CHAPTER 9
Chapter Nine
History
Buong gabi akong hindi pinatulog ng konsensiya ko. As if like I did an unforgivable crime! Hindi na ako magtataka kung ngayong pagpasok ko ay laman na ako ng mga usap-usapan sa University!
The Abarca's were the one who basically put Buenavista on the map. Ang kwento sa 'kin noon ni Papa ay ang pinakamagaling daw na naging leader ng aming lugar ay ang huling Mayor na si Mr. Belarus.
Hindi lang dahil sa malasakit nito sa aming lugar, kung hindi dahil sa mga charity works nito.
He also built Costa del sol, ang pinakamalaking hospital sa aming lugar na hanggang ngayon naman ay pinangangalagaan ng bunsong anak nitong si Ms. Wernadeth na siyang nag-iisang doctor sa kanilang pamilya.
Ang panganay namang anak ni Mr. Belarus na si Dimitri ay nasa America dahil sa business nito. That's why I wonder where his grandson came from, and what is he doing in our school yesterday?
Abarca's are well respected all over the town and even the towns surrounding us. At 'yan din ang dahilan kung bakit ako nahihirapan at naguguluhan ngayon.
"Juliana, sasabay ka ba sa 'kin?" tanong ni Papa habang kumakain ng umagahan.
"Hindi na po, Papa, mamaya pa po ang klase ko eh. Sabay na lang po siguro kami ni Cheyenne."
"Gano'n ba, Oh sige, mag-ingat ka, anak, at umuwi ka nang maaga."
Tinanguan ko si Papa bago nagpatuloy sa pagkain.
"Uhm, Pa," nahihiyang pagkuha ko sa kanyang atensiyon. This is just weird but I want to know how doomed I am.
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin matapos uminom ng kape.
"Nandito na po pala sa Buenavista ang apo ni Mr. Belarus?" panimula ko.
"Ay oo. Iyong Donovan, hindi ba? Kahapon lang, bakit?"
Napangiwi ako sa sinabi ni Papa. So all these time, ako lang pala ang walang ideya sa pagdating ng Donovan na 'yon?!
"Ang balita ay gusto raw rito mismo sa Buenavista mag-aral," aniya.
Halos mabulunan ako sa huling sinabi niya. What?! Bakit dito? Hindi siya bagay rito! Pwede namang sa Manila na lang siya! Mas maraming choices ng kurso roon! O kaya sa Cebu? O sa Mindanao! Kahit saan, huwag lang dito!
"Bakit mo natanong?"
Pinilit kong ngitian ang tanong ni Papa. Panigurado akong mukha akong naipitan ng ugat dahil sa hitsura ko. Muling nag-playback ang nangyari sa school kahapon.
"W-Wala, Pa! Natanong ko lang po."
Ngumiti pa ako para hindi na siya muling magtanong. Natawa na lang si Papa sa ginawa ko at ginulo ang aking buhok.
"Huwag kang magpapabola roon. Ang sabi eh napakagwapo daw ng apong 'yon ni Mr. Belarus kay Dimitri. Huwag magpapabola, anak, ha?"
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at tulirong tumango na lang. Sana pala, hindi na lang ako nagtanong kay Papa. Lalo lang kasi akong kinabahan sa mga nalaman ko.
Paano ko siya maiiwasan kung sa Unibersidad de Buenavista na rin siya mag-aaral? Paano ako magiging invisible kung kitang-kita niya ang kabuuan ko kahapon?!
Si Nesca ang may kasalanan ng lahat ng ito! I will blame her if I die! Siya ang unang-una kong mumultuhin kapag natagpuan ang bangkay kong palutang-lutang sa ilog!
Nakayuko akong pumasok sa gate one. Kahit na mainit ang panahon at tirik ang araw ay nakasuot ako ng jacket na may hood para takpan ang mukha ko.
I can feel my sweat falling from my face. Mahigpit ang kapit ko sa aking sling bag na para bang maraming magnanakaw sa paligid.
"Good afternoon!" bati ng guwardiya sabay ngiti na para bang nang-aasar pa.
Imbes na sagutin siya ay mabilis akong umalis sa kanyang harapan at tinahak ang daan patungo sa classroom ng unang klase ko.
"Juliana!"
Napatalon ako nang hawakan ni Nesca ang kamay ko pagkatapos isigaw nang malakas ang pangalan ko sa hallway. Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng kaluluwa ko at agad na nagpunta sa kung saan!
"Okay ka lang? May sakit ka ba?" natatawang tanong niya nang makita ang disguise ko.
"Bakit ka ba nanggugulat!" pagalit na bulong ko sa kanya.
"Sorry! Kanina pa kasi kita tinatawag, hindi mo naman ako pinapansin kaya hinabol na kita."
"Oo nga, huwag kang masyadong maingay!" Hinila ko siya papasok sa loob ng classroom.
Bumalik lang sa normal ang paghinga ko nang makitang walang tao roon. Pinili kong umupo sa may hulihan kaya naman wala nang nagawa si Nesca kundi ang sundan ako.
"Bakit ka ba naka-jacket? Galing ka ba sa isang TV show? 'Yong binibigyan ng ganyan 'tsaka ng CD?" natatawang tanong niya sa 'kin.
"Nakatatawa 'yon, Nesca?" inis kong pagtataray na lalong nagpatawa sa kanya.
Nakakainis! Hindi niya ba alam kung gaano ako kinakabahan sa pagpasok ko ngayong araw? Kung gaano ako init na init sa suot kong jacket kahit parang disyerto na ang nilakaran ko kanina?
"Bakit nga?!"
"Shh! Basta! Hayaan mo lang ako."
Humagalpak siya ulit ng tawa na nagpakunot na ng noo ko. Anong natira niya ngayon? Usok ba o malupit na utot?
"Nagtatago ka kay Donovan 'no?" mapang-asar niyang tanong habang nakapaskil pa rin ang nakaloloko niyang tawa.
"Hindi 'no! Bawal bang mag-jacket?!" depensa ko.
"Oo! Kasi ang init-init na kaya! Hindi ka ba pinagpapawisan? Hindi ba nababasa 'yong kili-kili mo riyan?"
I rolled my eyes at her. Sasagot pa sana ako pero natigil 'yon dahil sa pagbukas ng pintuan ng aming silid.
Mabilis akong nagbaba ng tingin at tinakpan pa ang mukha ko gamit ang aking ka nang kamay.
Shit! Nakakainis! Hanggang kailan ko gagawin ang ganito? Hanggang kailan ako magtatago sa lalaking 'yon? Paano kung maging kaklase ko siya? No! Hindi! Think positive, Juliana!
Narinig ko ang impit na tawa ni Nesca na pumutol ng mga agam-agam ko. Ibinaba ko nang bahagya ang aking kamay para silipin siya at ang mga bagong dating.
"Si Donovan, Julia!" turo ni Nesca sa lalaking nasa harapan namin.
Muli akong nagtago at humarap pa sa pader para lang hindi makita ni Donovan.
Hindi na napigilan ni Nesca ang pagtawa. Para na siyang baliw sa katatawa na alam kong nakakukuha na ng atensiyon.
Really? Gusto niya na ba talagang mamatay ako ngayon?! Mukhang utot nga 'yong nasinghot niya, bwisit!
Siniko ko siya pero hindi pa rin siya matigil sa pagtawa. Kung mayroon lang akong ibang kakilala sa silid na ito ay hindi ko talaga kakausapin si Nesca! Fe!
"Aray ko! Hindi pala si Donovan, huh!" mapang-asar niyang sabi.
Nag-angat ako ng tingin at tinitigan ang lalaking itinuro niya kanina. Ang pawis ko kanina ay dumoble dahil sa kabang nararamdaman ko. Ang nakita kong itinuro ni Nesca ay isang morenong lalaki na alam kong hindi si Donovan.
"Nakakainis ka!" inis na sabi ko sa kanya.
Imbes na sagutin ako ay hinawi niya ang hoodie ko.
"Dentistry 'yon! Kaya hindi natin 'yon magiging kaklase. Tanggalin mo na nga 'to! Ako ang nahihirapan sa 'yo eh!"
Pinisil niya pa ang jacket ko. Thank Goodness! Kahit na naiinis ako kay Nesca at gusto ko siyang sakalin ay pinigilan ko ang sarili ko. Mukhang siya lang din naman ang makatutulong sa mga suliranin ko sa buhay!
"Bakit ngayon mo lang sinabi!" kunwari pa ring galit kong sabi habang hinuhubad ang makapal at kulay itim kong jacket.
"Hindi ka naman kasi nagtatanong."
Kinuha niya ang isang sandwich sa kanyang bag at ibinigay ang isa sa 'kin.
"Kain muna tayo? Hindi ako nakapag-lunch kanina," nakangising alok niya.
"Baliw ka talaga!"
Buong araw kong hawak ang jacket ko para if ever na magkasalubong ang mga landas namin ni Donovan ay madali akong makapagtatago.
Si Nesca naman ang naging look out ko. Hindi naman mahirap hanapin si Donovan dahil sa mga fans na nakapalibot dito.
Kasama niya pa kaya ang mga guwardiya niya? Sana naman ay hindi. Feeling ko, isang pitik lamang ng isa sa 'kin ay mahihimatay na ako.
Harren? Paano mo ako nagawang iwan sa ganitong sitwasyon?
"Ano'ng sabi?" tanong ko kay Nesca matapos magtanong sa isang Dentistry student.
"Wala raw ngayon. Ang sabi niya, baka sa isang araw pa papasok? Hindi siya sure eh!"
"Hay, salamat! Magtanong pa tayo. Ayun! 'Di ba mga Dentistry student 'yon?" turo ko sa kumpol ng mga estudyante sa ilalim ng malaking puno. Gusto ko sanang tanungin si Cheyenne pero alam kong liban ito sa klase ngayon dahil sa kanyang inang may sakit.
Buong araw matapos ang aming klase ay wala kaming ginawa ni Nesca kundi magtanong-tanong tungkol kay Donovan. Ang isa ay sinabing baka raw kapareha niya ito ng schedule kaya naman kinuha namin ang listahan ng schedule niya.
"Thank you ha!" Kumaway si Nesca sa lalaking napagtanungan namin. Imbes na sumagot ay kumindat lang ito sa kanya.
Paglingon niya sa 'kin ay umakto pa itong nasusuka dahil sa ginawa ng lalaki.
"Umay-gad!" pakonyong hiyaw niya bago makalapit sa 'kin. Humagalpak naman ako ng tawa sa ginawa niya.
"Bakit? Lugi ka pa?" pang-iinis ko.
"Juliana, please lang. Huwag ako."
Kumawala ang halakhak ko.
"Bakit? Gwapo naman ang isang 'yon!" dagdag ko.
"At saan banda, aber?!" Pinameywangan niya ako kaya naman tumawa ako ulit nang malakas.
"Nakakainis ka! Bahala ka, hindi ko na ibibigay sa 'yo 'to!" Winagayway niya ang isang papel na laman ang posibleng schedule ni Donovan.
"Ikaw naman, hindi ka mabiro. Halika na! Patingin!" Hinila ko siya sa isang bench na nasa may hindi kalayuan.
Mabilis niya iyong ibinuklat at sabay naming binasa.
"Teka, apat na araw lang ang klase niya?"
"Oo. Monday, Tuesday, Thursday at Friday!"
Nakaramdam ako ng tuwa. Ibig sabihin ay apat na araw lang akong magiging paranoid sa lalaking 'yon!
"Thank you, Nesca!"
"Naku, wala 'yon! Pero teka, hindi pa 'to sure. Kuha pa tayo ng ibang source?" magiliw niyang sabi. Umiling ako.
Palubong na kasi ang araw at siguradong hahanapin ako ni Papa kapag nauna siyang umuwi sa akin.
"Huwag na. Bukas na lang tayo ulit. Kailangan ko na kasing umuwi ngayon. Ikaw ba?"
"Uhm... Pwede ba akong sumama sa 'yo?" she asked.
"Oo naman! Tamang-tama, wala pa akong kasama ngayon!"
"Talaga?! Oh, ano pang hinihintay natin! Halika na, ililibre kita sa tricycle!" masayang sabi ni Nesca.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro