Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1 - Hawakan ng payong

Isang gabi habang bumubagyo. May building apartment sa Manila ang nagkaroon ng sunog at nagsimula ito sa pangalawang palapag ng gusali.

"Sunog!" sigaw ng isang lalaki sa hallyway. Tumunog na rin ang fire alarm ng gusali. Nagmamadaling
umalis ang mga nag-uupa upang makaligtas sa sunog.

Lero's POV

"Honey tayo na umalis na tayo!" sigaw ko habang kinukuha ang mga mahahalagang gamit.

"Tara na! Michael dalhin mo anak itong isang box!"
Binigay ng asawa kong si Anita ang box ng mga mahalagang dokumento.

Pagbukas ko ng pinto. Nakita ko ang kumpare kong si Rogelio kasama ang asawa nitong si Gladys at
tatlong anak.

"Pareng Lero bilisan niyo na kumalat na ang sunog doon sa dulong kuwarto," aniya habang hawak
hawak ang walong taong gulang nitong anak.

Nagmadali na rin kami at tumakbo na rin kasabay ng mga
taong nagtatakbuhan sa corridor.

"Tulong!" Napabaling ako sa isang kuwarto. Nakita ko sa bintana ang isang dalaga

"Cynthia?" Nakita kong pinuntahan ito ni Michael

"Michael tulungan mo ako," ani ng dalaga na bakas sa mukha nito ang matinding takot

"Wait lang Cyn," agad niyang kinilikot ang doorknob. Tumulong na rin ako sa pagbukas nang nakasarado na
pinto. Nang mabuksan namin ito. Nagmadaling lumabas si Cynthia at yinakap si Michael.

Napansin ko na gumapang na sa kisami ang itim na usok mula sa dulo ng apartment ng second floor.
Dama namin ang init dahil sa hangin na dumadampi sa aming balat.

"Bilisan niyo na umalis na tayo!" sabi ng asawa ko.

Nagmamadali na kaming bumababa ng hagdan at lumabas sa nasusunog na gusali.

Basang-basa kaming nakatayo sa labas kasama ng mga nag-uupa habang pinagmamasdan ang nasusunog na apartment.

30 years ang nakakalipas.
Petsa August, 20, 2015
Gabi sa bahay ng mga Fermanejo

Alleny's POV

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday, happy birthday Lolo Lero," kanta ko kay lolo habang dala-dala ang malaking cake. Linapag ko ang cake sa lamesa. Ngumiti ito
ng mapait. Kita sa mata nito ang kalungkutan.

Pinaupo ko muna si Lolo sa upuan. Linagyan ko ng pancit ang pinggan at binigay sa kanya.

"Lo, bakit malungkot ata kayo smile naman birthday mo ngayon eh, Ito lo kain ka ng pancit pampahaba 'yan ng buhay!" pilit kong pinapagaan ang loob niya.

"Kasi Birthday ko tapos wala ang mga magulang mo. Tapos si Macmac,Renzo, Cyril hindi din dumating. Parang ikaw lang ata apo ko Buday," malungkot na sabi niya at nagsimulang maghalumbaba.

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Masyado talagang madamdamin ang matatanda. Nakita
kong parang bata ito na nagcrossed arm at sumimangot.

Hindi man lang ginagalaw ang pancit na binigay ko hmmp. Hindi ko masisisi din kasi si lolo, every year kasi always present ang tatlong brothers ko, at sina papa at mama. Ngayon kasi busy na kaming lahat at bihira na lang magkita sa loob ng bahay.

Tapos simula na nagbukod si Kuya Macmac last year doon na
namalagi sa bahay niya sina papa at mama para bantayan ang kambal na anak nito na nasa Taguig.

Si Renzo naman na sumunod sa akin, malayo ang work sa Pasay pa. Ang bunso ko namang kapatid na si
Cyril, may panggabing klase ngayon.

Ako naman mamaya pa namang alas syete pasok ko sa bar na
pinagtatrabahuan ko. Kaya ako lang ang nag-asikaso sa birthday ni Lolo. Pero nangako naman sina papa na pupunta. 

Sana nga pumunta kasi sayang naman itong linuto ko.

"Lo, malalate lang sina mama at papa. Sina kuya din. Kaya kumain ka lang ng kaunti. Baka kasi nagugutom kana." Tumingin ako sa orasan magaalas-saes na pala.

"Hihintayin ko silang dumating. Ayaw kong kumain." Agad niyang tinulak ang pinggan palayo sa kanya.

Napakamot ako sa ulo dahil sa kaartehan nito. Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya kinuha ko ang
pinggan na may pancit at ako na lamang ang kumain.

Napahinto ako sa pagsubo nang marinig ko na bumukas ang pinto sa sala. Tanaw ko sa kusina ang sala
namin, kaya mabilis ko lamang makita kung sino ang pumasok. Napangiti ako nang makita ang mga
pamilyar na mukha.

Dahan-dahang pumasok sina papa at mama kasama ang tatlong kapatid kong lalaki sa kusina. Dala nila
ang apat na iba't ibang klasing cake. Nagsimula silang kumanta habang nasa likuran sila ni lolo.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you!"

Napalingon si lolo sa kanila at hindi niya napagilan ang sarili na umiyak.

"Akala ko nakalimutan niyo na ako." Ngumiti ito na abot langit at sinalubong sina papa.

"Tay bakit naman namin makakalimutan ang birthday mo," sabi ni papa na nagmano kay lolo.

"Tay linutuan kita ng paborito mong giniling!" sabi naman ni mama

"Ay alam mo talaga Cynthia ang paborito ko." Dinikit pa ni lolo ang dalawang palad at kiniskis ito sa
sobrang galak.

Umalingawmgaw ang kuwentuhan namin at tawanan sa loob ng bahay. Dahil napasarap ako nang kuwentuhan hindi ko namalayan ang oras. Kaya nang mapatingin ako sa orasan mag-aalas syete na pala.
Nagpaalam na ako sa kanila na magbibihis upang pumasok sa trabaho.

Dali-dali akong pumasok sa kuwarto at nagpalit ng damit. Sinuot ko ang leather jacket at leather belted skinny pants ko na black. Sinuot sa paa ang 4 inches na high heels na black. Tapos pinusod ko ang kulot na buhok at
Nagmake-up ako na ayon sa morena kong balat. Para talaga akong half black american pagnakamake up. Sinara ko na ang pinto ng kuwarto.

"Lo alis na ako pa, ma, mga brother bye!" nagmano muna ako kay lolo bago umalis. Naku late na ako.

Pagkalabas ko nang gate nagpara agad ako ng tricycle. Malapit lang kasi ang bar na pinagtatrabahuan ko.
Puwede ko naman lakarin kapag maaga pa, kaso late na ako, so no choice.

"Kuya diyan lang sa Gustavo bar sa Ermin Street," sabi ko sabay sakay sa tricycle.

Nang makarating na ako sa bar. Binati agad ako ng daĺawang bouncer na sina Lister and Nicolo.

"Good evening Allen," sabay na sabi ng dalawa. Nakita ko pang kumindat sa akin si Nicolo. Umasim naman ang mukha ko sa ginawa niya.


Nicolo's POV

Nakita ko ang isang babae na nakatalukbong ng itim na belo sa ulo na may dala-dalang basket, nakasukbit dito ang
payong na pula. Maya-maya nahulog ang payong nito.
Kaya pinulot ko ang payong, ngunit nang tumingala ako, nawala na ang babae.

"Saan na 'yon?"

"Pare, balik ka na dito madami ng customer," wika ni Lister.

Napakamot na lang ako sa ulo at linagay ko ang payong sa gilid ng pinto.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro