Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21- Hawakan ng Payong

Alleny's POV

"Hindi kita maintindihan Monic! P-Paano?" tarantang sabi ko sa kanya.

Binuka ni Monic ang kanyang bibig at mabilis na binanggit ang mga katagang nagpagulantang sa akin.

"Alleny, sinumpa ka! Sinumpa ka- niya! At nakita ko... maikli na lang ang natitirang mga araw sa'yo! " Hysterical na pagkakasaad nito.

Kumunot na ang noo ko. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng kaharap ko.

""I'm sorry Monic! Kalokohan na ata ito!" Tumayo ako.

"Alleny, sandali!" Mabilis na hinawakan ni Monic ang kamay ko. Ngunit agad ko iyon tinapaik.

"Umalis na tayo rito," inis na sambit ko kay Nicolo na bumuntot sa akin.

Padabog akong tumalikod sa pagkairita. Hinakbang ko ang dalawang paa upang umalis.

"Makinig ka muna sa akin!" sabi niya na agad na sinundan kami.

Hindi ko siya pinansin. Mabilis akong naglakad. Hinawi ko ang kurtinang nakatabon sa pinto.

"Alleny, huwag kang umalis!"

"May babaeng nakaputi ng bestida ang nagpaparamdam sa'yo! Siya!- Siya ang nagbigay ng sumpa sa'yo!" malakas na sigaw ni Monic na nasa likuran ko.

Napahinto ako. Lumaki ang mata ko sa tindi ng takot. Hindi ako makapaniwala sa mga salaysay niya.

Mabilis akong napalingon sa kanya.

"P-Paano mo nalaman ang babaeng nakaputi?" natatakot kong sambit.

"Alleny, nasa demonyo ang babaeng nasa likod nito! Hindi ka niya titigilan hanggang hindi ka niya nakukuha!" seryosong saad ni Monic.

"A-Ako?"

"Oo at ang pamilya mo!" dugtong nito.

"Hindi ka na nakakatuwa pinsan. Tinatakot mo lalo si Alleny!" inis na sambit ni Nicolo.

"Tara na Alleny. Umalis na tayo!" Hinawakan ni Nicolo ang kamay ko upang hilahin ako paalis ng shop.

Bumaling ako kay Nicolo. Kaagad akong kumalas sa pagkakahawak niya.

"Wait lang Nicolo." Sumulyap ulit ako kay Monic na papalapit sa amin.

"Bakit ako sinumpa!" mabilis na wika ko sa kanya habang tinuro ko ang aking sarili.

"Dahil kinuha mo ang bagay na pagmamay-ari niya!" madiin na sagot ni Monic.

"Bagay?"

"Wala ka bang bagay na kinuha o ninakaw?" mahinang wika ni Monic.

Umiling ako. "Wala akong matandaan- never din ako nagnakaw! " sabi ko kay Monic.

Walang pumapasok sa isip ko na bagay na kinuha ko. Lalo na at ninikaw ko pa.

"Isipin mong mabuti Alleny, para matulungan kita! Dahil nauubos na ang oras mo!" madiin na pagkakasabi nito.

"Hindi mo ba kayang hulaan ang kinuha ni Alleny, Monic?" giit ni Nicolo.

"Gusto ko man malaman, kaso sinadya ng demonyo na hindi ito ipakita sa akin. Malakas ang itim na mahika ang ginamit dito, kaya ang mga katulad namin na manghuhula ay hindi kaya mahulaan ang bagay na iyon," mahabang saad ni Monic sa amin.

May side ng utak ko na hindi naniniwala kay Monic, pero mas nangibabaw na dapat akong maniwala sa kanya.

Dahil sa lahat ng kababalaghan na nararanasan ko. Walang imposible sa tinuran ni Monic.

Napahinto kami sa pagsasalita nang tumunog ang wind chime na nasa pintuan. Pabalang na sumara ang pinto.

Dahil doon tumaas ang balikat ko sa pagkagulat.

Lumingon kami upang silipin kung sino ang pumasok.

Kinilabutan kami ni Nicolo nang walang tao kaming nakita. Napahawak pa ako sa kanyang braso nang biglang makaramdam ng kakaibang lamig.

Pumatay ang power ng aircon.

Kasabay nito ang biglang patay-sindi ng dilaw na bombilya.

Nakita kong napaatras sa akin si Monic.

Lumaki ang mata nito at namuo ang pawis sa kanyang noo.

Napatili ako nang biglang nahulog ang isang bote na nakadisplay sa shelves.

Gumapang na ang takot sa katawan ko dahil doon. 

Mahigpit akong napahawak kay Nicolo ng isa pang bote ang nahulog.

Monic POV


Napaatras ako sa labis na sindak, nang makita ko na nakatayo sa pintuan ang babaeng sumumpa kay Alleny. Pinalilibutan ng itim na usok ang buong katawan nito. Galit na galit ito, batay sa taas-baba ng kaniyang balikat at nakakumos na braso. Itim ang kanyang suot na bestida at may itim na belo ito sa ulo. Nakayuko ito at kita ang baba nito habang nagngingitngit ang maitim na labi sa tindi ng pagkapoot.

Sa isang hiwas niya ng yayat na kamay biglang naglalagan ang mga boteng naka-display sa sa shelves.

"A-Anong nangyayari!" nanginginig na sambit ni Alleny.

"P-Pinsan, a-anong nangyayari!" Pati si Nicolo ay napaatras sa takot nang biglang nahulog malapit sa paanan niya ang garapon na may laman na patay na ahas.

Tunog ng mga boteng nagbagsakan sa sementong sahig ang umalingawngaw sa loob ng shop habang patay-sindi ang bombilya.

"Nandito siya!" madiin na sigaw ko sa kanila.

Agad akong tumakbo sa lamesa at kinuha ang garapon ng asin. Mabilis ko iyon isinaboy sa pintuan. Biglang naglaho ang itim na usok.

Naging normal na ang liwanag ng bombilya.

Bumukas ulit ang aircon.

Napahawak ako sa dibdib sa tindi ng kaba.

Jusko! Nadamay na ako sa gulo na ito.

Narinig ko ang kinakabahan na boses ni Nicolo.

"Hindi ako naniniwala kanina. Pero dahil sa nangyari. Naniniwala na ako sa 'yo pinsan!"

"Monic, nandito pa ba siya?" takot na sambit ni Alleny na luminga-linga na tila hinahanap ito.

"Wala na siya...Nagalit siya dahil nalaman ko ang pakay niya!"

"Kaya mag-ingat ka Alleny, pati na rin ang pamilya mo. Huwag na huwag ka magpapabasa sa ulan pati na rin sila!"

"Kung totoo ang sumpang sinasabi mo. Paano ba matitigil ang sumpa!" kinikilabutan na saad ni Alleny.

"Dalhin mo ang bagay na kinuha mo para maorasyunan ko."

Mabilis akong tumungo sa mga naka-display na bracelet na binibinta ko.

Kinuha ko ang bracelet na anting-anting at binigay ko ito kay Alleny.

"Ito. Isuot mo ito. Huwag na huwag mo itong tatanggalin."

Walang atubiling isinuot ito ni Alleny.

"Maliligtas ba 'yan si Alleny, pinsan?" nababahalang sabat ni Nicolo.

"Sa ngayon kailangan suutin niya ito. Dahil ngayon na nalaman ni Alleny ang sumpa, mas hahanap ng paraan ang demonyo na mapabilis ang pagkuha sa kanya."

Nasilayan kong lalong kinabahan si Alleny sa binitawang salaysay ko sa kanya.

"Habang suot mo 'yan hindi siya makakalapit sa 'yo. Pero may hangganan ang bisa ng agimat na iyan. Dahil hindi 'yan mapipigilan ang sumpa nakatatak sa iyo. Kaya dapat sa lalong madaling panahon. Kailangan mong dalhin dito ang bagay na kinuha mo Alleny. 'Yon lamang ang paraan para malaman natin kung paano matigil ang sumpa," seryosong saad ko sa kanya.

To be continued...

A/N

Hala ito na ang pinakahihintay ng lahat ang revelation! Pero marami pa ang mangyayari na lalong magpapakaba sa inyo! 

Medyo maysakit si author at buong family namin. Kaya ingat tayo guys. 

from Mig

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro