Kabanata 13- Hawakan ng Payong
Read with your own risk
Warning(SPG)
Herzon's POV
Naglalakad kami ngayon ni Ruby papuntang Hotel. First time namin itong majowa kaya susulitin na namin. Ilang buwan na rin akong nagtiis. Buti pumayag na si Ruby.
"Love, may condom ka ba?" nahihiyang sambit sa akin ni Ruby nang malapit na kami sa hotel.
Napangiti naman ako bigla sa inasta ni Ruby. Halatang kinakabahan ito sa tono ng pananalita niya.
"Sige love bili tayo," malambing na wika ko sa kanya
Tumawid kami ng kalsada dahil tapat lang naman ng hotel ay ang mercury drug store. May bitbit kasing plastic si Ruby, kaya pinaiwan muna namin ito sa guard.
Maraming tao sa loob ng store. Kaya kailangan pa naming pumila. Habang pumipila kaming dalawa upang bumayad sa kahera. Dumapo ang mata ko sa babaeng nakatalikod habang inaabot ng makinis niyang kamay ang isang product na nakalagay sa itaas ng supermarket display rack. Hanggang balikat lang ang kita ko dahil sa nakaharang na supermarket display rack, pero pansin ko nakasuot ito ng puting bestida.
Pansinin ang mahaba niyang buhok na parang nagpa-rebond. Gusto ko sana siyang tingan kung maganda ba. Kung hindi lang kay Ruby na nakapalupot sa braso ko. Malamang nagawa ko nang masilayan ang babae. Nakita ko pang hinawi niya ang kanyang buhok at nilagay niya sa kanan na balikat. Kaya napansin ko ang makinis at maputi niyang leeg. Sarap rumansahin! Babawi na lang ako kay Ruby mamaya.
Napabaling ang atensiyon ko nang magsalita si Ruby
"Love, ikaw na!" mahinang sambit ni Ruby, kaya napatingin ako sa harapan at wala na palang tao. Napakamot tuloy ako sa ulo.
Nang nakabayad ako. Tiningnan ko kung saan na ang misteryosong babae, ngunit nagtataka ako sapagkat wala na ito.
'Nasaan na 'yon?" bulong ko sa hangin
"Ang alin?" takang tanong ni Ruby sa akin
"Wala love, tara na" sabi ko at inalalayan ko siyang makalabas sa store.
Malakas na ang buhos ng ulan, kaya pinagsisiksikan naming magkasyang dalawa sa dala naming payong.
Nakatawid na kami ng kalsada nang mapansin ni Ruby, na naiwan ang supot ng damit niya sa store.
"Love, yong gamit ko naiwan p'wede ikaw na lang bumalik," pakiusap sa akin ni Ruby.
Napabuntong-hininga naman ako. Sa sobrang excited namin. Nakalimutan namin ang dalang supot.
"Sige ako na babalik. Wait ka na lang dito" sabi ko sa kanya nang nasa hotel na kami.
Patakbo akong tumawid sa kalsada papuntang mercury drug.
Nang makuha ko ang supot. Nagtaka ako nang hirap ko nang buksan ang payong. Kaya napamura ako nang malakas.
"Bakit ayaw mong bumukas!" inis na sambit ko habang pinipilit na binubuksan ang payong. Natanaw ko sa malayo si Ruby sa bungad ng hotel na nakatayo at naghihintay sa akin.
"Naku t@ng*na kang payong ka! Hindi ikaw ang magpapahinto sa gabi ko!" Kaya hindi ko na lamang ito pinilit buksan at nagmadali akong tumakbo habang wala pang dumadaan na sasakyan.
Sa pagtakbo ko ay ang malamig na tubig na dumadampi sa balat ko. Wala akong pakialam kung mabasa man ako ng ulan. Ang importante makapakaraos ako ngayong gabi!
"Bakit ka nagpabasa love!" inis na sambit ni Ruby habang pinupunasan ako ng panyo sa mukha.
"Tara na love, excited na ako!" sabik kong sambit sa kanya habang inaakay siya sa loob ng hotel. Nang makabayad na kami. Dumiretso na kami sa room na binigay ng staff.
"Call na lang po kayo kung may kailangan pa po kayo" sabi ng babaeng staff
"Sige salamat!" sabay na sabi namin ni Ruby. Nang maisara niya ang pinto. Lumaki na ang ngiti ko nang makita si Ruby nakaupo sa kama.
"Love, tara sa banyo sabay na tayong maligo," nakangising sambit ko kay Ruby na nahihiyang titigan ako
"L-Love, parang ayaw ko na!" sabi niya habang nakayuko saka niya hinihimas ang dalawang palad.
Napamura naman ako sa isipan sa mga binitawang salita niya. Kanina excited siya, ngayon aatras! Bumayad na ako nang 12 hours dito. Naku isang taon ang hinantay ko para rito. Kailangan lang ng lambing dito para bumigay.
"Love, ano ka ba!" malambing na sabi ko sa kanya saka ko siya dahan-dahang hinila sa pagkaka-upo.
Yinakap ko nang mahigpit si Ruby
"Huwag kang matakot! Akong bahala sa'yo papaligayahin kita!" sabi ko habang hinahalikan siya sa labi hanggang leeg. Napaungol ito nang bumababa na ang paghalik ko hanggang dibdib. Narinig ko ang mahinhin na tawa nito at pilit akong pinapatigil sa ginagawa ko.
Ngumiti ito sa akin na ngayon ay nagnining ang singkit na mata. Napakagat labi siya habang nakatitig sa akin. Napansin kong namula na ang kanyang tainga at pisngi.
"Tara na nga maligo na nga tayo," malambing na tugon niya sa akin.
Salamat naman at pumayag na. Tuloy ang ligaya!
Tumanggal na kami ng mga saplot at doon na nga namin ginawa ang aming pagmamahalaan.
Sa bawat patak ng tubig ng shower ay ang paglamas ko sa makinis na balat ni Ruby. Ungol lang naming dalawa ang naririnig namin sa banyo habang magkalapat ang aming mga katawan.
Nakarinig kami ng dalawang malakas katok sa pintuan.
"Love, may kumakatok baka may kailangan!" sabi ni Ruby na umalis sa pagkakayakap ko.
"Sige tingnan ko," mahinang sabi ko sabay halik sa balikat ni Ruby. Sinara ko ang pinto ng banyo at nagtakip lang ako nang tuwalya sa beywang.
"Isturbo naman itong hayop na ito!" bulong ko sa hangin at nagmamadali akong tumungo sa pinto.
Kaagad ko 'tong binuksan
"Bakit?" malamig kong sambit.
Nagulantang ako nang wala akong nakitang tao. Dumungaw ako sa pinto at nagpalinga-linga. Napansin ko agad ang bakas ng putikang paa na huminto sa room namin.
"Lakas ng trip badtrip! Nagkalat pa rito!" inis na sambit ko sabay kamot ng ulo.
Malakas kong sinara ang pinto sa pagkadismaya. Lumakad na ako pabalik sa banyo.
Sa pagbukas ko ng pinto ng banyo. Lumuwa ang mata ko sa tindi ng takot at kaba. Dahil nakita ko si Ruby na pulang-pula ang buong katawan, na parang naliligo sa dugo habang bumubuhos ang pulang likido galing sa shower. Namula na rin ang buong sahig. Dahil doon gumapang na ang nginig sa katawan ko
"R-Ruby!" nanginginig na sambit ko sa kanya.
Lalong nasindak ako nang mapansin ang babaeng nasa likuran ni Ruby. Tabon ang mukha nito ng mahabang buhok at nakasuot ito maruming puting bestida. Parang naligo ito dahil sa tumatagaktak na tubig sa kanyang buhok.
Nakita kong tumagos ito sa katawan ni Ruby at lumapit sa akin. Kaya kaagad akong napaatras at nagsisigaw.
Narinig kong tinatawag ako ni Ruby.
"Huwag kang lalapit!" sigaw ko nang lumalakad itong pasuray-suray habang tumatagktak ang tubig sa buhok niya.
"Sinusundo na kita Herzon," Narinig ko ang nakakatakot niyang boses na nagpataas ng buong balahibo ko sa katawan. Nilahad niya ang kanang kamay sa akin.
Ruby's POV
Ano bang problema ni Herzon at nagsisigaw. Mygosh! Kaya mabilis akong lumabas upang tingnan siya.
Lumaki ang mata ko sa pagkabigla nang makita ko si Herzon na pilit inuuntog ang ulo sa pader.
"Love, anong nangyayari sa'yo!" naiiyak kong sambit habang pinipigilan siya sa ginagawa niya.
Tumingin ito sa akin at nakita kong umiikot ang dalawang mata niya. Dumudugo na ang noo niya dahil sa malakas na pag-untog sa sementong pader.
"Anong nanyayri sa'yo Herzon!" Yinakap ko siya agad upang pigilan.
Ngunit bingi lang ito sa pakiusap ko. Sa lakas ni Herzon, mabilis siyang nakawala sa pagkakayakap ko at pinagpatuloy ang pag-untog sa pader.
"Jusko!" Natatakot na ako, kaya mabilis akong tumawag sa receptionist
"Hello tulungan niyo ako! Pumunta kayo rito! 'Yong boyfriend ko nagwawala!" tarantang sambit ko sa telepono.
Habang wala pa ang mga staff na pupunta, pinipigilan ko si Herzon sa ginagawa niya.
Bumukas na ang pinto at nakita kong nakatunganga pa ang dalawang lalaki na tumitingin sa akin.
"Bakit nakatunganga pa kayo! tulungan niyo ko!" inis na sambit ko sa kanila.
Kaagad na kumilos ang dalawang lalaki.
Sir, tama na yan sir!" sabi ng dalawang lalaki at mabilis na hinawakan si Herzon sa magkabilang braso.
Ngunit sobrang lakas ni Herzon at nagawa niyang lumaban sa dalawa.
"Herzon please tama na! Natatakot na ako sayo, love!" Nakita kong ngumisi si Herzon sa akin saka siya patakbong tumungo sa bintana.
No way! Anong binabalak niya!
Napansin kong binuksan niya ang bintana. Kaya pilit na pinipigilan siya nang dalawa. Kahit ako tumulong na sa pagpapatigil kay Herzon
"Sir, tama na sir!" sabi ng dalawa na hinahawakan ang dalawang kamay ni Herzon.
"Ano bang nanyayari sa'yo love," naiiyak kong sambit habang hinahawakan ang paa niya
"Bitiwan niyo sabi ako!" Natakot ako sa boses ni Herzon. Napakalalim nito na parang demonyo! Ano bang nangyayari sa kanya!
Sa lakas ng pagpadyak niya nabitawan ko siya. Ang dalawa naman ay natumba sa lakas nang pagkalas ni Herzon sa pakakapit nila. Hindi pa kami nakakatayo nang mabilis nitong binuksan ang bintana at tumalon.
Narinig ko ang malakas na pagbagsak mula a third floor ng Hotel.
Kaya napasigaw na ako nang malakas habang humahagulhol
"HERZON!" malakas ko na sigaw. Dumungaw ako sa bukas na bintana
Napatakip ako sa sariling bibig sa nasaksikhan. Hinawakan ko nang mahigpit ang ulo ko habang napapa-iling na umiiyak.
Tumama ang nakahubad niyang katawan sa hood ng nakapark na kotse. Narinig ko pa ang mga busina ng mga sasakyan.
Nagkumpulan na rin ang mga tao sa labas ng Hotel.
"Ano bang nanyayari!" Lumabas ako ng hotel na tuwalya lamang ang aking saplot sa katawan.
Tumungo ako kaagad kay Herzon na nakadapa habang nakadilat ang dalawang mata na nakapatong sa hood ng kotse. Umaagos ang sariwang dugo sa basag na ulo niya.
Sumabay na ang malakas na hagulgol ko sa malakas na buhos ng ulan. Napaluhod pa ako sa labis na panghihina habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na sinapit ni Herzon.
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro