Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23- Hawakan ng payong

Mama Cynthia POV

Medyo nahilo talaga ako dahil sa kapaguran. Kaya minabuti kong humiga muna sa mahabang sofa. Inilagay ko ang unan sa aking ulo.

"Si Cy at Buday wala pa ba palangga?" sabi ko sa aking asawa na nasa kusina. Napansin kung Kumuha ito sa hanging cabinet ng gamot. Naglagay din siya ng tubig sa babasaging baso.

"Si Cy baka pauwi na 'yon. Ewan ko lang kay Buday, Palangga," sabi ni Michael. Maingat niyang hinawakan ang baso at ang gamot. Lumakad ito patungo sa akin.

Umupo ito sa gilid ko at binangon ako sa pagkakahiga,

"Palangga, inumin mo ito."

ininom ko ang binigay niyang gamot.

"Salamat palangga." Naramdaman ko ang paggaan ng cutsion ng umalis siya. Bumalik siya sa kusina.

Pumikit ako sandali. Nakarinig ako ng langitngit ng pinto at pagsarado nito. Mga yabag ng mga paa na pumasok sa loob ng bahay.

"Cy, ikaw ba 'yan?"  mahinang sabi ko na nakapikit. Ngunit walang sagot akong natanggap.

Bumangon ako at luminga.

"Cy!" sigaw ko. Napatingin ako sa putik na nagparumi sa puting tiles. Patungo ito sa kuwarto ng bunso ko na katabi lang ng sala.

"Naku Cyril Fermanejo! Nagkalat ka ng putik dito sa sala! Linisin mo ito!" malakas na bulyaw ko habang nakatingin sa kuwarto niya.

"Aba! Hindi ka pa sasagot!" inis na sambit ko sa kanya.

Nakita kong bumukas nang dahan-dahan ang pinto ng kuwarto ni Cy.

Napabaling ang atensiyon ko nang sumigaw si Michael na nasa kusina.

"Palangga anong sinisigaw mo riyan?" sabi ni Michael habang naglalakad patungong sala.

Kasabay nang pagsabi ng asawa ko ang biglang pagsarado ng pinto ng kuwarto ni Cy.

Kumunot lalo ang noo ko dahil sa inasta ng aking bunso. Napakawalang respeto!

"Pagsabihan mo nga anak mo Michael at linisin ang putik niya na kinalat niya dito sa sala."

Mabilis na sinunod niya ang utos ko. Kinatok niya ang kuwarto ni Cy,

"Cy tawag ka ng mama mo." Pagbukas niya ng kuwarto ay tumingin ito sa akin.

"Palangga, wala naman dito si Cy.

Nagkalat siya ng putik-" sabi ko at itinuro ang tiles. Nagulantang ako nang wala na ang mantsa sa sahig.

"Asan na yon?" mahinang sambit ko sa hangin.

"Anong putik palangga?" takang tanong ni Michael.

Napakamot ako sa ulo. Pinilit kong tumayo. Nahiwagaan ako sa pagkawala ng putik.

"Naku palangga. Magpahinga ka nga muna at kung ano-ano na naiisip mo," nababahalang turan ng asawa ko.

Napaisip ako ng malalim. "Pero talagang may putik dito palangga kanina. Akala ko nga andito na si Cy. Tapos bumukas pa ang pinto." Mabilis na saad ko sa kanya.

"Naku palangga. Guni-guni mo lang 'yan. Sige na at magluluto pa ako ng hapunan natin," sabi ni Michael at iniwan akong nakatulala.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at nginig dahil doon. Hinimas ko pa ang aking mga braso upang mawala ang nagtataasang mga balahibo.

Umiling ako at nagbuntong-hininga. "Baka nga totoo ang sinasabi ng asawa ko at guni-guni ko lamang marahil iyon." Pagpapakalma ko sa ang sarili.

Inisip ko na lamang na dala siguro ito ng pagkahilo at pagod ko ngayon. Humiga na lamang ako at nagpatuloy sa pagpapahinga.

-oOo-

Cyril POV

Andito ako ngayon sa pangalawang palapag ng gusali  sa school namin. Nakikinig ako sa last subject namin.

"Okay class see you nextweek." sabi ni Ma'am Jelly ang matabang instructor namin. Tumayo na ito at nagsimulang lumakad palabas ng silid.

"Good bye ma'am" sabi naming lahat.

Nag-aayos na ako ng gamit. Sinuot ko na ang backpack ko. Palabas na ako ng pinto nang inakbayan agad ako ni Bogs ang bestfriend ko.

"Men, nagyaya sina Greg at Veron sa boarding house nila. Shot tayo. Total sabado na rin bukas wala tayong pasok," maangas na sabi nito sa akin.

"Sige lang men. Next time na lang. Hindi rin ako nakapagpaalam sa girlfriend ko," seryosong tugon ko sa kanya.

"Awit!. Sige na nga. Mapapasanaol ka na lang talaga," pabirong sabi nito.

Napangiti naman ako sa bestfriend ko. Parehas kasi kaming nabubusted ng mga babaeng nililigawan namin. Parehas din kasi kami na hindi pinagpala ng gwapong mukha. Kaya naiinggit ito sa akin dahil nagkagirlfriend ako ng foreigner.

"Ayaw mo talagang sumama men?" giit muli nito.

"Hindi nga kulit," seryosong tugon ko ulit sa kanya.

Paliko na kami sa kabilang corridor upang bumaba ng hagdan nang magsalita ulit si Bogs.

"Men, samahan mo naman ako sa cr," sabi ni Bogs

Tumango lang ako at sumunod sa kanya.

Papunta na kami sa pinakamalapit na cr sa corridor. Napansin namin agad ang isang lalaking janitor na nasa labas ng pinto at nagpupunas sa sahig.

Huminto ito sa paglilinis at tiningnan kaming dalawa ni Bogs.

"Sir, sarado na po ang cr dito. Doon na lang po kayo sa dulo magcr."Turo niya sa amin.

Medyo malayo ang tinuturo nitong cr. Sa pinakadulo pa iyon ng corridor. Wala na rin tao roon dahil kami na ang last student na nagklase ngayong gabi. Medyo hindi maliwanag sa bahaging iyon, dahil nakapatay na ang mga classroom doon. Lahat ng room kasi dito sa amin ay ventilated at glass wall. Kaya makikita mo ang mga nagkaklase kapag ikaw ay dumadaan sa mga corridor.

Hindi ko tuloy mapigilan na makaramdam ng kaba at takot. Dahil ang tanging ilaw lamang sa daan patungo roon- ay ang bombilya sa corridor. 

"Men, doon ka na lang kaya kina Greg umihi." suggestion ko kay Bogs.

"Pre, hindi ako naiihi. Natatae ako," bulong nito sa akin. Napakamot ako sa ulo. Tiningnan ko siya ng masama. Nakita kong pinagpapawisan ito. Marahil ay taeng-tae na ito.

"Sige bilisan mo ha," matamlay kong tugon sa kanya. Linandas na namin ang pinakadulong banyo sa corridor.

Nang malapit na kami ay mabilis na pumasok si Bogs sa banyo. Sumunod naman ako sa kanya.

"Hindi ko na kaya talaga," sabi nito sa akin at binuksan ang cubicle at sinarado ang pinto.

Narinig ko pa ang nagwawalang tiyan nito.

"Tsk.. Ang baho naman men," Tinakpan ko ang aking ilong. "Hintayin na lang kita dito sa labas," dugtong ko pa.

Lumabas ako ng banyo at parang masu-sufficate ako sa amoy. Napatingin ako bigla sa katabing classroom nang bukas ang ilaw nito. Alam ko kasi ay sarado ito kanina nang pumasok kami sa banyo. Nakarinig ako nang mahinhin na tawa ng isang babae at isang lalaki. Nagtaka ako kasi ventilated ang mga classroom dito at hindi maririnig ang anomang ingay sa loob. Nakarinig pa ako nang mga yabag ng mga sapatos. Dala ng kuryusidad ay tiningnan ko, kung sino ang nasa loob.

Pagsilip ko sa bintana ay wala akong nakitang tao.

"Baka tumago?" bulong ko sa hangin. Kaya iginala ko pa ang aking paningin sa loob ng classroom.

Bigla akong napaatras sa gulat nang dalawang duguang marka ng kamay ang bumahid sa glass wall!

Lumaki ang mata ko at napanganga nang dagdagan pa ito ng maraming marka ng duguang kamay. Gumapang na ang takot sa aking katawan!  Natumba pa ako sa sobrang kilabot. Napasigaw na ako habang nagmamadali akong bumangon sa pagkakatumba.

"Bogs!" takot na sigaw ko at patakbong tumungo sa banyo. Nang pihitin ko ang doorknob ay naka-lock ito.

"B-Bogs buksan mo ang pinto!" mabilis na sambit ko habang malakas na kinakatok ang pinto ng banyo.

Namutla na ako sa tindi ng kilabot nang makarinig ako ng yabag ng sapatos at isang mahabang ungol ng isang babae! Bumilis na ang pintig ng aking puso. Namamawis na ako habang pinapalo nang malakas ang pinto. Kulang na lang ay gibain ko iyon.

"Bogs!" mahabang sigaw ko.

Sumasabay sa sigaw ko ang  nakakatakot na ungol ng babae, na sa palagay ko ay nasa aking likuran.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro