Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17- Hawakan ng payong

Alleny's POV

Nang nasa loob na kami ng bar sinalubong kaagad kami ng mga katrabaho namin. Kinamusta nila kami kung ano ba ang nangyari.

"Alleny kumusta ka. Tumawag ako sa'yo kaninang umaga hindi mo naman sinasagot," nag-aalalang sambit ni Benjie.

"Ito okay na rin, kahit paano. Nakaka-shock lang talaga," matamlay na tugon ko kay Benjie.

Kapag naalala ko naman ang nangyari ay nakakaramdam ako ng kaba at pangamba.

Umupo muna ako sa upuan na nakalaan sa meeting namin.

"Ano kaya dahilan bakit nagawa 'yon nila?" sabi naman ni Von.

"Ewan ko nga bakit nagawa nila iyon. Kahit ako napapaisip," balik na sagot ko sa kaniya.

"Hays, Naawa naman ako sa katropa natin na si Herzon," malungkot na sabi ni Von.

Kahit ako ay nalulungkot sa pagkawala ni Herzon, lalo na siya ang isa sa vocalist ng banda namin. 

Napatingin naman ako kay Nicolo na abala sa pakikipagchismisan kay Lester at Abagail, at sa ibang employee ng bar.

Nagkukuwentuhan lamang kaming tatlong magkabanda at sinasariwa ang masasayang panahon na kasama namin si Herzon. 

Napatahimik kaming lahat nang biglang ilinuwa ng  main glass door  si Roderick at ang boss naming Chinese. Nakasuot ng itim na polo ang boss namin, na tinernuhan ng white slacks, at white na shoes. Kasama niya ang kaniyang babaeng assistant. Napakastrikto nito, kaya tarantang napaupo sa mga bakanteng upuan ang ibang empleyado na nakatayo.

Tumingin sa amin si Roderick at nagsalita.

"Oh, Alleny, Nicolo kumusta kayo?" bati ni Roderick.

"Okay lang," mahinahon na sabi ko sa kaniya.

"Okay lang sir?" tugon naman ni Nicolo na nasa likod ko.

"Hindi ba kayo na paano?" nababahalang tanong naman ni Roderick.

"Hindi naman," mahinang sabi ko sa kaniya.

"Salamat naman!" Nagbuntong-hininga si Roderick at nagsimulang magsalita. 

Pumalakpak pa ito, para maagaw ang atensiyon ng lahat.

"Okay, we're here because our boss has something to say," malakas na sabi niya na nagpatahimik sa lahat.

Sinundan lang namin nang tingin ang boss namin hanggang makaupo ito sa malambot na upaan, na nakalaan para sa kaniya . Nakatayo naman sa gilid niya ang babaeng assistant.

"Good evening my dear employees. We all know the miserable thing that happened to our two beloved employees who are trending on the news. The investigator told me that they found a sachet of illegal drugs in Herzon and Ruby's belongings," Chinese na accent na pagkakasaad nito.

Nagtinginan kaming lahat na hindi makapaniwala. Nakarinig ako ng iba't-ibang bulungan.

"They gave me a memo a while ago that I have to require all of you to have a drug test. I don't want to ruin my business credibility, so all of you are required to go to the police station to get a drug test certificate tomorrow. The expenses of the drug test will cut in your monthly salary," seryosong pagkakasabi nito.

Lumapit ang babaeng assistant nito saka nagsalita.

"Sir, Mr. Cheng wants to talk with you," sabi ng babae na binigay ang cellphone ng amo.

Sumenyas ito kay Roderick at agad naman naintindihan ni Roderick ang gustong ipahiwatig ng boss namin.

"Okay. Roderick will discuss about some of the details." Tumayo ito sa pagkakaupo saka naglakad palayo habang nakabuntot ang babaeng assistant. 

"Ano ba 'yan babawasan pa sahod natin!" dismayadong sambit ng isang babaeng empleyado na nasa likuran ko. Agad naman pinagalitan ito ng katabi, na baka marinig ito ng boss namin na may katawagan sa cellphone habang lumalakad ito papunta sa kaniyang office.

Kahit ako ay kumunot sa tinuran ng boss namin. Sapat na lang nga sahod namin, babawasan pa!

Napalingon ako nang bumulong sa akin si Benjie.

"Alleny ano raw sabi niya? Hindi ko masyadong naintindan."

"May nakita raw ang mga investigator sa gamit nina Herzon at Ruby na drugs," seryosong wika ko.

"Parang hindi naman ako makapaniwala!" dismayadong sambit naman ni Von.

"Bakit naman pre?" mahinang sabi ni Benjie.

"Magkasama kami ni Herzon, bihira nga 'yan uminom! Napakabait niyan," inis na pagtatanggol ni Von.

Napalingon kami sa likuran nang magsalita si Lester.

"Huwag mo nga pagtanggol bestfriend mo brod. Parak na nga ang nagsabi 'di ba! Adik ang kaibigan mo!"  matigas na pagkakasabi ni Lester.

Tumayo si Von at aambang susuntukin si Lester.

"Oh, bakit ka nagagalit? Baka adik ka rin!" sambit  nito na nakangisi.

"Tama na nga Lester! Hindi ka nakakatuwa!" mataray na sambit ko sa kaniya. Kahit ako ay nasasaktan sa binitawang salita ni Lester. Matagal kaming magkasama sa banda ni Herzon at alam ko na may point si Von, pero police na ang nagsabi.

"Eh, ito kasing si Von, Alleny. Akala siguro kilalang-kilala niya tropa niyang adik! Baka nga siya nag-influence kay Ruby!" madiin na saad ni Lester.

Tinapunan ko na lamang si Lester nang tingin na naiinis. Hinawakan ko na lamang ang kamay ni Von, na nagpipigil sa galit. 

"Huwag mo na siyang intindihin Von," bulong ko sa kaniya.

"Ano ba kayo hindi kayo titigil! Mygosh!" malakas na sabi ni Roderick na tumaas ang isang kilay saka umupo sa upuan na nakalaan sa boss namin.

Tinaas nito ang hawak-hawak na puting papel at maarteng nag-crossed legs. Nagsimula nang basahin ni Roderick ang nakasulat sa memo.  Tungkol lahat iyon sa mga gagawin namin sa drug test bukas. Napabuntong-hininga na lamang kaming lahat habang nakikinig . Labag man sa mga puso namin ang utos na magpadrugtest ay wala naman kami magagawa at boss na namin ang nag-utos.



Cyril POV

Nasa kuwarto ako habang nakaupo  sa upuan sa study table. Seryoso akong nakatutok sa aking laptop.

Ka-chat ko kasi ang girlfriend kong foreigner na si Florilyn.

"Hello, baby what's up!" malambing na sabi ko sa kaniya.

Nakadapa naman si Florilyn sa kaniyang kama. Umaga na sa kanila dahil sa tumatagos na liwanag sa bintana niya.

"I miss you so much, Baby. I wish I can meet you personally," malambing na wika nito sa akin.

"Don't worry, Baby, even though we're far from each other. Just remember that you're always in my heart, " kinikilig kong sambit.

Nakita kong ngumiti ito at mahigpit na yinakap ang unan na hawak-hawak. Halatang kilig na kilig ang girlfriend ko. Sana nga makita ko na talaga siya, mahawakan, at higit sa lahat mahagkan.

"Cy!" narinig ko ang boses ni mama, kaya agad akong nagpaalam sa girlfriend ko.

"Baby, wait my mother is calling me," malambing na sambit ko sa kaniya.

"Sure baby. I'll wait for you," nag-flying kiss pa si Florilyn na agad ko naman sinalo at dinikit sa labi ko. 

Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan si mama. Nagulat ako sa mga maraming embutidong nasa lamesa.

Anong mayro'n? tanong ko sa aking isipan.

Bumaling agad ako kay mama.

"Bakit ma!" takang sambit ko sa kaniya.

"Naku kanina pa ako tumatawag sa'yo, ang tagal mo lumabas!" inis na sabi ni mama habang naglalagay ng embutido sa tupperware.

"Sorry ma may ginawang project lang," pagsisinungaling ko sa kaniya.

Hindi pa kasi nila alam na may girlfriend ako. Naghahanap pa ako ng tamang tiyempo. Nalanghap ko ang mabangong embutido.

"Ma, bakit ang daming embutido rito?"

"Ititinda ko 'yan!" sabi ni mama na abala sa pagre-repack.

"Wow, ma bakit nagseselling ka na!"masiglang wika ko sa kaniya.

"Kailangan nak, para magkapera," seryosong sambit ni mama at nagbuntong-hininga "Lalo na at wala na si Kuya Renzo mo. kailangan natin ng pera."

Tumango lang ako at hindi umimik.

"Kaya ikaw pagbutihin mo ang pag-aaral mo! Huwag mo na magjowa-jowa at isipin mo pagsasakripisyo namin sa'yo," mabilis na saad ni mama.

Napakamot na lang ako sa ulo. Kung alam nila may jowa na ako at magwa-one year aaniversarry na kami.

"Oh, dalhin mo itong order kay Aleng Marivec," sabi ni mama na binigay sa akin ang isang basket ng puno ng embutido.

"Sige ma." Kinuha ko iyon at lumabas na ng bahay.


Pabalik  na ako sa bahay nang mapansin ko agad ang likuran ng isang babae na nakasuot ng off shoulder white dress, na nakapanyapak ng  puting sandals.  

Sa tindig nito, sa straight nitong buhok at balingkinitan nitong katawan. Sa palagay ko ay napaganda ng babaeng ito.

"Miss, May hinahanap ba kayo?" malambing na tawag ko sa nakatalikod na babae.

"Malapit na...nararamdaman ko na," seryosong pagkakasabi nito na hindi man lang humaharap.

"A-Anong malapit na miss?" naguguluhan na tanong ko sa babae.

 Lumapit na ako sa kinatatayuan ng babae.

Hindi ako pinansin ng babae at humakbang ito upang umalis.

"Miss!" giit na tawag ko sa kaniya. Gusto kong makita ang mukha niya ngunit mabilis itong naglakad.

"Miss, sandali!" tawag ko pa sa babae.

Huminto ito sa paglalakad.

"Isang buwan. Isang buwan na lang," malamig na sambit niya saka lumakad ulit ito palayo.

"Ano raw?" Napakamot pa ako  sa ulo habang sinusundan ng mata ang babaeng lumalakad.

Biglang may isang kotse ang tumabon sa direksiyon kung saan lumalakad ang babae. Nang mawala ang kotse ay doon na ako nakaramdam ng sindak at takot!



Dahil nawala mismo ang babae na parang bula sa kadiliman!

Naramdaman ko ang malamig na hangin na nagpataas ng balahibo ko sa buong katawan! Kaya tarantang binuksan ko ang gate at kumarepas ng takbo  sa loob ng bahay.

To be continued...

A/N

Don't forget to comment and vote! Abangan ang mas kahindik-hindik pang mga kabanata.

From Mig

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro