Kabanata 24- Hawakan ng Payong
Cyril POV
"Bogs!" Pinagpapawisan na ako habang malakas na pinapalo ang pinto.
"Wait lang malapit na!," inis sambit ni Bogs. Maya-maya ay binuksan niya ang banyo.
Nasilayan ko ang pagkagulat sa mata ng kaibigan ko.
"Oh men, bakit ka sumigaw?" takang sambit nito.
Inis ko siyang binalingan.
"B-Bakit mo nilock ang pinto! Aatakihin na ako sa puso dito kanina!" hinihingal na tugon ko sa kanya.
Badtrip kasi ang tagal buksan ang pinto. Lumingon ako sa aking likuran. Wala na akong naririnig na ungol ng babae.
"Ako pa talaga men. Diba ikaw yong lumabas. Nagulat nga ako sa 'yo dahil nagsisigaw ka. Tapos nakalock na ang pinto sa loob," mahabang saad nito.
"Bakit ano bang nangyari sa 'yo men?" dugtong pa nito.
"Mamaya ko na sabihin sa 'yo. Tayo na!" mabilis na sagot ko sa kanya. Takbong-lakad na ang ginawa ko upang makaalis sa lugar na iyon. Diretso lang ang mata ko sa daan.Hindi ako lumilingon sa anomang classroom. Baka makakita ulit ako at lalo pa akong kilabutan.
Nang palabas na kami ng building namin ay doon ko na sinabi kay Bogs ang kababalaghan na nasaksihan ko kanina.
"Sure ka men? Baka guni-guni mo lang yan? Nanakot ka naman eh," nakangising sambit nito sa akin.
Alam ko ang nasa utak nito. Sure akong pinagtatawan ako nito.
" Kailan ba ako nagsinungaling sa 'yo ha! Kung ayaw mong maniwala bahala ka," inis na saad ko sa kanya.
Tumango lang ito at pinagmasdan ako ng napakaseryoso.
"Sige na nga men naniniwala na ako," seryosong sambit nito.
Inakbayan niya ako. "Sama ka na lang sa akin. Iinom na lang natin yan men, para mawala 'yang takot mo," pagpapakalma nito sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May tama naman ang kaibigan ko. Gusto ko rin sana sumama sa kanya upang malibang naman ang isip ko. Inaalala ko lang talaga sina papa at mama.
"Hindi nga ako nagpaalam. Alam mo naman men diba na sobrang strikto ng nanay ko," tugon ko kay Bogs.
Patuloy kaming naglalakad hanggang makarating kami sa gate.
Nang nasa gate na kami ng eskwelahan ay tinapik ako ni Bogs sa balikat nang may jeep na nag-stop sa gilid ng aming school.
"Sige men, mauna na ako sa'yo. Ingat ka na lang." Mabilis itong naglakad at sumama sa mga estudyanteng sumakay sa jeep.
Napabuntong hininga ako na tiningnan ang relo sa aking pulupulsuan. Mag-aalas saes na pala, kaya humakbang na ako upang lumakad papuntang overpass. Iyon lang kasi ang tanging way ko para makatawid sa kabilang kalsada.
Sumabay na ako sa mga taong umaakyat doon. Paroon at parito ang mga tao. Sa taas ay may mga vendor na nakaupo. Naka-display ang mga tinitinda nilang mga damit at short. Nakalapag din sa sahig ang mga binebenta nilang mga relo, sinturon, at makukulay na folded na payong. Diretso lang akong nakatingin sa dinadaanan. Nakakarinig ako ng mga vendor na nagsisitsit sa akin para bilhin ang binebenta nilang produkto. Hindi ko na lamang sila pinapansin. Nakakalahati na ako sa aking paglalakad sa overpass nang may isang babaeng vendor ang tumawag sa aking pangalan.
"Cyril bili ka ng payong?" malambing na pagkakahayag niya.
Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ang pangalan ko?
Napalingon ako nang wala sa oras. Tinanaw ko ang babaeng nagsalita.
Nagulat ako nang wala akong natanaw na babae. Matandang lalaki ang nagtitinda.
"Boss, bibili po ba kayo ng payong? Murang-mura lang po?" sabi nito.
Umiling ako. "Ah, eh H-hindi po," nabubulol na tugon ko sa matanda.
Kaya kinakabahan akong nagpatuloy sa paglalakad. Nakaramdam ako ng malamig na hanging dumampi sa aking balat. Nagtaasan ulit ang balahibo ko sa buong katawan.
Kaya mabilis akong lumakad pababa ng overpass. Tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong dinukot sa bulsa ng aking pantalon.
Pagkita ko sa caller ay si Ate Buday.
"Si Ate Buday. Bakit kaya siya tumatawag?" mahinang sabi ko sa hangin.
Sinagot ko ang tawag "Hello te bakit ka tumatawag?" bati ko sa kanya.
"Cy, sa bahay ka na ba?" mabilis nitong tanong. Sa boses niya ay para itong natatakot.
"Pauwi pa lang te. Bakit te?" sabi ko habang naghahanap ako nang masasakyan na jeep.
"Cy, alam ko na kung bakit nagpaparamdam ang multo sa atin," natatakot nitong saad.
Sa sinabi ni Ate Buday ay lalo akong nasindak. Naalala ko ulit ang nangyari sa akin sa corridor.
"H-Ha? A-Anong ibig mong sabihin te?" nanginginig na boses ko.
"Sinumpa ako Cy at sa-."
"Anong sumpa ate? Hello, hello te." Naputol na ang tawag.
Bumilis na naman ang pintig ng puso ko sa rebelasyon ni Ate Buday.
"Anong sumpa ang pinagsasab ni Ate Buday?" nalilitong sambit ko. Humigop ako ng hangin sabay buga nito. Gusto kong mawala ang mga daga na nasa aking dibdib.
Natatakot na ako. Gusto ko ng umuwi. Pahirapan pa naman ang pasakay pacubao dahil sa daming pasahero na nag-aabang ng masasakyan. Lalo pa at rush hour na ito.
Natanaw ko sa malayo ang jeep pacubao. Narinig ko pa ang konduktor na sumisigaw ng cubao/gateway. Kaya nakipaanod na ako sa mga pasaherong katulad ko na gustong makasakay.
Sa loob ay napansin kong medyo puno na ang laman ng jeep. Kaya sa pinakadulo na ako nakaupo.
Kumuha ako ng barya sa aking bag.
"Pakiabot po," pakiusap ko sa taong sumunod sa akin.
Pag-abot ko ay isang maputlang kamay ang umabot ng aking barya. Paglingon ko sa may-ari noon ay kinilabutan ako sa aking nakita! Nakalugay ang kanyang basa at mahabang buhok. Nakasuot ito ng puting bestida. Agad niyang hinawakan ang aking kamay na nagpagulat sa akin.
"Cyril," bulong nito sa akin. Taranta akong napatayo. Kaya nang umandar ang jeep ay na-outbalance ako at tuluyang nahulog.
Rinig ko ang sigawan nang mga tao nang huminto ang jeep.
"Manong driver 'yong estudyante nahulog!" sigaw ng mga tao sa loob ng jeep
Impit na ungol ang nagawa ko nang bumalibag ang sarili ko sa malamig na semento.
Naiiyak ako sa sobrang sakit. Agad na huminto ang jeep.
Isang mahabang busina ng mga sasakyan ang narinig ko sa malayo. Gusto kong bumangon sa pagkakatihaya, ngunit hindi ko magawa. Naramdaman kong hindi ko magalaw ang kanang binti ko. Pakiramdam ko ay may nabaling buto rito.
Dumadaing na ako sa tindi ng hapdi! Medyo mainit ang aking ulo. Naramdaman ko ang dugong tumutulo rito. Kaya nang hawakan ko ito, ay namutla na ako sa dugo na nasa aking palad.
May mga taong lumapit upang tulungan ako. Ginalaw ko ang aking ulo habang sinisilip ang mga mukha ng mga taong nakiki-usyuso.
"Kalma lang iho, parating na ang ambulansiya." sabi ng isang matandang babae.
Pinalibutan na ako ng maraming tao. Nanlaki ang mata ko sa kilabot nang makita ko ulit ang babaeng nakabestida. Bumilis lalo ang kabog ng dibdib ko nang biglang lumabo ang mga tao at siya lamang ang malinaw sa aking paningin!
Ate, ma, pa tulong! sigaw ko sa aking isipin.
Wala akong magawa habang papalapit ang nakakatakot na babae.
Hindi na ako makapagsalita parang tinapyas ang aking dila sa sobrang sindak!
Tanging pagluha na lamang ang nagawa ko hanggang sumarado ang talukap ng aking mata.
To be continued...
A/N This is it sarap uminom ng kape. Umuulan ngayon November 07, 2020. Natagalan ang update ni auhtor. hehe. Ang daming ganap kasi sa buhay. Kumusta po kayo. Abangan ang mga susunod na mangyayare. Salamat!
Migharry
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro