Kabanata 19- Hawakan ng payong
Alleny's POV
Buksan niyo ang pinto!" sigaw ni papa na may mura. Sa boses nito ay halata itong nakainom.
Naibsan ang takot ko nang si papa lang pala.
"Jusko akala ko kung ano na," bulong ko sa hangin. Kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Mabilis na binuksan ni Cy ang pintuan.
"Bakit sinara ang pinto! Ay papasok pa ako p*t@ng !n@ !" galit na sambit ni papa na sumandal sa pintuan. Humihikbi pa ito at kumukurap ang mga mata sa kalasingan.
Sumalubong ang kilay ko nang makita ko si papa. Umalsa pa ang balikat ko bago magsalita. "Pa, saan naman kayo galing?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Si Cy naman ay pumunta sa gilid ng pintuan upang alalayan si papa sa labis na kalasingan.
"Andiyan lang sa kanto. Birthday kasi ni kumpare, kaya pumunta ako." Tinuro pa nito ang labas habang nakasandal sa pintuan.
"Tara pa!" giit ni Cy na pinalupot ang braso sa balikat ni papa.
Agad namang tinanggal ni papa ang braso ni Cy sa balikat nito.
"Huwag na Cy, kaya kung pumunta mag-isa sa - kuwarto! Hindi pa ako l-lasing!" sumuray-suray si papa papunta sa kuwarto nila ni mama, na malapit sa kuwarto ni lolo Relo. Bumukas na ang pinto at doon ko nakita si mama na nakadamit pangtulog. Mabilis siyang pumunta sa gawi ni papa, upang alalayan ito. Ako naman ay sinara ang main door.
"Naku! Michael!" bulyaw ni mama kay papa. Inalalayan ni mama at Cy si papa papunta ng kuwarto.
"Sabi bibili lang ha, kaya pala ang tagal mo, kasi nakapag-inuman ka na naman! "pagbubunganga ni mama.
"Sige Cy ako na bahala rito. Matulog na kayo!" malambing na wika niya nang nasa kuwarto na sila.
Lumabas na ng kuwarto si Cy at sinarado ang pinto nina mama.
Naiwan na naman kaming dalawa sa sala. Lumapit ako kay Cy na humakbang patungo ng kuwarto niya.
"Cy, may nagpaparamdam din sa akin, at-"
"A-Ate Buday p'wede bukas ka na lang magkuwento at baka hindi na ako makatulog nito, " giit naman ni Cy na namumutla na sa takot.
"Sige bukas na lang," mahinang sabi ko sa kaniya. Bumalik na siya sa kaniyang kuwarto at ako naman ay tumungo sa kusina.
Dahil kanina pa natutuyo ang aking lalamunan sa pagkauhaw, ay kumuha muna ako ng pitsel sa ref at binuhos ito sa babasaging baso. Sabik na sabik ko itong ininum.
Napatigil ako sa paglagok nang may narinig ako na tila may bumulong sa akin. Parang kaboses ni Renzo.
"Buday."
Kaya taranta kong ibanaba ang hawak na baso at patakbo akong pumasok sa kuwarto.
Sinarado ko kaagad ang pinto.
"Jusko! Ano yon!" Sinapo ko ang aking ulo sa sobrang pag-iisip. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.
Mabilis akong nagbihis ng aking pangtulog. Gusto ko maghilamos, ngunit takot akong lumabas.
Hindi maalis-alis ang nginig sa aking katawan.
Napalingon ako sa aking bukas na bintana. Kitang-kita doon ang kadiliman ng labas, na nagpapadagdag kilabot sa aking kaluluwa. Kaya mabilis pa sa alas kwatro na sinaraduhan ko ang jalousie at tinabunan ito ng kurtina. Hindi ko na pinatay ang ilaw upang maibsan ang pangangatog ng dibdib ko. Tumalukbong na lang ako ng kumot at hinintay na lamang na dalawin ako ng antok.
Nagising ako sa malakas na tawag ni mama. Kaya wala akong buhay na bumangon. Kinusot ko pa ang dalawang mata dahil medyo malabo pa ang paningin ko.
"Alleny, kain na tanghali na!" malakas na hiyaw ni mama at kumatok sa pinto.
Kinuha ko ang cellphone ko nasa gilid ng kama. Napansin kong mag-aalas onse na ng umaga.
Inaantok pa rin ako!
Narinig ko ang pagbubunganga na naman ni mama.
"Yes, ma wait lang ma!" Tinanggal ko ang kumot na nasa binti ko at tinatamad akong tumayo sa pagkabangon. Humakbang na ako patungong pinto.
Sa pagbukas ko ay naamoy ko ang mabangong sinigang na luto ni mama. Narinig ko pa rin ang pagbubunganga nito.
"Ang tagal-tagal gumsing! Kaya ang grasya nawawala!" nakasimangot na sabi ni mama habang naglalagay ng mga pinggan sa lamesa.
"Oh kain na nak! Andito ka na sa tabi ko" nakangiting sambit ni papa.
Sa ayos ni papa ay hindi na ito lasing.
Kaya umupo ako sa tabi ni papa na nagsimula nang kumain. Napabaling ako kay mama na may dalang kaserola at nilagay sa gitna ng lamesa.
Binuksan niya ang kaserola at lalong naamoy ko ang masarap na sinigang na baka.
"Alleny, siya nga pala. Nakausap ko si Tita Anfe mo may bagong opening daw sa company nila. P'wede ka raw niya ipasok doon." Seryosong saad ni mama habang sinasandok ang sabaw sa kaserola at nilalagay niya sa mangkok.
Mapait akong ngumiti kay mama. "Oh, bakit parang hindi ka ata natutuwa?" malamig na sambit ni mama na umupo sa kaniyang upuan.
Kaya mabilis ko siyang sinagot. "Ma, natutuwa po ako. Actually nagpapasalamat po ako na kayo pa mismo ang humanap ng work ko," malumanay na sagot ko sa kaniya.
"Oo, hinanap na talaga kita at alam ko naman kasing tamad ka maghanap ng trabaho." matigas at may tonong boses ni mama.
Medyo nasaktan ako sa namutawing salita niya. Dahil nagu-guilty ako.
Umalsa ang aking balikat saka pinilit kong pigilan ang inis na nabubuo sa aking dibdib. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang aking pagka-irita.
"Kaya nextweek magpaalam ka na sa walang kwentang work mo! Total mag-end na rin ang month." Saka siya kumuha ng kanin at isinubo sa bunganga.
"Ma, huwag mo naman ganiyan si Buday. Masaya ang anak natin sa trabaho niya." Pagpipigil ni papa sa pagbubunganga ni mama.
Tinapos muna ni mama na nguyain ang pagkain bago magsalita.
"Ayan, Michael- sige kunsintihin mo pa si Buday!"
"Concern lang ako sa anak natin, sayang naman pinaaral natin diyan kung habang-buhay kakanta lang sa bar!" mahabang saad nito, na nakakunot ang noo.
Hindi ko na mapigilan ang sarili. Habang hindi pa nahuhulog ang luha sa aking mata. Pumikit na ako upang hindi ito kusang maglaglagan. Dumilat ako at tiningnan ko ng diretso si mama.
"Sige ma, magre-resign na po ako nextweek," matamlay kong sagot sa kaniya.
Kahit masakit sa dibdib ko ay kailangan ko 'yon gawin.
"Mabuti 'yan at magamit naman pinag-aralan mo!" huling sambit ni mama at kumain na kami.
Walang gana kong inubos ang Brunch ko (breakfast at Lunch).
"Pa, ma kagabi pala may nakita akong multo," walang ano-ano'y pagsasalita ni Cy.
Tumigil sina mama at papa sa pagkain at seryosong tumingin kay Cy.
"Baka guni-guni mo lang 'yan Cy!" seryosng sabi naman ni papa.
"Hindi po! Kahit si Ate Buday nakaramdam!" madiin na sambit ni Cy na tinuro pa ako.
Kaya nasa akin na nakasentro sina papa at mama.
"Ah- o-po. Totoo po 'yon! Actually lastweek pa po ako nakakaramdam ng ganito," seryosong sambit ko sa kanila.
"Ayan! Ayan!" sumesenyas pa si mama at tumitingin sa amin "Hindi kasi kayo sumisimba kaya kung ano-ano na nakikita niyo!" seryosong sabi niya.
"Sa tagal namin dito wala naman kaming nararamdaman. Tinatakot niyo lang sarili niyo mga anak!" seryosong tugon naman ni papa.
"Pero pa totoo po ang sinasabi namin ni Cy! Feeling ko nga nagparamdam din sa akin si Renzo" madiin na sabi ko sa kaniya.
Naging emosyonal si mama nang marinig niya ang pangalan ng yumao kong kapatid.
Nagbuntong-hininga ito at nagsalita.
"Palagi niyong ipagdasal ang kapatid niyo!" matamlay na sambit ni mama.
Nangungusap ang mga mata ni mama na tumingin sa amin.
"Mamaya magtitirik ulit ako ng kandila. Baka hindi pa tanggap niya." Dama ko ang lungkot sa boses ni mama.
"Kung totoo man ang sinasabi niyo ay walang imposible sa Panginoon Cy, at Buday. Manalangin kayo. Palagi sana natin ipagdasal si Renzo at lolo niyo,"mapanglaw na saad ni papa.
"Ano ba yan! Kain na nga tayo! Nagiging emosyonal na tuloy ulit kami ng mama niyo, sarap pa naman ng sinigang!" masiglang sambit ni papa.
Alam kong pilit na pinapatatag ni papa ang emosyon naming lahat.
Nagtinginan na lamang kaming dalawa ni Cy na bakas pa rin sa amin ang takot.
Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang nagboluntaryong maghugas ng pinggan.
Napatigil ako sa pagbabanlaw nang marinig ko ang boses ni mama sa aking likuran.
"Buday, pahiram nga muna ng payong mo. Ibibigay ko lang itong imbutedo sa kumare ko," mahinahon na sabi niya.
"Ah, sige ma kunin ko lang sa bag ko." Pinunas ko ang basang kamay sa short ko at humakbang patungo ng kuwarto. Hindi pa ako nakakapasok sa kuwarto nang magsalita ulit si mama.
"Bag? Kasya ba 'yon sa bag mo?" seryosong tanong niya.
"Bakit ma?" takang tugon ko sa kanya.
"Yong magandang payong mo. 'Yong ano-" nag-isip pa ito. "Yong kulay red na gold ang hawakan na ginamit ko! Nasaan na 'yon?"
"Ay hindi akin 'yon ma, hiniram ko lang 'yon sa bar." Nakangiting tugon ko kay mama.
"Gano'n akala ko naman sa'yo. Sayang maganda pa naman," dismayadong wika niya "Pero sige 'yong payong mo na lang."
Kaya pumasok na ako sa loob ng kuwarto at kinuha ko ang payong ko na folded.
Bingay ko ito kay mama. Bago pa siya umalis ay may huling habilin pa ito sa akin. "I-contact mo mamaya si Ante Fe mo, kung ano mga requirements, Buday!" giit niya at lumabas na ito ng bahay.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro