Kabanata 3 - Hawakan ng payong
Alleny's POV
Dalawang katok ulit
Tumingin ako sa kuwarto ni Renzo, na katabi ng kuwarto ko at nando'n naman ito, at mahimbing na natutulog.
Dalawang katok ulit.
Dumaloy na sa katawan ko ang kaba at takot.
May parte ng utak ko na baka magnanakaw ito.
Kaya mabilis kong kinuha ang nakadisplay na samurai na collection ni Lolo na nakasabit sa pader ng sala.
Dalawang katok ulit. Kita kong kinikilikot nito ang pinto.
Nanlaki na ang mata ko dahil sa takot. Bumibilis na rin ang pintig ng puso ko.
" I need backup, hindi to carry ng powers ko," nanginginig na bulong ko sa hangin.
Lalakad na sana ako para gisingin si Renzo nang makita kong bumukas ang kuwarto ni lolo na katabi ni Cyril ng kuwarto.
"Oh, Buday bakit gising ka pa. Bakit hawak-hawak mo samurai ko?" takang tanong ni lolo
"Lo, may magnanakaw nasa labas siya ng pinto," nanginginig na sambit ko.
"Ano?" Mabilis niyang kinuha ang samurai na hawak ko.
Walang atubi itong pumunta sa jalouise na bintana. Binuksan niya ito nang bahagya para makita kung sino ang nasa labas.
Nakita kong pumunta si Lolo sa pinto at parang bubuksan pa ata ito.
"Lo huwag!" tarantang sambit ko.
Mabilis akong pumunta sa kanya ngunit huli na nang mapigilan ko siya.
"Hoy! Kung sino ka man hindi ako natatakot sayo! Baka pugutan pa kita ng samurai na hawak ko!" ani ni lolo nang buksan niya ang pinto. Luminga-linga pa ito upang hanapin ang magnanakaw.
"Oh, kay sino naman itong payong na ito?" aniya
Napatingin ako sa baba. Nakita ko ang pulang payong na nasa sahig.
"Hala, bakit nandiyan na 'yan? Sinabit ko 'yan sa lagayan ng payong!"
Natakot ako sa nakita. Marahil ginamit ito nang magnanakaw kaya nandito.
Agad kong pinulot ang payong, at sinabit sa dingding ng bintana.
"Hoy labas! Para makita mo ang hinahanap mo!" Itinaas pa ni lolo ang espadang dala.
Kinakabahan naman ako sa ginawa ni lolo kaya mabilis ko siyang hinatak pabalik sa loob ng bahay. Ako na lang ang sumara ng pinto.
Itong si lolo akala mo naman nasa kabataan pa niya makaasta. Baka nga isang tulak lang sa kanya ng magnanakaw masaktan na ito.
"Baka 'yong mga adik siguro 'yan sa kanto. E-report ko yan bukas sa barangay," ani ni lolo at pumasok na sa kuwarto.
Nagbuntong hininga ako. Tutungo na rin sana ako ng kuwarto, ngunit napahinto ako dahil sa basang sahig.
"Bakit may basa dito?" takang sambit ko.
Dali-dali akong kumuha ng wet mop at pinunasan ang basa. Sinundan ko ng mop ang tubig mula sa sala hanggang sa kusina, at nagulat ako na patungo ito sa kuwarto ko.
Napalunok ako dahil sa bara sa aking lalamunan sa pagkabigla. Napansin kong nakabukas ang pinto ng bahagya na nakapatay ang ilaw.
"Wait, sinira ko ito kanina ah, bago umalis?" Tinaas ko ang hawak - hawak kong wet mop at tinulak ko ang pinto gamit 'yon.
Sumandal ako sa gilid ng pader at binuksan ko nang kanang kama ko ang switch ng ilaw.
Nanlaki ang mata ko at kumabog ang puso ko nang maramdam ko ang lamig na dumampi sa kamay ko, kaya mabilis kong tinanggal ang pagkakapit sa switch na nasa gilid ng pintuan.
Tumaas ang buong balahibo ko sa katawan dahil doon.
Luminga ako sa loob ng kuwarto ngunit wala akong nakita. '
"Jusko!" napahawak na lang ako sa dibdib sa sobrang takot. Hinimas ko pa ang kanang kamay at ilang minuto ako na nasa labas.
Nagbuntong hininga ako at dahan-dahan akong pumasok sa loob.
May nakita akong tubig sa sahig kaya pinunasan ko ito. Naramdaman ko ang patak ng tubig sa pisngi, kaya napatingala ako nang wala sa oras. Napansin ko na may butas sa bubong.
"Ano ba iyan!" Agad akong kumuha ng timba at pinansalok ito sa tubig ulan. Dinig ko pa ang patak ng tubig dito.
"Hays, napapraning na tuloy ako sa takot. Paayos ko na lang bukas ito. Gastos na naman."
Nagbihis na ako nang pantulog at humiga na ako sa kama. Pinilit ko na lang pakalmahin ang sarili sa kabila ng naranasan ngayon.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro