Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11-Hawakan ng payong

Alleny's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas. Pilit kaming nagpapakatatag sa pagkawala ni lolo at ni Renzo. Alam kong mahirap, pero kailangan namin tanggapin na wala na sila.

Dahil wala na sina lolo, nagpasyang bumalik sina papa sa bahay upang bantayan kaming dalawa ni Cyril.

Kinabukasan ay abala na kami ni mama sa paglilinis sa bahay. Si mama ang naglilinis sa kusina at sala. Ako naman ay nagboluntaryong maglilinis sa kuwarto ni lolo at ni Renzo.

Nasa loob ako ng kuwarto ni lolo Lero. Abala ako sa pagpupunas ng mga alikabok sa mesa nang mahagip ng mata ko ang family picture frame na nakapatong sa cabinet. Hinawakan ko ito at nakaramdaman na naman ako nang pangungulila.

"Ang daya-daya niyo naman. Bakit niyo naman ako iniwan," naiiyak na sambit ko habang hinahaplos ang picture nila.

Pinunasan ko kaagad ang nag-uunahang mga luha sa aking mata.

"Hays, kakamiss kayo," sabi ko at dahan-dahan kong binalik ulit ang picture frame sa dati nitong puwesto.

Nagbuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglilinis. Napahinto ako sa pagpupunas ng mga gamit nang makarinig ako nang mahinang boses ng isang babae na tinawag ang aking pangalan.

"Alleny, Alleny."


"Ma, tawag mo ba ako!" sigaw ko kay mama na naglilinis sa kusina

"Hindi ! Bakit?" sigaw naman na tugon ni mama

"Wala po!" sagot ko naman sa kanya

Napabuntong-hininga ako sa pagtataka.

Ano ba 'yon? Baka guni-guni ko lang siguro.

Habang naglilinis ako napansin ko ang isang box ni Lolo Lero. Medyo luma na ito at nakaselyado.

Sa tagal ng panahon makapal na ang alikabok dito kaya pinagpag ko pa ito.

"Ano kaya laman nito?"

Mabilis akong naghanap ng cutter sa drawer ni lolo, para mabuksan ang nakaselyadong kahon.

Pagbukas ko tumambad ang mga lumang dokumento ni lolo. Hinalungkat ko pa ang laman ng box.

Nakita ko ang mga love letter nila ni lola at mga lumang pera. Napabaling ang atensiyon ko sa isang lumang diyaryo.

1886 pa ang diyaryong ito? Nagulat ako nang makita ko na nakapaskil ang mukha nina lolo rito. Ang babata pa ni lolo at lola rito. Napangiti naman ako nang makita sina mama at papa na kasing edad lang ni Cyril. Malungkot ang mga mukha nila habang tinuturo ang nasusunog na building.

"Ito ba 'yong tinutukoy sa amin ni lolo dati? At kuwento ni papa at mama na nagkasunog, kaya nakilala nila ang isat-'isa?" Lalong umaapaw sa akin ang pagiging ma-usisa kaya binasa ko ang nakasulat sa diyaryo.

"Sa kasagsagan ng bagyong Nitay ay ang malaking sunog na tumupok sa isang apartment building sa Malate, Manila. May nakaligatas at ang ilan ay na-trap pa sa nasusunog na gusali. Kabilang sa mga na-trap ay-"

Nabitin naman ako sa pagbabasa dahil punit ang parting binabasa ko dahil kinain na ito ng anay.

Napahinto ako sa ginagawa nang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking short.

Mabilis ko itong dinukot at nakita kong tumatawag si Roderick

"Hello?" matamlay kong bati sa kanya

"Good morning Sissy. Sorry Sissy, alam kong nagluluksa ka pa pero kasi need ka na rito sa bar. P'wede ka na bang pumasok this day?" sabi sa akin ni Roderick

Umikot naman ang mata ko sa sinabi niya. Wala naman akong choice, kundi magpa-oo rito.

"Oo, pupunta ako don't worry," malungkot kong sambit sa kanya

Wala ako magagawa. Ilang araw din akong absent baka palitan na nila ako.

Napabuntong-hininga ako at mabilis na inayos ang mga gamit nina lolo.

Kinagabihan, nagpaalam na ako kay mama at papa na papasok sa trabaho.

"Buday, ingat ka!" sabi ni papa at mama na abala sa panonood ng TV.

"Sige po alis na po ako bye," sabi ko sa kanila.

Nasa pintuan pa lang ako nang mapansin ko ang pulang payong na nakasabit sa umbrella stand sa may veranda.

"Oo nga pala, hiniram ko lang pala ito. Kanino kaya ito?" sabi ko habang hawak-hawak ang payong.

Napatingin ako sa gate nang makita ko si Cy na kauuwi lang. Nakabusangot ang mukha nito habang nakabuluktot itong naglalakad papunta sa bahay.

"Oh, problema mo?" seryosong sambit ko sa kanya

"Napiga utak ko sa exam namin kanina teh. Bahala na si Batman," malungkot na saad niya habang patuloy sa paglalakad papasok ng bahay.

Napa-iling na lang ako sa tinuran ni Cy.

Nagdiretso na ako papuntang gate at nag-abang ng tricycle papunta sa bar

Mga ilang minuto nakarating na ako sa bar. Pagbaba ko palang ay sinalubong na ako sa labas ng mga customer na nakakilala sa akin sa bar. Pilit akong ngumingiti sa bawat bati nila. Sanay na ako na hindi dinadala ang lungkot sa trabaho, bilang isang professional entertainer.

"Oh, Alleny? Okay ka na ba?" sabi sa akin ni Nicolo na nakatayo sa bungad ng bar.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Siya nga pala hiniram ko itong payong na ito.Sorry ngayon ko lang na-ibalik"

Napakamot agad si Nicolo sa ulo.

"Sa matandang babae 'yan. Akala ko binalikan niya. Kinuha mo pala," nakangiting tugon sa akin ni Nicolo

"Matandang babae?" takang sabi ko sa kanya

"Oo, matanda. Ako kasi nakapulot niyan. Ibabalik ko na sana 'yan  sa kanya, kaso hindi ko na rin siya makita," seryosong saad niya

"Ah, okay sorry talaga. Ito isasauli ko na." Mabilis ko na binigay sa kanya ang payong.

"Sige akin na." Kinuha naman niya ito at nilagay sa lost and found na corner ng bar.

Pumasok na ako sa loob ng bar. Naabutan ko sa backstage na naglalampungan si Herzon at Ruby.

"Hoy, ano ba kayo! Nasa work tayo!" asar na sambit ko sa kanila

Kaya kumalas naman agad ang dalawa sa pagkakayakap.

Naiinis naman ako sa pa-inoseting look nila.

"D-Dito ka na pala?" Nanginginig na sambit ni Herzon habang kinuha kaagad ang gitara. Si Ruby naman ay pasimpleng umalis sa backstage.

"Yup, baka matanggal pa ako sa trabaho eh, sayang ang pera," mahinhin na sabi ko sabay upo sa mataas na upuan na bakal. Kinuha ko ang make-up  sa bag at nagsimulang mag-retouch sa malaking salamin.

"Buti naman pumasok ka. Maraming naghahanap na customer noong wala ka,"mahinahon na ani Herzon at tinapik ako sa balikat

"Sa daming request ng customer, muntik na akong mamaos," seryosong tugon sa akin ni Herzon sabay kuha ulit sa gitara at umupo.

"Sorry ha," maikling sambit ko sa kanya

"Okay lang, I understand you," nakangiting sabi ni Herzon habang inaayos ang string ng gitara.

Napabaling ang atensiyon ko nang bumukas ang pintuan.

"Uy sissy, buti nandito ka na! Na miss kita," masiglang bati sa akin ni Roderick sabay beso.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"I'm here to work. I need money to live," malamig na tugon ko kay Roderick.

"Sige balik na ako," nahihiyang tugon niya sabay sarado ng pinto.


to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro