Kabanata 4 - Hawakan ng payong
Alleny's POV
Nakatayo lamang ako sa bukas na puting casement na bintana, na dalawa ang frame na salamin.
Sa labas dinig ko ang malakas na buhos ng ulan. Sabayan pa ng malakas na ihip ng hangin na nagpapalamig sa balat ko. Pinagmasdan ko ang silid kong saan ako, ngunit tanging kadiliman lang ang bumungad sa akin.
Napabaling ang atensiyon ko nang may tumawag ng aking pangalan.
"Alleny ligo tayo," naulinagan ko ang nakakaakit na boses ng isang binibini sa labas ng bintana
Napadungaw ako upang silipin ito, ngunit wala akong makita maliban sa mga patak na ulan.
"Alleny." Lumaki ang mata ko nang makita ko ang sarili ko sa nakahawing salamin ng bintana. Isang babae ang nasa likuran ko, tabon ang mukha nito ng mahabang buhok.
Tila naligo ito sa ulan dahil sa basang puting bestida.
Liningon ko ito upang masilayan, ngunit bigla na lamang ako nitong itinulak, dahilan upang mahulog ako sa bintana.
Ang dilim? Saan ako?
Binuksan ko ang talukap ng aking mata, at napansin ko na lamang ang sarili na nakahiga sa basang kalsada.
Kinilabutan ako at nasindak nang matanaw ko mula sa pangalawang palapag ang babae na nakadungaw sa bintana.
Walang alinlangan itong humawak sa dalawang haligi ng bintana at itinukod ang isang paa sa dingding nito.
Anong gagawin niya?
Nanlaki ang mata ko nang malaman ko ang pakay niya.
Natatakot na ako dahil nasa puwesto ko mismo ito tatalon.
Kasabay ng ulan ay ang matulin na pagbagsak niya.
Sa ere kita ko ang katawan niya na tatama sa aking mukha.
Pinipilit kong umalis sa aking pagkakahiga upang hindi niya ako madaganan.
Ngunit hindi ko magawa, parang parilisado ang aking katawan.
"Huwag!" malakas na sigaw ko
Napapikit na lamang ako upang hindi makita ang pagtama ng katawan niya sa akin.
Napadilat ako dahil naramdaman ko na may dumadagan sa katawan ko.
Napabangon ako bigla.
"Huwag!" Kinakapos ako sa paghinga.
Tumaas baba ang balikat ko sa tindi ng kaba.
Napahawak pa ako sa dibdib habang hinahabol ko ang aking paghinga.
"Jusko, panaginip lang pala," hingal na sambit ko.
"Pero parang totoo," napahawak pa ako sa ulo.
Napaungol ako, nang maramdaman ko na masakit ang kaso-kasohan ko.
"Aray ang sakit!"
Kaya minasahe ko ang mga ito. Nang mawala ang kirot, tumayo na ako, at ginawa ko na ang aking morning routine.
Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit at matamlay akong pumunta sa banyo na katabi ng kitchen namin.
Habang naghihilamos ako, napatigil ako nang mapansin ko na may mga pasa ako sa braso.
Lalo akong nagulat nang tumingin ako sa dibdib. May mga pasa ako!
"Ano ba ito may sakit ba ako? Huwag naman sana at gastos ito," mahinang sabi ko habang pinipisil ko ang mga pasa. Medyo masakit, at pakiramdam ko nanghihina ang buong katawan ko.
Napatigil ako sa paghimas nang may kumatok sa pintuan.
"Ate! Tapos ka na ba?" si Renzo
"Ah, Oo t-tapos n-na ako." nabubulol na sambit ko.
Ayaw ko mag-alala sila sa akin kaya tinabunan ko ng dalang tuwalya ang aking braso
Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo dito si Renzo.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya
Nagbuntong hininga ako, at hinarap ko si Renzo, na pinatay ang gas stove nang sumipol ang takore.
Tsaka niya ipanaghagkan ang takoreng nakanguso sa tasang may pingas ang labi.
"Oo, okay lang ako. Ano oras pasok mo ngayon?" matamlay na tugon ko.
Iniba ko na ang kuwento baka mapansin niya ang mga pasa ko.
"Day off ko ngayon." Habang nagtitimpla ito ng kape.
Malungkot ang mukha nito alam ko na naman kung bakit.
Pagkatapos niyang magkape.
Pumasok na ito ng banyo at sinara ang pinto.
"Musta may benta na ba?" sigaw ko
"Mahirap makakuha ng client dami na rin kasing condo," sabi ni Renzo habang nasa banyo.
"Hayaan mo kapag may mga customer ako na gustong bumili ng condo. Sasabihin ko na sayo bumili," malakas na sambit ko habang kumukuha ako ng apat na itlog sa ref.
"Salamat ate" maikli niyang tugon
Nagsimula na ako maghanda ng almusal namin. Nakahiwa na ako ng sibuyas at bawang. Magluluto lang ako ng pritong itlog. Ako kasi ang tagaluto sa amin since wala si mama sa bahay.
Nagbati na ako ng itlog. Linagay ko na rin ang kuwali sa gas stove namin. Nang pagbukas ko sa hanging cabinet ubos na ang hinahanap ko.
"Naku naman wala na pa lang mantika!" napakamot ako sa ulo.
Pumunta ako sa kuwarto, upang kumuha ng pera pambili ng mantika.
Nang naglalakad na ako patungong sala. Dumapo ang mata ko kay Cyril na lumabas ng kuwarto niya.
"Ay salamat naman gumising ka na. Bili ka muna ng mantika diyan lang sa tapat.
"Umuulan oh!" magaspang na sabi niya, na halatang kababangon lang.
Luminga ako sa pinto at nakita ko ang payong na nasa bintana.
"Lusot mo ayan oh payong sige na bili ka na!"
Napakamot pa ito sa ulo sabay kuha sa payong. Sinundan ko nang tingin si Cyril hanggang sa gate namin.
Nang sinara niya ang gate may sumukob na babae nakabistida ng puti sa kanya.
Hindi ko makita kung sino iyon dahil nakatalikod itong lumapit kay Cyril.
" Sino 'yun?" umikot ang mata ko sa paghahanap ng sagot sa tanong ko.
Nang makabalik na si Cyril, inabot niya ang mantika.
Tinanong ko agad kung sino ang sumukob sa kanya.
"Sino 'yung nagsukub sayo kanina? Chicks mo?" aniko
"Anong chicks?" takang tanong niya, na napakamot sa ulo
" May sumukob sayo na girl paglabas mo ng gate. Hindi ko makita kasi nakatalikod siya," mahabang saad ko.
"Si ate parang sira. Wala naman akong nakasabay kanina," aniya
Napatulala ako sa nalaman so sino 'yun?
Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang tunog ng pitik sa hangin ni Cyril
"Hoy gising tulog ka pa ba? Bakit tulala ka te?" lokong sambit niya
"May naki-"tinuro ko pa ang gate
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang pumasok na ito ng kuwarto.
Napailing na lang ako. Kinilabutan na ako, at tumaas ang balahibo ko sa nalaman na walang kasabay si Cyril.
Anong bang nangyayari sa akin?
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro