Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2 - Hawakan ng payong

Alleny's POV

Nakasalubong ko si Roderick ang manager naming bading sa loob ng bar.

"Uy Allen, bakit late ka ha! Kanina ka pa namin hinihintay," mataray na sambit ni Roderick

"Sorry Sisi, Ito naman," tinapik ko siya sa balikat.

" Birthday kasi ni Lolo, kaya nalate ako," dugtong ko.

Friend ko naman si Roderick. Kung titingnan lalaki
ito sa pormahan at kapag kumakausap ng costumer. Sa gwapo niyang mukha nasasayangan ako sa
kanya. Crush ko pa naman ito dati nang bago pa ako dito sa bar, kaso nang naging friend na kami umamin
siya na hatdog din daw ang hanap niya.

"Ay talaga! Happy birthday sa Lolo Lero mo sisi," aniya

"Thanks you sisi, wait may baon ako sayo." Linabas ko sa shoulder bag ang nakatupperware na leche flan na gawa ko.

"Ay sarap yan leche flan. Thank you sisi. Sigi na umakyat ka na sa stage at naghihintay mga fans mo."

Nilapag ko ang shoulder bag ko sa backstage, at inayos ko ang suot ko. Nang handa na ako, umakyat na ako ng stage.

Hinawakan ko ang microphone
"Hi guys sorry na late ako!"

Nagpalakpakan naman agad sila sa akin. May mga fans na rin ako dito kahit papaano, mga suking mga
costumer na pabalik-balik na sa bar.

"Go alleny!" sigaw ng isang lalaki.

Kinuha ko ang request song ng isang costumer. Napangiti ako nang nabasa ang request.

" Okay I will sing the song Umbrella by Rihanna," masiglang sambit ko sabay senyas  ka na Herzon, ang guitarist, si Benjie ang keyboardist namin at si Von ang drummer.

Nang nagcount sa stick si Von agad ko nang hinawakan ang mic at nagsexy dance ala Rihanna habang kumakanta.

🎶 When the sun shine, we shine together
Told you I'll be here forever
Said I'll always be your friend
Took an oath, I'ma stick it out to the end
Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella, ella, ella, eh, eh, eh
Under my umbrella, ella, ella, eh, eh, eh
Under my umbrella, ella, ella, eh, eh, eh
Under my umbrella, ella, ella, eh, eh, eh, eh, eh-eh🎶
"Thank you!" hingal na sabi.

Narinig ko ang malakas na palakpakan sa audience.

 Nang matapos na ang work ko, napasandal ako sa upuan dahil sa pagod.

"Bye allen," sabi ni Von

"Bye ingat ka!" at lumabas na rin ako ng bar.

Aalis na sana ako nang biglang umulan. Buwisit! Hindi ko alam na uulan edi sana nakadala ako ng payong. Ang layo pa naman ng paradahan ng tricycle dito sa kanto namin.

Napabaling ako sa pulang payong na nasa lapag ng bar.

"Ruby, sayo ba itong payong?" tanong ko sa waitress ng bar

"Hindi Allen, sige ha alis na ako," aniya at kumuha ito ng payong sa bag.
Sumukob naman dito si Herzon.

Mag-isa na lang ako. Badtrip naman ngayon pa umulan kung kailan walang dala akong payong.

Lalo pang lumakas ang ulan.

Napalingon ako sa nakatumbang pulang payong.

"Baka naiwan ito ng costumer, ibabalik ko na lang ito bukas," pinulot ko ito at lumakad na ako papuntang paradahan ng tricycle.

"San tayo ganda," sabi ng tricycle driver

"Andiyan lang kuya sa Cambridge na street thank you."

Mabilis akong pumasok sa loob. Sa pagsara ko ng payong tumaas ang balahibo ko nang makita ang isang babae na nakatayo sa gilid ng kalsada,
tabon ang mukha nito ng buhok na hanggang beywang ang haba, suot ang bestidang puti at basang-basa ito ng ulan.

Takbong-lakad ito na pumunta sa akin. Ngunit umandar na ang tricycle Dahil doon tumaas baba ang dibdib ko sa kaba. Natakot ako sa nakita. Liningon ko ito sa likod ng bintana ngunit wala na ito.

"Omy, Multo ba 'yon?" nanginig ako sa takot. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan. Napailing ako

"Baka guni-guni ko lang siguro."

Nakarating ako sa bahay na lutang ang isipin.

"Para! kuya dito lang," sabi ko sa driver sabay abot ng bayad

Binuksan ko ang payong at nagmamadali akong bumababa. Lumalakad na ako papuntang gate namin. Nang nasa verandana ako,  isinara  ko na ang payong na dala, at isinabit ito sa umbrella stand na nasa labas.

Pagbukas ko nang pinto nasalubong ko si Cyril. Nasa sala ito at nakaupo habang nakatitig sa laptop na nakalapag sa mesa. Tumingin ako sa orasan mag-aala una na pala.

"Oh Cy, bakit nagpupuyat ka?" mataray na sambit ko sa kanya

"Ah ate may project lang," parang hindi ako kombinsado sa sagot niya. Sa kilos niya palang halata na nagsisinungaling ito.

"Okay." Nagkunwari akong umalis at tumago lang sa haligi ng kusina. Nang linagay niya ang earphone dahan-dahan akong lumapit sa likuran niya.

Pasimpleng sumilip ako sa laptop niya, at nakita kong may kavideo call ito.

"Huli ka pero hindi ka kulong ano yan ha!" pabirong sambit ko nang maaktuhan siyang nagvivideo call sa isang foreigner na babae.

Agad niya naman nagpasorry ito sa babae na nagulat ng makita ako.

"She's my big sister. I will video call later. Bye." Ngumuso pa ito at linapit sa screen sabay sara agad ng laptop.

"Sino 'yon!" Tumaas ang isang kilay ko dahil sa pagtataka

"Girlfriend ko te," seryosong tugon niya

Parang binagsakan ako ng hollow blocks sa ulo nang sinabi ng kapatid ko. Natuwa ako dito na nagkalovelife na, pero may halong inggit kasi naunahan niya pa ako.

"Wow ha talagang pumili ka pa ng foreigner bakit wala ka bang makita dito sa Pilipinas," saad ko sa kanya. Nakapameywang pa ako na umiiling.

"Ate Buday, sa tingin mo ba hindi ko 'yan naisip. Eh, walang pumapatol sa akin dito. Sinasabihan nila akong nognog o ang itim ko raw ng mga liniligawan ko! Bakit kasi hindi na lang ako katulad nina kuya Macmac at kuya Renzo nagmana kay mama na maputi," mahabang saad niya

Dahil sa mga narinig ko sa kanya. Napakunot ang noo ko at tumaas ang isang kilay.

"Well, dapat maging proud ka kasi ang complexion ng skin natin ay Filipino skin. I'm proud morena!"

"Baka proud Negra!" Ngumisi ito na tila nang-aasar

"Napakaracist mo ha! Eh, same lang naman tayo ng color of skin!" Tinapik ko siya sa balikat.

"Bahala kaya diyan te, matutulog na ako. Good night," sambit ni Cyril na kinuha ang laptop sa mesa at nagsimulang maglakad papuntang kuwarto.

Nang pumasok na ito ng kuwarto. Dumungaw pa ito sa pinto.

"Kaya wala kang boyfriend kasi negra ka!" Narinig ko ang bungisngis nito

"Anong sabi mo!"  inis na sambit ko

Agad ko siyang pinuntahan sa kuwarto malapit lang din sa sala. Kaso mabilis niyang sinira ang pinto. Ganyan kaming magkulitan ni Cyril. Loko-loko talaga 'yan pero syempre love ko yan bunso namin yan eh.

Pero totoo naman sinabi niya. Since pinanganak ako wala man lang nagtangkang ligawan ako until today na 27 na ako. Sinubukan ko naman na ako na magfirst move kaso palpak. Bading si Roderick kaya nahurt broken talaga ako nang sobra.

Pupunta na sana ako nang kuwarto ko sa may kusina nang biglang napatigil ako nang lakad.

May kumatok sa pinto.

Dalawang katok ang narinig ko.

"Sino yan?" sigaw ko

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro