Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 25 Hawakan ng payong

Alleny's Point of View

Naabutan na kami ng gabi nang makaalis kami sa shop. Nakabukas na ang mga bombilya sa poste na nagpapaliwang sa madilim na kalye. Sumabay kami ni Nicolo sa mga taong naglalakad sa side walk. Papunta kaming dalawa sa paradahan ng tricycle. Mabagal lamang ang aming paghakbang at hindi kami nagkikibuan. Hindi ko alam pero biglang nakaramdam ako ng pagkabalisa. Nagpadagdag pa sa nginig ko ang malamig na simoy ng hangin. Kaya napahawak ako sa aking braso. Agad akong napalingon kay Nicolo nang magsalita ito.

"Alleny, huwag ka mag-alala. Andito lang ako. Hahanap tayo ng paraan para mawala ang sumpa," seryosong sambit nito sa akin.

Ngumiti ako ng pilit at nagbuntong-hininga.

"Salamat Nicolo," mahinang tugon ko sa kanya.

"Diba sabi ni Monic kanina, kailangan mo lang alamin kung ano 'yong bagay na kinuha mo, para mapigilan niya ng sumpa" dugtong pa nito.

"Yon nga ang pinoproblema ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sinasabi ni Monic na bagay na kinuha ko," malungkot na sagot ko sa kanya.

Napahinto kami sa paglalakad nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa shoulder bag.

Kaagad ko 'yon kinuha at nakita ko na tumatawag si mama.

"Wait lang Nicolo. Tumatawag si mama," sabi ko sa kanya at agad kong sinagot ang tawag.

"Ma, bakit po?" Naririnig ko ang pagtangis ni mama. Kaya bigla akong kinabahan.

"Ma, b-bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" kabadong boses ko sa kabilang linya.

"Oo, Buday," maluha-luhang tugon niya.

"Ma, Ano ba yon?" nate-tense na tono ng boses ko.

"S-Si Cy, naaksidente. Nahulog sa jeep. Andito kami ngayon ng papa mo sa hospital," mangiyak-ngiyak na boses ni mama.

"Jusko! Okay lang po ba si Cy ma?" mabilis na turan ko sa kanya.

"Sa ngayon hindi pa siya nagigising Buday."Narinig ko ang singhot ni mama.

Bumilog ang mata ko sa pagkabigla. Hindi ako makapaniwala sa sinambit ni mama. Napasapo na lamang ako sa aking bibig at mabilis na dumaloy ang mga butil ng mga luha sa aking mata.

"Alleny okay ka lang?" takang sambit ni Nicolo sa akin.

"Kailangan ko pumunta sa hospital, Nicolo. Si Cy, naaksidente at hindi pa siya nagigising hanggang ngayon!" malungkot na sambit ko sa kanya. Hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako.
Agad akong yinakap ni Nicolo. Napayakap naman ako nang bigla sa kanya.

"Tahan na. Magiging okay ang kapatid mo Alleny. Magtiwala ka lang sa Diyos," hinagod niya ang aking likod.

Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan ko ang aking mga luha. Pinipigilan ko ang aking paghikbi. Gusto kong maging matatag, pero sadyang naunahan na ako ng kaba at takot.

"Saan ba naka-confine ang kapatid mo?" seryosong tanong ni Nicolo sa akin habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak.

"S-sa Quirino hospital," humihikbing sambit ko sa kanya.

"Tara samahan kita." sabi ni Nicolo. Siya na ang pumara ng taxi para sa amin. Mabilis na binuksan ni Nicolo ang pinto sa back seat. Pumasok na kami sa loob.

"Saan po tayo Ma'am and Sir?" tanong ng driver.

"Manong sa Quirino hospital," tugon naman ni Nicolo habang sumusuot kami ng seat belt.

Tulala lamang ako habang nasa byahe. Lumalakbay ang aking diwa. Si Cy lamang ang laman ng isip ko ngayon.Binabalikan ko ang masasayang alaala naming dalawa. Nanlalamig ang mga kamay ko sa tindi ng kaba. Naramdaman ko na naman ang mga maiinit na butil na luha sa aking mata. Agad ko naman iyon pinunasan. Kinuyom ko na ang aking kamay at nagsimula na akong magdasal.

"Please Lord. Huwag niyo pong kunin si Cy. Ayaw ko na pong mawalan ng mahal sa buhay," bulong ko sa hangin habang patuloy na lumuluha.

"Alleny huwag ka mag-alala. Magiging okay ang lahat."Pagpapakatatag ni Nicolo sa akin.

Tumingin ako sa kanya at tumango. Pinunasan ko agad ang aking luha. Hinimas naman ni Nicolo ang aking balikat. Agad siyang nagsalita.

"Alleny, magtiwala ka. Mabubuhay ang kapatid mo."

Tumango akong muli bilang sagot sa kanya. Pinipilit kong patatagin ang aking loob. Sana tama si Nicolo na buhay pa si Cy.

Napadako ang paningin ko sa bintana nang lumiko ang sasakyan namin sa intersection road. Nakita kong nagpula ang traffic light. Umalsa ang aking balikat habang tinitingnan ang iba't-ibang sasakyan na dumadaan. Ngayon lang ako nabadtrip sa stop light sa buong buhay ko. Sa bawat bilang ng segundo sa poste ay ang pagsabay ng tibok ng puso ko.

Nang nag-berde na ang traffic light ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Manong p'wede po kaya natin bilisan at kailangan ko pong makarating sa hospital agad," pakisuyo ko sa driver.

"Sige po ma'am" sagot naman ng driver. Mabilis naman niyang pinaharurot ang sasakyan.

Ngunit may dala ata kaming malas dahil naabutan kami ng mahabang traffic.

"Sorry ma'am traffic na po dito." sagot  ng driver.

Nagbuntong hininga na lamang ako.

"Alleny, kalma lang. Tawagin mo na lang parents mo habang naghihintay tayo," suggestion sa akin ni Nicolo.

Kaya tumawag na lang muli ako sa number ni mama ngunit hindi ito sumasagot.

Dinial ko ang cellphone ni papa.

"Buday," malungkot na bati ni papa.

"Pa, si Cy okay na ba siya?" mabilis na sagot ko sa kanya.

"Ligtas na siya anak. Nagising na siya kanina. Nagpapahinga na lang siya ngayon."

Nang sabihin iyon ni papa ay nakaluwag na ako. Tila nawala na ang bara sa aking dibdib.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Agad iyon napansin ni Nicolo.

"Oh, ano kumusta si Cy, Alleny?"

"Ligtas na siya Nicolo," masiglang tugon ko sa kanya.

"Mabuti naman," nakangiting sambit niya sa akin.

Nang makarating kami sa hospital. Patakbong-lakad ako na pumunta sa information desk.

"Miss, saan po ang room ni Cyril Fermanejo rito?" sabi ko sa nurse.

"Kaano-ano niyo po ang pasyente?"

"Kapatid niya po ako!"

"Diretso niyo lang po itong daan tapos kaliwa po doon na po ang ward,"

"Salamat." Patakbong-lakad kaming pumunta ni Nicolo sa ward room. Pagpasok namin sa malawak na silid ay may nakaharang sa bawat higaan na kurtina na dark green ang kulay. Kaya naglakad kami  sa gitna at  palinga-linga sa bawat higaan. Nang matagpuan na namin si Cy, ay sabik ko silang nilapitan.

"Ma!" Salubong ko nang makita ko si mama. Nakaupo ito at nakatukod ang dalawang kamay nito sa gilid ng kama ni Cy.

Iniangat nito ang ulo at nagsalita.

"Buday, buti andito ka na," matamlay na turan ni mama.

"Ano po ang sabi ng doctor ma?" malungkot na sambit ko sa kanya.

Kahit ligtas na ang aking kapatid sa kamatayan ay naawa naman ako sa kalagayan niya ngayon. May bandage ito sa kanyang ulo at ang kaliwa niyang binti ay may plaster cast.

"May nabali raw na buto sa kanyang binti. Buti nga hindi siya napuruhan sa ulo. Salamat talaga sa Panginoon!" mangiyak-ngiyak na sambit niya habang pinagmamasdan niya ang natutulog na si Cy.

"Baka hindi ko na kaya pang mabuhay kung may mawawala pa sa inyo Buday," emosyonal na sambit ni mama.

"Tahan na ma," malambing na sambit ko sa kanya. Agad akong lumapit kay mama at hinagod ang likod niya. Napadako ang tingin ni mama sa aking likuran.

"Sino siya?" mahinang sambit ni mama. Napatingin ako sa tinuturo ng nguso ni mama. Nakalimutan ko na kasama ko pala si Nicolo. Tumayo ako ng tuwid at lumapit kay Nicolo.

"Ma, si Nicolo po kaworkmate ko po sa bar," pormal na sagot ko kay mama.

"Magandang gabi po Ma'am." Nakangiting bati ni Nicolo.

"Magandang gabi rin sa yo iho. Salamat at sinamahan mo si Buday papuntang hospital," seryosong sagot ni mama.

"Walang anoman po.." nakangiting sambit ni Nicolo kay mama.

Luminga ako sa loob ng kuwarto.

"Ma, si papa asan po pala siya?" tanong ko sa kanya.

"Lumabas lang sandali. Bumili lang ng makakain natin ngayong gabi," mahinang sabi ni mama.

Lahat kami ay napatingin kay Cy nang magsalita ito.

"A-Ate," humihingal na banggit nito. Lumapit ako sa kanya at hinaplos nang dahan-dahan ang kanyang kamay.

"Cy, anong nangyari sa 'yo bakit ka nahulog?" mabilis na bulalas ko sa kanya.

Diretso itong tumingin sa aking mga mata. Napansin kong nanginig ang kanyang labi.

"A-Ate, nakita ko s-siya!" seryosong tugon ni Cy.

Natigilan ako ng ilang segudo sa namutawing letra ng kapatid ko.

Napanganga ako sa pagkabigla. Hindi ako makapaniwala sa binulgar nito.

"A-anong s-sabi mo?" natatakot na sambit ko sa kanya.

"Ate 'yong babaeng multo nakita ko siya. Papatayin niya tayo ate!" mabilis na sambit niya habang mahigpit ang hawak ng kanang kamay niya sa aking braso.

Nakita kong napatayo si mama sa pagkakaupo nang banggitin iyon ni Cy.

"I'm sorry Cy, hindi ko alam na magyayari ito sa 'yo," naawang tugon ko sa kanya.

"A-Ate natatakot na ako! B-Baka magpakita ulit siya sa akin," nanginginig nitong sabi habang mahigpit ang hawak sa aking kamay.

"Cy, anong pinagsasabi mo?" nag-aalalang tanong ni mama.

"Ate sabihin mo na kay mama," mahinang sambit ni Cy.

Napabaling ang tingin ni mama sa akin.

"Ano ba ito Buday? Ano bang pinagsasabi ni Cy!" gulat na tanong ni mama.

"Ma, alam ko po na hindi po kayo maniniwala agad pero totoo po itong sasabihin ko sa inyo." Umipon ako ng lakas n loob at nagsalita

"Ma, may multo po na gusto po tayong patayin," seryosong tugon ko sa kanya.

"Ano ba yan!" Kumunot ang noo ni mama.

Umiling si mama at halatang nadismaya sa sagot ko sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo Buday? Naka-drugs ka ba?" malutong na hayag ni mama.

Napagawi ang tingin namin nang dumating si papa.

"Buti andito ka na Buday," sabi ni papa. May dala itong supot ng pagkain at prutas.

Nilagay nito ang dalang supot sa lamesa sa gilid ng kama ni Cy.

"Buday sagutin muna ang tanong ko sa iyo!' inis na sambit ni mama.

"Palangga ano ba ang nanyayari sa iyo at bakit mainit ang ulo mo kay Buday?" tanong naman ni papa kay mama.

"Eh, kasi itong anak mo may sinasabi na may multo raw na papatay sa atin. Sino namang matino ang pag-iisip, maliban sa nakadrugs ang sasabi niyan!" mabilis na bulalas ni mama. Nakahalukipkip pa ito at nakataas ang isang kilay.

"Totoo ba ang pinagsasabi ng mama mo Buday?" baling ni papa sa akin.

Nagpakawala ako ng hangin at seryosong hinarap si papa at mama.

" Opo pa. Totoo po na may multong gustong patayin tayo." Tumingin ako ng makahulugan sa kanila. "Ma, Pa. Maniwala po kayo sa akin," nagmamakaawang boses ko.

Nakita kong umiling si papa at nagbuntong hininga.

"Alam mo ba ang pinagsasabi mo Buday?" pabirong sambit ni papa sa akin.

"Multo? Seryoso ka ba Buday?" dugtong pa ni papa.

Hindi ko na rin mapigilan ang inis ko sa kanila. Sa tingin nila nagbibiro ako? Sana nga joke lang lahat ng ito, pero totoo ang lahat ng ito!

"Totoo po ang sinasabi ko pa, ma!" napalakas ang boses ko, kaya may mga taong nasa ward na napatingin sa gawi namin. Nahiya naman ako bigla sa aking inasta.

"Ma, Pa, please maniwala kayo sa akin," mahinang sambit ko sa kanila habang madiin na tinuro ko ang aking sarili.

Napansin kung lumapit si Nicolo sa tabi ko, kaya napatigil ako sa pagsusumamo.

"Sir, Ma'am sorry po kung manghihimasok po ako sa pag-uusap ng pamilya niyo, pero totoo po ang sinasabi ni Alleny," seryosong sambit ni Nicolo na nasa likuran ko.

"At sino ka na naman?" walang buhay na tanong ni papa.

"Pa siya po si Nicolo, kaibigan ko po. Kasama ko po siya sa bar," mahinang sambit ko sa kanya.

"Kahit ako po ay hindi makapaniwala noong una sir, ma'am, pero noong naranasan ko mismo ang kababalaghan sa amin sa shop. Naniniwala na po ako kay Alleny."

Buti andito si Nicolo, kahit paaano may kakampi ako.

Napatingin naman sina mama at papa sa isa't-isa na bakas pa rin ang pagdududa.

Napabaling ang mata naming lahat kay Cy nang magsalita ito.

"P-Pa, ma totoo po ang sinabi ni ate Buday. Kaya po ako nahulog sa jeep kanina ay may nagpakita sa aking multo." mahinang sambit ni Cy sabay ubo.

"Anak," nag-aalalang sambit ni mama na agad na kumuha ng basong tubig upang painumin si Cy.

"Kung totoo ang sinasabi niyo. Bakit naman papatayin niya tayo Buday?" sabi ni papa na halatang kabado.

"Sabi sa akin ng manghuhula may kinuha raw po ako sa kanya at dahil doon gusto niyang maghiganti," natatakot na tugon ko sa kanila.

"Maghiganti? Kinuha na ano?" takang tanong naman ni mama habang nakapokus ang atensiyon nito sa pagpapainom kay Cy ng tubig.

"Hindi ko po alam sa ngayon ma, pa-"

Napukaw ang atensiyon naming lahat nang isang mahabang pagtangis ng isang matandang babae ang narinig namin sa kabilang higaan. Ngunit dahil sa kurtina na nakaharang, ay hindi namin masilayan ang humahagulgol na babae.

oOo

to be continued...

Ang tagal ko mag-update! Sorry readers Kahihired ko pa lang kasi sa bago kong work, kaya need magsipag.  Thank you for reading po!

Kuya Mig

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro