Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18-Hawakan ng Payong

"Alleny's POV

"Guys kita na lang tayo bukas," sabi ni Nicolo kay Lester nang lumabas na kami sa bar.

"Sige text-text na lang para sabay-sabay na tayo," sagot naman ni Lester na kasama ang ibang mga katrabaho namin.

"Bye guys!" paalam ko sa kanila at naghiwalay na kami ng landas.

"Alleny sabay na tayo!" sigaw ni Nicolo na nasa Likuran ko.

Huminto ako upang hintayin siya. "Akala ko magtri-tricycle ka?" takang sambit ko sa kaniya.

"Hindi na malapit lang naman, sayang ang twenty pesos" nakangiting tugon nito sa akin.

"Naks! Pero salamat may kasabay ako," mahinhin kong sagot sa kaniya.

Kaya ngayon naglalakad kami sa mahabang kalsada papuntang street namin. Medyo mag-aalas dyes na ng gabi, pero hindi mo pansin ang oras sa dami pa rin ng mga taong naglalakad at nagtitinda ng kung ano-ano sa gilid ng kanto. Sabayan pa ng mga dilaw na mga ilaw ng sasakyan na tumitigil sa tindi ng traffic.

"Alleny gusto mo balut?" sabi ni Nicolo na tinuro ang isang lalaking vendor na nagtitinda ng balot, chicharon at mani na madadaanan namin.

"Sige isang piraso lang, 'yong akin," nakangiting sambit ko sa kaniya.

Huminto kami sa matandang lalaking ngumiti nang makita kami.

"Boss, dalawa ngang balut at dalawang chicharon."

"Pili kayo sir!" sabi ng lalaki na binuksan ang nakatakip na lalagyan.

"Nicolo, babayaran ko 'yong akin ha."Kumuha ako ng bente pesos sa coin purse ko.

"Huwag na sagot ko na ito," giit ni Nicolo.

"No! May pera naman ako," giit ko sa kaniya.

Ngunit hindi ko pa naabot ang pera sa tindero ay nabayaran na ito ni Nicolo.

"Oh, balut mo! at chicharon" binigay niya ang plastic na may balut sa akin at isang chicharon.

"Thank you ulit sa libre!" mahinhin kong sabi.

Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad habang kumakain.

Binasag ang katahimikan ni Nicolo nang magsalita ito.

"Alam mo 'yong joke sa balut?" seryosong sambit niya

"Ano?" matamlay kong tanong.

"Sabi ng balut vendor, baluuut!" sumigaw pa si Nicolo at umakting na balut vendor, kaya napangiti na ako na labas ang ngipin.

"Sabi ng bumili, Magkano ang balut?" Inipit niya pa ang kaniyang boses upang magpatawa. "Sabi ng vendor, 12 Pesos po. Sabi ng buyer, ang asin? Sabi ng vendor, Libre Sir," Medyo natatawa na si Nicolo bago ito nagsalita.

"Sige, bigyan mo ako ng isang kilong asin!" nakangiting sambit niya na tumitig sa akin.

Tumawa na ako sa ka-kornihan ni Nicolo.

"Ewan ko sa 'yo ang corny ng joke mo!" tinapik ko pa siya sa balikat.

"Pinapatawa lang kita. Ang seryoso mo kasi masyado." malambing na saad niya sa akin.

"Oo na, thank you sa concern mo.," nakangiting tugon ko sa kaniya.

"Oh, dito na lang ako Nicolo," malumanay na wika ko sa kaniya. Dahil iba na ang rota na dadaan namin na street.

"Hatid na kita hanggang bahay niyo!" nakangiting tugon nito.

"Sure ka? Mapapalayo ka pa! Okay na ako rito."

"Mas mag-alala naman ako. Tara na!" At umuna na ito maglakad. Medyo natuwa naman ako sa sinabi niya. First time kasi may mag-aalala sa akin ng ganito.Lalo pa at isang lalaki. Ewan, pero ayaw ko naman umasa baka mafriend zone pa ako, like what happened to me kay Roderick.

"Salamat Nicolo, talagang hinatid mo ako," pa-cute na sambit ko sa kaniya.

"Wala 'yon." Nahihiyang napakamot ito sa ulo. "Teka sure ka ba magpapahula kay Monic?"

"Oo, naman. Baka bukas pagkatapos ng drug test natin." seryosong tugon ko sa kaniya.

"Ano ba kasing ipapahula mo?" sa boses niya halatang kuryos ito.

Tumingin ako kay Nicolo na nakatingin din pala sa akin. Medyo malagkit ang mga titig niya, kaya mabilis ko na lamang tinuon ang mata ko sa daan.

"Kasi... ano!" nahihiyang tugon ko sa kaniya. Nagbuntong-hininga ako.

"May nagpaparamdam kasi sa akin this past two weeks Nicolo."

"Paramdam? Na ano?" takang sambit niya.

"May...nagpaparamdam sa akin na multo," seryosong saad ko. Nagtaka naman ako bakit hindi na siya nagsalita.

"Oh, bakit hindi ka umimik?" takang sambit ko sa kaniya.

"Akala ko kasi ang ipapahula mo lovelife mo," seryosong sabi naman ni Nicolo. Medyo natawa ako ng mahinhin kahit paano sa tinuran ni Nicolo. Kaya mabilis ko siyang tinapik sa balikat.

"Parang sira 'to! Hello, hindi ko na need magpahula sa love. Kusa 'yan dumadating right," ngumiti ako ng matamis sa kaniya.

Medyo malapit na kami sa aking bahay nang magsalita siya.

"Tama ka Alleny kusa 'yan dumadating," malambing niyang tugon.

Medyo napatingin naman ako sa kaniya. Pinilit kong ngumiti sa tinuran niya.

"Sige dito na ako. Ingat ka ha!" sabi ko sa kaniya habang kinuha ko ang susi ng gate sa bulsa ko.

"Bukas samahan kita papunta sa shop ni Monic"

"Huwag na. Nakakahiya at ma-iisturbo pa kita."Tanggi ko sa alok ni Nicolo.

"Okay, lang ikaw pa ba!" malambing na tugon nito.

"FIne ikaw bahala. Pero thank you, kasi ikaw na mismo nag-insist!

"Sige alis na ako." Naglakad na ito palayo.

Bye Nicolo ingat ka pauwi," nakangiting sambit ko sa kaniya habang hinahatid ko siya ng tingin.

Sinara ko na ang tarangkahan ng gate at naglakad na papasok ng bahay. Napansin ko agad si Cyril na nasa veranda - tulala lang itong nakaupo sa bakal na upuan habang sinusundan ng kaniyang mata ang paglapit ko.

"Oh, Cy bakit nasa labas ka?" Hindi niya ako pinansin at tulala lang itong nakatingin sa akin.

"Hoy! Problema mo!" sabi ko kay Cy dahil nagsimulang kumunot ang noo nito.

Walang expression ang mukha niya at hindi kumukurap ang mata.

Tumitig lang ito sa akin at lalong pinaglakihan ako ng mata na tila galit na galit.

"Huwag mo akong titigan ng gan'yan Cy! Baka tusukin ko mata mo!" inis na pagbabanta ko sa kaniya.

Nakaramdam ako ng takot nang marinig ko ang boses ni Cy sa loob ng bahay.

"Ate, Buday ikaw ba 'yan?" malumanay na wika ni Cy at agad na binuksan ang pinto.

Kaya nagulat akong napabaling sa pinto. Iniluwa nito si Cy na halatang nabigla. Mabilis akong tumingin sa upuan kong saan nakita ko si Cy, ngunit wala na ito doon.

Doon na nagtaasan ang balahibo ko sa buong katawan! Kumabog na ang aking puso sa kilabot! Mabilis akong pumasok sa loob na namumutla. Agad kong sinarado ang pinto at di-no-double lock ko pa ito sa tindi ng takot.

Si Cy naman ay nakatayo lamang at nagtataka sa aking ginawa.

"Ate anong nangyayari sa'yo!" natatakot na sambit ni Cy.

"Cy, nakita kita..sa labas! A-Akala ko ikaw iyon!" nangingilabot kong sagot sa kaniya.

"Ha, Parang may doppelganger ako?" nakita kong nanginig din si Cy sa takot.

"Oo, kaya natakot ako bigla?" nanginginig na tugon ko sa kaniya.

"Naku, myghad ano bang nangyayari sa akin." Napahawak na ako sa dibdib at ang mata ko ay malilikot na naghahanap ng sagot.

"Ate kanina pala may nakita rin akong multo. Hindi kapakipaniwala pero kitang-kita ko!" mahinang saad sa akin ni Cy.

Dahil sa binitawang salita ni Cy. Lalo akong natakot. Hindi ko alam pero domuble ang takot ko nang si Cy din ang naka-experience ng mga kababalaghan sa bahay namin.

"B-babaeng nakaputi!" seryosong sambit ni Cy. Na lalong ikinibigla ko.

"Anong sabi mo?" pagpapaulit ko kay Cy.

"May babaeng nakasuot ng offshoulder white dress, tumigil sa tapat ng bahay natin kanina. Tapos...tapos bigla na lang naglaho!" Kitang-kita ko ang nagtatayuang balahibo ni Cy.

Napatigil kami sa pagsasalita nang biglang may kumatok sa pinto.

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil doon.

"S-Sino 'yan!" natatakot kong tawag.

SInundan ito nang malakas pang katok sa pinto at pagpihit ng doorknob!

Pigil ang hininga  ko nang walang sumagot!

"Sino nga yan!" pagtatapang ni Cy na linakasan ang boses.

to be continued...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro