Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20-Hawakan ng Payong

Alleny's POV

Nasa hospital ako ngayon kasama ng mga katrabaho ko sa bar. Medyo hindi ako comfortable sa mga pulis na nagbabantay sa amin. Nang maibigay ko ang urine sample ko sa nurse. Umupo muna ako sa waiting area kasama ng mga ka-work ko.

Iniisip ko pa rin ang balak ko na pag-alis sa bar. Hindi ko namalayan sa lalim nang iniisip ko. Nakaupo na pala si Nicolo sa tabi ko.

"Alleny, okay ka lang?" nag-aalalang sambit ni Nicolo na tinapik ako sa balikat.

Umiling ako at yumuko.

"May problem ka ba? P'wede mo i-kuwento sa akin," mahinahon niyang turan.

I look seriously at him. Nag-iisip pa ako, kung sasabihin ko ba sa kaniya ang balak kong pag-resign.

"Kung nahihiya ka ikuwento. Okay lang, Alleny. Basta kapag may problema ka nandito lang ako," matamis na tugon ni Nicolo.

Nagbuntong-hininga ako.

"Sasabihin ko na sa 'yo," seryosong sambit ko sa kanya.

Napadapo agad ang mata ko sa paparating na si Von at Mark.

"Ang tagal ko sa C.R," masiglang bati ni Von sabay upo sa tabi ko.

Kaya ngayon nasa gitna na nila ako ni Nicolo. Si Mark naman ay nanatiling nakatayo. Abala ito sa pagtitipa sa kanyang cellphone.

"Alleny, ano ba yong sasabihin mo?" mahinang sabi ni Nicolo.

"Total nandito na kayo Von. May importante pala akong sasabihin sa inyo." kinakabahan na panimula ko.

Nagkatitigan pa silang dalawa. Napatigil sa pagtitipa si Mark at mabilis na umupo sa tabi ni Von.

"Anong sasabihin mo?" seryosong wika sa akin ni Mark.

Nangungusap ang mga mata ko nang tumingin ako sa kanilang dalawa.

"Mag-re-resign na ako n-next week." Napayuko ako nang binigkas ko ang katagang iyon.

Narinig ko ang dismayadong boses ni Mark.

"Ano!...Bakit!" aniya.

"Alleny, naman! Paano na ang banda natin!" dugtong pa niya habang sinapo ang ulo sa pagkabigla.

Pumalatak si Von at mabilis na nagsalita.

"Naku naman. Nawala na nga si Herzon. Iiwanan mo rin kami," malungkot na sabi ni Von na napasandal sa upuan.

Umiling ako. "I'm sorry guys, pero hindi ko ito kagustuhan.Need ko kasi ng mas malaking sahod para sa pag-support sa pag-aaral ni Cy, pati na rin sa mga gastusin sa bahay," malungkot na saad ko sa kanila.

"Saan ka naman pupunta Alleny," sabat naman ni Nicolo. Sa tono ng boses niya'y halatang nanlumo ito.

"May tita kasi ako na pinasok ako sa company na pinagtatrabahuan niya- at isa sa mga requirements nila ay kumuha raw ako ng drug certificate at police clearance. Kaya sakto rin nandito ako ngayon."

"Alleny, hindi ka na ba namin mapipigilan?" malungkot na giit ni Mark.

"Paano na ang banda kapag wala ka. Hindi mabubuo ang TYX band kapag wala ka!" madiin na banggit ni Von.

"Ano ba kayo! Alam ko makakahanap si Roderick ng mas magaling sa akin," ngumiti ako ng pilit sa kanila.

Hindi sila umimik. Parang namatayan sila sa kanilang ekspresyon ng kanilang mukha. Sa kanilang nakayukong ulo. Mararamdam mo agad ang kalungkutan sa kanila.

T@ng!na! Ang hirap naman nito. Kung p'wede ko lang sawayin si mama! Ngunit wala akong choice gipit na gipit kami ngayon.

"Hoy, hindi ako sanay na ang lungkot niyo! Lalo ka na Mark, baka sabihin ng mga tao. Binusted ko kayo!" Pagbibiro ko pa sa kanila.

Nakita kong bumungisngis nang mahina si Mark, pati si Von.

"Yan mamiss namin sa'yo Alleny! Pagkakingkoy mo!" tumatawang sambit ni Von.

"Totoo Alleny, mamimiss namin si Rihanna ng Heavens Bar!" masiglang gatong naman ni Mark.

"Mga bro, kahit umalis na ako. Tropapips pa rin naman tayo. 'Yon nga lang hindi na microphone hawak ko. kundi mga papel." Ngumiti ako sa kanila. Pinipilit kong alisin ang lungkot sa kanilang mga mata.

Tumango-tango sila.

"Sige Alleny, hindi ka na rin namin mapipilit. Wish namin maging successful ka sa bagong work mo," mahinahon na tugon ni Von.

"I-despededa na 'yan! Ako na taya! Mamaya sa Pades bar!" mabilis na wika ni Mark.

"Uy, bawal ako ngayon nextweek na lang," seryosong sambit ko sa kanila.

"May pupuntahan kasi ako ngayon. Importante," dugtong ko pa.

"Gan'on ba? Wrong timing pala- sige next week pero ikaw na taya. Basta sa high class bar mo kami dadalhin!" giit ni Mark na nakangisi.

"Tama ka pre, sarap do'n magwalwal." Nag-aperan pa silang dalawa.

Itong dalawa talaga basta alak parang magkambal ang bituka. Pero mamimiss ko itong dalawang mokong na 'to.

"Oo na walwal kong walwal! Kahit saan pa na bar 'yan. Puntahan natin!" nakangiting tugon ko sa kanila.

"P'wede ba akong sumama?" masiglang wika naman ni Nicolo.

"Sure pre, 'di ba Alleny! The more the merrier."

"Oo naman, Nicolo. Invite ko rin sina Lester." Baling ko sa kanya.

Nang matapos na kami sa hospital ay medyo palubog na rin ang araw.

Pupunta kami ngayon ni Nicolo sa shop ni Monic.

"Tara nandito na tayo," nakangiting sabi ni Nicolo na binuksan kaagad ang glass door.

Tumunog ang wind chime na nasa taas ng pintuan.

"Salamat Nicolo," malambing na tugon ko sa kaniya.

Pagpasok ko sa loob. Gumapang ang lamig ng aircon sa balat ko.

Medyo madilim sa loob dahil sa dilaw na bombilya. Napasulyap ako sa manipis na itim na kurtina na nakasabit. Napansin kong may tao roon. Dahil sa aninong gumagalaw.

"Maupo muna tayo Alleny. May customer pa 'yan si Monic." sabi ni Nicolo na pinagpagan ang  mahabang bakanteng upuan. 

Kaya sumunod na lamang ako sa kanya.

Iginala ko na lamang ang mata ko habang naghihintay na lumabas si Monic. Napansin ko ang maraming mga kung ano-anong abubot ang nakadisplay sa shop. May mga nasa loob pa ng garapon na kung titingnan- ay mga halamang gamot at mga ahas, na patay na.

"Bumukas ang itim na kurtina at iniluwa nito ang isang matabang babaeng kliyente. Sumunod doon si Monic. 

Napansin ko ang suot ni Monic na Black Square Neck Spaghetti Strap. 

Ang sexy naman ni Monic. Hindi ko maiwasan na mainggit sa katawan niya.

"Basta sundin mo lang mga payo ko. Magkaka-lovelife ka na!" malambing na sabi niya sa babae.

"Salamat talaga Mada'am. Kunin ko na lang din yong sinasabi mong lucky charm." Inabot nito ang isang libong pesos.

Hinatid pa ni Monic ang babae sa pinto hanggang tuluyan na itong makaalis ng shop.

"Ingat ka! Balik ka ulit dito! Balitaan mo na lang ako, okay! Bye!" sigaw niya sa babae habang kumakaway.

Bumaling na ito sa amin.

"Oh, pinsan bakit nandito ka magpapahula ka rin?"

Ngumiti si Nicolo. "Hindi. Sinamahan ko lang siya," seryosong sambit ni Nicolo na tinuro ako.

Kaya lumapit ito sa akin.

"Buti pumunta ka-" Huminto ito at napakamot sa ulo "Sorry ano nga name mo ulit?"

"Alleny," maikling tugon ko sa kanya.

"Alleny, oo nga pala sorry ha. Hindi kasi ako familiar sa mga names. Ang dami kasing pumupunta rito."nahihiyang saad niya sa akin.

Umubo si Nicolo.

"Ang dami pala. Wala ngang katao-tao" bulong niya.

"May sinasabi ka pinsan?"

"Wala sabi ko bilisan mo na. Hulaan mo na si Alleny,"matamlay na tugon ni Nicolo na nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa.

"Alleny,Tara sa loob. Para hulaan na kita," masiglang sambit niya.

"Pwede ba ako sumama? Nakakabored kasi pagmag-antay ako rito," mahinang sambit ni Nicolo.

"Kung okay lang kay Alleny?"aniya.

"Okay lang sa akin. Tara na Nicolo," malumanay na tugon ko sa kanya.

Hinawi niya ang manipis na kurtinang itim. Nag-aalangan akong pumasok sa loob saka kami umupo ni Nicolo.

Medyo nakaka-creepy ang nasa loob. Red ang kulay ng pader. at ang bilog na mesa ay binalutan ng kumikislap-kislap na itim na tila.

Medyo kinakabahan ako sa gagawin namin.

Napansin ko kaagad ang tarot card na nakalapag, na nasa gitna ng mesa.

"Huwag kang kabahan Alleny. Alam ko ang mukha na yan.. Ang laman ng card ang magisisilbing gabay mo sa kapalaran mo," seryosong wika ni Monic.

"Ano ba ang gusto mong ipaluha?" dugtong nito.

"May nagpaparamdam kasi sa akin na multo. Hindi ko alam bakit siya nagpaparamdam sa akin?" natatakot kong panimula.

Mabilis na binilasa niya ang card. Pinabalasa niya rin ito sa akin.

At sa isang lapag niya rito at paghawi, ay nakahiwalay na itong nakalinya sa lamesa.

"Pumili ka ng apat na card mo Alleny" seryosong sambit niya.

Kaya mabusisi akong pumili ng apat na card.

Binuksan niya ang lahat ng card na pinili ko.

Lumaki ang mata niya sa pagkabigla.

"Jusko!" Sinapo niya ang kanyang bibig.

Sa ekspersyon ng kanyang mukha ay halata itong kinilabutan.

"B-Bakit a-anong sabi ng card ko?"takang sambit ko sa kanya.

Iniangat niya ang kanyang ulo at tumitig sa akin.

"Mag-ingat ka sa ulan!" seryosong sabi nito na halatang natakot.

"Ha, Bakit!" aniko.

"Dahil ang ulan ang papatay sa 'yo!" walang habas niyang tugon.

Nabigla ako sa sinabi ni Monic. Hindi ako makapaniwala sa tinuran nito.

To be continued...

Sa next chapter mas matindi na ang kaganapan. Kaya Abangan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro