Kabanata 10 -Hawakan ng payong
Alleny's POV
Tatlong araw na ang nakakalipas.
Ilang araw rin ako hindi kumain. Kung matulog man saglit lang at magigising din. Hindi ko pa rin tanggap ang pinakamabait kong kapatid wala na, at ang pinakakalog kong lolo.
Nasa garden nagpatayo ng tent sila papa para doon idaos ang lamay. Pasalamat ako na hindi umuulan ngayon unlike kahapon.
Renzo Fermanejo Lerocio Fermanejo
Born: January 5, 1990 Born: August 20, 1938
Death: August 21, 2015 Death: August 21, 2015
Galing ako sa pagbibigay ng pagkain sa mga naglalamay. Bawat galaw ko napapatingin ako sa tarpaulin na may larawan nilang dalawa. Nakangiti silang dalawa na lalong nagpapalungkot sa akin. Nakamiss talaga. Nagbuntong-hininga ako at tumungo sa kusina upang kumuha ng mga pagkain para sa mga naglalamay.
Nakasalubong ko si mama na naglalagay ng mga sopas sa tray.
"Anak, matulog ka na ako na bahala dito," nag-aalalang sambit ni mama, na kinuha ang tray ng pagkain sa akin.
"Kaya ko ma don't worry," mahinang tugon ko sa kanya, at kinuha ko ulit sa kanya ang tray
"Napansin ko kasi wala ka pang tulog,baka mapa'no ka niyan anak." Nakita ko na nalungkot ito
"Baka magkasakit ka," Huminto ito at nagsalita "Ayaw ko nang may anak ako na sumunod pa." Nakita kong humagulgol si mama kaya agad ko siyang yinakap
"I'm sorry ma. Sige po matutulog po ako mamaya." Mabilis kong pinunasan ang luha niya.
Marami nang pumunta sa bahay. Mga kabatch at kaibigan ni Renz. Mga pinsan namin at mangilan-ngilan na kaibigan ni lolo. May mga katrabaho rin ako sa bar ang pumunta para makilamay.
Abala kaming lahat. Si kuya Macmac, Cyril ang nagbibigay ng mga pagkain sa naglalamay. Sina mama at papa naman ay nag-eentertain sa mga parating na mga taong maglalamay. May mga kapitbahay na rin kami na nagvolunteer na tumulong sa burol nina lolo. Si kapitan naman ay nagpapabinggo sa bakuran namin at nagpapatongits.
Napaupo ako sa upuan na plastic nang makaramdam ako ng pagod. Kanina pa kasi ako nag-aasikaso ng mga naglalamay simula pa ng umaga hanggang ngayon na ala una na ng madaling araw. Nakaramdam din ako ng antok. Nagpaalam ako kay mama na matutulog lang saglit
Pumasok ako sa kuwarto at agad na natulog.
Naalimpungatan ako nang may babaeng tinabunan ako ng unan.
"Huwag!!" sigaw ko na napabangon ako na hinihingal.
"Jusko! panaginip lang pala," mahinang sambit ko
Napansin kong napatahimik ng paligid. Wala akong naririnig na mga ingay sa labas o mga taong nagbibingo.
Kaya tumayo ako at lumakad papuntang sala. Napansin kong nasa labas sina papa, at may kinakausap. Kaya bumalik ako sa kusina upang kumuha ng mga pagkain.
Nang nakakuha na ako ng mga pagkain, bumalik ako sa sala. Tanaw ko sa labas ng pinto sa may veranda ang mga tao na nakaupo sa bakuran namin.
Nang lumabas na ako sa pinto. Laking gulat ko nang mawala ang mga tao. Parang naglaho silang parang bula. Mga plastik na upuan lamang ang narito at ang dalawang kabaong na nasa garden, na iniilawan ng dalawang poste ng ilaw habang nakatayo ang mga bulaklak ng patay. Malakas pa ang buhos ng ulan na nagpapalabo ng paligid.
"Ma, pa? Cy? Kuya Macmac?" sigaw ko na luminga-linga. Ngunit bumabalik lang ang sigaw ko na paulit-ulit.
Laking gulat ko na tila lalong lumapit ang imahe ng dalawang kabaong sa paningin ko, na nagpakaba sa puso ko.
Hanggang napansin ko na nakatayo na ako rito. Parang kinakabahan akong tingnan ang laman ng kabaong. Kaya dahan-dahan akong sumilip, at nagulantang ako sa nakita na nawala na ang katawan ni Renz at Lolo Relo!
"Buday," narinig ko ang bulong ng pamilyar na mga boses na nasa likuran ko lamang.
Nang lumingon ako natanaw ko sina lolo at Renz, na nakangiti habang nakasuot ng paborito nilang mga damit..
"Lo, Renz?" maikling sambit ko sa kanila
Natutuwa akong makita silang muli, kaya naluha ako sa labis na galak. Ngunit nang akmang lalapitan ko na sila biglang bumago ang ihip ng hangin. Naging barong na ang suot nilang dalawa, at ang mga mukha nila ay napakaputi habang maiitim ang kanilang mga mata at labi.
Napasigaw ako at nabitawan ang dalang tray ng pagkain, nang biglang inikot nila ang kanilang mga ulo. Lalo akong natakot sa bawat lagatok ng nababaling buto at lagitnit ng bawat himaymay ng laman.
Lalong linakasan ko ang sigaw nang sabay na itinapon nila ang ulo sa puwesto ko. Parang bola itong gumulong-gulong. Napa-atras na ako at sinabunutan ko na ang buhok ko habang nangangatog sa takot.
"Huwag!" nanginginig kong sambit habang napapa-atras ako sa paglapit ng dalawang katawan na pugot ang ulo, na may mantsa nang dugo ang barong na suot.
"Buday!" narinig ko ang nakapangingilabot nilang mga boses ng dalawang gumugulong na ulo.
Napapikit na lamang ako habang tinakpan ko ang tainga sa tindi ng takot. Nang dumilat ako nasindak ako na nasa loob na ako ng kabaong. Kita ko sa salamin ang dalawang katawan na pugot ang ulo na nakatayo lamang. Isang babae na nakatabon ang mukha ang humawi sa kanila. May dala itong tuyong bulaklak at pinatong sa salamin.
"AHHHH!" sigaw ko habang hindi ako makagalaw sa loob. Naiinitan na ako. Pinagpapawisan na ako . Hindi na ako makahinga sa tindi ng kilabot na nadarama. Nakita kong isasara niya ang kabaong.
"H-Huwag! Tulong!!" namamaos kong sigaw.
"Buday! Buday! Buday! Gising!"
"AHHH!" nagising ako na hawak-hawak ni mama ang kamay ko. Jusko panaginip lang pala.
Napabangon ako habang hinahabol ko ang aking paghinga. Ang sakit ng ulo ko.
Nilapat ni mama ang kamay niya sa noo ko.
"May lagnat ka. Kami na muna mag-aasikaso sa burol. Dito ka lang magpahinga ka," nababahalang sambit ni mama
"Pero ma. Tutulong ako. Ito lang nga magagawa ko eh," matamlay kong sabi sa kanya
"Huwag ka na makulit. Diyan na rin mga pinsan natin sila muna katulong namin. Magpahinga ka," mahinang saad ni mama sa akin habang tinabunan ako ng kumot.
Ang malas naman. Ngayon pa talaga ako nagkasakit.
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro