Kabanata 15-Hawakan ng payong
Alleny's POV
Nakaupo kami ni Nicolo katabi ng iba pang mga nakaligtas sa madugong patayan. Nanginginig pa ang buong katawan ko at hindi ako makapaniwala sa nasaksihan. Marami na ang mga taong nakiki-usyuso. Wangwang ng ambulansiya ang narinig ko. Labing limang tao ang namatay kabilang na si Ruby at si Herzon.
May babaeng reporter na biglang dumating. Nakasuot ito ng itim na jacket, na may tatak na press sa likod habang nakabuntot dito ang isang cameraman. Kumukuha ito ng salaysay sa mga nakasaksi at nakaligtas. Tinanong muna nito ang pulis na nag-asikaso sa amin bago ito pumunta sa kung saan kami nakaupo.
"Excuse me, sabi ng pulis kakilala niyo raw ang suspek?" prankang tanong binibini
"Oo, katrabaho ko siya sa bar," malamig na tugon ko sa babae
"Sa tingin niyo bakit kaya iyon nagawa ng suspek?" sabi ng reporter sabay tutok ng mic sa akin. Nahiya ako sa ginawa niya, kaya yumuko ako. Kaagad na napansin iyon ni Nicolo
"Miss, p'wede po bang i-blurred niyo na lamang mukha namin. Ayaw namin kasi makita ng mga kakilala namin," pakiusap ni Nicolo
"Sure po! P'wede po ba ko kayong ma-interview?" pakiusap ng babae at tumingin ito sa cameraman. Kaagad na tumingin si Nicolo sa akin. Tumango lang ako para sumama na siya sa babae.
"Okay lang ako rito sige na," sabi ko at sumandal na lamang ako sa plastik na upuan habang hinihintay ko sina papa na dumating.
PInagmasdan ko na lamang ang mga dugong kumalat sa kalsada. Kapag naalala ko ang mukha ni Ruby na bangag ay nakakaramdam ako ng takot sa dibdib. Napapailing na lang ako na namatay ang dalawa kong kaibigan.
Hindi ko pa rin matukoy bakit nagawa ni Ruby ang pumatay. Napahawak ako sintado sa kakaisip. Napatayo na ako nang makita ko sina papa at Cyril na patakbong tumungo sa akin
'Buday!" sigaw ni papa na bakas sa kaniya ang pag-aalala
"Ate, ano kumusta!" nag-aalalang bati ni Cy nang makalapit na sila sa akin
"Anak mabuti at ligtas ka!" Doon na ulit bumuhos ang luha ko na kanina ko pa kinikimkim.
"Pa, a-akala ko m-mamatay na ako," sambit ko habang humahagulgol.
Kinaumagahan ay alam kung magiging laman kami ng buong pahayagan.
Kaya nang magising ako sa kuwarto ay narinig ko ang malakas na tunog ng TV na nasa sala.
"Isang babae umano ang nasiraan ng bait at pinagbabaril ang mga taong nasa hotel. Dalawang pulis ang namatay at doseng sibilyan ang namatay. Lumaban ang suspek sa mga pulis, kaya ito ay namatay."
"Ate!" sabik na tawag sa akin ni Cy. Kaya mabilis akong napabangon sa pagkakahiga at tumungo agad sa sala.
"Kinalala ang suspek na si Rubilyn Gumabao o Kilala sa pangalan na Ruby. Narito ang mga salaysay ng mga saksi at nakaligtas sa magduong patayan."
Seryoso kaming nanonood ng balita. Gusto ko rin malaman bakit nagawa iyon ni Ruby.
Nakita ko 'yong boyfriend ng babae inuuntog yong ulo sa pader. Tapos tumalon ito sa third floor," sabi ng lalaking staff.
Natakot ako sa narinig. Tumaas na ang balahibo ko sa buong katawan. Umupo ako sa tabi ni papa.
"Baka nakadrugs 'yan sila!" sabi naman ni mama na napatigil sa pag-wawalis sa sala.
Napakunot na lang ako ng noo sa sinabi ni mama. May possible na tama siya, dahil hindi magagawa ng normal ang pag-iisip ang ginawa nila.
"Nasa lobby kaming lahat with my family nang nagwawala 'yong babae. I remember sinabi niya na kulay dugo raw ang paligid" sabi naman ng isang dalagita
"Ate nakita kita oh" sigaw na sambit ni Cyril at tinuro pa kami. Kahit malayo ay nahagip pa rin kami ng camera habang nakaupo ni Nicolo.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa panood.
Nakita ko na kinuhaan na ng salaysay si Nicolo. Blurred ang mukha niya
"Katrabaho niyo po ang suspek?" tanong ng reporter
"Oo, parehas kami na nasa bar nagtatrabaho. Nagulat na nga lang kami ng kasama ko." tinuro niya ako.
Patuloy pa rin na nagsasalita si Nicolo.
Habang siya ay nagsasalita nakaramdam ako ng takot
Tila humina ang aking pandinig.
Tanging malakas na pintig ng puso ko ang naririnig ko
Lumaki ang mata ko nang mahagip ko mismo sa TV ang isang babae na nasa tabi ko. Hindi makita ang mukha nito sapagkat malayo kami sa video.
Gosh! Kinilabutan lalo ako nang sa pakakatanda ko ay wala akong babae na katabi.
Namutla na ako sa pagkasindak. Hinahabol ko ang aking paghinga habang nakatitig sa TV.
"Anak okay ka lang?" nababahalang sambit ni papa
Humigop ako ng hangin at nangininig na nagsalita
"M-may b-babae s-sa video!" Sabay turo ko sa TV
Napalingon silang tatlo sa akin at seryosong tumingin sila sa TV
Ngunit bigla na lamang nabaling ang camera sa mukha ng reporter. Kaya hindi nasaksihan nina papa ang nakakapangilabot na nakita ko.
Napahawak na ako sa dibdib sa tindi ng kaba.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo buday?" sabi ni mama
"Pa, ma, cy. Wala akong maalala na may katabi ako sa upuan!" seryosong sambit ko sa kanila.
"Baka hindi mo lang napansin Buday?" giit ni papa
"Oo nga te, 'Di ba ang daming tao do'n nang dumating kami." mahinanhon na giit ni Cy
"Hindi, hindi!" sambit ko na umiiling
Mabilis akong tumayo at patakbong bumalik ng kuwarto.
Tumakbo na lang ako sa pagkadismaya. Alam ko na hindi sila maniniwala sa pinagsasabi ko.
Mabilis akong sumalampak sa higaan ko. Hinahawakan ko ang ulo na hindi mapakali. Hindi pa rin maalis ang nginig sa katawan ko.
"Jusko! ano ba kasing nangyayari sa akin!" problemadong sabi ko sa sarili
Napahinto ako sa kakaisip nang may kumatok sa pinto. Narinig ko ang boses ni mama
"Nak, pasok ako ha," malambing na tugon ni mama.
"Kumusta pakiramdam mo?" Umupo ito sa tabi ko.
Umiling na lamang ako bilang sagot
"Kung may bumabagabag sa loob mo narito lang ako," bakas sa boses ni mama ang pag-aalala
Naisip ko ang nangyaring kababalaghan noong nasa work ako. Pumikit ako at himigop ng lakas ng loob. Alam ko mas magandang sabihin ko na ito.
"Ma, pw'ede huwag niyo akong pagtawanan kasi may sasabihin ako," seryosong sambit ko sa kaniya
"Ano 'yon?" umiikot ang mata ni mama na naghahanap ng sagot
"Ma, kasi-" nahihiyang sambit ko sa kaniya.
Hinawakan ako ni mama sa dalawang kamay.
"Makikinig ako Buday. Hindi kita huhusgahan." Pagsasabi ni mama
"Kasi... may nagpaparamdam sa aking multo,"nakayukong sambit ko
"M-Multo?" Natakot bigla si mama
"Opo, alam niyo ma, noong namatay si Renzo. Nakita ko ang multo na iyon sa likuran niya. " mabilis kong saad
"Saka" napalunok ako "Napapanaginipan ko rin siya" umiling-iling ako
"Akala ko guni-guni ko lang ang lahat!" Tumingin ako ng napakaseryoso kay mama "Pero simula noon. Palagi na lang siya nagpapakita sa akin!" natatakot na sambit ko sa kaniya
"Tapos ngayon sa TV. " hinawakan ko ang kamay niya "Ma, wala akong katabi roon ma! Kami lang ni Nicolo sa upuan na 'yon!"
"Buday!" nababahalang sambit ni mama "Dapat kasi palagi kang manalangin"
Nagbuntong hininga ito "Kailan ka ba sumimba?" sabi ni mama
Napakunot ako ng noo at napaisip. Parang bilang lang ata sa daliri na pumunta ako sa simbahan. Simula na nagtrabaho ako. Bihira na ako sumisimba.
"Pag Pasko!" maikling tugon ko.
Napa-ismid ang mukha ni mama. "Sa linggo sumama ka sa akin sa church. Kaya nakakakita ka ng mga 'yan dahil hindi ka malapit sa Diyos," makabuluhang saad ni mama
"Pero ma 'di ba may pasok ako?" mabilis na tugon ko sa kaniya
Tumayo si mama at at humarap sa akin
"Anak, tanong ko lang. Hanggang kailan ka ba diyan sa work mo?" matamlay na sambit niya
"B-Bakit ma?" takang tanong ko
"Kasi, ganito. Uuwi ka umaga na. Tapos aalis gabi. Anak, tapos ka ng BSBA! Saka pasado ka pa ng Civil Service!" sumesenyas pa ito sa hangin habang nagpapaliwanag.
"Sa akin lang ayaw mo ba na magkaroon ng permanenting na trabaho? 'Yong gigising ka sa araw at hindi sa gabi?" mahabang saad ni mama.
Nagbuntong hininga ako at nagsalita
"Ma, pero masaya po ako sa trabaho ko. 'Di ba kayo pa nga nagsabi sa akin na sundin ko ang pagkanta ko!"seryosong tugon ko sa kaniya
Sumalubong ang kilay ni mama at tumaas ang boses.
"Oo Buday! Noon 'yon na bata ka pa! Pero Buday twenty eight ka na!" inis na giit ni mama
Medyo nasaktan ako sa tinuran ni mama. Simula bata ako ay siya pa ang tumutulak sa akin sa pagkanta. Siya rin ang sumasama sa akin, kapag sumasali ako sa mga contest sa Telebisyon. Ngunit sa aking kulay ay hindi ako napipili sa audition.
"Anak, mahal ka namin ng papa mo! Alam namin pagdating ng panahon kami ni papa mo mawawala!" Mabilis na umagos ang luha ni mama
"Kagabi. G-Gusto kong sumama kaso baka himatayin ako. Kaya sabi ko sa papa mo na sila na lang pumunta." Huminto ito nang bahaya.
Nakita ko ang pagtaas- baba ng balikat niya
"Jusko anak! Kung alam mo lang alalang-alala kami sa'yo!" madamdamin na sambit ni mama
"Sana anak, maghanap ka ng trabaho na nasa kurso na tinapos mo." Pinunasan niya ang luha gamit ang kanang kamay.
Suminghot ito at seryosong nagsalita.
"Lalo na at wala na si Renzo, hindi ko alam saan kukuha ng pera. Tapos si Cyril nag-aaral pa."
"Buti sana kung hindi pa kami retired ng papa mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na ito ng kuwarto.
Naiwan akong malungkot at malalim ang iniisip.
May tama naman si mama. Palagi na akong pagod umuwi at hindi sapat ang kinikita ko sa bar. Masyado akong naging dependent kay Renzo, na ngayon ay wala na.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro