Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16- Hawakan ng payong

Alleny's POV

Sumapit na naman ang gabi. Maaga ako papasok sapagkat nagpatawag ng emergency meeting si Roderick at boss namin. Hindi muna raw mag-ooperate ang bar ngayon. For sure related ito sa nangyari kay Herzon at Ruby.

Kaya nakasuot lang ako ng  simpleng red t-shirt,pantalon at rubbershoes. Hindi na ako nagdala ng bag at wala namang pasok. Tanging  coin pouch lang ang bitbit ko ngayon.

Naglalakad na ako sa sala nang mapansin ako ni papa.

"Oh, Buday hindi ka ata naka-outfit ngayon." takang sambit ni papa na nag-aayos ng sirang electric fan sa sala.

"Wala kaming pasok pa. May meeting lang. Feeling ko related ito sa nangyari kay Herzon at Ruby," seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ah, sige ingat ka Buday" maikling tugon ni papa.

Nagmamadali na akong umalis nang makita ko si Nicolo sa gate. Nagtaka naman ako bakit siya nandito.

"Oh, Nicolo bakit ka nandito?"

"Kasi-" nagbuntong hininga ito.

"Gusto kita kasabay sa pagpasok. Kaya dinaanan na kita," nakangiting sabi niya.

Parang may iba sa kaniya ngayon ha. Ang bango niya.

"Tara na nga," mahinhin na sabi ko sa kaniya.

Dahil maaga pa naman ay naglakad lang kaming dalawa.

Nasa kalagitnaan na kami ng daan nang maalala ko na nakalimutan ko magdala ng payong.

"Naku may nakalimutan ako!" dismayadong sambit ko kay Nicolo na napahinto sa paglalakad.

"Ano iyon?" sabi naman niya.

"Nakalimutan ko magdala ng payong! Hindi kasi ako nagdala ng bag. Baka umulan!" inis na sabi ko nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin.

"Gano'n ba may payong ako sa bar pahiramin kita. Kaysa bumalik ka pa. Ang layo na natin sa bahay niyo," matamis na sabi sa akin ni Nicolo.

"Wow, ang bait naman pala, salamat ha," matamis na tugon ko sa kaniya. Ewan, dati hindi ko ito napapansin, always kasi nakasentro mata ko kay Roderick. Kahit papaano maginoo naman pala ito si Nicolo.

Habang naglalakad kami ay pinag-usapan namin ang nangyari sa hotel.

"Hindi talaga ako makapaniwala Alleny na magagawa iyon ni Ruby," umiiling na sambit ni Nicolo.

"Ako nga rin. Siguro nga naka-drugs sila," mahinang tugon ko sa kaniya.

Nagbuntong-hininga ako at nagsalita ulit.

"Ayaw ko na mag-isip kung bakit," problemadong sabi ko. Medyo sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Kaya hinilot ko pa ang noo ko para mawala ang pananakit.

"Okay ka lang?" sabi naman ni Nicolo na napansin ang ginagawa ko.

"Sumakit ang ulo ko," mahinang sabi ko sa kaniya.

"Wait, diyan ka lang bilhan kita ng gamot," nag-aalalang sabi ni Nicolo na nagmamadaling pumunta sa isang generic pharmacy, na nadaaanan namin.

Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. Sinundan ko lang siya hanggang makapila siya sa mga taong bumibili.

Naagaw ang atensiyon ko nang tumunog ang cellphone ko.

Mabilis ko itong dinukot sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Unknown number ang tumatawag.

"Sino naman ito?" takang sambit ko at mabilis na sinagot ang tawag.

"Hello?"malumanay na bati ko.

Walang sumasagot sa kabilang linya. Narinig ko lamang ang malakas na lagaslas ng tubig na sa palagay ko ay ulan.

"Hello sino 'to!" malakas na sabi ko, na nilapat pa ang cellphone sa aking tainga.

Narinig ko ang bulong ng isang bababe na tinatawag ang aking pangalan na paulit-ulit.

"Alleny, Alleny, Alleny."

"Miss, kung sino ka man. Please lang magpakilala ka na!" inis na sambit ko sa kabilang linya.

Lalo akong nainis nang hindi ito nagpapakilala at paulit-ulit na binabanggit ang aking pangalan.

"Miss, ano ba! Hindi ka nakakatuwa!" mataray na tugon ko sa kabilang linya.

Bigla na lang naputol ang tawag. Kaya napabuntong-hininga ako at umikot ang mata.

"Badtrip! Sino kaya 'yong nagti-trip sa akin!" inis na sambit ko sabay halukipkip ng kamay.

Medyo matagal si Nicolo kaya nabagot na ako sa aking puwesto. Naglakad na lamang ako upang puntahan siya.

Napahinto ako sa paglakad nang biglang may batang lumapit sa akin.

"Ate, ate pinabibigay po sa inyo," sabi ng gusgusing batang lalaki.

Nagtaka ako sa pagkabigla nang iabot niya ang payong na pula sa akin.

Kinuha ko iyon at mabilis na tinanong ang bata.

"S-Sino nagbigay?" takang tanong ko sa kaniya. Medyo yumuko pa ako para kausapin ito.

"Sila po!" Lumingon ang bata at luminga-linga sa kaniyang likuran. Sinundan ko naman nang tingin iyon.

"Ay wala na si ate at kuya," sabi ng bata na napakamot sa ulo.

"Ate at kuya?" makabuluhang sambit ko.

"Ahm, sige po ate. Alis na po ako. Bye," sabi ng bata at mabilis na tumakbo.

"Wait lang bata" Hahabulin ko na sana ang bata ngunit mabilis itong tumakbo sa mga kumpulan ng mga taong naglalakad.

"Saan na 'yon?" Luminga-linga pa ako, ngunit hindi ko na makita ang bata. Napatingin na lang tuloy ako sa payong na pula na hawak ko.

Nagulat ako nang may kumalabit sa aking balikat.

Napahawak pa ako sa dibdib at tiningnan ang kumalabit.

Bakit Alleny may problem ba?" nag-aalalang tanong ni Nicolo.

Napatingin naman ito sa hawak-hawak ko na payong.

"Oh, bakit nandiyan 'yan sa'yo?" takang tanong niya.

"Nabigla nga rin ako eh. Ang alam ko ginamit ito ni Herzon at Ruby," seryosong sambit ko sa kaniya

Nakaramdam ako ng takot at kaba. Parang may mali sa nangyayari.

"Oh, kung gano'n paano napunta 'yan sa'yo?"

"May bata kanina na binigay ito sa akin. Sabi niya may nagpapasauli raw." Tumaas na lang bigla ang balahibo ko sa hindi ko malaman na dahilan.

"P-Pero sino ang nagsauli?" nabubulol kong sabi na napatitig ako sa payong na pula.

'Yan ang naiwan na tanong sa aking isipan na hindi ko masagot-sagot.

"Baka kilala ka Alleny," sabi ni Nicolo. Mabilis niyang binigay sa akin ang supot ng gamot at isang mineral botte.

"Oh, ito inom ka muna. Para mawala sakit ng ulo mo," nag-aalalang sambit ni Nicolo.

Natutuwa ako sa concern ni Nicolo. Hindi ako sanay na may nag-aala sa akin, Lalo na at hindi ko naman kaano-ano.

Agad ko naman kinuha ang gamot at tubig na binigay niya.

"Salamat dito. Kanina pa kasi sa bahay masakit ulo ko. Tiniis ko lang talaga" nakangiting sambit ko sa kaniya.

"Magkano pala ito Nicolo, para bayaran ko?" Kinuha ko agad ang pitaka na nasa bulsa.

"Hiuwag na. sagot ko na 'yan," ngumiti ito sa akin at kumindat.

Medyo namula ako nang makita ko na kumindat siya.

"S-Sige ikaw bahala. Thank you talaga!" nahihiyang tugon ko sa kaniya.

Nagsimula ulit kaming maglakad. Kinuwento ko kay Nicolo ang tumawag sa akin kanina.

"Alam mo Nicolo, naiinis ako kanina kasi may tumawag sa aking babae. Hindi naman nagpakilala," seryosong sabi ko sa kaniya.

"Oh, baka siya yong nagsauli ng payong," mungkahi naman ni Nicolo.

"Siguro nga," mahinang tugon ko sa kaniya.

Kahit napaka-weird nang nararamdaman ko ay ginawa ko na lamang na marahil ay tama siya. Napapraning na ako sa mga nangyayari. Kahit mga simpleng bagay ginagawa kong kumplikado.

Dumaan kami sa isang eskinita para mabilis kaming makarating sa bar. Sa paglabas namin sa isang eskinita. Tatawid kami ng street at lalakad ulit sa mahabang pasilyo na maraming nagtitinda.

Napadapo ang mata ko sa isang puwesto na puno ng maraming tindang mga lucky charm, mga abubot at herbal medicine. Nakatayo roon ang isang babaeng medyo chinita. Nagulat ako nang tinawag niya ang pangalan ni Nicolo.

"Uy Insan Nicolo, bili ka na may bagong lucky charm ako!" sabi ng babaeng medyo kaedaran lang namin.

Ngumiti si Nicolo at umiling.

"Ewan ko sa'yo Monic. Papunta kaming trabaho," masiglang sabi ni Nicolo.

"Wait, sino siya?" sabay turo ng babae sa akin.

"Di ba manghuhula ka alamin mo," natawang sambit ni Nicolo.

Manghuhula siya? Hindi siya halatang manghuhula sa kikay niyang suot. Mas sexy pa ata ito manamit sa akin.

"Che!" mataray na tugon ng babae kay Nicolo. Lumabas ito sa kaniyang puwesto at lumapit sa amin ni Nicolo.

"Hi miss ako pala si Monic, pinsan ni Nicolo." Inabot niya ang kamay niya sa akin, kaya nakipagsingkamay ako sa kaniya.

Nagulat ako nang palitan ang nakangiting mukha niya ng bagabag at takot.

"Okay ka lang?" sabi ko sa kaniya.

"Hula ko may gumagambala sa isipan mo," seryosong sambit niya sa akin.

"P-Paano mo nalaman?" takang tanong ko sa kaniya.

Pumikit ito at agad sinapo ang palad ko.

"Madilim...may nakaharang," sabi niya at dumilat. "Miss, mas mahuhulaan kita kong magagamit ko ang tarot card ko sa'yo," nag-aalalang dugtong ng babae.

Kaagad akong nagulat sa tinuran niya. Gusto ko pa siyang tanungin ngunit nagsalita si Nicolo.

"Naku Monic, tama na nga iyan. Tara na Alleny mag se-seven na mala-late na tayo sa meeting," giit ni Nicolo na napakamot sa ulo.

Tiningnan ko ang wristwatch ko at quarter to seven na nga.

"Gusto kong magpahula. Anong oras ba kayo nagbubukas?" seryosong sabi ko sa babae.

Baka matulungan niya ako sa mga kakaibang nangyayari sa akin ngayon. Siguro naman walang masama magpahula.

"Nagbubukas kami alas-nwebe ng umaga at sara namin alas-otso ng gabi." Huminto ito sa pagsasalita at kinuha ang maliit na contact card na nakalagay sa isang maliit na box, na nakapatong sa mahabang mesa sa puwesto niya.

"Ayan i-text mo lang ako, kung kailan ka magpapaschedule," mahinahon niyang sabi sa akin.

"Salamat!" tugon ko sa kaniya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Nicolo.

"Talagang nakombinsi ka ni Monic. Huwag ka maniwala sa pinsan ko na'yon. Fake iyon promise!" Bumingisngis si Nicolo.

"Nahulaan niya nga may bumabagabag sa isipan ko!" medyo naasar ako ng kunti kay Nicolo.

"Kahit ako mahuhulaan 'yon Alleny. Sa expression palang ng mukha mo. Halatang problemado ka," mahinahon na tugon sa akin ni Nicolo.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa bar.

To be continued...

A/N Hello sa aking readers, kung mayro'n man. Don't forget to comment and vote.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro