ko.
Bumalik naman sa pagkaka-upo ito.
Narinig ko pang nagsalita si lolo.
"Naku, Buday mag-ingat ka sa susunod apo," nag-aalalang sambit niya
'"Yes naman lo," malambing na wika ko
Nakita kong nagpatuloy na ulit sila sa pagkain.
Kaya tumungo na ako sa aking kuwarto. Mabilis kong kinandado ang pinto.
Napatingin na naman ako sa aking mga pasa.
Napabuntong hininga ako at napahawak sa ulo
Sa totoo lang ayaw ko talagang magsinungaling, ngunit ayaw ko pang mag-alala sila sa akin. Malaki na ako para intindihin pa. I can take care of myself!
Umupo ako sa malambot na kama, at kinuha ang cellphone na nasa mesa.
"Magpapaalam nga muna ako kay Roderick, na aabsent ako today. Pacheck-up ako sa doctor." matamlay na sabi ko sa sarili.
Agad akong nagtext dito at pinayagan naman niya ako.
From: Roderick
Ok Sisi pagaling ka
To: Roderick
Thank u
Message sent...
Napukaw ang atensiyon ko sa sahig na basa. Napabaling ang mata ko sa timbang umaapaw ang tubig-ulan.
"Ow, sh*t puno na pala," tarantang sabi ko.
Kaya napilitan akong tumayo upang palitan ito.
Sa pagtayo ko, ay bigla na lamang akong nakaramdam ng takot.
Tumaas bigla ang balahibo ko sa buong katawan.
Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa aking likuran, kaya napalingon ako bigla sa jelouise na bintana ng kuwarto ko.
Kung saan tumatalsik at tumatama ang ulan sa rehas na bakal, na nakaharang sa bintanang dekahon ang desinyo.
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro