Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Chapter Eight

Universidad De Buenavista


Mabilis natapos ang Summer. Ngayon naman ay abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Tomorrow is my first day at University De Buenavista.

Kasama ko si Cheyenne na mag-enroll doon. Kumuha siya ng Dentistry. Sina Shey at Jecko naman ay parehong Culinary ang kinuhang kurso kaya tuloy nahiwalay ako sa kanilang tatlo.

Huminga ako nang malalim nang matapat ako sa mataas na gate ng University.

My eyes shifted at the newly painted white walls of the building. Parang kailan lang nang sinimulan ang panibagong building na ito at ngayon ay tapos na tapos na.

Nakangiti kong binati ang guwardiya na naroon sa gate one ng University.

"Good morning din!" sagot niya pabalik sa 'kin.

I smiled at him once again. Pagkatapos niyang tingnan ang laman ng bag ko ay dumiretso na ako sa loob. My class was just in the middle of the noisy hallway. Maaga pa naman kaya ang mga estudyante ay halos nasa labas lamang ng kanilang mga silid.

Pumila ako sa likod ng mga taong nasa gilid ng pintuan sa silid ng first class ko. I checked my schedule again just to be sure.

"Hi!" masiglang bati sa 'kin ng isang babaeng kararating lamang at pumila rin sa likuran ko.

"Hello..."

"Nesca nga pala," malawak na ngiting sabi niya.

I bit my lower lip. Parang gusto kong itanong kung Fe ba ang surname niya.

"Juliana―"

"Arevalo," dagdag niya.

Lalo pang lumawak ang kanyang pagngiti. But she just made me feel uneasy. Matalas ang memorya ko pero hindi ko natatandaang may kilala akong Nesca? Fe?

"Paano mo nalaman?" kunot noong tanong ko sa kanya. Iniharap ko rin ang katawan ko sa direksiyon niya.

"Ano ka ba! Same school lang tayo! Ikaw 'yong nanalo noong last sports festival natin bilang muse hindi ba? Ikaw rin 'yong ikinasal kay Harren Castellano sa wedding booth? Tapos―"

"What? Alam mo lahat ng 'yon?!"

Mabilis ko siyang hinila sa gilid ng hallway kung saan may kalayuan sa mga estudyanteng naroon.

"Sorry... Hindi naman sa may pagka-stalker ako. Let's just say, fan girling lang?"

Iniikot-ikot niya sa hintuturo ang isang section ng buhok niya.

"Seriously?"

"O-Oo. Matagal na talaga kitang gustong maging kaibigan. I never had a chance na maging kaklase ka."

"But why?"

Nagkibit-balikat siya.

"Hindi ko alam. Since junior year, ikaw na kasi palagi ang bukambibig ng mga kaklase ko. You were always at the top of the class."

Natigilan ako. Tama naman siya. Ni minsan ay hindi ako nahuhuli sa klase, pero ang hindi ko maintindihan ay ang pagiging sikat ko sa ibang section.

Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero naputol 'yon ng malakas na tunog ng bell.

Buong araw akong lutang at nawe-weirduhan sa mga nalaman ko kay Nesca. Buong araw rin kaming magkasama. Dahil magkaiba ang schedule namin nina Jecko ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makita sila ngayong araw.

Si Harren naman ay nag-text lang sa 'kin na papasok na rin siya sa University na napili niya. Pareho kami ng kinuhang kurso dahil noon pa man ay halos parehas na rin ang mga gusto namin.

Palabas na kami ng school nang hatakin ni Nesca ang kamay ko dahilan para mapahinto rin ako sa paglalakad. Hinigit niya pa ako papunta sa gilid.

"Bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Ang mga mata niya ay nakapako sa hindi kalayuan.

Nakatulala lamang siya roon kaya naman wala sa sariling sinundan ng mga mata ko ang kung anong nagpahinto sa kanya.

"Huwag kang gagalaw, Juliana. Please..." pabulong niyang sabi habang pinipisil pa ang kamay ko.

All I can see are students murmuring. Parang may mga bubuyog na papalapit sa pwesto naming nakasabay sa isang lalaking mayroong mga kasamang bodyguard.

Nakasuot ito ng puting long sleeves at nakatupi hanggang siko. Ang kanyang buhok ay nakaayos din at parang hindi man lang kayang galawin ng hangin.

My lips arched when I saw him wearing an aviator kahit na halos nakalubog na ang araw. What is wrong with these people? Hindi naman siya celebrity. Dahil sino namang artista ang mag-aaral sa lugar na ito?

Nilinga ko ang paligid. Halos lahat ay na-frozen at nakaawang ang mga labi dahil sa dumating na Poncio Pilato. Itatabi pa sana ako ni Nesca pero dahil yata sa pasmado niyang kamay ay dumulas lang ang kamay ko palayo sa kanya.

Hindi ko na siya hinintay pang gumalaw para makaalis na kami sa lugar na 'yon, dahil sa hitsura pa lang niya ay para na siyang naging bato katititig sa lalaking naglalakad patungo sa direksiyon naming dalawa.

I started walking towards the celebrity. Well, I'm not sure pero sa mga nangyayari sa paligid ay gusto ko nang maniwalang sikat siya. Made me cringe.

Kung ang mga nakakasalubong niya ay tumatabi para bigyan siya ng daan, ako naman ay dire-diretso lang sa paglalakad ko.

Just minding my own business.

"Shit!"

"Ayan na ba 'yon?"

"Ang gwapo talaga niya!" halos paulit-ulit na mga bulungan ng mga naroon.

I shrugged it off. Nang magkatapat na kami ay halos sampalin na ako ng nakaliliyong pabango niya! Mas binilisan ko pa ang lakad ko para malampasan ang kumosyon ng mga tao.

"Hey, you!" sigaw ng kung sino sa aking likuran.

Natigilan ako nang makita ang mga kasalubong kong nakatitig lang sa 'kin. Ang isa ay inginuso pa ang nasa likuran ko na halatang tensiyonado.

"You!" sigaw niyang muli.

"Juliana!" natatarantang sigaw ni Nesca na ngayon ay nakalapit na sa kinaroroonan ko.

Kumunot ang noo ko nang lingunin ko ang lalaki kanina na ngayon ay nakaharap sa 'kin kasama ang tatlo niyang bodyguard.

Biglang tumambol nang malakas ang dibdib ko nang makita ang marahang paglapit nito sa kinaroroonan ko. Naputol ang paghinga ko nang tanggalin niya ang kanyang salamin.

Nesca gripped my sling bag na para bang sinasabing tumakbo na kami papalayo sa lugar na 'yon.

"What is your name?" tanong niya nang makalapit na nang tuluyan sa amin.

Imbes na sagutin siya ay tumaas lang ang kilay ko. Who does he think he is para astahan ako nang ganito?

"Bingi ka ba?" inis na turan niya sa slang na tono.

He sounded like an American with that accent. Mas lalong lumakas ang mga bulung-bulungan nang banggitin niya ang huling tanong.

My fist clenched.

"Juliana, tara na," bulong ni Nesca sa garalgal na boses.

Bumaling sa kanya ang lalaking nasa harapan namin.

"And who are you?" Yumuko si Nesca.

"Sorry... K-Kung may nagawa man kami ni Juliana. Aalis na lang kami. Pasensiya na..."

"Hindi, Nesca! Why are you apologizing? Wala naman tayong ginawa sa hambog na 'to!"

Nag-igting ang panga ng lalaking nasa harapan ko. Naningkit lalo ang kanyang mga mata. Yeah, ganyan. Bwisit ka! Ang kapal ng mukha! Akala mo, kung sino!

"Are you serious? Hindi mo ba alam kung sino ako?!" inis na bulyaw niya sa 'kin.

"Hoy! Wala akong balak malaman kung sino ka. Kung sino 'yang three musketeers mo, at kung saang lupalop ka ng mundo galing!"

Sinulyapan ko si Nesca na panay ang kalabit sa 'kin. Namumutla na rin ito na para bang anytime ay bigla na lang babagsak sa school ground. Bago pa mangyari 'yon ay padabog ko na siyang hinila paalis doon.

Kahit na kinakabahan ay pinilit kong hilahin si Nesca papalayo sa lalaking akala mo'y kanya ang unibersidad na pinapasukan ko.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang matanaw ko na ang mga ilaw ng tricycle na nag-aabang sa labas ng University. Kung sana nandito lang si Harren, sigurado akong ipagtatanggol ako no'n!

"Juliana, muntik na tayo roon!" hiyaw ni Nesca nang sa wakas ay makalabas na kami.

Parang bigla akong natauhan sa ginawa ko. Ako ba talaga 'yon? Bakit ngayon ay parang nakararamdam ako ng takot?

"Muntik saan?" kunwaring walang ideyang tanong ko.

"Doon kay Donovan!" muli niyang hiyaw.

Who cares?" balewalang tanong ko ulit sa kanya. Naglalakad na kami papalapit sa sakayan ng tricycle nang harangan niya ang dinaraanan ko.

"Hindi mo alam?!"

"Nesca, can you please speak like a normal person? Wala akong pakialam kung sino ang Donovan na 'yon. Artista ba siya? Kasi kung oo, bakit ni minsan ay hindi―"

"Donovan Lerus Abarca the third!" putol niya sa sasabihin ko.

Ang kaninang sarkatisko kong awra ay napalitan ng pagkalito.

"Ano?!"

"Juliana, siya ang apo ni Mr. Belarus na ngayon ay nakatira sa mansyon. Bakit hindi mo alam? Usap-usapan na 'yon nitong mga nakaraang linggo."

Now it's my turn to be pale! Nagbibiro ba siya? Mukha ba akong may ideya kung sino 'yon?! Kung alam ko lang na siya pala ang tagapag-manang apo ng mga Abarca ay ginaya ko na lang ang mga schoolmate ko kanina sa pagtabi at pagbibigay daan sa kanya!

Now what, Juliana? I can see my guardian angel shaking his head off. Nakakahiya!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro