Kabanata 22- Hawakan ng payong
Gagamit ng dialect na (Romblomanon) ang author sapagkat may pagkabisaya ang mother niya.
Kahulugan
Dili- dito
Ngasing- ngayon
Imo-sa iyo.
Rugay-tagal
Abang -sobrang
Kahapros- masakit
Uyo-ulo
Mama Cynthia POV
Dili ako ngasing sa kumare ko. Nakatayo sa pintuan nila habang hinihintay siyang lumabas. Medyo pagod na ako dahil naglako pa ako sa mga dinaanang eskinita papunta sa kanila. Nasa looban pa kasi ang bahay nila, kaya sinulit ko na ang pagbebenta sa mga kabahayan na madadaanan ko.
"Mare, Andito na imo embutido!" sigaw ko upang marinig niya.
"Mare! Andito na imo embutido!" paulit na sigaw ko.
Hindi ata ako naririnig sa lakas ng tv nila.
Ang tagal naman at masakit na ang tuhod ko! sambit ko sa aking isipan. Iba na rin kapag senior citizen na.
Tumingin ako sa aking silver na wristwatch.
Mag-aalas kuwatro na pala ng hapon.
Kumatok ako ng tatlong beses sa kahoy nilang pintuan para mapansin ako sa loob. Ngunit wala pa rin sumasagot.
Kaya ang ginawa ko na lamang ay tenext siya ng de-keypad kong cellphone.
Nagpanting ang aking tainga nang tila naging static ang tunog ng kanilang tv.
Lumakas pa lalo ang volume nito na nagpapasakit ng aking tainga.
Kaya inilapag ko muna ang basket ng dala kong embutido sa tapat ng pintuan. Idinikit ko ang aking kamay sa magkabilang tainga.
"Aray! Mare yong tv niyo! Pakihinaan at masakit sa tainga!"
Kulang-kulang din na dalawang minuto ang tagal na static sound. Parang sasabog ang tainga ko dahil sa garalgal na tunog na 'yon.
Huminto ang tunog.
Pinalitan ito ng nakakabinging katahimikan.
Dumungaw ako sa bukas na jalousie na bintana nila, ngunit kadiliman lamang ang tanging nasilayan ko.
"Mare!" sigaw ko habang nakadungaw sa bintana.
May narinig akong mga yabag sa loob.
Tumaas na ang isang kilay ko nang wala pa rin sumasagot.
Huminga ako nang malalim.
Kumatok ulit ako.
Nagulat ako nang pagkatok ko- ay sinundan ito ng isang mahinang katok sa loob.
Umikot na ang mata ko dahil tila pinaglalaruan ako ng kumare ko.
Kakatok pa sana ako nang biglang sinundan na ito ng malalakas na katok. Parang gigiba na ang pintuan nila dahil sa malakas na kalabog.
Napaatras ako dahil doon.
Anong problema ni Mare?
"Mare, dala ko na 'yong embutido na order ni kumpare," mahinang sambit ko sa kanya.
Ngunit parang kumakausap lang ako sa hangin.
Maraming bagay akong nadinig na nagbabagsakang gamit sa loob ng bahay.Umaalon ang dibdib ko, na baka may nangyari sa kumare ko.
"Jusko po! O-Okay ka lang mars!" Hindi ako mapalagay. Lalo nang sumarado ang jalouise ng kanilang bintana.
Lumaki na ang mata ko dahil sa pagkasindak! Nanginig na ang buong katawan ko dahil baka may akyat-bahay na pumasok sa tahanan ng kaibigan ko.
"Susmaryosep!" nag-sign of the croseed pa ako. "Mare a-ano n-nangyayari sa 'yo," nabubulol kong saad.
"CYNTHIA!" tumaas ang balahibo ko nang marinig ang malalim na tinig ng isang lalaki. Sa boses nito ay para itong demonyo.
Umawang ang labi ko sa pagkagulantang.
Lumagitnit ang kahoy na pinto.
Sa pagkabigla ay nabitawan ko pa ang dala kong basket ng embutido.
Kaya taranta akong napatalikod at tumakbo nang mapansin kong bubukas ito.
Mabilis na kumabog ang puso ko. Nang nilingon ko ito, habang tumatakbo ay nahagip ng mata ko ang isang duguang kamay ng isang tao- parang kamay ng isang babae.
Doon na lalong gumapang ang takot sa buong katawan ko.
Nakadalawang metro na ako sa pagtakbo-nang pagharap ko ay nabundol ko ang pamilyar na mukha.
Kaya parehas kaming natumba sa semento. Pasalamat na lang ako at natukod ko ang dalawang kamay bago ako matumba.
"Mars Cynthia, bakit ka tumatakbo!" takang sambit ng kumare ko habang bumangon ito sa pagkakatumba.
Inalalayan niya rin ako makatayo. Medyo sumakit ang balakang ko dahil doon.
Buti wala siya sa loob ng kanilang bahay.
"Mare, m-may i-ibang tao sa loob ng bahay niyo!" Hinawakan ko ang braso niya, upang pigilan siyang tumungo sa kanilang bahay.
"Ano!" natakot nitong tugon.
Kaya mabilis pa sa alas kuwatro na tumawag kami ng mga kapit-bahay upang tumulong at tawagin ang barangay.
Kumpulan ang mga nakiki-usyuso sa labas ng tahanan ni kumare.
Agaran kaming nakabalik sa bahay habang nakabuntot kay kapitan at sa anim na tanod.
Kaagad nilang pinalibutan ang lugar na pwedeng malusutan ng akyat-bahay.
Binuksan nila ang pinto at hinalughog ang lahat ng sulok ng bahay.
Tumambad sa loob ang mga basag na vase, pigurin at iba pang bagay na babasagin.
Napahawak pa ako sa dibdib habang sinisipat ang bawat parte ng loob ng tahanan ng kumare ko.
Nakatayo lang kami sa may pintuan habang pinapakinggan sina kapatan at ang mga tanod na nag-uusap.
"Wala ba kayong nakita?" seryosong wika ni kapitan sa dalawang tanod na nag-ikot sa loob ng bahay.
"Wala kap. Nakasara naman po lahat ng bintana."
"Saan kaya dumaan animal na 'yon?" takang sabi ni Kapitan na hinimas ang puting balbas.
"Baka po dumaan sa mataas na bakod sa kusina, kap," opinyon naman ng isang lalaking tanod.
Napatingin kami kay kapitan nang dumako ang mata niya sa puwesto namin.
"Belen, pablotter mo na lang ito sa barangay," sabi ni kapitan.
Pumalatak ito at lumabas na ng bahay. "Sige Belen, Cynthia at aalis na kami. Ipapaiwan ko rito si Buknoy hanggang makarating ang asawa mo," bilin ni kapitan.
"Salamat kapitan" sabi ni kumare.
Umalis na rin ako nang magbayad si mare sa akin.
Agaw-dilim na rin nang umalis ako sa bahay ni Belen.
Medyo kinikilabutan pa rin ako kapag naiisip ang nangyari kanina.
Habang tinatahak ko ang makikipot na eskinita. Hindi ko maiwasan na lumingon sa aking likuran. Parang may matang sumusunod sa akin.
Napahawak pa ako sa dibdib ng may pusang dumaan.
Takbong-lakad na ang ginawa ko upang makalabas ako ng eskinita.
Hingal na hingal ako dahil doon.
Medyo naibsan ang kaba ko ng maraming tao na akong namataan.
Nang nasa highway na ako ay nagpara agad ako ng tricycle, dahil baka masundan pa ako ng magnanakaw pauwi.
Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip kung sino ang magnanakaw na 'yon at bakit kilala niya ako.
"Andito lang to," sabi ko sa tricycle nang nasa tapat na ako ng bahay namin.
Lumabas na ako ng tricycle habang bitbit ang walang laman na basket.
Matamlay na binuksan ko ang gate.
Naabutan ko ang asawa kong si Michael na nag-aayos ng sirang washing machine sa may garahe.
Napahinto ito nang makita ako na naglalakad sa may veranda.
"Oh, palangga bakit nakabusangot ka?" nag-aalalang sambit niya.
"Palangga, Jusko kanina nilooban ang bahay ni Belen." Umupo ako sa bakal na upuan sa may veranda.
"Gano'n. Saan mo nalaman?" Pinunasan nito ang kamay sa dalang towel, saka lumapit ito sa akin.
"Ako mismo ang nakakita. Jusko! Sobrang nerbiyos ko kanina." natatakot kong tugon sa kanya.
"Ano nahuli ba ang suspek?" seryosong tanong nito na nanatiling nakatayo sa aking harapan.
"Hindi nga," dismayadong tugon ko sa kanya.
"Ang pinagtataka ko. Bakit kilala ako ng magnanakaw." Tumingin ako sa kanya nang napakaseryoso.
Sumandal ito sa pintuan at nagsalita.
"Baka kilala lang natin 'yon palangga. Nakakatakot naman 'yan. May nawala bang gamit kay Mareng Belen?"nababahalang sambit nito.
"Wala naman daw. Buti at pumunta ako sa bahay nila, kung hindi baka may nangyari na kay Belen."
"Sumakit ang balakang ko kanina sa pagkatumba palangga," matamlay na sambit ko sa kanya.
"Bakit ano ba ang ginawa mo palangga? Bakit sumakit 'yan?" nag-aalalang sabi nito.
"Tumakbo kasi ako habang nakatingin sa pintuan. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si kumare, kaya ayon- nagkabanggaan kami."'
Sumandal na ako sa upuan at nagbuntong-hininga.
"Nagtricycle na lang nga ako at hindi ko na kaya maglakad. Natakot din kasi ako baka masundan ako ng magnanakaw. '
Humihingal ako.
"A-Abang hapo!" Bakas sa kulubot kong mukha ang kapaguran.
"Kawawa naman ang palangga ko. Tara na sa loob para makapagpahinga ka na" malambing na wika ni Michael.
Magaan nitong kinuha ang balikat ko. Inalalayan niya ako makatayo hanggang makapasok ako sa aming tahanan.
To be continued...
A/N
Abangan ang sunod na update ni author.
Mig
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro